You are on page 1of 30

Tanghalang Ateneo

27th Repertory Season

NASAAN SI KALIWETE?

ni Clifford Odets
at salin sa Pilipino ni Gerry de Asis

MGA TAUHAN:

Taba – pinuno ng unyon at ng komite


Gunman – isang binata; tagapag-ayos ng kaguluhan sa pagtitipon
Tagapagpahayag (Keller) – huling nagsalita sa patitipon
Iba’t ibang tinig galing sa unyon

Unang Tagpo
Joe – isang taksi drayber
Edna – ang asawa ni Joe

Ikalawang Tagpo
Miller – isang katulong sa laboratoryo
Fayette – isang kapitalista/industriyalista

Ikatlong Tagpo
Sid – isang taksi drayber
Florence – isang dalaga at katipan ni Sid
Irv – ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki

Ikaapat na Tagpo
Taba (muli)
Clayton – isang payat at disenteng tao
Isang Tinig

Ikalimang Tagpo
Philips – ang batang artista
Ginoong Grady (si Taba) – isang mayamang prodyuser sa Broadway
Takigrapa – isang babaeng nagtratrabaho sa opisina ni G. Grady

Ikaanim na Tagpo
Dr. Barnes – isang matandang marangal na lalaki; doktor
Dr. Benjamin – isang binatang doktor

Sa pagtaas ng kurtina, malalantad ang isang entablado. Mga anim o pitong lalaki
ang nakaupo rito. Nakasandal sa isag proscenium sa bandang kaliwa ang isang binatang
ngumnguya ng toothpick; siya ang gunman. Isang matabang lalaki ang kumakausap sa mga
manonood. Sa madaling salita, siya ang pinuno ng isang uyion at isang komite na mga
manggagawa ang mg lalaking nakpuweto sa kanyang likuran. Nasa kalagayan sila ng
pagkakaroon ng iba’t ibang saloobing may malawak na pagkakaiba ng uri, na ating
matutunghayan mamaya. Nag-iinit na ang matabang lalaki sa pagwawakas ng kanyang
mahabang talumpati, ngunit hindi pa galit na galit: malusog siya at malakas ang loob.
Tinatawag siyang Haring Taba.

Taba: Maling-mali kayong lahat. Alam iyan ng kahit sinong marunong magbasa. Tingnan
nyo yung welga sa telahan – labas na parang mabangis na leon at psok na parang
maamong tupa. Iyan ang takbo ng panahon. Tayong lahat na manggagawa, may
mabuting taong sumusuporta sa atin ngayon. Kilala siya sa buong bansa – tinitingala
ang ating kapakanan – ang nakatira sa Malacanang, siya ang panahon para
magwelga. Nagtratrabaho siya sa araw at sa gabi –

Tinig Mula sa Manonood: Para kanino?

(Mababagabag ang gunman.)

Taba: Para sa inyo! Pinapatunayan iyan ng mga kasulatan. Kung ito pa ang pamunuan ni
Macapagal, pipigilin ko ba kayo? Siyempre hindi! Nugnit iba ang kalagayan ngayon.
Nagbabasa naman kayo ng mga pahayagan, tulad ko. Alam niyo iyon. At iyan ang
dahilan kung bakit hindi ako sangayon sa pagwewelg. Dahil kailangan nating
tulungan ang taong tumutulong sa atin! Ang buong bansa—

Isa Na Namang Tinig: Ay nagugutom!

(Masama nang tingin ng gunman.)

Taba: Tumayo ka’t magpakita, putang0inang komunista! Magpakalalaki ka at tingnan natin


ang kulay mo! (Bigong naghintay.) Dilaw ka pala! Pula at dilaw, masamang kulay at
marumi, mga kaibigan. May minamataan akong apat o lima sa ating union ditto.
Ano’ng magagawa nila sa inyo? Hahatakin kayo at tatakbuhan kapag nagsimula
nang gulo. Bigyan ninyo ng pagkakataon ang mga sisiw na iyan at gagawin nilang
mga puta ang mga asawa ninyo’t mga kapatid na babae, tulad ng ginawa nila sa
Rusya. Babaltakin nila pababa si Kristo sa kanyang nagdurugong krus. Wawasakin
nila ang iyong mga tahanan at itatapon sa ilog ang inyong mga anak. Akala ninyo
binobola ko kayo? Basahin ninyo sa pahayagan! Ngayon makinig kayo, hindi tayo
maaring manatili rito buong gabi. Sinabi k o na sa inyo ang katotohanan sa ating
kaso. Magsiuwian na kayo at maghapunan.

Tinig: Ulol!

Gunman: Umupo ka!

Tinig: Nasaan si Kaliwete?

(Nagsisigawan ang lahat. Pinukpok ni Taba ang malyete.)

Taba: Iyon ang gusto kong malaman. Nasaan ang kaibigan ninyong si Kaliwete? Hinalal
ninyo siya bilang tagapangulo – saan ba siya nagpunta?

Mga Tinig: Kaliwete! Kaliwete! Kaliwete?


Taba (pumupukpok): Ano ito – isang sirko? Narito ang komite. Itong libon nga mga koboy na
hinalal ninyo. (Tumuturo sa lalakin nasa pinakadulong kanan.)

Lalaki: Benjamin.

Taba: Oo nga pala, Dok Benjamin. (Tumuturo sa mga lalakin nakaupo.) Benjamin, Miller,
Stein, Mitchell, Phillips, Keller. Hindi ko kasalanan kung umatras si Kaliwete. Kung
kayong mga lalaki—

Isang Magalang Na Tinig: Anong masasabi ng komite?

Iba Pang Mga Tinig: Ang komite! Pakinggan natin ang komite!

(Patatahimikin ni Taba ang mga tao, ngunit isa sag a nakaupo ang biglang pupunta sa
harap. Lalapit ang gunman, ngunit sasabihin ni Taba…):

Taba: Sige, pabayaan siyang magsalit. Pakinggan naman nating kung anong sasabihin ng
mga komunista!

(Iba’t ibang mga sigaw ang maririnig mula sa mga manonood. Walang pakundangang babali
si Taba sa kanyang upuan sa gitna. Uupo siya sa kanyang angat na entablado at sisindihan
muli ang kanyang sigarilyo. Babalik ang gnman sa kanyang puwesto. Itataas ni Joe, ang
bagong mananalita, ang kanyang kamay para patahimikin ang mga tao. Tatahimik agad ang
lahat. Mukha siyang galit.)

Joe: Kilala ninyo ako. Hindi ako kmunista! Narito ako, may pilat na ganito kalaki at
nakuha ko pa noong may giyera. At maaring hindi ko alam kung kailan uulan!
Huwag ninyo kong tatawaging komunista! Alam ninyo kung ano tayo talaga? Mga
itim at mga asul! Pinagsisipa na tayo ng sobrang tagal na nangingitim at nagiging
asul na tayo mula ulo hanggang pa. ngunit sa palagay ko, kahit na sinong
magreklamo at magsasabing hindihindi na niya matiis, komunista na para sa mga
namumuno ng unyon. Ano itong kalokohang umuwi para maghapunan? Ang
sinumang nakatitiyak sa kanyang susunod na almusal, pakitaas ang kanyang kamay!
Isang ginoong nakaupo sa likod ko ay siyang itaas ang pareho niyang kamay. Ngunit
hindi sa harap nito! At iyan ang dahilan kaya natin pinag-uusapan ang magwelga –
para makakamit ng sahod na ikabubuhay natin!

Taba: Nasaan si Kaliwete?

Joe: Sinusumpa ko sa Diyos na hindi ko alam, ngunit hindi siya uurong. Higit na matindi ang
lamang-loob ng gagong iyon kaysa sa isang matadero. Marahil naipit lang siya sa
trapik, ngunit makakarating siya rito. Huwag kayon matakot sa mga usaping
komunista, kung hindi kayo takot makipaglaban sa inyong ikabubuhay. Kailangan na
nating magpasya ngayon. Nahikayat na ako ng aking asawa noon nakaraang linggo,
kung nais ninyo malaman ang katotohanan. Naririto kaming umuuwi tuwing gabi –
walo, sampung oras sa pagbiyahe ng taxi. “Panginoon ko,” sabi ng asawa ko, “hindi
pera ang walumpung piso – hindi pa nga makabili ito ng patani. Nagtratrabaho ka
para sa kumpanya,” sabi niya sa akin, “Joe, hindi ka na nagtratrabaho para sa akin o
para sa pamilya mo!” Ang sabi pa nga niya sa akin, “Kung hindi ka magsisimula…”

I. JOE AT EDNA
Unti-unting lalabo ang ilaw, liban sa isang dako kung saan gaganapin ang susunod
na eksena. Di-gaanong malinaw ang mga nakaupong lalaki ngunit litaw si Taba na
naninigarilyo at paminsan-minsang bumubuga ng usok sa iniilawang lugar.
Isang pagod ngunit kaakit-akit na babaeng nasa tatlumpung taong gulang ang
papasok sa kuwarto, pinapatuyo ang kanyang mga kamay sa epron. Nagmamamktol siyang
nakatayo habang pumpasok sa kabila si Joe, galing sa trabaho. May ilang sandali silang
nakatayo at tinititigan ang isa’t isang nang walan imik.

Joe: Nasaan na ang ating mga muwebles, mahal?

Edna: Kinuha na nila. Hindi bayad ang hulugan.

Joe: Kailan?

Edna: Alas tres ng hapon.

Joe: Hindi nila maaring gawin iyan.

Edna: Hindi? Ginawa na nila.

Joe: Aba, ang walang-hiya, nakapagbayad na tayo ng tatlong a-kinse.

Edna: Ang sabi ng mama basahin mo raw ang kontrata.

Joe: Pumirma marahil tayo sa isang huad na kontrata.

Edna: Isang karaniwang konrata ang pinirmahan mo.

Joe: Ang asim naman ng mukha mo, Edna…

(Aakapin siya.)

Edna: Sa pelikula mo na lang gawin iyan, Joe – binabayaran nila ng malaki si Richard
Gomez para riyan.

Joe: Buwisit na bahay naman ito para uwian!

Edna: At kaninong kasalanan kaya iyan?

Joe: Kailangan pa bang simulan mo na naman iyan?

Edna: Marahil nais mo na namang pag-usapan ang mga libro?

Joe: Gusto na kitang sampalin sa mukha!

Edna: Hindi mo kayang gawin iyon.

Joe (nangingimi): Suskopo, Edna, madalas mon pasakitin ang ulo ko.

Edna: Tingnan mo naman ako, malusog mong pasakitin ng ulo ko.

Joe: Huwag mo akong kutyain. May magagawa ba ako kung masama ang panahon?
Anong gusto mong gawin ko, tumalon sa tulay?
Edna: Huwag kang sumigaw. Pinatulog ko ng maaga ang mga bata para hindi nila
maalalang hindi sila nakapaghapunan. Kung ko mapasuwelasan ang sapatos ni
Emmy bukas, hindi sya makakapasok. Samantala, hayaan mo na siya makatulog.

Joe: Mahal, bumiyahe ako hanggang maubos na ang gulong sa sasakyan ko ngayong
araw. Naglalayag ako ng limang oras na walang tumatawag. Sa panahon talaga iyon.

Edna: Sabihin mo iyan sa A & P. (??)

Joe: Naglaan ako ng dalawang tigdadalawampu sa orasan. Isang aleng may dalang aso
ang sumakay. _______. Binigyan niya ako ng isang quarter (??) bilang tip, sa kanyan
pagkakamali. Kung makinig ka lang sa akin, mayaman na tayo.

Edna: Talaga? Magkano?

Joe: Nakapagkape ako at _____ sa isang sitawan. (Aabutan niya si Edna n ilang pisetas.)
Isang dolyar at apat (??).

Edna: Dapat nang bayaran bukas ang upas sa bahay para ikalawang buwan.

Joe: Huwang kang tumingin ng ganyan sa akin, Edna.

Edna: Tinitingnan kita, hindi ako tumitingin sa iyo. ___. Magiging marangya ang lahat!
Isang bahay sa tabi ng talon, mga rosas sa Picardy (??). isa ang talunan! Kung
inaakala mong makapagtitiis pa ako ng matagal, nasisiraan ka na ng bait.

Joe: Hahanapako ng iba pang gawain kung mayroon. Nugnit alam mo namang wala.

Edna: Alam ko lang na nasa ilalim na tayo ng karagatan.

Joe: Anong magagawa ko?

Edna: Sino ba ang padre de pamilya, ikaw o ako?

Joe: Hindi sagot iya. Maging seryoso ka naman. Panginoon ko, bigyan mo naman ako ng
pagkakataon! Isang kape at java sa buong araw. Gutom din ako. Magbabatak ako ng
buto buong magdamag kung—

Edna: Magbubukas ako ng de lata.

Joe: Huwag muna ngayon. Sabihin mo sa akin ang gagawin ko!

Edna: Hindi ako diyos!

Joe: Sus, sana bata pa ako para hindi ko pa kailangang pag-isipan ang mga bagay na ito.

Edna: Ngunit hindi ka na bata at kailangan mo nang pag-isipan ang mga bagay na ito. May
dalawa kang anak na natutulog sa kabilang kuwarto. Kailangan nla ng pagkain at
damit. Hindi ko na babanggitin ang iba – ngunit huminto na tayo na tila isang fliver
sa niyebe. Limang taon akong nagpupuyat tuwing gabi, pinpakinggan ko ang mabilis
na pagtibok ng puso ko. Panginoong Diyos, kumilos ka, Joe, gamitin mong kukote
mo. Marahil, pagsamasamahin mong mga kasama mo, marahil magwelga kayo para
patasin ang sahod ninyo. Ginawa iyon ni Papa noong may giyera pa at nagtagumpay
naman sila. Nagiging kunsintidora na tuloy ako.

Joe (ipinagtatanggol ang sarili): Hindi nakakatulong ang pagwewelga!


Edna: Sinong nagsabi sa iyo?

Joe: Bukod diya, nangangahulugan walang sahod tuwing linggo habang nagwewelga.
Kapag natapos namanm, hindi ka na nila tatanggapin muli.

Edna: Ipagpalagay na nating hindi nga! Anong mawawala?

Joe: Kumikita tayo mula anim hanggang pitong dolyares bawat linggo ngayon (??).

Edna: Sapat lang iyan sa pambayad sa upa ng bahay.

Joe: Mabuti na iyang kaysa sa wala, Edna.

Edna: Hindi nga tama iyan. Gigipitin ka nila hanggang sa umabot sa tatlo o apat tuwing
linggo bago mo mapansin iyan. At sasabiin mo pa ring “Mabuti na iyan kaysa sa
wala!”

Joe: Masyado kasing maraming pumapasada ngayon, iyan ang problema.

Edna: Pabayaan mong problemahin iyan ng kumpanya, gago! Kung hindi kumikita ang
kanilang mga sasakyan, ihihinto nila ang pagpapasada sa mga ito. O ramahil ay
iniisip mong ginagawa pa nila ito para lamang mabayaran ang upa ni Joe Mitchell
(??).

Joe: Hindi mo alam ang A-B-K-D nito, Edna.

Edna: Ang alam ko ito – ninanakawan kayo ng oss ninyo bawat minuto. Oo, ninanakawan
din niya ang mga asawa at mga kawawang mga anak ninyo ng lalaking may
balikukong galugod at masakiting mga buto. Totoo, nababasa ko sa pahayagan kung
gaano kabuti para sa mga bata ang katas ng kahel. Ngunit, putangina, sinisipon ang
ating mga anak gabi-gabi. Tila sila ang munting kaluluwa. Hindi pa nga nakakakita
si Betty ng suha. Dinala ko siya sa palengke nang nakaraang linggo at tinuro niya
ang isang bayong suha. “Ano iyan!” ang sabi niya. Panginoong Diyos, Joe --- para sa
ating lahat dapat ang buong mundo.

Joe: Magigising mo sila.

Edna: Wala akong pakialam, magigising lamang kita.

Joe: Huwag mo akong kutyain. Hindi kaya ng isang tao ang magwelga.

Edna: Sinong nagsasabing mag-iisa ka? Daan-daan kayo sa nabublok mong unyon!

Joe: Hindi bulok ang unyon namin.

Edna: Hindi? Kung ganoon, anong ginagawa nila? Mangulekta ng buwis at tapikin kayo sa
likod?

Joe: Nagplaplanon sila.

Edna: Anong klase?

Joe: Hindi nila sinasabi sa amin.


Edna: Napakamalas mo naman. Hindi nila sinasabi kay little Joey kung anong nangyayari
sa kanyang bitsie-witsieng unyon. Ano ba sa palagay mo ito – isang laro ng
pingpong?

Joe: Alam mo namang mga manlilinlang sila. Babarilin ka ng mga taong nasa itaas sa
halagang singko lamang.

Edna: Bakit ka pumapayag sa ganyang kalagayan?

Joe: Hindi mo ba akong nais makitang buhay?

Edna (pagkalipasng ilang sandali): Hindi…sa palagay ko hindi na, Joe. Hindi na kung kaya
mo pang kumilas upang baguhin ang lahat ng ito. Hindi, wala na akong pakialam.

Joe: Mahal naman, hini mo nauunawaan kung ano—

Edna: At kahit na rin sinong ayaw lumaban…pabayaan silang madurg hanggang maging
pulbos!

Joe: Isang bagay lang—

Edna: Alisin mong kamay mo! Hindi nila ako kayang ligisin sa maliliit na piraso! May iba
akong mga plano. (Tatanggalin ang kanyang epron.)

Joe: Saan ka pupunta?

Edna: Wala kang pakialam.

Joe: Anong nasa kukote mo?

Edna: (hindi iimik at ipapatong ang epron sa upuan.)

Joe: Magsalita ka!

Edna: Ano?

Joe: Saan ka pupunta?

Edna: Naaalala mo ang dati kong katipan?

Joe: Sino?

Edna: Si Bud Haas (??). Nasa kanya pa rin ang aking larawan. Malaki an kinikita niya
ngayon.

Joe: Anong pinag-sasabi mo?

Edna: Mas malala pang mga narining ko kaysa sa sinasabi ko.

Joe: Nagkikita pa rin ba kayo ni Bud kahit kasal na tayo?

Edna: Marahil.

Joe: Kung alam kong…(Tatayo at tititigan siya.)


Edna: Nauunawaan mo ba? Makinig ka, kung inaakala mong hindi gagawin ito, nawawalan
ka ng tino.

Joe: Itigil mong pagsasalita ng ganyan!

Edna: Hindi ito ang nakaraan, Joe.

Joe: Ibig mong sabihin iiwan mo ako at ang iyong mga anak?

Edna: Iiwan na kita.

Joe: Hindi…

Edna: Oo!

(Lilingon palayo si Joe hapang nakaupo. Sa labas ng lugar na naiilawan, maririnig ang ilang
kasapi ng komite. “Iiwan niya…iiwan niya…ganyan talaga ang nangyari,” atbp. Dapat
gamitin ang grupong ito sa buong dula na bumubulong ng kung anu-anong kaugnay sa
eksena. Bubuga ng makapal na usok si Taba sa eksena.)

Joe (sa wakas): Sa palagay ko, wala na akong tuhod na ipapangtungkod.

Edna: Wala?

Joe (biglang magagalit): Wala, walang kuwentang mahayap, wala na! Lumayas ka na rito.
Puntahan mo na ang gagong iyon sa kanto at magtungo na kayo sa isang almuhadong
otel sa kabayanan. Marahil pumupunta siya rito tuwing umaga at inuupakan ka
habang tinatadtad ko ang mga buto ko sa paghahanap-buhay!

Edna: Gumagapang nang tila isang bulate!

Joe: Gagapang ka mamaya sa loob ng isang minuto.

Edna: Hindi mo ako tinatakot maski katiting. (Ituturo ang kalahati ng isang daliri.)

Joe: Iyang ang pinaghihirapan ko!

Edna: Sabihin mo sa boss mo!

Joe: Wala siyang pakialam sa iyo o sa akin!

Edna: Iyan na nga ang sinasabi ko.

Joe: Huwag mong palitan ang paksa!

Edna: Ito nga ang paksa, ang eksaktong paksa! Ginagawa ng boss mo na ang paksa natin.
Hindi ko pa siya nakikita sa buong buhay ko, ngunit marami siyang ipinapasok na
mga ideya sa isipan ko. Siya ang nagbibigay sa iyong mga anak ng isang magarang
sakit na tinatawag na rikets. Ginagawa ka niyang dikya at dinaragdagan niya ang
kulobot sa mukha ko. Ito ang paksa sa lahat ng pinag-uusapan natin! Siya ang
nagpupursige sa aking magtungo kay Bud Haas. Kailan mo ba patatakbuhin ang utak
mo—

Joe: Hindi ako kasing-tanga tulad ng iniisip mo! Ngunit para kang komunista kung
magsalita.
Edna: Hindi ko alam ang ibig sabihin niyan. Ngunit, kapag sinuntok ka n isang tao,
tumatayo ko at hinahalikan ang kanyang kamao! Isa kang walang silbing hunghang.

Joe: Hindi kaya ng isang taon—

Edna: Hindi ko naman sinasabing mag-isa ka! Sinasabi kong isang daan, isang libo, isang
milyon. Ngunit magsimula ka sa sarili mong unyon. Ipunin mong mga kasama mo!
Walisin niyo ang mga manlilinlang na mga iyan na parang isang kalat ng dumi!
Tumayo kayong parang mga tunay na lalaki at ipaglaban ninyo ang inyon mga
umiiyak na mga anak at mga asawa. Punyeta! Pagod na ako sa pagka-alipin at sa
mga walang tulog ng gabi.

Joe (kasama niya): Oo…Oo!…

Edna: Oo. Gagamitin mong makakapal mong mga paa at alamin mo king saan
mananadyak!

Joe (biglang mapapalundag at hahalikan ang kanyang asawa sa labi): Makinig ka, Edna.
Pupunta ako sa kalye 174 at hahanapin ko si Kaliweteng Costello. May sinasabi siya
noong araw…(biglang titigil) Papaano itong si Haas?

Edna: Umalis ka na!

Joe: Babalik ako! (Tatakbong palabas.)

(Tatayo si Edna ng ilang sandaling mukhang tagumpay. Didilim ang lahat at kapag umilaw
ang karaniwang ilaw, matatagpuang tinatapos ni Joe ang kanyang ikinukuwento.)

Joe: Mas alam ninyo ang mga bagay na ito kaysa sa akin. Kailangan nating magwelga!

(Bigla siyang tatalikod at mauupo at magkakaroon ng kadiliman sa buong kapaligiran.)

II. KATULONG SA LABORATORYO

Natuklasan: Miller, isang katulong sa laboratoryo, patingin-tingin; at si Fayette, isang


kapitalista/industriyalista.

Fayette: Nagustuhan mo?

Miller: Nang lubusan. Hindi pa ako nakakakita ng opisinang gaya nito maliban sa pelikula.

Fayette: Oo, madalas ko ring pinag-iisipan kung kinukuha ng interior decorator at mga
tauhan para sa mga kasangkapang pangkabit sa paliguan ang kanilang mga ideya sa
Hollywood (??).

Miller: Ikinalulungkot ko hong sabihing hindi ganyan kadali, Ginoong Fayette.

Fayette: Hindi, tama ka nga – isang pagpapalabis sa katotohanan sa panig ko. Mataas ang
kumpetensiya ngayon. Naiipit sa isang batong pader ang mga merkado. Kailangan
nang madalian ng mga astronomo – buksan ang Marso sa pagpapalawak ng
pangangalakal.

Miller: O, kung hindi, magiging masama!


Fayette: Sigarilyo?

Miller: Salamat, ngunit hindi ako naninigarilyo.

Fayette: Inom?

Miller: Hindi rin ho, Ginoong Fayette.

Fayette: Gusto ko niyang nagtitimpi sa pag-iinom sa aking mga mangagawa… ang mga hasa,
ang ibig kong sabihin. Nagtataka ka ba kung bakit kita pinapunta rito?

Miller: Kung hindi niyo ho ikasasama, sa pagsabi sa inyo, labis-labis ho.

Fayette (tatapikin siya sa tuhod: Gusto kong gawain mo.

Miller: Salamat ho.

Fayette: Walang dahilan kung bakit ang isang matalinong binatang tulad mo ay hindi sumabit
sa amin – isang tumutubong pagmamalasakit. Ginagantimpalaan ang katapatan sa
aming organisasyon. Nagkita ba kayo ni Sigfried ngayong umaga?

Miller: Wala siya sa laboratoryo ng buong araw.

Fayette: Sinabi ko sa kanya kahapon na taasan an sahod mo sa dalawampung dolyares (??) sa


isang buwan. Simula ngayong linggo.

Miller: Hindi niyo alam kung gaano magiging kagalak ang misis ko.

Fayette: Ah, naguguni-guni ko na. (Tatawa.)

Miller: Iyon lang ho ba? G. Fayette?

Fayette: Oo, ngunit ililipat ka namin sa Lab A bukas. Alam na ni Sigfried ang bagay na ito.
Kaya nga ipinatawag kita. Mahalaga ang bagyong gawain. Itinagubilin ka ni Sigfried
bilang isang taong mapagkakatiwalaan. Magtratrabaho ka sa ilalim ni Dr. Brenner.
Masaya ka ba?

Miller: Labis ho. Isa siyang tanyag na kimiko.

Fayette (lalapit na seryoso): Sa palagay din namin, Miller. Kaya nga’t inaatasan ka naming
manatili sa loob ng gusali sa buong panahon ng pagtratrabaho mo sa kanya.

Miller: Ibig niyong sabihin, matulog at kumain doon?

Fayette: Oo…

Miller: Magagawan ng paraan iyan.

Fayette: Mabuti. Malayong mararating mo, Miller.

Miller: Maari ko bang malaman ang uri ng bagong trabaho?

Fayette (titingin sa kapaligiran): Lason…

Miller: Lason!
Fayette: Utos sa itaas. Hindi ko kailangan pang sabihin sa iyo kung saan. Isang bagong uri ng
lasong gagamitin para sa isang makabagong pakikidigma.

Miller: Nauunawaan ko na.

Fayette: Hindi mo alam na aabot sa ganyan ang bagong pakikidigmaan, ano?

Miller: Sa palagay ko nga, hindi.

Fayette: Hindi ko na kailangan pang idiin sa iyo ang kahalagahan ng isang lubos na
paglilihim.

Miller: Naiintindihan ko na!

Fayette: Isa nang armadong kampo ang daigdig ngayon. Isang palito lang ang posoro at kaya
nang sunugin ang buong mundo sa loob ng apat na pu’t walong oras. Hindi mo
mahuhuling natutulog si Uncle Sam (??)!

Miller (nakatingin sa lapis): Sinasabi nilang labindalawang milyong kalalakihan ang nasawi
sa nakaraan at dalawampung milyon pa ang sugatan o nawawala.

Fayette: Hindi na natin suliranin iyan. Kung naging sentimental ang mga malaking negosyo
sa buhay ng tao, walang magiging malaking negosyo ng kahit anupamang uri!

Miller: Namatay ang kuya at dalawa kong pinsan sa nakaraan.

Fayette: Namatay sila sa isang mabuting dahilan.

Miller: Sabi ng nanay ko, hindi raw.

Fayette: Hindi siya mag-aalala sa iyo ngayon. Masyado kang mahalaga sa likod ng unang
linya.

Miller: Totoo nga.

Fayette: Kung gayon, Miller, hanapin mo na lang si Sigfried para sa iba pang mga utos.

Miller: Dapat niyo hong nakita ang kapatid ko – kaya niya sumakay at gumamit ng bisikleta
nang walang hawak ang kamay…

Fayette: Kailangan mong magdala ng mga damit at mga gamit sa pang-ahit bukas. Tandaan
mong sinasabi ko --- kasama ka sa isang umuunlad na organisasyon.

Miller: Kaya niyang tumakbo ng isang daang dipa sa loob ng siyam na segundo…

Fayette: Sino?

Miller: Ang kapatid ko ho. Nasa Meusse-Argonne Cemetry (??) siya. Pumunta roon si inay
noong 1926 (??)…

Fayette: Oo nga, maalala mo ang mga ganyang bgay. Kamusta ang pagsulat mo, Miller,
nababasa ba?

Miller: Nababasa, ho.


Fayette: Bawat linggo, nais kong magkaroon ng isang ulat mula sa iyo.

Miller: Anong uri ng ulat?

Fayette: mga ilang daang salita lamang bawat linggo tungkol sa pag-unlad ni Dr. Brenner sa
kanyang gawain.

Miller: Hindi ho ba mas mabuting manggaling iyon kay Dr. Brenner?

Fayette: Hindi ko tinatanong sa iyo iyan.

Miller: Patawad po.

Fayette: Gusto kong malaman ang pag-unlad na ginagawa niya. Magiging lihim nating
dalawa ang mga ulat.

Miller: Ibig ninyong sabihin, mamanmanin ko ang bawat kilos niya?

Fayette: Oo!

Miller: Hindi ko yata magagawa iyan…

Fayette: Tataasan kong sahod mo sa tatlumpu bawat buwan.

Miller: Sabi ninyo dalawampu…

Fayette: Tatlumpu!

Miller: Hindi talaga ako ganyan.

Fayette: Apatnapu…

Miller: Hindi ko gawain ang maniktik, G. Fayette!

Fayette: Marumi kang magsalit, G. Miller!

Miller: Para sa maruming gawain? Oo!

Fayette: Pag-isipan mong mabuti, Miller. Mahusay ang iyong mga pagkakataon…

Miller: Hindi.

Fayette: Gagawin mo ito para sa iyon baya. Nakatitityak na tayong magkakaroon tayo ng
mga sandatang panalakay kapag nagsimula na naman ang mga putris na mga hapon
na iyan (??)! Hindi ka ba nagbabasa ng pahayagan, Miller?

Miller: Hindi gaano.

Fayette: Kung nasa loob ka lang, alam mong sinasabi ko ang katotohanan! Ngayon, hindi
naman kita pinipilit na magpasya kaagad. Pag-isipan mo muna habang nananghalian
ka.

Miller: Hindi…

Fayette: Hindi na ba magbabago ang pasyang iyan?


Miller: Hindi na.

Fayette: Alam mo na ang magiging kinalabasan nito?

Miller: Mawawala ang pagtaas ng sahod ko—

Sabay: Pati ang trabaho!

Miller (saba sa taas): Hindi niyo naiintindihan—

Miller: Maghuhukay na lang muna ako!

Fayette: Malaking gawain iyan para sa mga banyaga.

Miller: At ang mantiktik – at gumawa ng laso – para sa mga Amerikano?

Fayette: Bahal ka na.

Miller: Nakapagpasya na ako.

Fayette: Walang samaan ng loob?

Miller: Anong wala? Hindi ako ang tipong sibilisado, G. Fayette. Walang ganong banayad o
sanay sa kamunduhan sa akin. Labis na sama ng loob! Sapat na para sapakin ka at
ang mga katulad mo sa makakapal ninyong pagmumuka! (Susuntukin siya.)

Kabuuang Kadiliman.

III. ANG PUAPAHANG DRIVER AT ANG KANYANG KATIPAN

Magsisimulang may isang dalaga kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki.
Hinihintay ni Florence si Sid para ilbas siya sa isang sayawan.

Florence: May karapatan akong gampanin ang nais ko sa aking buhay. Hindi ako
naniningarilyo, hindi ako umiinom. Kaya kung gusto akong ilabas ni Sid sa isang
sayawan, sasama ako. Marahil, kung umiibig ka, hindi ka magiging matigas sa akin.

Irv: Sinasabi ko lang ito para sa iyong kabutihan.

Florence: Huwag kang masyadong mabait sa akin.

Irv: Maysakit si inay sa higaan at hind maglalaon, aalalahanin mo siya sa kanyang


puntod. Ayaw niyang pumarito ang lalaking iyon at ayaw niyang nakikipagkita ka sa
kanya sa Luneta.

Florence: Makikipagkita ako sa kanya sa kahit anong oras na gugustuhin ko!

Irv: Kung ginawa mo iyan, ako mismo ang gagawa ng sarili kong paraan. At sa isang
kamay lang!

Florence: Bakit ba labis ang paghahadlang ninyong lahat sa aming dalawa?


Irv: Makasampung beses na sa iyo sinabi ni inay – hindi naman siya talaga. Kungdi ang
pagiging kapus-palad niya. Oo, alam maning seryoso siya, na mahal na mahal ka
niya. Ngunit bale-wala pa rin iyon.

Florence: Dati namang mataas ang kinikita ng mga taksi drivers.

Irv: Ngayon, kumikita sila sa mga lima hanggang anim na dolyares (??) sa isang linggo.
Marahil nais mo nang magtayo ng isang pamilya sa ganyan. Pagkatapos babalik a rin
dito sa amin at dalawang pamilya ang tutustusin ko. Ha! Dadaan ka muna sa ibabaw
ng bangkay ko.

Florence: Irv, wala akong pakialam – iniibig ko siya!

Irv: Isa kang batang musmos na may kakatawang mga kuro-kuro!

Florence: Buong araw akong tumatayo sa likurang ng despatso. Pinag-iisipan ko siya—

Irv: Higit na makakatulong kung pinag-iisipan m osi inay.

Florence: Hindi ko ba siya inaalagaan sa pag-uwi ko tuwing gabi? Hindi ko ba siya


ipinaghahain ng hapunan at hindi ko ba pinaplantsa ang mga damit mo at binibigyan
mo rin ako ng sakit ng ulo, ba. Huwag mo akong patahimikin! Nagbibigay din ako
ng salapi sa bahay na ito. Hindi mo ba nakikitang gusto ko naman ng iba sa aking
buhay? Totoo, gusto ko ng romansa, pag-ibig, mga anak. Nais kong magkaron ng
lahat ng makakamtan ko sa buhay.

Irv: Alagaan mo na lang si inay at tingnan mong mga hakbang mo!

Florence: At kung ayaw ko!

Irv: Ako mismo ag titingin para sa iyo!

Florence: Kaya mong magsalit ng ganyan sa isang babae…

Irv: Ganito rin ako magsasalita sa katipan mo at hindi lang salita ang gagamitin ko!
Florrie, kung maryoon kang dalawang mata, makikita mong para sa kabutihan mong
pinag-uusapan natin. Hindi ngayon ang tamang panahon para mag-asawa. Marahil,
saka na lang—

Florence: Ngunit hind na darating sa aking ang “saka na lang.” bakit hindi natin ipadala si
inay sa ospital? Maara siyang mamayapa nang tahimik doon kasya sa pagpapanatili
niya rito at minamasdan ang orasan sa mantel nang buong araw.

Irv: Kakailanganin niyan ng kuwarta, na wala tayo!

Florence: Kuwarta! Kuwarta! Kuwarta!

Irv: Huwag mong palitan ang paksa.

Florence: Ito na nga ang paksa.

Irv: Hindi ka na makikipagkita sa kanya? (lalayo si Flor) Panginoon ko naman, naaalala


ko a noong sanggol ka pa lamang na may kulot sa iyong likuran. Ngaon, kailangan kong
tumayo rito at sigawan ka ng ganito.

Florence: Akong kakausap sa kanya, Irv.


Irv: Kailan?

Florence: Sinabihan ko siyang pumarito ngayong gabi. Pag-uusapan namin ang bagay na ito.

Irv: Huwag kang manlabot sa kanya. Hindi ngayon ang mga panahon upang manlabot.
Kailangan mng maging matigas na tila bato o pumailalim ka na lang.

Florence: Nalaman ko na iyan. Hayan nang timbre. Kunin mo nang itlog sa kalan para kay
inay. Iwan mo na kami, Irv.

(Papasok si Sid – magtitinginan ang dalawang lalaki. Lalabas si Irv.)

Sid (papasok): Magandang gabi, Florrie.

Florence: Maganding gabi rin, mahal. Mukhang pago na pagod ka.

Sid: Hindi, kailangan ko lang mag-ahit.

Florence: Kung ganoon, maupo ka sa harap ng apoy (??) at ipakukuha kita ng brandy at
soda…gaya ng nasa pelikula.

Sid: Kung nasa pelikula nga tayo, magdadala ako ng isang kumpol ng mga rosas.

Florence: Gaano kalaki?

Sid: Limampu o animnapung dosena – iyong may mga mahahabang mga tangkay –
kasinglaki ng ganito.

Florence: Ulol ka talaga.

Sid: Napakaganda ng iyong Paris gown (??).

Florence (poporma): Oo, Percy, bumabalik na naman sa uso ang tersiopelong entrepanyo.
Kasasabi lang sa akin ni Madam La Farge na si Reyna Marie mismo ang nagdibuho
nito.

Sid: Aaaahh…!

Florence: Nagsuot ng ganito ang bawat prinsesa ng mga Balkans. (Titindig ng maringal.)

Sid: Sandali lang. (Popormang kinakalikot na isang kamera habang iniikot ang isang
kamay. Biglang mawawala sa pagkakatindig si Flor at hahagkan ng mahigpit si Sid
at hahalikin ng mariin, sa wakas.)

Sid: Tila pagod na pagod ka, Florrie.

Florence: Hindi, kailangan ko lang mag-ahit. (Tatawa ng may pangingilig.)

Sid: Nag-aalala ka ba sa iyong ina?

Florence: Hindi.

Sid: Anong nasa isip mo?

Florence: Ang digmaan ng mga Pranses at mga Indio.


Sid: Anong nasa isip mo?

Florence: Tayo ang nasa isipan ko, Sid! Araw at gabi, Sid!

Sid: Nakabundol ako ng isang trak ng beer ngayong araw. Tila ako nasa impiyerno!
Pinag-iisipan ko rin ang kalagayan nating habang nagmamaneho ako. Hindi mo na
kailangang sabihin pa – alam kong nasa isipan mo. Lason ako sa pamamahay na ito.

Florence: Hindi sa akin…

Sid: Kilala ko kung kanino…at alam ko rin kung bakit. Hindi ko sila masisisi. Tatlong
taon na tayong nagkakasundo…

Florence: Matagal na panahon na iyan…

Sid: Sumali sa navy ang kapatid kong si Sammy kaninang umaga – hahanap ng
panibagong kapalaran. Papadala nila siya sa Cuba (??) na may mga hootsie-
kootsieng babae. Walang alam iyon, ang tangang basketbolista!

Florence: Huwag mong gagawin iyan.

Sid: Huwag kang mag-alala, hindi ako ang tipong tumatakbong palayo. Ngunit pagod na
pagod na ako sa pagiging parang aso, naghihingalo na ako. Hindi ko kailangan ang
tanungi ang nasa isipan mo. Alam ko na sa salitang pag-alis, dahil ganyan din ang
iniisip ko.

Florence: Oo o hindi – wala sa pagitan.

Sid: Ang sagot ay hindi – isang malaking karatulang de-koryente sa Broadway (??).

Florence: Nais nating magkaroon ng mga anak…

Sid: Ngunit hindi para sa ating mga aso ang ganyang uri ng pamumuhay. Diyos ko!
Dumadagundong ang dibdib ko kapag magkapiling tayo. Kung lumisan tayong
magkasama marahil kaya tong titigan ang mundo sa kanyang mukha, dumura sa
kanyang maang dapat gawin ng isang tunay na lalaki. Putangina, ganyan ang
pagiging isang lalaki dito sa mundong it. Dalawang magkasama sa buhay.

Florence: Ngunit mayroong nagnanais na maging malungkot tayo – gumagapang mag-isa sa


dilim. O di kaya’y masilo.

Sid: Totoo, nais tayong maging ganyan ng mga big shot na mayayaman.

Florence: Labis labis tyaong nilalait—

Sid: Ipinipiit tayo sa dilim tungkol sa ating mga kamalian kapag kuwarta nang pinag-
uusapan. Nasa kanila ang kapangyarihan at talagang sasamsamin nila ito. Alam
nilang mangyayari kapag bumigay sila ng kahit isang pulgada, lalapain silang lahat
ng mga asong tulad natin – isang karagatang tatangay sa kanila sa impiyerno at
pabalik at bawat isa sa kanila, kumakantang may mga talang lumalabas sa kanilang
mga ilong at taynga. Hindi ako nahihibang, Florrie—

Florence: Alam ko, alam kong hindi.


Sid: Hindi ko makapa ang mga salitang magsasabi sa iyo sa aking mga damdamin. Hindi
ako nakapagtapos sa pag-aaral…

Florence: Alam ko…

Sid: Ngunit magkakaugnay iyan, tulad ng sinasabi ng mga propesor. Naghirap kaming
parang nasa impiyerno para lamang mapadala siya sa kolehiyo – ang nakabbata kong
kapatid, si Sammy, ang tinutukoy ko – at tingnan mong ginagawa – sumali sa navy!
Hindi niya nakikitang nakaayos nang pakete ang baraha para sa ating lahat. Bibigyan
ng mayam ang sarili niya ang isang mainit ng royal flush. Pagkatapos bibigyan niya
tayo ng isan ghuwad na pares tulad ng tigdi-diyes o ano. Patuloy tayong matatalo at
malulugi dahil nakaayos nang pakete ng baraha laban sa atin. Sa sasabihin niyang,
anong nangyayari sa inyo’t hindi kayo namalo, kulang sa gilas, ssabihin niya. At
maniniwala naman ang mga batang tulad ng kapatid ko dahil wala na silang alam na
higit na mahusay. Sa lahat ng kanilang mga napag-aralan, wala pa rin silang alam.

Ngunit hintay ka muna! Hindi ka ba niya lalapitan at sasabihin – itong milyonaryong


may bandang diyas – makining ka, Sammy o, Sid, o kahit maritong pagkakataon mo.
Makikilala ng buong daigdig kung sino ka. Totoo, sasabihin nya, sumakay ka sa
barkong iyan at kalabanin mong mga punyetang may kasalanan kung bakit
masagwang lugar ang mundong ito upang mabuhay. Ang mga Hapon, mga Turko,
mga Griyego. Kunin mong sandatang ito – patayin mong mga gagong iyan tulad na
isang tnay na bayani, sasabihin niya, isang tunay na Amerikano. Magpakabayani ka!

At ang lalaking tinututukan mo? Isang walang kuwenta, tulad mo, dahil hindi nila
siya binibigyan ng higit pa sa isang pares ng diyes. Sa lupaing dayuhang iyon, isa rin
siyang lalaking tulad namin ni Sammy, isang tong siyang magkaroon ng anak tulad
mo at nakabilad ang mukha sa araw! Tuturuan nila si Sammy na itutok ang sandala
sa maling direksiyon, ang tangang basketbolistang iyon!

Flor: Mahihirinan yata ako, mahal.

Sid: Ikaw at ako – wala nga tayong isang kuwartong mauupuan natin.

Flor (pabigla): Sid, sasama ako sa iyo – makakakuha tayo ng isang kuwarto sa kahit saan.

Sid: Hindi…tama sila. Kung hindi nating kayang umangat pa rito sa ating pagsasama –
maghiwalay na lang tayo.

Florence: Sinusumpa ko sa Diyos na wala akong pakialam.

Sid: Magkakaroon ka rin – pagkalipas ng isa o dalawang taon, isusumpa mong aral na ito.
Nakita ko nang nangyari iyan.

Florence: Sid…

Sid: Oo, alam ko. Nasa atin ang blues, mahal – ang 1935 blues (??). Sinasabi ko sa iyo dahil
mahal kita. Kung hindi, hindi ako makikialam…

Florence: Maghahanap-buhay tayong dalawa, mag—

Sid: At papaano naman ang iba nating tungkulin? Kailangan ng pamilya mong siyam na
dolyares (??) mo. Ang pamilya ko—l

Florence: Wala akong pakialam sa kanila!


Sid: Sinasabi mo lang iyan, Florrie Canary (??) sa kanyang hawla.

Florence: Huwag mo akong kutyain.

Sid: Hindi naman, mahal.

Florence: Oo, pinagtatawanan mo ako.

Sid: Hindi yata.

(Nakatayo silang tinititigan ang isa’t-isa, walang umiimik. Patungo si Sida sa isa bitbiting
ponorappo at mapapatugtog ng isang malungkot na tugtugin. Aanyayahin niya si Flor at
lalapit naman siya. Masasayaw sila ng marahan. Mahigpit ang pagkakayakap nila isa’t-isa.
Matatapos ang tugtugin ngunit magpapatuloy ang tunog ng paggasgas ng plaka hanggang
sa katapusan ng eksena. Hinhinto sila sa pagsasayaw. Tatanggalin ni Sid ang pagkakahawak
ni Florrie at iuupo niya siya sa sopa, kung saan mauupo si Florrie, hindi mapakali at nag-
aabang.)

Sid: Hello, Florrie.

Florence: Hello. (May ilang sandali silang nakatayong tila nasa isang panaginip.)

Sid (sa wakas): Paalam, mahal. (Maghihintay siya ng sagot ngunit tatahimik si Florrie.
Magtititigan sila.)

Sid: Hindi mo ba nagustuhan.

Florence (sa wakas): Hindi. (Ibabaon ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay.)

(Biglang mapapaluhod si Sid at ibabaon ang kanyang mukha sa kalong ni Florrie.)

IV. ANG ESPIYA

Taba: Hindi ninyo alam kung paano kami magtrabaho para sa inyo. Hindi makatutulong
ang magbunganga. Hindi ba ninyo tinitingnan ang mga kasulatan tulad ko? Tingnan
ninyo ang sarili ninyong industriya. Tingnan ninyong nangyari nang magwelga ang
mga trabahado sa Philly (??) mga tatlong buwan nangn nakalipas! Nasaan ang
Philliy? Mga isang libong milya mula rito. Isang oras na sakay sa tren.

Tinig: Dalawang oras!!

Taba: Dalawanang oras…punyeta, anong pagkakaiba. Makinig naman tayo sa isang taong
may tunay na karanasang magpapatunay sa kanya. Mga kaibigan, naritiong isang
lalaking nakitang buong parada sa Philly, lumabas kasamang mga kaibigan niya,
nabugbog tulad ng iba – at na-blacklisted pagkabalik niya. Kaya siya narito.
Mayroon siyang kawili-wiling sasabihin (Ipapahayag) TOM CLAYTON (??) (Sa
paglapit ni Clayton mula sa mga manonood, papalakpakan siya ni Taba na
kalatkalat na susundan ng iba. Pupunta sa harap si Clayton.) mga kaibigan, ito ang
taong may tunay na karanasan sa welga – Tom Clayton ng Philly.

Clayton (isang payat at disenteng tao): Mga kaibigan, hindi ko maintindihan kung
kantiyawan ninyo ako. Kung sa palagay kong makakatulong sa ating lahat sa
pagkakaroon ng highit na mabuting pamumuhay, hahayaan ko kayong tapak-tapakin
ninyo ako, pira-pirasuhin. Isa ako sa inyo. Ngunit nais kong sabihin tamang sinasabi
ni Taba. Limang lingo pa lamang akong nagtratrabaho rito, ngunit alam ko nang
kalagayan dito tulad ninyong lahat. Alam na niyo kung papaano – hindi kailangan
ang matagal na panahon upang maramdaman ang kirot, kahit saan ka man magpunta.

Tinig (mula sa manonood): Umupo ka nalang!

Clayton: Ngunit tama si Taba. May katwiran ang ating mga pinuno. Hindi tama ang panahon.
Tulad ng hindi paglaglag ng isang prutas sa isang puno hangga’t hindi pa it
nahihinog.

Tinig: Umupo ka na sabi, balimbing!

Taba (tatayo): Mga bata, asikasuhin ninyo iyon.

Tinig (nagpupumiglas): Walang mag-aasikaso sa akin. (May nagpupumiglas sa mga


manonood hanggang sa tatakbo ang may-ari ng tinig sa entablado, sasabiin sa
nagsasalit) Saang impiyerno mo naman nakuha ang ganyang pangalan! Clayton!
Clancy ang pangalan ng dagang ito, sa angkan ng mga Clancy (??)! Balimbing!
Halos mangiyak-iyak na ako sa pagtawa habang nakikinig sa iyo!

Taba (kasama ang gunman): Hindi ito bangan! Ano sa palagay mong pinaggagawa mo rito.

Tinig: Ibinubunyag ang isang daga!

Taba: Hindi ka…

Tinig (maghahanda): Ikaw mismong sumubok…pagkatapos kong pagapangin ang gagong


ito. Kilala ninyo ba kung sino ito? Isa siyang espiya ng kumpanya.

Taba: Sino ka para – gumawa ng –

Tinig: Apat na taon akong nagbayad ng buwis sa unyong ito, iyan ang kung sino ako! May
karapatan ako at hindi ko hahayaang pumunta rito ang maliksing dagang itong may
kuro-kurong ganyan. Alam ninyong nasa kasulatan niya? Sasabihin ko—

Taba: Patutunayan mong lahat nang ito o papuputukin kong panga mo sa bawat kanto ng
bayang ito!

Tinig: May karapatan ako. May karapatan akon. Tingnan ninyo siya. Hindi naman siya
nangangantiyaw!

Clayton: Sinungaling! Hindi pa kit nakikita sa buong buhay ko!

Tinig: Mga kaibigan, dalawang taon siyang nanatili sa linangan ng kabrbong binubuag ang
kahit anong organisasyong mahawakan niya. Limampu nang naipakulong niya.
Gumagala siya sa kung saan-saan sa silangan – sa shipping textiles, steel –
nanggaling na siya sa kahit san pang alam ninyo. Ngayon naman—

Clayton: Kasinungalingan!

Tinig: Ngayon, nagtratrabaho siya kay Bergman sa may Columbus Circle (??) na
naglalagay ng mga dagang tulad niya sa kahit saang grupo sa buong bansa bago,
habang at pagkatapos ng welga. (Lalapit sa tabi niya ang bid sa susunod na eksena
kasama ang mga kasapi sa komite.)

Clayton: Binubuwag lang niya ang ating pagsasama, mga kaibigan!


Tinig: Hindi ka namin hahanapan ng mga kredensiyal…

Clayton: Wala akong dapat itago. Alam ng kalihim ninyong malinis ako.

Tinig: Totoo, mga kaibigan, kilala ninyo kung sino ang putanginang ito?

Clayton: indi pa kita nakikita sa buong buhay ko!

Tinig: Mga kaibigan, labin-anim ko itong kasamang matulog sa isang kama. KAPATID KO
ANG GAGONG ITO!!!

Taba (pagkatapos manahimik): Totoo ba ito? (hindi makakasagot si Clayton.)

Tinig kay Clayton: Lumayas ka na rito, naka mabugbog pa kita! (hindi makasagot si
Clayton.)

Tinig (habang nakatingin sa kanya): Tandaan ninyong pagmumukha ninya – hindi niya
kayang palitan iyon – Clancy! (Nakatayo pa rin sa lugar niya) Sayang at hindi mo
alam ito, Taba! (Pagkatapos manahimik) Pulos mga luku-luko nanggaling sa Clancy!

(Tatayong nag-iisa ang bida sa susunod na eksena.)

Kadiliman.

V. ANG BATANG ARTISTA

Isang opisina ng prodyuser ng teatro sa New York (??). Naroon ang isang takigrapa at ang
isang batang artista. Namamakinilya ang babae at naghihintay na may hawak na tarheta ang
lalaki.

Takigrapa: Naliligo pa siya…sinabi niyang maghintay ka raw.

Philips (ang artista): Sinabi mo bang naliligo? Saan?

Takigrapa: Nakikita mong pintuan na iyan? Patungo iyan sa kanyang apartment.

Philips: Diyan?

Takigrapa: Ginoo, nakalatay siya roon sa kanyang maninit at pinabanguhang paliguan.


Huwag mong sabihin sa kanyang sinabi ko sa iyo.

Philips: Talaga!

Takigrapa: Mayroon siyang isang Silanganing tirahin. Magugunita mo bang isang malakin
Irlandes (??) na nagsusunog ng tabakong Intsik sa loob ng kuwarto? At isang lumang
mala-rosas na kulandong sa itaas ng kanyang mababang supa…

Philips: Anong mayroon ___ ng mababang supa?


Takigrapa: Ano? Galing ka na sa lalawigan?

Philps: Anong lalawigan?

Takigrapa (magpapaliwanang sa pamamagitan ng mga senyas ng pipi’t bingi): Hindi. Ang


ibig kong sabihin sa side walkies ng New York … ginoo?

Philips: Tama ka nga. Dalawang taon ako sa pangkaraniwang pandula sa labas ng bayan. Isa
sa Chicago.

Takigrapa: Huwag mong sasabihin sa kanya iyan. Hind niya makikila ang isang mahusay na
artista kung madapa sa harapan niya iyon sa dilim. Sabihin mong dalawang taon ka
sa Group at dalawa sa Guild.

Philips: Nais ko ring makasama sa Guild. Sabi nila—

Takigrapa: Hindi niya malalaman ang pagkakaiba. Huwag mong sabihing sinabi ko!

Philips: nakasama ko talaga si Watson Findlay sa “Early Birds.” (??)

Takigrapa (pipigilan siya): Huwag mong sabihin sa kanya iyan!

Philips: Isa siyang malaking prodyuser, si Ginoong Grady (??). Sana nasa akin ang
kayamanan niya. Ayaw mo ba?

Takigrapa: Sabihin na lang nating may malinis na puso ako, ginoo. Mahal kong kapwa ko.
(paalis na may dalang mga sulat) Dito ko muna ____ Ginoong Philips. Baka
matipuhan ka niya. Kung naging babae ka lang.

Philips: Sandali lang, kung maari sana…kailangan ko ng hanap-buhay.

Takigrapa: Sabihin mo sa kanila!

Philips: Ang ibig kong sabihin…hindi ko alam kung ano ang mga dapat pindutin, at alam mo
iyon. Madalas sabihin sa akin ng aking ama – mayroon kami datng isang gas station
sa Cleveland (??) bago bumagsak iyon – “Alamin mo kung ano ang dapat na
pindutin,” sabi ni ama, “at malayon mararating mo.”

Takigrapa: Hindi mo ako maaring pindutin, ginoo! Hindi ako gaanong kalakas dito nitong
mga huling mga taon!

Philips: Hindi namin alam kung saan manggagaling ang susunod naming almusal. Hindi—

Takigrapa: Marahil…pahihiramin na lang kita ng isang dolyar?

Philips: Maraming salamat: hindi gaanong makakatulong.

Takigrapa: Hambog?

Philips: Hindi sa ganoon. Kasi, may asawa ako, at magkakaroon na kaming anak sa susunod
na buwan…kaya…hindi gaanong makakatulong ang isang dolyar.

Takigrapa: Tanan?

Philips: Mahal kong asawa ko!


Takigrapa: Sige, mahal mo! Pagpaumanhin mo! Pinakasalan mo. Hindi kayang tustusan.
Hindi…hindi kita masisisi. Ngunit, mga tanga kayong lahat, kayong mga artista.
Matanda at bata! Pinapanood ko kayong pumaparada rito labas-pasok sa buong araw.
May mga mansanas pa kayo sa inyong mga pisngi at mga perdible sa mga butones.
Ngunit pagkalipas ng anim na buwan, katulad ka na rin nila – nagpapalabas: huwad
sa paglakad ng magilas na mga “pishers” – Pranses iyan sa patay na bakalaw! Hindi
nila kasalanan. Magiging ganyan ka dito o pumailalim ka na lang. anong uri ng
hanap-buhay iyan para sa isang lalaki.

Philips: Kung kailangan mong maghanapbuhay—

Takigrapa: Alam ko, ngunit—

Philips: Wala na bang ibang gawain. Kung may makukuha pa akong iba pa—

Takigrapa: Kukunin mo!

Philips: Kahit ano!

Takigrapa: Sinasabi mo sa akin! Ako na may dalawang kapatid na lalaki! (Papasok si


Ginoong Grady, si Taba) Ipinadala ni G. Brown ang lalaking ito.

Grady: Tawagan mong ospital: tingnan mo kung napaano si Boris. (Tatango at lalabas)

Philips: Magandang umaga, G. Grady.

Grady: Walang kuwenta ang umaga!

Philips: Pinapunta ako rito ni G. Brown. (Iaabot ang tarheta.)

Grady: Kanina ko pa narinig iyan.

Philips: Pagpaumanhin po…

Grady: Anong karanasan?

Philips: Ah, oo…

Grady: Saan?

Philips: Dalang taong pangkaraniwan. Isang taon sa Goodman Theatre sa Chicago (??)…

Grady: Iyan lang?

Philips (napahiyang nalito): Abam hindi ho…sa Theatre Guild…naroon ako.

Grady: Hindi kita nakikita sa kahit anong palabas ng Guild!

Philips: Sa paglalakbay ang ibig kong sabihin…sa ilalim ni G. Lunt.

Grady: Anong papel? (Hindi makasagot si Philips) Hindi ka mahusay magsinungaling, anak.

Philips: Totoong…
Grady: Hindi yata kita kailangan. Hindi ko maintindihan iyang si Brown. Kailangan ko ng
malaking tao para sa papel ng sundalo. Hindi isang walang kuwentang sundalong
naiwan sa Broadway! Lahat sa palabas at nakukuha nami’y bulok! (magtratrabaho
sa mesa.)

Philips (popormang sundalo): Nasa ROTC ako sa kolehiyo…Reserve Officers’ Training


Corps. Dalawang beses kaming naghahasa sa isang linggo.

Grady: Hind makakatulong.

Philips: May mga tunay na sandata (maghihintay) G. Grady, isang daan at limampu’t lima
ang timbang ko!

Grady: Noong ilang taon pa? Kumakain ka ba ng karaniwan buhat nang umalis ko ng
kolehiyo?

Philips (masigasig): G. Grady, kaya kong gampanan ang papel ng sundalo. Kaya kong
palawakin at ganapin. Pagandahin—

Grady: Sa palagay mo ba walang kuwentang paaralan ko sa pag-arte?

Philips: Sinusumpa ko sa Diyos na gagawin ko! Kailangan ko ng hanap-buhay. Malakas ako.


Alam kong ginagawa ko! Makukuha ninyong pinakamahusay kong pagsasagawa.
Dahil kailangan ko ng trabaho! Manganganak nang asawa ko sa loob ng ilang linggo.
Kailangan namin ng kuwarta. Bigyan ninyo ako ng pagkakataon!

Grady: Anong pakialam ko kung kaya mogn gampanin ang papel! Patawad sa magiging
anak ninyo. Gamitin mo ang ulo mo, anak. Iba ang mga tao rito. Dito kailangang
ipagtanggol ang puhunan. Kung gagastos ako ng labinlimang libo sa bawat palabs,
hindi ako maaring umasa sa baguhan. Kumukuha kami ng angkop!

Philips: Artista ako! Kaya kong—

Grady: Sakit na ng ulo mo iyan. Walang interesado sa mga artista rito. Makakuha ka ang
isang grupo sa isang nikel sa kahit saang kanto. Dalawang magkasunod na
kapalpakan at wala nang magmamahal sa iyo sa buwiset na kalyeng it – Diyos na
lang at hind Siya nagbibilang. Ipinagtatanggol namin ang mga puhunan: kumukuha
kami ng angkop. Ang mukaha, ang tangkad mo, kailangan namin, hindi ang
kaluluwa mo, anak. At kahit si Kristo mismo, hindi kayang gampanin ang papel ng
sundalo sa palabas na ito… sa lahat ng galnig niya. (Mangungrus bilang pagsisisi sa
kanyang sinabi.)

Philips: Kahit ano…kahit maliit, kahit extra?

Grady: Patawad: maliit ang cast. (Titingnan ang mga papel sa mesa.) Subukan mo sa Rusya
(??), anak. Narinig kong mainit daw doon.

Philips: Prod. Manager (??) ? Katulong?

Grady: Nakuha na anak? (Tatayo, pupuntuhin ang ilang papel) Sa susunod na lang, baka
palarin ka.

Philips: Salamat…
Grady: Dumaan ka na rin dito paminsan-minsan. (Tatawid at lalabas) Hindi mo rin alam
kung anong mangyari— (Papasok ang takigrapa na may dalang mga papeles para
sa mesa.) Anong sinabi sa ospital?
Takigrapa: Pagaling na raw siya, G. Grady.

Grady: Nagpahinga ng mabuti?

Takigrapa: Sinabi ni Dr. Martel na higit na mabilis ang paggaling ni Boris kaysa sa
inaasahan.

Grady: Putris na operasyon iyon!

Takigrapa: Oo nga…

Grady (dumidighay): Sabihin mo sa messanger padalhan ako rito ng alka seltzer.

Takigrapa: Opo, G. Grady. (Lalabas si Grady) Nais ni Boris ng mga babaeng kaibigan.

Philips: Ano?

Takigrapa: Kaya inoperahan…kawawang aso!

Philips: Isang aso?

Takigrapa: Ang Russian wolfhound niya! Ganyan din ang ginagawa nila sa iyo, ngunit hindi
mo lang alam iyon! (Bigla) Gusto mo ng payo? Sa kabilang opisina, huwag mo
hayaang makita ka nilang nakanganga. Hindi nila gusto iyon – kinakabahan sila.

Philips: Itinuturing mo akong parang isang tao. Salamat…

Takigrapa: Tao ka!

Philips: Akala ko rin dati.

Takigrapa: Gusto niya ng alka seltzer sa kanyang hangover. (Pupunta sa pintuan) Gusto
mong kunin ang isang dolyar?

Philips: Hindi gaanong makakatulong.

Takigrapa: Makakabili ng sampung pan ng tinapay ang isang dolyar. O di kaya’y siyam na
pan ng tinapay at isang kopya ng Communist Manifesto. Matuto ka habang
kumakain. Magbabasa habang tumatakbo…

Philips: Manifesto? Ano iyon? (Kukunin ang dolyar.) Ano iyon, ano iyong sinasabi mo…
Manifesto?

Takigrapa: Maghintay ka paglabas mo – bibigyan kita ng kopya. Mula Henesis hanggang sa


Paglalahad. Ka Philips! At nakita ko ang isang bagong daigdig at bagong langit,
sapagkat ang unang daigdig at ang unang langit ay mawawala, at mawawala na rin
ang karagatan.

Philips: Hindi ko maunawaan iyan…

Takigrapa: Sinasabi kong hindi mamamana ng maamo ang daigdig!

Philips: Hindi?

Takigrapa: Ang mga MAPANLABAN! Lumabas ka liwanag, Kapatid.


VI. ANG INTERNO

Dr. Barnes, isang matandang marangal na lalaki, nagsasalita sa telepono. Isang puting
Amerikana ang suot niya.

Dr. Barnes: Dalawang beses ninyong pinawalang-bisa ang aking mga palagay. Kayo mismo
ang gumawa nito kay Dr. Benjami. Kung kaya’t kayo na rin mismo ang magsabi sa
kanya. (Ibababa ang telepono nang pagalit. Isang katok ang maririnig habang
isinasalin niya ang isan inumin sa isang baso.)

Sino iyan?

Benjamin (sa labas): Maari ko ba kayong makausap ng sandali?

Barnes (itatago ang bote): Pumasok ka, Dr. Benjamin. Pasok.

Benjamin: Mahalaga ito – pagpaumanhin ninyo – pinalit nila si Leeds sa luga ko – Siya ang
magtitistis kay Ginang Lewis – ang histerektomi – gawain ko iyan. Nakapaghugas na
ako, nakapaghanda…sinabi nila sa akin sa huling minuto. Walang anuman sa akin
ang palitan nila ako, Doctor, ngunit isang hangal si Leeds! Hindi siya dapat
pahintulutang—

Barnes: Pamangkin ni Senador Leeds si Leeds.

Benjamin: Wala siyang kakayahan.

Barnes (halatang iibahin ang paksa, dadamputin ang isang garapon): Napakainam ng
ginawa nla sa pagtistis ng utak ngayong nakaraang araw. Isa itong mahusay na
muwestra…

Benjamin: Pagpaumanhin ninyo, akala ko’y magiging interesado kayo.

Barnes (titingnan pa rin ang garapon): Interesado ako, interesado ako! Ngunit alalahanin
mo, isang kaso ito ng pagkawanggawa!

Benjamin: Natural. Hindi nila pahihintulutan ito kung hindi.


Barnes: Nasa panganib ba ang kanyang buhay?

Benjamin: Talaga! Alam mo naman kung gaano kalubha ang kaso niya!

Barnes: Itutok mo nalang ang mga balibol ng mga mata mo sa ibang direksyon, doktor. Hindi
makakatulong ang patatalon mong parang isang kuliglig sa ihawan. Hindi mga
manggagamot ang nagpapatakbo ng mga ospital. Pamangkin siya ng senado at doon
siya maiiwan.

Benjamin: Sayang.

Barnes: Hindi rin kita sinasabihang bumaba. (Biglang ibabagsak ang garapon) Putangina, sa
palagay mo ba kasalanan ko ito?

Benjamin (paalis): Alam ko…patawad.

Barnes: Sandali lang. Maupo ka muna.


Benjamin: Patawad, hindi ako makakaupo.

Barnes: Tumayo ka kung ganoon!

Benjamin (mauupo): Unawain mo. Dr. Barnes, walang anuman sa akin ang palitan nila ako
sa huling sandali, ngunit…itong nakakahiyang pagkakaiba ng uri dahil mahirap
lamang siya—

Barnes: Mag-ingat ka sa mga ganyang salita – pagkakaiba ng uri. Hindi bagay dito.
Masigasig kayong mga matatalinong binata, ngunit mga hangal. Isang mabuting
pagpapasiya! Narinig mo nang salitang iyan?

Benjamin: Masyadong radikal?

Barnes: Tama. At balang araw tulad sa Alemanya, ulo mong magiging kapalit.

Benjamin: Huwag nang banggitin ang hanap-buhay ko.

Barnes: Sinabi na pala nila sa iyo?

Benjamin: Sinabi ang alin?

Barnes: Isasara nila ang Ward C sa susunod na buwan. Hindi ko na dapat pang sabihin sa iyo
na hindi kayang tustusan ng ospital ang sarili niya. Nalaman nang nakaraang taon ng
lupon ng mga tagapangasiwa na may kakulangan…alam mo, nang iba. Sa isang
pagpulong nang martes, natagpuan ng ating mga kaibigan na hindi nila kayang
tugunan ang nakaraan kakulang – isang hustong kabuuang labis sa $ 100, 000 (??).
Kung mananatili pa ring bukas ang ospital, kailangan—

Benjamin: Kailangan na nanamang magsara ng isang silid ng pagkakawanggawa!


Barnes: Iyan ang sinabi nlia… (Maghihintay.)

Benjamin: Hindi lang iyan?

Barnes (nahihiya): Kailangan ding magbawas ng mga tauhan…

Benjamin: Masama na ito. Magagalaw ba ako diyan?

Barnes: Ikinalulungkot kong sabihing oo.

Benjamin: Ngunit akong pinakamataas diot. Hindi ko ibig sabihing higit na mahusay ako sa
iba, ngunit naging masipag ako sa aking gawain.

Barnes: At nagpakita pa ng isang magandang kinabukasan…

Benjamin: Ang akala ko’y nagsisimula sila sa ilalim.

Barnes: Karaniwan.

Benjamin: Ngunit ngayon?

Barnes: May kaguluhan.

Benjamin: Tulad ng?


(Magaatubili si Barnes.)

Barnes: Gusto kita, Benjamin. Isa itong malaking kahihiyan.

Benjamin: Hindi ako maramdaming tanim – ano ang sagot?

Barnes: Isang dating sakit, nakapopoot, lubhang mapaminsala. Kailangan natin ng lunas dito.

Benjamin: Alam ko na.

Barnes: Ano?

Benjamin: Naranasan ko nang sakit na iyan dati – sa Harvard ang una.

Barnes: May kataasan ka ng ranggo rito, Benjamin.

Benjamin: Ngunit isa akong Hudyo!

Barnes: (tatango ang ulo bilang pagsang-ayon. Tatayo si Benjamin at sisinga.)

Barnes (sisinga): Mga mikrobyo!

Benjamin: Panggigipit sa itaas?

Barnes: Huwag mong isiping hindi ka naming-ipinaglaban ni Kennedy!

Benjamin: Isang pagtatangi-tangi, kahit na may mga mayamang kapatid na Hudyo sa lupon?

Barnes: Binanggit ko na kanina – walang gaanong pagkakaiba sa mayamang Hudyo at


mayamang Hentil. Hango sa parehong piraso!

Benjamin: Hindi ako naaawa sa aking sarili. Katakut-takot ang ibinigay ng aking mga
magulang para makarating ako sa kinalalagyan ko ngayon. Nagpapatakbo sila dati ng
isang tindahan ng kalakal sa Bronx (??) hanggang sa bumagsak at nalugi ang
kanilang kaawa-awang inipon nang nakaraan taon. Naglako si ama ng mga kurbata –
Saul Ezra Benjamin – isang taong binabasa si Spinoza sa buong buhay niya.

Barnes: Hindi mga mediko ang nagpapatakbo ng medisina sa bansang ito. Hindi
nagpapagana ng kahit ano ang mga taong alam ang kanilang gawain, maliban na
lamang sa mga nagmamaneho ng kotseng trolley. Nakikita ko nang mga pagbabago
sa medisina – marami – anesthesia, isterilisasyon – ngunit hindi dahil sa mga
mayayaman – kungdi bagaman mayroong mayayaman! Nakabaon ng malalalim ang
tunay mong sarili sa isang bayan ng mayayaman. Mikrobyo! Kulang…Peste! Nakita
mong bukung-bukong na ito, itong kamay na maselan at madaling makaramdam?
Apat na daang taon para ibunga ang mga iyan. Galing pa sa isang mapanghimagsik
na karanasan! Kaluluwa ng ’76! Nanigas nang mga ninuno ko sa Valley Forge (??)!
Ano’ng ibig sabihin ng lahat ng ito! Mga daskol! Nalinlang nang lahat ng mga tapat
na manggagawa noong ’76 pa. Para sa mga mayayaman ang saligang batas noon at
ngayon. Mga daskol! (tutunog ang telepono.)

Barnes (pagalit): Dr. Barnes. (Makikinig sandali, titingin kay Bejamin) Oo. (Ibababa ang
telepono at dahan-dahang haharap kay Benjamin.) Wala nang pasyente mo.

Benjamin: (Tatayo ng matigas sa pagkabigla sa balita at itatapon ang operation glove sa


sahig.)
Barnes: Ganyan…tama iyan. Bata, mapusok, gawin mo iyan! Matanda na ako, isang posil,
ngunit nasa harap mo ba ang buhay, Dr. Benjamin, at sa unang pagputok mo sabihin
mong, “Para kay tandang Dok Barnes ito!” Masyado pang dakila – ang gumamit ng
bala. Huwag mong paputukan ang mga peste! Apakan mo sila! Kung wala lang akon
masakiting anak na dalaga— (mauupo si Barnes at sisinga.) Sinabi ko nang bahagi
ko, Benjamin.

Benjamin: Marami pang mga bagay na hindi pa ako tiyak. Maraming sinasabi ang mga
radikal…hindi ka maniniwala sa mga teoriya hangga’t hindi pa nangyayari sa iyo.

Barnes: Malaki ang nawala sa iyo ngayon, ngunit isang mahusay na puntong napanalunan
mo.

Benjamin: Oo, ang malamang tama ako? Ang magsimulang manilwala sa isang bagay. Hindi
sabihing, “Anong uri ng mundo!” kungdi sabihing, “Baguhin ang mundo!” Nais
kong pumunta sa Rusya. Pinag-iisipan ko pa ito noong nakaraang linggo – isang
kahanga-hangang pagkakataon para makagawa ng mabuti sa kanilang panlipunang
panggagamot—

Barnes: Maganda! Maganda!

Benjamin: Maaring makagawa—

Barnes: Bakit hindi ka pumunta? Maari ko sigurong—

Benjamin: Wala nang malapit pa sa nais kong gawin!

Barnes: Gawin mo!

Benjamin: Hindi! May gawain dito sa Amerika (??)! Natatakot ako…anong hinaharap, hindi
ko alam. Maghahanap ng ibang tarbaho para mabuhay – marahil magmaneho ng
taksi – at mag-aral at magtrabaho at alamin ang katayuan ko—

Barnes: At tumapak nang mariin!

Benjamin: Lumaban! Marahil mamatay, ngunit putangina! Ipagpatuloy natin! (Nakatayo si


Benjamin na nakataas ang isang nakakuyon na kamya.)

Tagapagpahayag: Mga Ginang at Ginoo, at huwag ninyong hayaang sabihin sa inyo ng kahit
sino na walang kababaihan sa karagatang ito ng mga nakakaawang mga mukha!
Nakapantalon lamang sila. Marahil wala akong gaanong alam; marahil nalaglag ako
sa aking kuna nang bata pa ako at hindi na ako naging tama simula noon – hindi
ninyo masasabi!

Tinig: Maupo ka na lang, banlag!

Tagapagpahayag: Sino’ng nagbabayad sa iyo na sa mga pinagsasabi mo, kaibigan? Gintong


Moskow? Marahil may salaming mata nga ako, ngunit nakuha ko ito sa pagtrabaho
sa isang pagawaan noong ako’y labing isang taong gulang lamang. Isinabit nila ito
dahil wala silang panakip para riot. Ngunit sinusuot ko tiong parang medalya dahil
sinasabi nito sa buong mundo kung saan akon nanggaling – sa pinakailalim ng uri ng
manggagawa! May mga kinatawan tayo rito sa unyon – samu’t saring mga kalihim at
ingat-yaman…mga kiatawang nalalakad, ngunit walang paltos sa kanilang mga paa!
Wala! Kungdi sa kanilang mga matatabang mga puwet sa pag-up sa mga
almuhadong upuan at sa pangangalaykay ng masuma. (Magrereklamuhan ang
kalihim at gunman sa pamamagitan ng salita at kilos.) Maupo kayo mga kaibigan,
tinutukoy ko rito ang mga unyon sa pangkalawakan. Alam kong hindi tito totoo rito!
Aba! Hindi tunay ang ating mga pinuno. Aba nakita ko nga itong si kalihim Tabang
umiwas sa kanyang saanan para hindi makatapak ng ipis. Hindi nga kaibigan, huwag
ninyong isiping—

Taba (biglang papasok): Wala ka na sa patakaran!

Tagapagpahayag (sa mga manonood: Wala na ba ako sa patakaran?

Lahat: Hindi. Hindi. Nagsasalita ka pa. Ituloy mo, atbp.

Tagapagpahayag: Oo, tunay ang ating mga pinuno. Ngunit isang kasapi ako ritong – at wala
pa akong karansasan sa Philly! Ngayong araw, hindi ko masusuot ang butones ko sa
unyon. Isang kahindik-hindik ang nagnyarai kanina. Nang kukkunin ko sanang ang
Amerikana ko sa pinagsasabitan, nakita ko na lang itong umuusok. Isa akong
putragis kung hind nasusunog ang butones ko sa unyon! Totoo, isang napakabahong
amoy ang ibinubuga ng lumang salulong iyo: umakyat ang maybahay ko at binigyan
ako ng katakot-takot na sermon! Alam ninyong nangyari? Namula sa kamatayan ang
butones ko sa unyon! Nakakahiya! Biruin niyo?

Taba: Maupo ka, Keller! Walang interesado!

Tagapagpahayag: Oo, interesado sila!

Gunman: Maupo ka tulad ng sinabi niya!

Tagapagpahayag (ipagpatuloy): At kapag natapos ako— (Mapuputol ang kanyang talumpati


nina Taba at ng Gunman na pipigilin siya. Makakawala siya at pupunta sa kabilang
dako ng entablado. Susundan siya ng dalawa nang haharangin sila ng mga kasapi
sa komite. Pinunit-punit ang damit ng tagapagpahayag.)

Tagapagpahayag (sa manonood): Ano’ng saogt mga kaibigan? Ang sagot ay, kung pula tayo
dahil nais nating magwelga, kukunin din nating ang kanilang saludo! Alam ba ninyo
kung paanon nila ginagawa ito? (Sasaludo ng pang-komunista.) Ano ito? Isang
mahusay ang aperkat sa baba! Putris, wala ngang mga damit sa likuran ang ilan sa
atin dito. Ano’ng ginagawa sa atin gnga ating boss – gaiwin tayong kolono ng isang
kubo? (Magtatawanan ang lahat at pupunta sa tagapagpahayag sa gitna at
sasamahan siya sa ilan.)

Tagapagpahayag: Huwag kayong tumawa! Walang nakakatawa! Buhay ninyo at buhay ko


rin! Ito’y bungo at buto sa bawat pulgada ng daan! Hesus, namamatay tayo sa bawat
pulgada! Para saan? Para sa mga debutanteng naghahanda sa Ritz (??)! May anak na
dalaga si Papa at ikukuha niya ito ng litrato para sa mga pahaygan. Hesus, ginagawa
nila ito ating mga dugo. Sinabi ito ni Joe. Marahang kamatayan o lumaban. Digmaan
ito! (Sa buong talumpati, susuportahan siya ng iba pang anim na manggagawa at
magmukhang sinasabi ito ng buong grupo. Kung maari, magppalitan sila ng mga
linya.) Ikaw, Edna, Mahal ng Diyos, ang iyong bunganga! Sid at Florrie, ang iba pa,
tandang Dok Barnes – lumaban kayo sa amin para sa ating karapatan! Digmaan na
ito! Uri ng mga manggagawa, magkaisa at lumaban! Wasakin ang bahay-patayan ng
dating nating mga buhay! Hayaang tumunog ang himig ng kalayaan. Narito ang mga
matitinik na mga daskol at sinasabi sa atin ang dapat na katakutang mga multo! Bago
iyan para sa atin gmga kabataan – ang mga kolmonista ay mga multo! Ngunit ang
isang lalaking nagbigay sa akn ng pagkain noon 1932, tinawag akong kapatid! Ang
taong pumulot sa akin noon ako’y sugatan –tinawag din niya akong kapatid! Ano
pang hinhintay natin…Huwag na nating hintayin si Kaliwete! Baka hindi na siya
dumating. Baka minuto—

(Mapuputol ito sa pagpasok ng isang nagmamadaling lalaki sa gitna. Sasabihin: )

Tao: Mga kaibigan, nakita na nila si Kaliwete!

Lahat: Ano, ano, ano?

Iba: Shhh…shh…shh…

Tao: Nakita na nila si Kaliwete…

Tagapagpahayag: Saan?

Tao: Sa likod ng mga garahe, may bala sa ulo!

Tagapagpahayag (umiiyak): Narinig ninyo mga kaibigan, narinig ninyo? Putangina, makinig
kayo sa akin! Baybay sa baybay! HOY AMERIKA! HOY! KAMI ANG SILAKBO
NG URI NG MGA MANGGAGAWA. MGA MANGGAGAWA NG DAIGDIG…
ATING MGA BUTO AT DUGO! At kung mamatay tayo, malaman nilang ginawa
natin para mapabago ang mundo! Hesus, pira-pirasuhin na nila tayo. Mamamatay
kami para sa ating karapatan! Tamnan nila ng mga punongkahoy ang pinaglalagyan
ng ating mga abo! (Sa mga manonood) O, ano’ng sagot ninyo?

Lahat: WELGA!

Tagapagpahayag: LAKAS PA!

Lahat: WELGA!

Tagapagpahayag: Isa pa!

Lahat: WELGA! WELGA! WELGA!!!

You might also like