You are on page 1of 1

LODLOD

Taon ng 1865, nakilala ang mayabong na Barangay ng Lodlod bilang isa sa mga
barangay na nasasakupan ng Lungsod ng Lipa. Ayon sa matatanda, ang orihinal na pangalan nito
ay “Malalim na Gulod-Gulod”. Nakuha ang pangalan nang maghukay ang isang lalaki ng balon
sa mababang parte ng lugar upang makakuha ng sapat ng tubig. Dahil rito, nakilala ang lugar
bilang “Malalim na Gulod-Gulod” hanggang sa ito ay paikliin at kinalaunang tinawag na
“LodLod” na ayon sa matatanda ay sinaunang salita para sa “BALON”.

Ang Barangay LodLod ay humigit kumulang 4 kilometro mula sa kabayanan ng Lungsod


ng Lipa. Ito ay may kabuuang lawak na 236.622 na lupain.

Dahil sa matabang lupa na mayroon ang Barangay Lodlod, pagsasaka ang naging
pangunahing hanapbuhay dito. Masagana ang nayon sa mga produkto katulad ng tubo, kape,
mais, at iba pa. Lumipas ang panahon, marami ang nagpasiyang mamuhunan sa pag-aalaga ng
manok at baboy. Natutunan din nilang pumasok sa negosyo katulad ng tahian at iba pa. Sa
kasalukuyan, ang Barangay Lodlod ay kilala bilang isa sa pinakmayamang Barangay sa Lungsod
ng Lipa.

You might also like