You are on page 1of 1

PASKONG PINOY SA CHRISTMAS AD NG DISNEY, UMANTIG SA PUSO NG MGA

NETIZENS.

Agaw eksena ngayon sa social media kalalabas lamang na Christmas advertisement ng Disney
kung saan masasalamin ang Paskong Pinoy. Ang pamagat ng short film na ito ay "From our
Family to Yours" na nagpakita ng kasiyahan tuwing sasapit ang Kapaskuhan sa Pilipinas.

Sa unang eksena pa lang na sinabing taong 19400 ginanap, makikita ang makukulay sa parol
sa bawat tahanan at kalsada. Makikita rin tradisyong pagsisimban gabi at ang pagbibigay ng
mahalagang regalo sa ating mahal sa buhay. Sa tagpong iyon, isang laruang 'Mickey Mouse' na
ang ibinigay ng ama sa bata. Nangangahulugan lamang na ang karakter na ito ay mahal na ng
mga bata noon pa man. 

Emosyonal ang tagpong ito dahil kahit nasa ibang bansa na ang mag-lola, ipinakitang nadama
pa rin ng matanda ang Kapaskuhan sa Pilipinas dahil sa kanyang apo. 

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na naging emosyonal matapos na mapanood
ang Christmas ad na ito: 

"Thanks Disney for this Pinoy themed Xmas. This give Pinoys hope in this time of pandemic.
Keep safe everyone." 

“Nakakataba naman ito ng puso, Paskong Pinoy pa talaga ang napili ng Disney." 

"Hindi ko namamalayan humahagulhol na pala ako. Paskong Pilipino po ito, nakaka-proud" 

"Pinakamahabang Pasko po sa Pilipinas kaya naman napakahalaga ng panahong ito sa mga


Pilipino, Tuloy ang pasko kahit may pandemya, tuloy ang saya" 

"Excited pa rin akong mag-Pasko kahit hindi na ganito kagulo ang mga kalsada dahil sa
pandemya. Nakaka-miss" 

You might also like