You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
Balagtas District
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL
_________________________________________________________________________

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Araling Panlipunan 5
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

ANTAS NG PAGTATASA /
S KINALALAGYAN NG AYTEM
M U (UNDERSTANDING) BILAN BILANG PORSY
PAGBABALITANAW

E B G NG ENTO
(REMEMBERING)

PAG-AANALISA /
MELCs L NG AYTEM NG
T

(EVALUATING)
C ARAW AYTEM

( ANALYSING)
PAGLALAPAT
CODE A

( CREATING)
PAGLIKHA /
PAGTATAYA
PAG-UNAWA

NG

PAGSUSUIR
(APPLYING)
s PAGTU
S

PAGBUO
TURO
K

*Naipaliliwanag *Naipaliliwan 2, 3 5 1, 4 6, 4 8 16%


ang mga paraan ag ang mga 8, 7
ng pagtugon ng paraan ng
mga Pilipino sa pagtugon ng
kolonyalismong mga Pilipino
Espanyol (Hal. sa
Pagaalsa, kolonyalismo
pagtanggap sa ng Espanyol
kapangyarihang (Hal.
kolonyal/ Pagaalsa,
kooperasyon pagtanggap
sa
kapangyarih
ang
kolonyal/
kooperasyon
*Napahahalagah *Napahahala 10, 9 12, 13 4 7 14%
an ang gahan ang 11,
pagtatanggol ng pagtatanggol 14
mga Pilipino ng mga 15
laban sa Pilipino
kolonyalismong laban sa
Espanyol kolonyalismo
ng Espanyol
*Natatalakay *Natatalakay 16 21 5 6 12%
AP5KPK ang ang 19
-IIIc3 impluwensya ng impluwensya 22
mga Espanyol ng mga 23
sa kultura ng Espanyol sa 24
mga Pilipino kultura ng
mga Pilipino

Natatalakay ang Natatalakay ang 17 25 18 3 4 8%


AP5KPK bahaging bahaging 20
-IIIc3 ginagampanan ng ginagampanan
Kristianismo sa ng Kristianismo
kultura at tradisyon sa kultura at
ng mga Pilipino tradisyon ng
mga Pilipino
*Nasusuri ang Nasusuri ang 26 32 8 10 20%
kaugnayan ng kaugnayan ng 27 33
AP5KP pakikipaglaban ng pakikipaglaba 28 34
K-IIIc3 mga Pilipino sa n ng mga 29 35
pag-usbong ng Pilipino sa
nasyonalismong pag-usbong ng
30
Pilipino nasyonalismo 31
ng Pilipino
*Napahahalagah Napahahalag 37 36 47 8 14 28%
AP5KPK an ang mga ahan ang 38 48 50
-IIIc3 katutubong mga 39 49
Pilipinong katutubong 40
lumaban upang Pilipinong 41
mapanatili ang lumaban 42
kanilang upang 43
kasarinlan mapanatili 44
ang kanilang 45
kasarinlan
KABUUAN 29 9 1 7 3 0 32 50 100%

Inihanda Ni: Binigyang Pansin:

VIOLETA G. LIM NORA J. ADRIANO


Teacher III Punungguro IV
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
Balagtas District
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL
_________________________________________________________________________

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan:________________________________________________ Baitang at angkat:________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Itiman ang bilog ng wastong LETRA ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang dahilan ng malawakang pag-aalsa ni Juan dela Cruz Palaris?


A. kawalan ng repormang pangkabuhayan. B. pagbabayad ng tributo
C. pang-aabuso ng mga Espanyol D. pagkamatay ng kapatid

2. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Diego Silang?


A. labis na buwis B. sandata C. sundalong Espanyol D. watak-watak na paniniwala

3. Sino ang nagpatuloy ng pag-aalsa ni Diego Silang?


A. Apolinario dela Cruz B. Francisco Dagohoy C. Gabriela Silang D. Juan dela Cruz Palaris

4. Ano ang mga naging reaksyon ng mga Filipino sa pagtaggap ng pamamahala ng Espanyol batay na rin sa
kani-kanilang naging tugon sa pagtrato sa kanila ng mga dayuhan?
A. nanabik B. nagalit at nag-alsa C. nagsawalang kibo D. nagsaya

5. Aling hakbang ang isinagawa ng mga Espanyol upang lubos na mapasailalim ang mga Pilipino sa
kolonyalismo?
A. Pagpapataw ng buwis C. Paninirahan sa mga kabayanan
B. Pagpapasailalim sa bagong relihiyon D. Pagpapatayo ng paaralan

6. Bakit pilit na isinagawa ng mga Espanyol ang patakarang reduccion?


A. Upang matutong magsimba at magdasal ang mga katutubong Pilipino
B. Upang makita kung sino sa mga Pilipino ang susunod o susuway
C. Upang hindi sila mahirapan na mabantayan at makontrol ang mga Pilipino
D. Upang makapili sila ng babaeng Pilipino na mapapangasawa nila

7. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino sa mga pagmamalabis at pang-aabuso sa mga patakarang isinagawa
ng mga Espanyol?
A. Nanahimik na lamang ang mga katutubong Pilipino.
B. Maraming pag-aalsa ang isinasagawa ng mga Pilipino.
C. Sila ay sumunod sa ipinagagawa ng mga Espanyol.
D. Nagkubli sila sa mga kagubatan at kabundukan.

8. Ang pag-aalsang ito ang maituturing na pinakamahabang pag-aalsa na naganap sa Pilipinas.


A. Francisco Dagohoy sa Bohol C. Hermano Pule sa Tayabas
B. Pag-aalsa ni Juan Sumuroy D. Pag-aalsa ng mag-asawang Diego at Gabriela

9. Anong kaugalian ang ipinamalas ng mga katutubong Pilipino laban sa mga Espanyol?
A. katapangan B. pagmamahal sa bayan C. maka-Diyos D. makakalikasan

10. Ito ay dulot ng pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa mga katutubo.
A. Pagtutol sa Bagong Patakarang Agraryo C. Okupasyon ng mga British sa Maynila
B. Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako D. Pagtutol sa Sapilitang Pagbinyag sa Kristiyanismo
11. Sa kaninong Pag-aalsa ang pagpapadala ng mga polista sa pagawaan ng barko sa Cavite,malayo sa kanilang
tirahan?
A.Dagohoy B. Sumuroy C. Pule D. Tamblot

12. Ang sumusunod ay ang mga mahahalagang ginagawa ng mga katutubo sa pagtanggol laban sa mga dayuhan
maliban sa isa, ano ito?
A. Pagpapanatili ng knailang paniniwalang panrelihiyon C. Pagsunod sa patakaran ng mga Espanyol
B. Pinaglaban ang kanilang karapatan at tungkulin D. Pinahalagahan ang kabuhayan at kasunduan

13. Paano ipinagtanggol ng mga katutubong Pilipino ang bansa?


A. Nakibaka sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol C. Tinanggap at nagpabinyag sa Kristiyanismo
B. Nakiisa sa alituntunin ng Kolonyalismo D. Ipinamalas ang katapangan laban sa Espanyol

14. Tinanggihan siyang maging pari at nagtatag ng samahang Cofradia de San Jose.
A. Sultan Kudarat B. Francisco Dagohoy C. Apolinario Dela Cruz D. Gabriela Silang

15. Ano ang ginawa kay Apolinario dela Cruz nang ito ay madakip?
A. binaril B. binitay C. kinulong D. pinagputol-putol ang kaniyang katawan at binandera sa bayan

16. Ito ay sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong Filipino sa mga kabayanan.
A. encomienda B. reduccion C. tributo D. principalla

17. Ano ang unang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng mga dasal na isinalin sa wikang Tagalog?
A. Doctrina Christiana B. Banal na Kasulatan C.Koran D. Bibliya

18. Bakit nagtayo ng kolehiyo para sa kababaihan ang mga Espanyol sa Pilipinas?
A. Upang matuto silang makipaglaban sa digmaan
B. Upang matuto sila ng gawaing bahay
C. Upang ihanda sila sa pag-aasawa at pagpasok sa kumbento
D. Upang matutunan nila ang pagluluto ng mga pagkaing impluwensiya ng mga Espanyol

19. Ito ay unang paaralang itinayo sa Pilipinas at nagtuturo ng mga asignaturang tulad ng Spanish, relihiyon,
pagsulat, pagbasa, aritmetika, sining at mga kasanayang pangkabuhayan.
A. Unibersidad ng Sto.Tomas C. paaralang pamparokya
B. paaralang bokasyunal D. kolehiyo

20. Ito ay isang tulang may temang panrelihiyon.


A. awit B. korido C. senakulo D. komedya

21. Bakit isinagawa ng mga Espanyol ang patakarang reduccion sa panahon ng kolonyalismo?
A. Upang makatugon ang mga Filipino sa ipinagagawa ng mga Espanyol
B. Upang makatulong ng mga Espanyol ang mga Filipino na gumawa ng maraming galyon
C. Upang baguhin ang sistema ng pamumuhay ng mga kababaihan sa Pilipinas
D. Upang mapadali mapangasiwaan ang mga Filipino at maipalaganap ang Kristiyanismo

22. Ang mga Filipino ay nauri sa tatlong pangkat maliban sa isa. Ano ito?
A. principalla B. inquilino C. karaniwang tao D. encomendero

23. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang pinagkalooban ng mga karapatang panlipunan at pampolitika at
malibre sa polo y servicio?
A. encomendero B. principalla C.karaniwang tao D. inquilino

24. Anong bahagi ng bahay na bato ang nagsisilbing imbakan ng aning palay at mga gamit sa pagsasaka?
A. antesala B. comedor C. cuarto principal D. entresuelo

25. Ang reduccion ay ipinatupad sa ilalim ng kondisyong________________.


A. bajo de campana B. pueblo C. poblacion D. ladino

26. Ito ay pagmimisyon ng mga prayle sa kolonya na kung saan hinikayat nila ang mga katutubo na tanggapin
ang Kristiyanismo.
A. Kristiyanisasyon B. Reduccion C. Tributo D. Encomienda
27. Ito ay sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa orihinal nilang tirahan gaya na lamang sa tabing-ilog
o kabundukan tungo sa bayan o pueblo.
A. Kristiyanisasyon B. Reduccion C. Tributo D. Encomienda

28.Isang buwis na kung saan layunin ng mga Espanyol na lumikom ng pondo mula sa kolonya upang
matustusan ang pangangailangan nito.
A. Kristiyanisasyon B. Reduccion C. Tributo D. Encomienda

29. Isang sistema na kung saan ipinagkakatiwala sa mga conquistador ang isang teritoryo.
A. Kristiyanisasyon B. Reduccion C. Tributo D. Encomienda

30. Ito ay hango sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing pampamayanan”.


A. Sapilitang Paggawa B. Reduccion C. Tributo D. Encomienda

31. Ilang taon namahala ang mga Espanyol sa Pilipinas?


A. 125 B. 333 C. 100 D. 500

32. Ibinigay ng mga prayle ang mga malalawak na lupain at ang pamamahala nito sa mga nagpapaupa ng lupa.
A. Pag-aalsang Panrelihiyon B.Pag-aalsang Agraryo C. Pag-aalsang Pang-ekonomiko
33. Sila ang pinagkalooban ng mga karapatang panlipunan at pampolitika at malibre sa polo y servicio?
A. encomendero B. principalla C.karaniwang tao D. inquilino

34. Sila ang mga kalalakihang may edad na 16-60 na naglilingkod sa sapilitang paggawa.
A. encomendero B. polista C. inquilino D. karaniwang tao

35. Ito ay damdaming makabayan na nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa inang-bayan.


A. Katolisismo B. Nasyonalismo C. Naturalismo D. Ekonomiko

36. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol
sa misyong binyagan sa Kristiyanismo ang mga Igorot?
A. Pagbili ng mga espanyol sa kanilang ginto sa murang halaga
B. Kakulangan ng mga misyonerong maaaring ipadala sa lalawigan
C. Mahirap tunguhin ng mga misyonero ang bulubundukin ng cordillera
D. Pasikot-sikot ang bulubundukin ng cordillera na tanging mga igorot lamang ang may kabisad

37. Ito ay ang banal na digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at
paraan ng pamumuhay.
A. Jihad B. Pangangayaw C. Koran D. Ramadan

38. Ito ang polisiyang ipinatupad ng mga Espanyol upang pagwatak-watakin ang mga katutubo para sa
madaling pagsakop dito.
A. Divide And Rule B. Gold Mining C. Thirty Years War D. Tobacco Monopoly

39. Ito ang magandang ibinunga ng banal na labanan o jihad sa pakikidigma ng mga Muslim laban sa mga
Espanyol.
A. nagsibalik ang puwersang Espanyol sa Espanya
B. nagtayo ng maraming kuta ang Espanyol sa Mindanao
C nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao at itinuon ang misyon sa Luzon
D. nagsisapi ang maraming Muslim sa puwersang sandatahan

40. Siya ay ipinadala ni Miguel Lopez de Legazpi sa Ilocos upang alamin ang mga gintong ibinebenta ng mga
Igorot.
A. Juan Salcedo B. Luis Miguel Dasmariñas C. Miguel Saavedra D. Sebastian Cabot

41. Ito ang magandang ibinunga ng banal na labanan o jihad sa pakikidigma ng mga Muslim laban sa mga
Espanyol.
A. nagsibalik ang puwersang Espanyol sa Espanya
B. nagtayo ng maraming kuta ang Espanyol sa Mindanao
C nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao at itinuon ang misyon sa Luzon
D. nagsisapi ang maraming Muslim sa puwersang sandatahan

42.Ito ang tawag ng mga Igorot sa kanilang paglahok sa mga digmaan laban sa ibang pangkat etniko.
a. Pagdidilaw B. Paghihinaw C. Pagpueblo D. Pangangayaw
43. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit inihinto ang paghahanap ng minang ginto sa Cordillera
A. mababang kalidad ng ginto B. mahal ang presyo C. pagguho ng kuweba D. pagtutol ng mga
katutubo

44. Ito ang naging tugon ng mga Igorot sa patakarang monopolyo sa tabako.
A. Nagtanim na lamang sila ng palay
B. Hindi na nagtanim ng tabako ang mga Igorot
C. Pagbebenta ng tabako nang patago sa ibang mangangalakal
D. Patuloy pa rin ang pagbebenta ng tabako sa mga pamahalaang Espanyol

45. Siya ang Gobernador-Heneral na nagpatupad ng monopolyo sa tabako.


A. Jose Basco Y Vargas B. Luis Miguel Dasmariñas C. Miguel Lopez De Legazpi D. Sebastian Cabot

46. Siya ang sultan na unang naglunsad ng banal na digmaan laban sa mga Espanyol.
A. Sultan Kudarat B. Luis Miguel Dasmariñas C. Miguel Lopez De Legazpi D. Jose Vargas

47. Alin sa mga sumusuunod ang HINDI naging dahilan ng mga Espanyol kung bakit hindi napasailalim ang
mga Igorot sa Cordillera?
A. Masyadong mahirap lakbayin ang lugar patungo sa itaas na bahagi ng kabundukan
B. Natatakot ang mga Espanyol na misyonero sa tradisyon ng mga Igorot na pangangayaw
C. Mataas ang kalidad ng ginto na matatagpuan sa mga deposito nito.
D. Ayaw ng mga Igorot na magpabinyag ng Kristiyanismo sa mga prayle.

48. Kailan naganap ang kauna-unahang jihad o banal na digmaan sa Mindanao na pinamunuan ni Sultan
Kudarat?
A. Unang digmaang Moro B. Ikalawang Digmaang Moro C. Ikatlong Digmaang Moro D. Ikaapat na Digmaang Moro

49. Ilang digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at Espanyol sa panahon ng kolonyalismo?
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7

50. Ano ang reaksiyon ng mga Igorot sa mga prayleng nagtangkang binyagan sa Kristiyanismo ang kanilang
kapuwa katutubo?
A. Pinasalamatan nila ang mga Espanyol sa bagong relihiyon ipinamulat sa kanila.
B. Dinakip at pinatay nila ang mga prayleng misyonero na nagtangkang magbinyag sa kanila.
C. Sumunod sila sa patakaran ng mga prayleng misyonero
D. Iniwanan nila ang paniniwalang animism.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
Balagtas District
BALAGTAS CENTRAL SCHOOL
_________________________________________________________________________

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5


SUSI SA PAGWAWASTO

1 B 26 A
2 A 27 B
3 C 28 C
4 C 29 D
5 B 30 A
6 C 31 B
7 B 32 B
8 A 33 B
9 B 34 B
10 A 35 B
11 B 36 A
12 B 37 A
13 D 38 A
14 C 39 C
15 D 40 A
16 B 41 C
17 A 42 D
18 C 43 A
19 C 44 C
20 B 45 A
21 D 46 A
22 D 47 C
23 B 48 D
24 D 49 C
25 A 50 B

You might also like