You are on page 1of 16

MGA URI NG TULA

Inihanda ni : Bb. Jenny Bell S. Villarosa


Ang pagtalakay sa mga uri ng tula ay ating
gagamitin ang pag-uuring binuo ni Monleon na
nakasalig ayon sa kaanyuan nito:

 Ang tula ay nahahati sa apat at ito ang mga


sumusunod:
 Tulang Liriko o Pandamdamin
 Tulang Pasalaysay
 Tulang Dula
 Tulang Patnigan (Justice Poetry)
Tulang Liriko o Pandamdamin

 Itinatampok ng makata ang kanyang sariling


damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-
bulay.
 Ito ang pinakamatandang uri ng tulang sinusulat
ng mga makata sa buong daigdig.
 Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang
lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa
taguriang tulang liriko.
Mga Uri ng Tulang Liriko
 ANG AWIT (DALITSUYO)
Isang halimbawa nito ay ang kundiman o awit na
nahihingil sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa
paniningalang- pugad ng mga binata. Halimbawa: Kay
Selya ni Francisco Balagtas

 ANG PASTORAL
Ang tunay na layunin nito ay maglarawan ng tunay na
buhay sa bukid/
Halimbawa: Bahay Kubo ni Victor S. Fernandez
Mga Uri ng Tulang Liriko

 ANG ODA (DALITPURI)


Ito ay isang uri ng tulang lirikong may kaisipan at estilong higit na
dakila at marangal. Walang tiyak na bilang ng pantig o kaya’y bilang ng
taludtod sa isang taludturan.
Halimbawa: Manggagawa ni Jose Corazon de jesus

 DALIT (DALITSAMBA)
Ito ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos.Kalimitang may
wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya’y apat na taludturan
bawat isa.
Mga Uri ng Tulang Liriko
 ANG SONETO (DALITWARI)
Ito ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang
unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang
pangyayaring nagwawakas sa malubhang suliranin osa
pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at
kalikasan.Ang sumunod na saknong ay nagsasad ng katuturan
at kahalagahan ng sinasabi sa unang walong taludtod.At ang
huling taludturan naman ang siyang pumapawi sa isinasaad
ng sinudang taludtod.
Halimbawa: Buhay at Kamatayan ni Jose Villa Panganiban
 ELEHIYA ((DALITLUMBAY)
Ito ay isang tula ng pananangis lalo na pag-alala sa iang
yumao at ang himig nito ay matimpi at mapgmuni-muni.
Halimbawa: Isang Punong Kahoy ni Jose Corazon de Jesus
Tulang Pasalaysay

 Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa


pamamgitan ng mga taludtod.
 Ang Epiko (Tulabunyi)
 Tulasinta (Mentrical Romance)
 Tulakanta ( Metrical Tale)
 Tulagunam (Ballad)
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
 ANG EPIKO (TULABUNYI)
Ito ang pinakamatayog at pinakamarangal na uri ng
tulang pasalaysay na ang mga pangyayari at
kawilihan ay napipisan sa pagbubunyi sa isang
bayani sa isang alamat o kasaysayang naging
matagumpay sa mga panganib at kagipitan
 TULASINTA (MENTRICAL ROMANCE)
Ito’y tula ng kasayasayang walang gaanong banghay
at binubo ng mga kabanatang tumutukoy sa
pakikipagsapalaranng puno ng hiwaga at
kababalaghan.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
 TULAKANTA ( METRICAL TALE)
Ang pangunahing tauhan nito ay pangkaraniwang nilalang
lamang. Ang mga pangyayari sa tulakanta ay sadyang
maaaring maaaring mangyari sa tunay na buhay.
Halimbawa: Anak Dalita ni Patricio Mariano

 TULAGUNAM (BALLAD)
Ito’y isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao’y
nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga
taludtod na wawaluhin o aaniming pantig.
Tulang Dula
 Itoay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang
tanghalan.

Narito ang mga uri ng tulang ito:


Tulang Dulang Mag-isang salaysay (Dramatic Monologue)
Tulang Dulang Liriko- dramatiko
Tulang Dulang Katatawanan
Tulang Dulang kalunos-lunos
Tulang Dulang Pandamdamin
Tulang Dulang Katawa-tawang Kalunos-lunos
Tulang Dulang Pauroy
 TULANG DULANG MAG-ISANG SALAYSAY (DRAMATIC MONOLOGUE)
Isang tao lamang ang nagsasalita mula simula hanggang sa
katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi
ganyon din para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga
tumutukoy sa tula. Halimabawa: Nahan ang Kriminal ni Jose
Corazon de Jesus.
 TULANG DULANG LIRIKO- DRAMATIKO
Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming
ipinapahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan.

 TULANG DULANG KATATAWANAN (DRAMATIC COMEDY)


Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang katawa-tawa;
may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakalilibang; at
nagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos.
 TULANG DULANG KALUNOS-LUNOS
Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi
ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na
higit na makapangyarihan tulad ng tadhana.

 TULANG DULANG MADAMDAMIN


Ito ay isang anyo ng dulang naglalarawan ng galaw
na lubhang madamdamin at nagtataglay ng
nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang
mga karanasan ng isang normal na tao. Halimbawa:
Plaridel ni Jose N. Sevilla
 TULANG DULANG KATAWA-TAWANG KALUNOS-LUNOS
Ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at
kalunos lunos.

 TULANG DULANG PAUROY (FARCE IN POETRY)


Ito ay isang pa ring anyo ng dula na itinatanghal ay mga
pangyayaring lubhang katuwa-tuwa.
Tulang Patnigan

 Ito ay tulang sagutan ng makata na


itinatanghal ng mga magkakatunggaling
makata subalit hindi sa paraang padula.
Mga Uri ng Tulang Patnigan (Justice Poetry)

Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.


 A. BALAGTASAN – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula,
bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa
karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
B. KARAGATAN – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa
pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal”
na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng
singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
C. DUPLO – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay
sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

You might also like