You are on page 1of 8

Ang Lipunan

Tungo sa
Kabutihan Nating Lahat
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pagpapatuloy ng Aralin 1
Setyembre 2
Ang Komunidad
Madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang
tukuyin ang lipunan. Mahalagang maunawaan ang
pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang ito
upang hindi maging sanhi ng kalituhan. Ang salitang
komunidad ay galing sa salitang latin na communis na
nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang
isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na
nagkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
Ang Komunidad
Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat
naThe Person and the Common Good (1966),
hahanapin talaga ng taong mamuhay sa lipunan sa
dalawang mahalagang dahilan.

1. Ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang


perpekto o ganap at dahil likas para sa kanya
ang magbahagi sa kaniyang kapwa ng kaalaman at
pagmamahal.
Kabutihang Panlahat

Kabutihan ng LAHAT, hindi ng


NAKARARAMI.
Elemento ng Kabutihang
Panlahat
1. Paggalang sa indibidwal na tao.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng


pangkat.

3. Ang kapayapaan
Mga Hadlang sa Pagkamit
ng Kabutihang Panlahat
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat
gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.

2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng


kaniyang personal na naisin.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang


naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
Mga Kondisyon sa Pagkamit
ng Kabutihang Panlahat
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at
katarungan.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na


mapangalagaan.

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo


sa kaniyang kaganapan.
Ang Lipunan
Tungo sa
Kabutihan Nating Lahat
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pagpapatuloy ng Aralin 1 at Aralin 2
Setyembre 2

You might also like