You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL

IKATLONG MARKAHAN
Ikaapat na Sumatibong Pagsusulit
ESP 5

PANGALAN: ____________________________ BAITANG AT SEKSYON: ____________ MARKA: __________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Nakita mong maraming naipong mga bote, dyaryo, plastik ang iyong nanay sa inyong likod bahay? Ano ang
gagawin mo?
a. Tatanungin ang ina kung para saan ang mga naipong bagay
b. Ilalagay sa sako at itatapon sa kalsada ang mga naipong bagay
c. Paglalaruan at ikakalat sa loob ng bahay ang mga naipong bagay
d. Paglalaruan at tsaka susunugin ang mga naipong bagay dahil basura na ito

_____2. Naglunsad ang inyong Punong Barangay ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa
kani- kanilang bakuran. Bilang isa sa kinatawan ng kabataan sa inyong lugar, ano ang nararapat mong gawin?
a. Hindi sasali sa proyekto dahil mapapagod lamang sa pagtatanim
b. Makiisa at hihikayatin ang iba pa na lumahok sa nasabing proyekto
c. Magti Tik-Tok maghapon kasama ang mga kaibigan kaysa magtanim
d. Magkukunwaring walang alam sa proyektong inilunsad ng Punong Barangay

_____3. Nagbakasyon ka sa iyong tiyo at tiya sa probinsya. Isang araw, narinig mo ang tiyuhin mo na inuutusan ang isa
niyang tauhan na sunugin ang mga lumang gulong na nakatambak sa bakuran. Naalala mo ang sinabi ng inyong guro na
may masamang epekto ito sa kapaligiran lalong higit sa kalusugan ng mga tao. Ano ang gagawin mo?
a. Magsasawalang kibo na lamang upang hindi mapagalitan
b. Hahayaan ang tiyuhin at ang tauhan nito sa kanilang maling gagawin
c. Sasamahan ang tauhan ng tiyuhin na sunugin ang mga lumang gulong
d. Makikiusap sa tiyuhin at ipauunawa ang masamang epektong maaaring idulot nito

_____4. Habang naglalakad ka pauwi ng bahay ay nakita mo ang isang grupo ng kabataan na may dala-dalang mga sako
ng basura at akmang itatapon ito sa ilog malapit sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
a. Kukunin sa mga bata ang sako ng basura at itatapon sa ilog
b. Aawayin ang mga bata dahil hindi tama ang kanilang gagawin
c. Pipigilan at ipauunawa sa mga bata na mali ang kanilang gagawin
d. Panonoorin ang mga bata habang itinatapon ang mga basura sa ilog

_____5. Pangulo ka ng YES-O sa inyong paaralan. Nag-iisip ka ng isang magandang proyektong makatutulong sa
pagpapanatili ng kagandahan at kalinisan sa paaralan. Nakita mong maluwang pa ang likurang bahagi ng inyong paaralan
at walang gaanong nakatanim dito. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
a. Tatawagin ang dyanitor ng paaralan at ito ang pagtatanimin
b. Hahayaang walang nakatanim sa likurang bahagi ng paaralan
c. Uutusan ang lahat ng mag-aaral na magkalat sa bakuran ng paaralan
d. Hihingin ang pahintulot ng mga guro na makapagtanim sa likurang bahagi ng paaraalan

_____6. Ito ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta ang mga computer o grupo ng mga
computer na dumadaan sa ibat-ibang klase ng telekomunikasyon.
a. internet b. website c. facebook d. messenger

_____7. Ito ay isang koleksyon ng mga access sa publiko, nakalink na mga pahina ng web na nagbabahagi ng isang
solong pangalan ng domain.
a. internet b. website c. facebook d. messenger
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL

_____8. Ito ay social networking website na libre ang pagsali at pag-aari ng Facebook, Inc..
a. internet b. website c. facebook d. messenger

_____9. Ito ay isang aplikasyon na dinadownload sa cellphone upang makapagbigay ng mensahe sa kausap.
a. internet b. website c. facebook d. messenger

_____10. Ito ay digital media, karaniwang audio, na magagamit sa isang serye ng mga episode o bahagi at nai-stream o
nai-download ng
end user sa internet.
a. podcast b.multimedia c.animation d.google meet

_____11. Ito ay anumang uri ng computer o iba pang impormasyong pang-teknolohikal at materyal na maaring ipakita sa
pamamagitan ng mga imahe, graphics, drawings, video, o animation.
a. podcast b.multimedia c.animation d.google meet

_____12. Ito ay ang pagmamanipula sa mga larawan o pigura para pagmukhain na gumagalaw ang mga ito. Isa itong
ilusyong optikal.
a. podcast b.multimedia c.animation d.google meet

_____13. Ito ay isang uri ng makabagong browser upang makagawa o makapagpasimula ng secure na video meeting.
a. podcast b.multimedia c.animation d.google meet

_____14. Ito ay mga imahe na nilikha sa pamamagitan ng computer.


a. computer graphics b.hypermedia c.animation d.google meet

_____15. Ito ay nangangahulugang pag-convert ng mga graphics, audio, video animation sa tulong ng isang programming
tool.
a. computer graphics b.hypermedia c.animation d.google meet

_____16. Naglunsad ng proyektong “Basura Mo, Ibukod Mo, Plastik Ibenta Mo” sa inyong barangay. Layunin nito na
maging malinis ang paligid at kumita pa sa mga plastik na maaaring ibenta at mapakinabangan. Habang naglalakad kayong
magkakaibigan ay umiinom ang mga kaibigan mo ng bottled softdrinks. Pagkaubos nito ay itinapon lamang nila ito sa gilid
ng kalsada. Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pakikikisa sa proyekto ng inyong barangay?

A. Hahayaan ko lamang sila sa kanilang ginawa. Baka magalit pa sila kapag pinagsabihan ko.
B. Hindi ko sila papansinin kung gusto nilang duon itapon ang kanilang pinag-inuman.
C. Sasabihan sila na pulutin at itapon sa basurahan ang kanilang pinag-inumang bote.
D. Umayon sa kanilang ginawa at huwag silang pakialaman para walng samaan ng loob.

_____17. Isa sa problemang kinakaharap ng ating bansa at buong daigdig ay ang paglaganap ng COVID-19. Upang
maiwasan ang mabilis na hawahan ng virus, ipinatutupad sa lahat na magsuot ng face mask, face shield, panatilihin ang
social distancing at madalas na maghugas ng kamay lalo na kung aalis ng bahay. Pumunta si Aling Tinay sa palengke
upang mamili ng kanilang pagkain sa loob ng isang linggo. Habang siya ay namimili sa tindahan ng karneng baboy,
tinanggal ng tindera ang kaniyang facemask. Ano ang dapat gawin ni Aling Tinay?
A. Hindi na bibili sa tindera at sabihing nagbago na ang isip.
B. Bibili pa rin kahit walang face mask ang tindera.
C. Huwag pansinin ang tindera dahil naka-face mask naman.
D. Ipasusuot sa tindera ang face mask para sa kaligtasan ng lahat.

_____18. Isa sa mga suliranin ng bansa ay ang polusyon sa hangin. Kaya naglunsad ang ating pamahalaan ng mga
programa para sa ikalilinis ng hangin. Hinihikayat ng pamahalaan na gumamit ng sasakyan na may makinang Euro 4 ang
gamit na gasolina para hindi makadagdag sa polusyon. Bibili ng bagong sasakyan ang iyong ama. Ano ang maibibigay
mong suhestiyon sa iyong ama bago siya bumili ng sasakyan?

A. Sasabihin ko sa kaniya na bahala siya kung ano ang gusto niyang bilhing sasakyan.
B. Sasabihin ko sa kaniya na piliin yung pinakamaganda at pinakamahal na sasakyan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL

C. Sasabihin ko sa kaniya na mas mainam bilhin ang sasakyan na may makinang Euro 4 dahil ito ay nakatutulong
sa pagbawas ng polusyon sa hangin.
D. Sasabihin ko sa kaniya na mas mainam pa rin bilhin ang mga sasakyang dati nang ginagamit.

_____19. Si Tony ay napasok sa bagong trabaho. Magsisimula na siya sa Lunes kaya minabuti niyang mamili ng gamit na
isusuot niya tulad ng damit, bag at sapatos. Pumunta siya sa mall upang bumili ng sapatos at damit. Nakita niya ang
imported brand ng sapatos. Nagandahan siya at gustong-gusto niya ito ngunit may kamahalan ang halaga. May nakita din
siya na magandang sapatos, gawang Marikina, maganda at mura pa. Alin ang dapat bilhin ni Tony? Bakit?

A. Imported na sapatos. Dahil kilala ang brand na ito hindi lamang sa atin bansa kundi sa ibang bansa.
B. Sapatos na gawang Marikina. Dahil ito ay subok na matibay at gawa ng ating kababayan.
C. Sapatos na gawang Marikina. Malaki ang matitipid niya dito dahil very affordable ito .
D. Pareho niyang bilhin upang hindi na siya mahirapan mag-isip.

_____20. Si Christian ay isang matalinong mag-aaral kaya noong siya ay pumasok sa kolehiyo, naging iskolar siya ng
pamahalaan. Kinuha niya ang kursong medisina dahil nakita niya ang kakulangan ng mga doktor sa ating bansa lalo’t higit
yung tututok sa mga kababayan nating Pilipino sa liblib na lugar na nangangailangan ng tulong medikal. Nakatapos si
Christian ng pag-aaral at nakapasa agad sa Physician Licensure Examination. Maraming nag-aalok sa kanya ng trabaho,
mga pribadong ospital dito at sa ibang bansa. Ano ang mabuting gawin ni Christian?

A. Tanggapin ang inaalok na trabaho sa ibang bansa dahil malaki ang magiging sweldo nya roon.
B. Tanggapin ang trabahong inaalok ng isang pribadong ospital sa ating bansa dahil malaki rin ang sweldo.
C. Pumasok sa ospital ng gobyerno at maglingkod sa mga kababayan na nasa liblib na lugar na nangangailangan
ng tulong medikal.
D. Pumasok sa ospital ng gobyerno at maglingkod nang isang taon lamang.

_____21. Nagtayo ng tindahan ang iyong kaibigan. Puro gawang Pilipino ang kanyang itinitinda. Mahilig ka sa sapatos at
puro mamahalin ang lagi mong binibili sa mall. Bibili ka ba sa tindahan ng iyong kaibigan? Bakit?

A. Opo, Bibili ako dahil kaibigan ko siya kahit hindi ko gaanong gusto ang kaniyang paninda.
B. Hindi po, dahil hindi imported ang kanyang paninda.
C. Opo, dahil po gusto kong tangkilikin ang mga gawang Pilipino para makatulong sa ekonomiya ng bansa.
D. Hindi po, baka kasi puro mumurahin ang kaniyang paninda.

_____22. May karatulang nakalagay sa tabi ng ilog na “ Bawal magtapon ng basura sa ilog, Ibalik ang kagandahan at
kalinisan nito”. Malapit dito ang bahay ninyo. Noong araw na iyon ay walang kumuha ng inyong basura dahil nasira ang
truck ng basura na nangongolekta sa inyong barangay. Nangangamoy na ang inyong basura. Ano ang gagawin mo sa
basurang nabubulok?

A. Hahayaan ko lang mangamoy at mabulok ang aming basura kaysa itapon ito sa ilog.
B. Hihintayin kong dumating ang kumukuha ng basura kahit sa isang linggo pa sila dumating.
C. Huhukay ako sa likod bahay ng compost pit para doon ko ibabaon ang aming basura.
D. Itatapon ko ang aming basura sa ilog kapag walang nakakakita upang hindi ako mahuli.

_____23. Isa sa kinakaharap na suliranin ng ating bansa at buong mundo ang pagkalat ng COVID 19 virus. Mabilis itong
kumalat, kaya pinag-iingat tayo ng ating pamahalaan. Laging pinapaalala na laging magsuot ng face mask, face shield, at
sundin ang social distancing at gawin ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon. Aalis ka ng bahay dahil
mayroon kang bibilhin. Susundin mo ba ang mga paalala ng pamahalaan?

A. Opo, dahil ayaw kong magkaroon at mahawaan ng COVID 19 virus.


B. Opo, pero kapag pinagpawisan ang aking mukha ay tatanggalin ko na ang face mask ko.
C. Hindi po. Dahil ang pagiispray ng alcohol sa kamay ay sapat na.
D. Hindi po. Sigurado naman ako na hindi ako magkakaroon ng COVID 19 virus dahil malakas ang aking katawan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL

_____24. Ayon sa ating pamahalaan, malapit nang dumating ang bakuna laban sa COVID 19 virus. Isa si Mang
Teroy sa nakalista sa mga babakunahan sa barangay. Ngunit nagdadalawang isip si Mang Teroy. Baka raw hindi ito
mabisa at maging dahilan ito ng kaniyang maagang pagkamatay. Ano ang maipapayo mo kay Mang Teroy?

A. Sasabihin ko sa kaniya na huwag na siyang magpabakuna dahil hindi naman ito mabisa.
B. Sasabihin ko sa kaniya na magpabakuna siya dahil ito ay magiging pananggalang laban sa COVID 19 at
siguradong ligtas itong gamitin.
C. Sasabihin ko sa kaniya na magpabakuna siya kapag ito ay libre at kung bibigyan pa siya ng
pamahalaan ng allowance.
D. Sasabihin ko na huwag siyang pumayag agad at pag-isipan muna itong mabuti.

_____25. Ang iyong guro ay may panawagan sa inyo na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ullyses. Magsasagawa
raw ng “Give a Help Project”. Maaari kayong magdonate ng mga damit, delata, kulambo, banig at iba pa. Marami kang
damit na minsan mo pa lamang naisusuot. Ibibigay mo ba ito sa proyekto ng iyong guro? Bakit?

A. Hindi po, dahil mga bago pa ang aking damit at minsan ko pa lamang ito naisususot..
B. Opo, dahil higit nila itong kailangan. Napakahirap para sa kanila ang wala man lamang damit na maisusuot.
C. Hindi po, sa iba na lang manghingi ang aking guro dahil wala akong maibibigay.
D. Opo, ngunit ilang damit lamang ang aking ibibigay para sa proyekto ng aming guro.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL

IKATLONG MARKAHAN
Ikaapat na Sumatibong Pagsusulit
ESP 5
TALAAN NG ESPISIPIKASYON
KINALALAGYAN NG AYTEM
MADALI (60%) KATAMTAMAN MAHIRAP
(30%) (10%) Kabuu
NILALAMAN ang

EBALWASYON
(Competency Layunin Subtask Bilang

PAGLALAPAT
PAG-UNAWA

PAGSUSURI

PAGLILIKHA
PAG-ALALA
Code) nga
Aytem

Natutukoy ang mga


paraan kung paano
makatutulong sa
pagpapatupad ng
mga batas.

EsP5P – IIIh - 30 1-5


Nailalahad kung
paano makatutulong
sa mga kampanya
sa pagpapatupad ng
mga batas para sa
kabutihan ng lahat.
Nabibigyang halaga
ang paglikha ng
proyekto na
makatutulong sa
pagpapatupad ng
mga batas para sa
kalinisan, kaligtasan,
kalusugan at
kapayapaan sa
pamayanan.
EsP5P-lllj-32 6-12 13-15
Nakagagaw
a ng isang proyekto
gamit ang iba’t-ibang
multimedia at
technology tools sa
pagpapatupad ng
mga batas sa
kalinisan, kaligtasan,
kalusugan at
kapayapaan.
Naipapakita ang 1-10
pakikiisa sa mga
gawain nang buong
tapat sa mga
gawaing
nakatutulong sa
bansa at daigdig;

Natutukoy ang mga


paraan ng pakikiisa
ng buong tapat sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL

mga gawaing
nakatutulong sa
bansa at daigdig;

Natutukoy ang
kahalagahan ng
pakikiisa sa mga
gawain nang buong
tapat sa mga
gawaing
nakatutulong sa
bansa.

Total 0 15 7 0 3 0 25

ANSWER KEY

1. A
2. B
3. D
4. C Inihanda ni:
5. D
6. A VIOLETA G. LIM
7. B Guro I
8. C
9. D
10. A
11. B Binigyang pansin ni:
12. C
13. D
14. A
15. B NORA J. ADRIANO
16. C Punong-Guro IV
17. D
18. C
19. B
20. C
21. C
22. C
23. A
24. B
25. B

You might also like