You are on page 1of 4

I.

PAMAGAT
SI ANABELLA

Nakapokus ang maikling kwento sa buhay ng isang dalagang nagngangalang


Anabella. Inilalarawan nito ang dalaga - ang kanyang kagandahan at ang kanyang mga
katangian. Nasa kanya ang lahat maliban sa pagkakaroon ng isang matatag at mataas
na katayuan. Iyon ang sagabal sa relasyon ni Anabella at ng kasintahan na si Tito
Navarro.

Ang pamagat ng akda ay akma at makatwiran para sa nagsasalaysay sa buhay


ni Anabella na hindi nagkaroon ng mayamang buhay. Nakatanggap siya ng hindi pag-
apruba dahil siya ay isang mababang babae. Ang pagmamahal niya kay Tito ay hindi
tinanggap ng ina ng kasintahan dahil siya ay mahirap. Nalungkot ng sobra si Anabella
lalo na nang mangibang bansa si Tito. Naipahayag din ng ina ni Anabella na kalimutan
na lamang si Tito dahil ang mahirap na katulad nila ay hindi nababagay sa mga
mayayaman. Sa huling bahagi ng maikling kwento ay isinalaysay na isang heredera si
Anabella at lahat ay gusto siyang maging kasintahan at manugang ngunit si Tito
Navarro lamang ang nilalaman ng kanyang puso.

II. MAY-AKDA

Si Magdalena Gonzaga Jalandoni ay isang makatang Hiligaynon, manunulat ng


dula at nobelista. Sinasabi ng mga kritiko sa panitikan at istoryador na
pinagkadalubhasaan niya ang isang espesyal na talento para sa tula at paglalarawan
pati na rin ang dramatikong pagpapukaw ng mga tanawin at kaganapan sa kanyang
mga nobela at maikling kwento. Ayon kay Riitta Varitti ng Finnish-Philippine Society sa
Helsinki, "Si Jalandoni ang pinakamabungang manunulat ng Pilipinas sa lahat ng
panahon."

Ang kanyang bantog na tula na "Ang Guitara" (The Guitar) ay binabasa sa mga
silid-aralan sa buong bansa ngayon. Kasama sa iba pang sikat na akda niya ang
"Anabella", "Sa Kapaang Sang Inaway" (In the Heat of War), "Ang Dalaga sa Tindahan"
(The Young Woman in the Store) and "Ang Kahapon ng Panay" (The Past of Panay).
Noong 1977, natanggap niya ang prestihiyosong Republic Cultural Heritage Award para
sa kanyang mga nakamit sa panitikan mula sa gobyerno.

Naaalala siya ngayon bilang isa sa pinakamasagana na manunulat ng Filipino sa


wikang Hiligaynon. Galing sa Western Visayas, ang kanyang mga akda ay sinasabing
nag-iwan ng permanente at makabuluhang mga milyahe sa panitikan ng Pilipinas.
III. BUOD

Umiikot ang maikling kwento sa isang dalagang nagngangalang Anabella. Siya


ay isang dalagang may gandang Kastila, may tindig na nakakabighani at may mukhang
tulad ng isang bulaklak. Si Anabella ay isang mang-aawit na may magandang boses at
ito ang bumihag kay Tito Navarro. Si Tito Navarro ay isang mayamang binate at isang
tagapagmana. Sila ay tumutugtog sa malapalasayong tahanan ni Juanso Navarro, ama
ni Tito.

Sa gandang taglay ni Anabella at kabutihang puso, hindi tanggap ni Donya Julia


Navarro, ina ni Tito, na nakikipagkita ang kanyang anak sa babae. Sinubukang
kausapin ni Tito ang kanyang mapagmataas na ina at sinabing kahit mahirap si
Anabella, ang dalaga ay mayaman sa kagandahan at kabaitan ngunit hindi nakinig ang
ina. Gusto ni Donya Julia na makapangasawa ang anak ng isang mayamang babae.

Sa sumunod na gabi ay nangharana si Tito sa bahay ni Anabella at pinapasok sa


kanilang tahanan. Nag-usap sila tungkol sa trato ni Donya Julia kay Anabella at
sinabihan si Tito na hindi sila para sa isa’t isa. Dinagdag ni Anabella na dapat tumigil na
si Tito sa pagdalaw sapagkat hindi bagay at hindi siya matatanggap ng mga magulang
ni Tito dahil sila ay mayayaman at si Anabella ay mahirap. Ngunit nagmatigas si Tito at
sinabing hindi siya titigil dahil wala sa kanya kung mahirap lamang si Anabella.

Lumipas ang ilang araw ay may natanggap si Anabella na sulat na nagsasabing


mangingibang bansa siya upang mag-aral sa pagtugtog ng biolin at dahil na rin sa
kagustuhan ng kanyang mga magulang na hindi niya matanggihan. Pinaghihiwalay
talaga silang dalawa ngunit sabi rin sa sulat na kailanman ay hindi masisira ang
pangakong binitawan ng binate. Nasaktan at umiyak si Anabella at sinabihan siya ng
kanyang ina na kalimutan ang kasintahan at magiging masaya siya balang araw
kapiling ang isang binatang dukha rin katulad nila.

Nagdaan ang limang taon at usap-usapan na dahil wala na si Anabella at


kanyang ina sa kabilang kalye dahil naging tagapagmana si Anabella ng namatay
niyang ama. Totoo ang balita na pati si Anabella ay hindi makapaniwala. Ngayon ay
marami ang nag-aalay sa kanya ng pag-ibig at marami ang gusto na maging manugang
siya. Ngunit hindi na kayang umibig ni Anabella sapagkat si Tito Navarro pa rin ang
laman ng kanyang puso kahit pa limang taon na ang lumipas. Nangungulila siya sa
binata araw-araw.

May malaking pagtitipon na idinaraos sa tahanan ni Anabella para sa maligayang


gabi ng Pasko. Nag-anyaya si Lirio ng isang ekspertong biolinista at ito ay si Tito
Navarro. Pinakilala ni Lirio si Anabella sa biolinista at napuno ng luha ang mga mata ng
dalaga. Pareho nilang hindi nakalimutan ang isa’t isa at kahit maraming taon ang
lumipas, mahal pa rin nila ang isa’t isa. Nakalipas ang ilang araw ay nagkaroon ng
isang maligayang kasal. Pumunta ang bagong kasal sa simbahan at nagpasalamat sa
walang katapusang pag-big. Bago sila makaalis, may nag-abot sa kanila ng sulat na
naglalaman ng paghinga ng tawag ng ina ni Tito kay Anabella.

IV. PAGSUSURI

Ang maikling kwento ay isang romantikong kwento tungkol sa pag-iibigan ng


dalawang taong magkaiba ang estado sa buhay.

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, maraming tao ang umangat ang


buhay dahil sila ay nakapag-aral, nakapagtapos, at nakapagtrabaho. Ngunit may iba na
hindi mapalad at nanatiling mahirap sa buhay. May mga taong naging mapagmataas at
minamaliit ang mga mahihirap na sinisimbolo ni Donya Julia Navarro. Dahil sa
nakakaangat siya, nakakapagsalita siya ng hindi maganda sa mahihirap at hindi
magawang lumaban ng dukhang tao dahil nasa isipan na wala siyang maipagmamalaki.
May mga tao na nakalimutan ang kaugaliang Pilipino at isinaisip na kapag mayaman
sila ay dapat mayaman din ang nararapat na humalubilo sa kanila.

Patunay na linya ng isang mapagmataas na tao sa kwentong Anabella:

“Anak ko, indi ko gid mapapahintulutang umibig ka kay Anabella. Nais ko nga
makapag-asawa kang sang babaye nga higit sa aton sa kayamana at pangalan.”

Ngunit kahit may mga mapagmataas na tao, mayroon pa ring mga tao na kahit
mataas ang estado sa buhay ay para sa kanila ay pantay-pantay pa rin ang tao at
nakikita nila ang importansya ng kabutihan ng loob kaysa sa yaman. Ito ang sinisimbolo
ni Tito Navarro, ito ang patunay na ipinahayag sa kwento:

“Maawa ka naman, ‘Nay. Huwag kang malupit sa dalagang mahirap ngunit


mayaman sa kagandahan at kabaitan.”

“Nanay, bakit man napakamapagmataas niyo kung gasalita? Indi bala, sa


kamatayan napaghahalo ang mga buto sa libingan, dukha man o mayaman?”

“Wala sa akin kung mahirap ka. Palanggaon kita nang higit pa sa maririkit na
diyosa sa buong mundo dahil sa iyong mga mata nariyan ang buhay;…”

At kahit may mga mahihirap na umangat sa buhay ay hindi nila nakalimutan ang
kanilang pinanggalingan. Sila ay nanatiling mapagkumbaba at may mabuting kalooban.
Iyan ang sinisimbolo ni Anabella. Hindi siya hinamak ng kahambugan at nanatiling
isang dalagang may kayamanan sa kabaitan.
SANGGUNIAN

Pinagkuhanan ng maikling kwento

https://www.scribd.com/document/60811167/Si-Anabella

Webliyograpi

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1150/today-in-philippine-history-may-27-
1893-magdalena-jalandoni-was-born-in-jaro-iloilo-city

https://en.wikipedia.org/wiki/Magdalena_Jalandoni

You might also like