You are on page 1of 2

Allan Lloyd M.

Martinez Oktubre 19, 2020


BSED Filipino II G. Ryan
D. Raran

PAGSUSURI SA SI PINKAW
Ang “Si Pinkaw” ay isang maikling kwentong Hiligaynon na isinulat ni Isabelo S.
Sobrevega tungkol sa kanyang mahirap na pamumuhay at may binubuhay na tatlong anak.
Dahil sa kahirapan, kinailangan ni Pinkaw na magbanat ng buto sa pamamagitan ng
pangangalakal na siyang ikinabubuhay nila. Gayunman, positibo pa rin ang pananaw niya sa
buhay at masaya siya sa kanyang pangangalakal. Ang mga bagay na mapakikinabangan ay
iniuuwi pa rin niya sa kanila at mistulang sa basurahan na rin siya minsan kumukuha ng
kanilang pagkain. Sa kanyang mga anak, Si Poray ang panganay ni Pinkaw na labis sa
pagkapaya habang si Basing naman ang ikalawa na isang bungal at si Takoy naman ang bunso
na pinakagwapo sa lahat. Iba-iba raw ang naging ama ng mga anak niya dahil sa iba-ibang
hitsurang taglay ntio pero para kay Pinkaw, wala sa kanya kung kaninong ama itong nanggaling
basta maibuhay lang niyang may pagmamahal. Isang araw, nakapag-uwi si Pinkaw ng sardinas
sa kanilang bahay na napulot sa basurahan at pinapakain pa niya ito sa mga anak. Sa hindi
inaasahang pagkakataon, panis na pala ang nakuha niyang sardinas na naging sanhi sa
pagsakit ng tiyan ng tatlong anak. Dahil dito isinakay niya ang mga ito sa kanyang kariton
upang isugod sa pagamutan pero sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang isa niyang
anak habang papunta sa, ospital. Nang makarating sa pagamutan, hindi sila inasikaso agad at
kinabukasan ay binawian din ng buhay ang dalawa pang anak. Dahil sa pangyayari ay nawala
sa katinuan ni Pinkaw. Hindi niya kinaya ang sinapit ng mga anak. Madalas na lamang makita si
Pinkaw na palakad-lakad sa kalsada at nagiging tampulan ng tukso.

Ang lente o dulog ng panitikan na nangibabaw sa maikling kwento ay ang humanismo


kung saan tinitingnan dito ang tao na may kalayaang gawin ang ninanais sa buhay at tinitingnan
din ang pagkatao, tema ng kwento, mga pagpapahalagang pantao, mga bagay na
nakaiimpluwensiya sa pagkatao nito at pamamaraan sa pagbibigay-solusyon sa problema.
Lahat ng mga nasabing katangian ay makikita sa maikling kwentong ito.

Bilang patunay, ipinakita ni Pinkaw na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa,
nagsusumikap sa pagbabanat ng buto at naging mabuti sa kabila ng malupit na mundong
kanyang kinalalagyan. Si Pinkaw ay naging matatag sa pagharap ng mga naranasan niyang
pagsunbok sa buhay at naging kontento na siya basta makapiling lang ang tatlong anak na
masaya sa kabila ng paghihirap ng kanilang naranasan. Siya ay gumagawa ng paraan upang
malutas ang mga problemang mayroon sila ngunit nagbago ang lahat nang binawian ng buhay
ang tatlo niyang anak matapos makakain ng panis na sardinas.

Kung iisa-isahin natin ang mga katangiang hinahanap ng lenteng humanismo batay sa
takbo ng kwento, ang pagiging mapagkumbaba, masipag, mapagmahal at kontento ang mga
katangiang nangingibabaw sa katauhan ni Pinkaw. Tungkol naman sa tema, kahirapan ang
nangibabaw sa takbo ng kwento kung kaya’t nagsusumikap si Pinkaw sa pangangalakal bilang
isa sa mga ikinabuhay ng pamilya niya. Ipinakita ng pangunahing tauhan ang kanyang
pagpapahalaga sa pagmamahal ng kanyang mga anak dahil kahit anong hirap ang kanyang
naranasan ay patuloy siya sa paghahanap ng paraan upang may maipakain siya sa kanyang
mga anak.

You might also like