You are on page 1of 2

Kapatid, mapalad ka at iyong pasalamatan.

 
Kalusugan mo'y pangalagaan. 
Ipalaganap ang kapayapaan. 
Salah ay wag kaligtaan. 
Sujood mo'y gawing makabuluhan. 
... 
Kapatid, itanong sa iyong sarili. 
Kailan ba magsisisi? 
Ano ba ang dapat na gawi? 
Sino ba ang aking kakampi? 
Paano ba ako magwawagi? 
 
Kailan mo ba mapagtatanto? 
Ika'y nakakubli sa sulok na magulo. 
Isip, puso't gawain mo'y gulong-gulo. 
Kapatid, halina't simulan mo. 
Magbago't simulan mo ng may A'udho. 
 
Ano ba ang gusto mong mangyari? 
Ibadah mo'y di' mo mapanatili. 
Pagsamba mo'y laging nahuhuli. 
Kapatid, imulat ating mga mata sa dapat na mangyari. 
Gawin ang siyang makalulugod sa natatanging Hari. 
 
Sino ba ang nararapat na bigyang halaga? 
Mabubuting gawa'y pinagpa walang bahala. 
Tuluyan mong nakalimutan iyong natatanging kasangga. 
Kapatid, Saalihal 'Amal atin ng pagyamanin pa. 
Malakal Mawt ay salubungin ng may paghahanda. 
 
Paano mo masasabing ika'y nagtagumpay? 
Kung pagsasalah mo'y nawawalan ng saysay. 
At sa facebook nama'y lagi kang nakasubaybay. 
Kapatid, tigilan ang mga ganyang bagay. 
Qur'an at sunnah ating sundin habang may buhay. 
 
Kapatid, sa Social Media lagi kang in. 
Tutok din sa mga makamundong gawain. 
Tanong ko sana'y iyong tanggapin, 
Pagmuni-munihan at damhin. 
Ibadah mo ba'y napagtutuunan mo ng pansin? 
 
Kapatid, mundo nati'y napapalibutan ng fitna. 
Fitna sa tao, bagay, pera at kahit ano na. 
Maging alerto ka kapatid sa agama. 
Mga bagay dito sa dunya'y pansamantala. 
Laging isa-isip mga gawaing para sa Akhirah. 
 
Kapatid, lahat tayo'y nagkasala kay Allah. 
Sambitin at isabuhay ang Astaghfirullah. 
Ang ipinanganak na islam ay Alhamdulillah. 
Ang kagandahan nito'y MaashaaAllah. 
Lahat ng ito'y mawawalan ng saysay kung walang Laa illaha illaAllah. 
... 
Kapatid, biyaya ng Maykapal iyong pasalamatan. 
Buhay na iginawad iyong pangalagaan. 
Relihiyong nakagisnan ay kapayapaan. 
Pagsamba sa Tagapaglikha'y 'wag kaligtaan. 
Pagiging Muslim mo'y gawing makabuluhan. 

You might also like