Professional Documents
Culture Documents
Pilinglungsodatmunisipalidadsancr 160113042615 PDF
Pilinglungsodatmunisipalidadsancr 160113042615 PDF
Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang
punong lungsod ng Pilipinas at isa sa 17 lungsod at munisipalidad[bayan] na bumubuo ng
Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa
kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi
ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan
ng humigit sa 19 na milyong katao..
Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro
ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-
silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa
depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming
sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na
pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898.
Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng dakilang
Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong
Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling punong lungsod ng Pilipinas sa pamamahala
ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga
arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nagaaklas
laban sa mga Briton.
Ang Kaharian ng Maynila ay nakilala bilang Gintu (lupain o isla ng mga ginto) o
Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga
huling sandali ng Dinastiyang Ming bilang resulta ng pakikipagkalakalan sa Tsina. Ang
Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno rito
ay itinuturing bilang mga hari, at tinatawag silang panginuan o panginoon, anak banua o
anak ng langit, o lakandula, na nangangahulugang "diyos ng kahariang pinamumunuan".
Noong 1578 hanggang 1670, napasailalim ang “visita”, isang distrito ng Sta. Ana
de Saya sa pamamahala ng isang paring Fransiscano ng si Pedro de Makati.
Tinawag ang lugar na “Sampiro”.
Kumita ang San Pedro de Makati o Sampiro sa pagbebenta ng paso noong 1608.
Naging isang bayan ng Maynila ang San Pedro de Makati noong 1890.
Noong 1937, itinatag ang unang paliparan sa Timog-Silangang Asya, ang Toreng
Neilson.
Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7854 noong 2
Enero 1995 na ginawang lungsod ang Makati. Pinagtibay ito ng mga mamamayan
sa isang plebisito noong 4 Pebrero 1995.
MUNTINLUPA
Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas,
mahigit-kumulang 20 km ang layo mula sa Maynila. Pumapaligid rito ang mga lungsod
ng Taguig, Parañaque at Las Piñas sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman ng Bacoor,
Cavite at San Pedro, Laguna sa timog at ang lawa ng bay sa silangan. Hinahati ng South
Luzon Expressway (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan.
Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid
Prison, ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga mapapanganib na
taong nakagawa ng sala ng bansa, kaya naman matagal rin na naging singkahulugan ng
Muntinlupa o Munti ang salitang bilangguan.
Naitala ni Padre Joaquin de Zuñiga, isang paring Katoliko, ang pangalan ng pook bilang
La Poblacion Que Sigue Se Llama Muntinlupa nuong kaagahan ng ika-19 na dantaon.
Ang barangay Poblacion lamang ang itinuturing na Muntinlupa nuong sinauna ngunit
upang mapamahalaang mabuti ng mga Kastila ang lupain ay ipinailalim rin nila rito ang
mga karatig na pook ng Alabang, Sucat, Tunasan at Cupang noong taong-1869.
Naging bahagi ng Morong, Rizal ang Muntinlupa noong 1901 at panandaliang naging
bahagi ng bayan ng Biñan, Laguna noong 1903. Nagsampa ng pagtutol ang mga
naninirahan kaya naman binalik muli ito sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng
Taguig noong 1905. Naging ganap lamang ang kasarinlang bayan ng Muntinlupa noong
taong 1918 sa pamamagitan ng Executive Order 108 ni Gob. Harrison.
Taong 1975 nang hiniwalay ito mula sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng
Kalakhang Maynila. Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa at naging ika-65 na
lungsod ng Pilipinas noong ika-1 ng ika -3 buwan, 1995 sa pamamagitan ng Republic Act
No. 7926[1]. Simula 2001, idinidiwang na isang Special Working Holiday sa lungsod ang
ika-1 ng ika-3 buwan bilang Muntinlupa City Charter Day.
Bureau of Corrections Administration Building (Gusaling Pangasiwaan ng Kawanihan ng
mga Bilangguan) - Ito ang harapang gusali ng bilangguan na itinayo noong 1941 at
nagsisilbi ngayong pangasiwaan ng tanggapan. Ito rin ang nakilalang Bilibid sa
'telebisyon' at 'pelikula' bagama't sa kanlurang bahagi pa ng gusaling ito matatagpuan ang
pinaka-mahigpit na piitan na binubuo ng 12 gusali na kung tawagin ay mga brigada.
Lawa ng Jamboree - Ito ang pinaka-maliit na likas na lawa ng bansa. Hilig itong
tambayan ng mga taong nais magpalamig o magmasid sa kalikasan.
Memorial Hill - Isa itong maliit na burol sa loob ng 'reserbasyong' Bilibid na kung saan
matatagpuan ang isang lumang 'kanyon' ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Dito rin
sa burol na ito nakalibing ang tanyag na tagapangasiwa ng Bilangguan noong 1937
hanggang 1949 na si Eriberto Misa.
'Director's Quarters (Tahanan ng 'Direktor) - Ito ang 'opisyal' na tahanan ng
tagapangasiwa ng Bilibid na itinayong kasabay ng gusaling pangasiwaan noong 1941.
Mamamalas sa mahusay na pagkakagawa nito ang ambag ng 'arkitektura' ng panahong
bago mag-digmaan at siyang nagbibigay-katangian sa malaking gusaling ito.
Japanese Garden Cemetery (Himlayang Halamanan ng mga Hapon) - sa halamanan na ito
nakalibing si punong hukbo Tomoyuki Yamashita na naging tanyag noong pananakop ng
mga Hapon sa bansa.
MANDALUYONG
Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan
ito ng ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa kanluran, ang
lungsod ng San Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa silangan, at
ang Lungsod ng Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng
Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong
Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas".
Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro
tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang
katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for
Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa
lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook
kung saan laganap ang kahirapan.
Tinanyagan ang Marikina bilang "Shoe Capital of the Philippines" o "Pambasang Kapital
ng Sapatos ng Pilipinas", dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos. Ang
pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay
naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang
lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng
dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod. Sa
katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha minsan
kapag may mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy). Kakambal na lungsod
ng Marikina ang Brampton, Ontario sa Canada.
MALABON
Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo ng
Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, tinatayang 353, 337
ang populasyon nito noong 2010. Ito ay maituturing na isang pamayanan at industriyal na
lungsod at isa ito sa may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan. Mayroon itong
kabuuang lawak na 19.76 kilometro kwadrado.
Ayon sa haka-haka, galing sa salitang maraming labong ang salitang Malabon. Unang
tinawag na bayan ng Tambobong, binuo ang Malabon bilang Visita ng Tondo ng mga
Agustino noong May 21, 1559 at nanatili sa pamamahala ng Lalawigan ng Tondo mula
1627 hanggang 1688.
LAS PIÑAS
Ang Lungsod ng Las Piñas (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod sa
Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng
Lungsod ng Parañaque; sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa
timog ng Munisipalidad ng Imus, Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad
ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential)
ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan (commercial),
industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang
pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at
Guadalupe Plateau.
Ang kasaysayan ng 'Las Piñas' ang pangalan ay hindi malinaw, ngunit isang lumang
simbahan KAMPANILYA sa loob ng museo ng Las Piñas Church ng parokya ay may
tatak na nagsasabing 'Siendo Cura-del Pueblo de Las Peñas el MRP Padre Diego Cera se
Fundio Este equilon ano de 1820. ' Ipinapakita nito na kasing aga ng 1820, ang bayan ay
tinatawag na 'Las Peñas' hanggang hindi pa natatagalan sa kasaysayan kapag ang
pangalan ay binago sa 'Las Piñas.' Ang lungsod ay sikat para sa Bamboo organ na ay
itinayo sa 1822 at gumagawa ng kanyang bahay sa loob ng St Joseph Church, kung saan
ang Bamboo organ Festival ay gaganapin tuwing Pebrero. Las Piñas ay din ang site ng
Philippine revolts sa panahon ng Philippine-Spanish rebolusyon ng 1896, kapag ito ay na
inookupahan ng mga puwersa ng General Emilio Aguinaldo, at sa panahon ng World
War 2.