You are on page 1of 1

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay Joseph de
Torre (1987):

1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang Malaya gabay ang
diyalogo, pagmamahal at katarungan. Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang tunay na kahulugan
ng kalayaan dahil may panganib na isipin ng ilan na walang hanggan ang kaniyang kalayaan. Mahalaga
ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw. Madalas na
ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng pag-uusap. Kung hindi
mananaig ang pagmamahal at katarungan sa kaniya sa lahat ng pagkakataon, hindi ganap na
kakayanin ng sinuman na isantabi sa ilang pagkakataon ang kaniyang pansariling kaligayahan at
kapakanan para sa kabutihang panlahat. Ang dalawang pagpapahalagang ito ang susi upang makamit
ng lipunan ang kaniyang tunay na layunin at tunguhin.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Hindi magiging ganap ang
isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi naigagalang ang kaniyang pangunahing
karapatan bilang tao. Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay. Hangga’t nananaig ang diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi
pa ganap ang pagsasaalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat.

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. Ang lipunan ang
nararapat na maging isa sa instrumento upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao.
Kung walang nagagawa ang lipunang kaniyang ginagalawan upang siya ay umunlad bilang tao,
masasabing hindi pa tunay na patungo ang lipunan sa tunay nitong layunin, ang kabutihang panlahat.
Maaaring hindi rin nagagawa ng bawat sektor ng lipunan ang kaniyang tunay na gampanin para sa tao
sa lipunan. Tandaang binanggit sa unang bahagi ng babasahing ito na, binubuo ang lipunan ng tao
hindi lamang tao ang bumubuo sa lipunan.

Kaya mahalaga ring matiyak na ang integridad at katatagan ng pamilya ay mapangalagaan dahil
ang pamilya ang pangunahing yunit para sa paghubog ng mapanagutang mamamayang mulat sa tunay
na kahulugan ng kabutihang panlahat.

Sa matagal na panahon, maaaring masyadong nakatuon ang iyong pansin sa iyong sarili lamang
at sa pagtiyak na matutugunan ang iyong mga pangangailangan. Maaaring sinasabi mong masyado ka
pang bata para ituon mo ang iyong pansin sa mga bagay na ito at wala ka pang kakayahan upang ganap
na maunawaan at yakapin ito. Mahalagang maunawaan mong hindi namimili ng edad o antas sa buhay
ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit
sa iyong kapuwa, na batid mo na

You might also like