You are on page 1of 1

Sa patuloy na paglala ng epekto ngyy droga hindi lang sa mga indibidwal na gumagamit nito,

pati sa mga komunidad, maging ang ating bansa, kinakailangan na nito ng madaliang pag-
aksiyon upang mapigil ang paglaki ng problemang ito sa Pilipinas.
Dahil dito, nagsimulang gumawa ang gobyerno ng iba’t ibang mga batas at programa para
yyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyylabanan ang ilegal na droga at maidala ang mga apektado
nito patungo sa rehabilitasyon.

Ang Batas Republika bilang 9165, kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002, ay naglalayong magkaroon ng mahigit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot. Layunin
nito na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, lalung-lalo na ang mga kabataan, laban
sa pinsalang dulot ng droga. Mapaparusahan sa ilalim ng batas na ito ang mga taong
nagbebenta o gumagamit ng pinagbabawal o ilegal na droga at mga kauri nito.

Ang ICAD o Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs ay ang kasalukuyang


pinapatupad na mga programa ng gobyerno upang labanan ang ilegal na droga—mula sa law
enforcement, justice, rehabilitation and reintegration, at advocacy.
Nakapailalim dito ang Rehabinasyon, programa ng ICAD ay base sa 5 programa laban sa
ilegal na droga na ipinapatupad ng Dangerous Drugs Board of the Philippines. Ang limang
programa na ito ay ang Supply Reduction, Demand Reduction, Alternative Development, Civic
Awareness and Response, at Regional and International Cooperation.
1. SUPPLY REDUCTION - Layunin nito na maialis ang mga ilegal na droga sa public market sa
pamamagitan ng mga denial operations at mga legal measures na isasagawa upang masiguro
na mabawasan ang supply at paggamit ng droga.
2. DEMAND REDUCTION - Layunin naman ng demand reduction ay matulungan ang mga
mamamayan na mabawasan ang kanilang pagnanais na gumamit ng droga sa pamamagitan ng
preventive education, rehabilitation, aftercare programs, at tuloy-tuloy na pananaliksik tungkol
sa droga.
3. ALTERNATIVE DEVELOPMENT - Naka-pokus ito na sa paggawa ng mga sustainable rural
development at mga alternative livelihood programs upang mabawasan ang produksiyon ng
droga
4. CIVIC AWARENESS AND RESPONSE - Ang pagpapalaganap ng mga kaalaman tungkol sa
mga panganib na dulot ng droga sa pamamagitan ng community outreach, special events, at
publication and distribution of campaign materials.
5. REGIONAL AND INTERNATIONAL COOPERATION - Dahil hindi lang naman sa Pilipinas
nangyayari ang problema tungkol sa droga,mahalaga ang pagkakaroon ng kooperasyon sa
mga regional and international agencies tulad ng mga ASEAN members.

You might also like