You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Division of Davao del Sur
SANTA CRUZ SOUTH DISTRICT
SANTA CRUZ CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
SY : 2020-2021
1st Quarter Assessment sa EPP 5
ICT/ENTREPRENEURSHIP 5

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ang Guro ay serbisyong sector na nabibilang sa ____________?
a. Propesyunal b. Teknikal c. Skilled
_____ 2. Sa anong serbisyong sector naman nabibilang ang isang Computer programmer?
a. Propesyunal b. Teknikal c. Skilled
_____ 3. Ang ama/tatay ni Trisha ay isang sastre o mananahi. Anong serbisyong sector nabibilang ang kanyang
Ama? a. Propesyunal b. Teknikal c. Skilled
_____ 4. ___________ ay ang paglilingkod ,pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na may
kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at pangangailangan sa pamayanan.
a. Serbisyo b. Teknikal c. propesyunal
_____ 5. Ito ay isang programang ginagamit upang maghanap ng dokumento gamit ang isang
keyword o salita. a. Search Engine b. Search Defult at ipamahagi ito c. Search Programme
_____ 6. Ang sumusunod ay halimbawa ng Search Engine maliban sa isa. Alin ang hindi halimbawa?
a.Google b. Yahoo c. Microsoft Word.
_____ 7. Ang Chat ay isang “____________ communication” ng mga tao sa internet. Anong salita ang nasa
patlang? a. online b. offline c. in-line
_____ 8. Inutusan si Mj ng kanyang ina na bumili ng mantika sa tindahan gayong nakikipag-chat pa siya sa
kanyang ama sa ibang bansa. Agad naman niya itong sinunod. Paano niya malalaman kung mayroon siyang
bagong mensahe at ilan ito? a. makakatanggap siya ng notification na mayroong bagong mensahe at kung ilan
ito. b. tatawagan na lamang niya ang kanyang ama kung may bago itong mensahe.
c. pababantayan sa ina habang siya ay bumibili.
_____ 9. Habang nakikipag-usap sa isang furom, saglit na gumamit ng palikuran si Princess. Pagbalik niya ay
marami ng napag-usapan ang iba pang kalahok sa forum. Paano niya malalaman kung alin sa mga ito ang di
niya nababasa? a. Muli na lamang niyang balikan at basahin ang simula ng usapan.
b. mapapansin ang ibang sulat at kulay mula sa mga mensahe na nabasa.
c. magtanong na lamang muli sa paksa kahit di nabasa ang mga naunang mensahe.
_____ 10. Inutusan si Cassandra ng kanyang in ana bumili ng mantika sa tindahan gayong nakikipagchat pa
siyan sa kanyang ama na nasa ibang bansa. Agad naman niya itong sinunod. Paano niya malalaman kung
mayroon siyang bagong mensahe at ilan ito? a. Makakatanggap siya ng notification na mayroong
bagong mensahe at kung ilan ito. b. tatawagan lamang niya ang kanyang ama kung may bago itong
mensahe c. Pababantayan sa ina habang bumubili.
_____ 11. Masama ang panahon sa inyong lugar at nais mong malaman ang lagay ng panahon. Aling website
ang maari niyang makapagkatiwalaan? a. www.weder-weder.com b. www.panahon.com
c. www.pag-asa.dost.gov.ph
_____ 12. Magsaliksik si James tungkol sa pag-uugali at kilos ng mga hayop sa gubat. Aling website ang maari
niyang mapagkatiwalaan? a. https://en.wikipedia.org b. animalsbehavior.stu c. www.animals.planet.com
_____ 13. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang dapat pagkatiwalaan?
a. may awtor at petsa ng pagkakalathala b. larawan at video c. may .com ang url
_____ 14. Nagbabasa ka ng impormasyon sa isang website ngunit nakiusap ang iyong ama na kung maari
muna niyang gamitin ang computer gayong di ka pa tapos magbasa. Ano ang dapat gawin?
a. makiusap sa ama na tatapusin mom una ang pagbasa
b. ipaubaya sa ama ang paggamit ng computer at i-bookmark na lamang ang webpage
c. huwag pagbigyan ang mama at sabihing mahalaga ang iyong ginagawa.
_____ 15. Lumaganap ang Corona Virus sa ibat-ibang bansa maging sa ilang bahagi ng Pilipinas. Dahil sa
kuryusidad, nagbasa ng impormasyon si Kate tungkol sa Corona Virus sa internet. Paano niya malaman kung
may kalidad at napapanahon sa impormasyon na kanyang nabasa? a. Sa pamamagitan ng pagtingin sa petsa
ng paglalathala. b. Sa pamamagitan ng kaalaman sa pagsulat ng isang impormasyon at talata.
c. sa pamamagitan ng pagtatanong sa nakakatanda
_____ 16. Nais himingi ng kopya ng dokumento ang iyong pinsan mula sa iyong laptop. Ibinigay niya ang
kanyang USB upang doon mo ilipat ang dokumento. Ano ang uang dapat gawin?
a. punasan ng malinis na basahan ang USB b. i-scan ang USB bago buksan c.i-scan ang laptop bago gamitin
______ 17. Nasa USB ni Carlo ang ipapamahaging dokumento para sa kanyang mga kamiyembro na iuulat sa
isang asignatura. Ano ang dapat niyang siguraduhin bago ipamahagi ang dokumento?
a. siguraduhing malinis ang USB b. siguraduhing lahat ay mabibigyan c. siguraduhing walang virus ang USB
______ 18. Ang mamahaling USB o Removable Hard Disk ay di napapasok ng anumang virus.
a. tama b. mali c. possible
______ 19. Pinag-uusapan sa discussion forum na nilalahukan ni Shaira ang mga likhang sining na tunay na
malikhain ang pagkakagawa. Nag-attach ng larawan si Shaira ng likhang sining na kinuha lamang niya sa
internet at sinabing ito ay mismong gawa niya.
a. tama ang lanyang ginawa upang humanga sakanya ang mga lumahok sa discussion forum.
b. mali ang kanyang ginawa sapagkat maaari rin siyang mabuko ng mga ito kapag Makita sa internet.
c. mali ang kanyang ginawa sapagkat ito ay di niya pag-aari o di siya ang gumawa.
______ 20. Galit si Kurt sa taong kausap niya sa chat. Ano ang dapat gawin?
a. magpadala ng mensahe na maaaring makasira sa ka-chat.
b. iwasang magpadala ng mensahe na makakapanakit ng iba.
c. magpadala ng mensahe na kalinisan ng ka-chat.
______ 21. Si Daniel ay mamamahagi ng isang teksto o sanaysay mula sa internet na kailangan nila sa pag-
uulat sa isang asignatura. Ano ang dapat niyang siguraduhin bago ipamahagi ang dokumento?
a. may pangalan ng may-ari ng dokumento at walang mapanirang bahagi sa makakatanggap nito.
b. mayroong larawan upang higit na maintindihan ng tatanggap.
c. mas mainam na mayroong video upang mas madaling maintindihan.
______ 22. Ito ay paraang nakapag-uusap at nakapagsasagutan ang maraming tao at nagpapalitan ng
mensahe sa pamamagitan ng mga teksto.
a. forum b. Chat room c. video calling
______ 23. Anong gagawin mo kung hindi sumasagot ang isang tao sa chat?
a. Itigil ang pagpapadala ng mensahe b. Ipagpatuloy ang pagpapadala ng mensahe c.
Tadtarin ng mensahe ang taong di sumasagot.
______ 24. Pinaggagawa si Mel ng kanyang guro ng isang maikling reaksyon tungkol sa bagong pangulo ng
bansa gamit ang computer. Alin ang angkop na dapat gamitin ni Mel?
a. excel b. powerpoint c. word processing tool
______ 25. Magpapadala ng mensahe si Anton sa kanyang ama na nasa Canada. Aling search engine ang
pinakaangkop na gamitin?
a. Google b. Yahoo c. Bing
______ 26. Kung ang “+” ay ginagamit sa formula para sa addition. Alin naman ang division?
a. / b. x c. *
______ 27. Nais ni Andrew magtayo ng negosyo kung saan magtitinda siya ng iba’t ibang produkto. Ano ang
dapat niyang isaalang-alang?
a. pangangailangan ng mga tao sa pamayanan na pagtatayuan ng negosyo
b. lihim na suriin ang paraan ng pagnenegosyo ng ibang negosyante sa pamayanan
c. alamin sa sarili ang mga pangangailangan at tiyak na ito rin ang pangangailangan ng mga tao sa paligid
______ 28. Malapit ng magsimula ang pasukan. Alin sa mga sumusunod ang mga produktong dapat idagdag ni
aling Susan sa kanyang tindahan?
a. damit panlangoy b. kandila, flashlight, at posporo c. kwaderno, papel, lapis, pangkulay, pandikit
______ 29. Si Philip ay nagtitinda ng mga fishball, kikiam, at halo-halo sa labas ng kanilang bahay upang
magkaroon nng dagdag na kita. Anong uri ng produkto ang itinitinda ni Monica?
a. durable goods b. non-durable goods c. cheap goods
______ 30. Di napapagod si Rina na baybayin ang bahay-bahay sa kanilang barangay upang mag-alok ng
manicure-pedicure. Anong uri ng pagkakakitaan ang napili ni Rina?
a. parlor b. produkto c. serbisyo
______ 31. Nais magtayo ng karinderya ni Aling Jocelyn sapagkat di na sapat sa kanilang pamilya ang kinikita
ng kanyang asawa sap ag-oopisina. Alin ang isa sa dapat isipin ni Aling Jocelyn bago magtayo ng negosyo?
a. kung kaninong restawran siya magpipirata ng tagapagluto b. isipin ang lugar na
pagpupuwestohan ng karinderya c. isipin agad kung magkano ang maaaring kitain sa isang buwan at
planuhin ang mga bibilhin sa kinitang pera.
______ 32. Nais magtinda ni Sophia ng mga damit at sapatos sa kanilang lugar dahil ito ay patok sa kanila
sapagkat kakaunti pa lamang ang nagtatayo ng ganoong uri ng negosyo. Ano ang dapat niyang gawin?
a. huwag nang ipagpatuloy ang binabalak sapagkat mayroon ng kakumpetensya.
b. bumuo ng angkop na istratehiya sa pagbebenta at dagdagan ang produkto.
c. mag-isip na lamang ng ibang ititinda upang masigurado ang malaking kita.
______ 33. Namili ng mga shampoo, sabon, lotion, conditioner, si Rhea para sa kanyang tindahan. Kaninong
pangangailangan kaya ang mga nabanggit na produkto?
a. para sa mga kababaihan b. para sa mga nagdadalaga ang nagbibinata c. para sa lahat
______ 34. Napansin ni Jhojana ang isang bagong tayong parlor sa kanilang lugar. Sino kaya ang maaaring
nangangailangan ng ganitong serbisyo?
a. mga dalaga at ina b. bata mula 5 taong hanggang 8 c. mga sanggol
______ 35. Si Jean at John ay magkasosyo sa kanilang itinitindang mga suka, patis, suman, at halayang ube sa
kanilang pamayanan. Ano ang kinakailagan upang makapagbigay ng maayos na paglilingkod at kasiyahan sa
customer ang dalawa?
a. mahalagang mayroong personal touch b. mahalagang gumamit ng mamahaling sangkap upang
magkaroon ng kalidad ang produkto. c. mahalagang paghatian nang tama ang kita mula sa itinitindang
produkto
______ 36. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagkakakitaan sa pamayanan na malapit sa tabing dagat?
a. pagtitinda ng mga swimwear at sunblock b. pagtitinda ng mga boots, jacket, at kapote c. pagtitinda
ng mga gadgets
______ 37. Sa panahon ngayon na mabilis ang pag-unlad sa teknolohiya, alin ang mabilis na pagkakakitaan o
angkop na pagkakakitaan?
a. pagbebenta ng mga timba, palanggana, baso, pistel, at iba pang yari sa plastic
b. pagtitinda ng mga accessories sa cellphone, tablet, at laptop
c. pagtitinda ng lumang damit, sapatos, at bag
______ 38. Mayroong resort ang iyong tiyahin na kilala sa inyong lugar. Ano ang angkop na pagkakakitaan sa
lugar?
a. pagbebenta ng souvenir items b. pag-aalok ng mga bahay at lupa c. pamumuhuan sa stock market
______ 39. Si Lorna ay masarap magluto ng suman at iba pang kakanin. Paano kaya niya ito mabilis na
maibebenta sa kanilang lugar?
a. sa pamamagitan ng online selling b. sa pamamagitan ng pag-alok c. sa pamamagitan ng paglalako
______ 40. Kakaunti lamang ang customer na napapadpad sa puwesto ni Nica kung saan nagtitinda siya ng
mga bag at sapatos. Anong hakbang o pinakamabisang paraan ang dapat niyang gawin upang mabilis siyang
makapagbenta?
a. online selling b. paglalako c. pag-aalok

God bless you !!!

You might also like