You are on page 1of 20

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter – Modyul 4
Kakayahang Pangkomunikatibo

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 4: Kakayahang Pangkomunikatibo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Allain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A. Tacbas
Tagasuri ng Lengguwahe: Desiree E. Mesias
Tagasuri: Sheryl A. Resgonia
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS 1
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Para-on, PhD
Pangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Miyembro: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief, Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter – Modyul 4
Kakayahang Pangkomunikatibo

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna
at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1

Mga Layunin ------------------------------------------------- 1

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2

Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 3

Aralin ------------------------------------------------- 6

Mga Gawain ------------------------------------------------- 6

Paglalahat ------------------------------------------------- 12

Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 13

Sanggunian ------------------------------------------------ 16

i
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at tiyak na marami kang


makukuhang kaalaman. Kaya, pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
sitwasyong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng pagkakaroon ng
kakayahang pangkomunikatibosa buhay ng tao? Sa araling ito, ang iyong kaalaman
at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati
na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mo
itong sagutin. Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 4

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikaapat

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang sitwasyong pangwika at kakayahang


pangkomunikatibo. Ang mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang
malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng
mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang sitwasyong pangwika at


kakayahang pangkomunikatibo upang higit na magiging makabuluhan ang iyong
pakikipagtalastasan sa iyong kapwa. Nakapaloob dito ang mga gawain, mga
pagsasanay na iyong sasagutan nang sa gayon ay masukat at malinang ang iyong
kaalamang mapakikinabangan ng iyong komunidad at lipunan.

1
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na


kasanayang pampagkatuto:
a. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng
paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon; (F11PN-IId-89)
b. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat
ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika.
(F11EP – IId – 33)

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipang napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin. Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.
Kung marami kang mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang
sinusuri mo ang paksang nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?”. Kunin mong muli sa iyong
guro ang susi sa pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
“Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayang
nararapat taglayin ng bawat tao sa lipunan.”
–Anonymous-

https://www.google.com/search?q=kakayahang+pangkomunikatibo+&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8ucfwuffpAhV8x4sBHdU_AnMQ2-
cCegQIABAA&oq=kakayahang+pangkomunikatibo+&gs_lcp=CgNpbWcQA1DHCFiJD2CUFWgAcAB4AIABmwGIAdEEkgEDMC40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbW
c&sclient=img&ei=YO3gXryJD_yOr7wP1f-ImAc&bih=676&biw=1517#imgrc=anYJYyfBlVrQjM

SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ang salitang “kakayahang pangkomunikatibo” o communicative competence ay


nagmula sa isang lingguwistikang si___________.
a. Dell Hathaway Hymes
b. Dr. Fe Otanes
c. Noam Chomsky
d. Emily Langer
3
2. Ano ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika?
a. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taog nag-uusap.
b. Maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap.
c. Magamit ang wika nang wasto saloob angkop na sitwasyon.
d. Lahat ng nabanggit

3. Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagkapwa, ano


ang kailangang gawin ng mga guro?
a. bigyan sila ng maraming gawain
b. bigyan sila ng maraming pagsusulit
c. bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba’t ibang gawain
d. bigyan sila ng maraming takdang-aralin

4. Tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa nang maayos


at makabuluhang pangungusap_____.
a. Sosyolingguwistiko
b. Diskorsal
c. Pragmatic
d. Lingguwistiko

5. Bakit kaya ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang
wasto sa mga angkop na sitwasyon?
a. Upang maipaabot ang mensahe at magkaroon ng pagkakaunawaan
b. Maipaabot ang mensahe na di na kailangan ang tugon ng tagatanggap
c. Sapagkat ito ay kailangang sa asignaturang pangwika
d. Nang maturuan ang mga kabataan sa paggamit ng wika sa wastong paraan

6. Ito ang kakayahang nararapat lamang hasain dahil malaki ang maitutulong nito
bilang paghahanda sa mapipiling karera ng isang mag-aaral sa hinaharap.
a. Kakayahang Panlingwistiko
b. Kakayahang Pangkomunikatibo
c. Kakayahang Pandiskorsal
d. Kakayahang Pansosyolingguwistiko

7. Kung mayroon kang ipapaskil sa Internet, hanggang kailan ito mananatili sa


site na iyon?
a. 6 na buwan
b. 30 taon
c. 5 taon
d. Hangga’t hindi binubura
4
8. Isang sikat na websyt na babahagi ng mga video at nagbibigay-daan para sa
mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video
clips.
a. Multiply
b. Twitter
c. Facebook
d. Youtube

9. Isang social networking website na ginagamit sa pagpapadala ng mensahe,


pag-upload ng mga larawan, videos, makipag-chat o makipag-usap at iba’t
iba pang gamit nito na dinebelop ni Mark Zuckerberg.
a. Facebook
b. Youtube
c. Twitter
d. Multiply

10. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing mithiin ng wika?


a. Makabuo ng isang pamayanang malalalim ang mga salitang ginagamit sa
pagsasalita.
b. Makabuo ng isang pamayanang nagtutulungan.
c. Makabuo ng isang pamayanang mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
d. Makabuo ng isang pamayanang mapayapa.

5
ARALIN 4

Kakayahang Pangkomunikatibo

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa kakayahang pangkomunikatibo sa sitwasyon ng


wika sa Pilipinas.
YUGTO NG PAGKATUTO
Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang
paghahanda sa gawaing may kinalaman sa kakayahang pangkomunikatibo.

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=kakayahang+pangkomunikatibo+&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8ucfwuffpAhV8x4sBHdU_AnMQ2-
cCegQIABAA&oq=kakayahang+pangkomunikatibo+&gs_lcp=CgNpbWcQA1DHCFiJD2CUFWgAcAB4AIABmwGIAdEEkgEDMC40mAEAoAEBqg
ELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=YO3gXryJD_yOr7wP1f-ImAc&bih=676&biw=1517#imgrc=anYJYyfBlVrQj

Gawain 1
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, magbigay ng sariling
pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

KOMUNIKATIBO

6
B. SURIIN

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


(KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKA)

Ano ang ibig sabihin ng Kakayahang Pangkomunikatibo? At kailan natin


masasabi na ang isang mag-aaral na tulad mo ay may kakayahang
pangkomunikatibo?
Ang kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence ay
nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist at folklorist mula Portland, Oregon
na si Dell Hymes noong 1966. (Dayag at del Rosario, 2016). Sinasabing sa mga silid-
aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Ngunit hindi sapat na basta
lamang itong umiikot o nakatuon sa kayarian ng wika o gramatika tulad ng bahagi ng
panalita, bantas, baybay, ponolohiya, mormolohiya at iba pa. Dahil masasabi lamang
na ang isang Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo
kapag naipahatid nang maayos sa kausap ang diwang nais iparating sa kinakausap
at magamit ang pang-unawang ito sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong buhay
pasalita man o pasulat. Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala, at
maimpluwensiyang antrpologist na maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit.
Mula sa kanyang pag- aaral ay ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang
pangkomunikatibo o communicative competence na nakaapekto nang malaki sa
mundo ng lingguwistiko. Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng
isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
Ang kakayahang komunikatibo naman ay tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaskyong sosyal.
Hinimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag-aralan ang lahat ng
uri ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng mga tao sa mesa; mito,
alamat, at mga bugtong; mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika, mga
elehiya, ta mga saluting ginagamit sa pamahalaan. Bahagi na gusto niyang malaman
ay kung paano nagkakaiba- iba ng mga ito sa iba’t ibang kultura.
Sipi mula kay Alma Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Phoenix, Inc ,2016 p. 149-150

Gawain 2
Panuto: Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano
nagkakaiba ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo.
Isulat ang paliwang sa mga kahong nakalaan sa ibaba.

KAKAYAHANG KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO KOMUNIKATIBO

7
C. PAGYAMANIN
Ang Kakayahang Pangkomunikatibo at Social Media

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutunan lang ang mga


tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit
ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang:

(1.) maging maayos ang komunikasyon,


(2.) maipahatid ang tamang mensahe, at
(3.) magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag- uusap.

Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng


kakayahang komunikatibo. Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang
kasanayang nararapat na taglayin ng bawat isa sa lipunan. Ang tao ay ay isang
panlipunang nilalang na nangangailangang makihalubilo sa kanyang kapwa tao sa
halos lahat ng panahon. Ang isang mag-aaral ay kailangang makisalamuha sa kapwa
niya mag-aaral at sa mga guro sa halos lahat ng pagkakataon, lalung-lao na kung
nasa paaralan. Ang kakayahang komunikatibo ay nararapat lamang hasain dahil
malaki ang maitutulong nito bilang paghahanda sa mapipiling karera ng isang mag-
aaral sa hinaharap. Kung hindi marunong ang isang mag-aaral makipag-ugnayan sa
kapwa tao, maaring magiging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan na siya ring
kadalasang puno't dulo ng away.
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nagkikipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang
pangkat ng mga Internet-Based na mga aplikasyon na bumubuo ng idelohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 nanagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Mga Uri ng Social Networking
1. MySpace --- Isa ito sa mga laganap na Social Networking (SN), ayon kay Paul
Marks (2006). Ang MySpace, ayon sa OUT-LAW.com (2006) ay ginawa ni Brad
Greenspan para sa lahat. Ito ay para sa mga magkakaibigan at sa mga taong mahilig
makipag-usap sa iba; mga taong malayo sa kanilang pamilya at gustong
makipagkamustahan o makipag-usap sa kanilang pamilya; negosyante at kanilang
mga katrabaho na interesado sa SN; mga magkaklase at mga kapareha sa pag-aaral
at marami pang iba.

2. Multiply--- Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri ng
social network na nagbibigay-kakayahan sa mga gumagamit nito na magbahagi ng
mga uri ng midya tulad ng litrato, video, musika at iba pa sa loob ng sariling websayt.
Ito ay may kakaibang SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN, hinahayaan nito
ang gumagamit na makipagpalitan ng social networking ay isang istrakturang sosyal
nanodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isang web-based
na nagbibigay sa mga indibidwal para (1) bumuo ng isang profile, ang tawag sa
impormasyong pormal na binibigay sa profile ng ibang indibidwal kung saan siya
konektado,(2) para computer-mediated.
8
3. Ang Facebook (literal na aklat ng (mga) mukha) ay isang social networking
website na libre ang pagsali at pinatatakbo at pag-aari ng facebook, Inc.na isang
pampublikong kompanya. Ginagamit sa pagpapadala ng mensahe, pag-upload ng
mga larawan, videos, makipag-chat o makipag-usap at iba’t iba pang gamit nito.
Dinebelop ito ni Mark Zuckerberg.

4. Ang Twitter ay nilikha noong Marso 2006 nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz
Stone at Evan Williams at inilunsad noong Hulyo ng taong iyon. Mabilis na nagkaroon
ang serbisyo ng pandaigdigang katanyagan. Noong taong 2012, mahigit sa 100
milyong mga user ang nag-host ng 340 milyong tweet kada araw, at nagkaroon ang
serbisyo ng 1.6 bilyong search query kada araw. Noong 2013, naging isa ito sa
sampung pinakabinibisitang websayt at inilarawan bilang “ang SMS ng Internet”.
Noongtaong 2016, naitala na mayroon itong 319 milyong aktibong user kada buwan.

5. Ang YouTube ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at


nagbibigay-daan para sa mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita , at
ibahagi ang mga video clips. Ang mga video ay maaaring husgahan ang dami ng
husga at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Ang YouTube ay sinimulan ng
dating mga empleyado ng Paypal na sina Steve Chen, Chard Hurley at Jawed Karin.
Noong 2006, binili ito ng Google at naging sangay ng naturang kompanya.
- https://brainly.ph/question/1733238#readmore

Gawain 3

Pagsusuri: Gumawa ng isang survey form na maaring ipaskil sa facebook wall.


Pumili lamang ng limang (5) katanungan (nasa kasunod na pahina) na
pinakagusto mong itanong sa sampung (10) kabataan na may edad 13
hanggang 19 na friends mo sa facebook na magiging tagatugon mo sa
sarbey. Kapag nakumpleto na ang talatanungan i-tally ang lahat ng
datos upang magkaroon ng batayan sa gagawing pag-uulat.

Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong
nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika. (F11EP – IId – 33 )

9
Narito ang survey form na gagawin.
1. Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS? ________________
a. Maari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo?
_____________________________________________________________?
b. Ang SMS ba ay nakasulat sa□ Filipino □Ingles □Taglish?

2. Kailan ka huling nag-post ng status sa Facebook o Instagram?


______________________________________________________________
a. Naalala mo ba kung ano ang nilalaman ng huling
post mo? Maaari mo ba itong isulat sa linya ?__________________________

3. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?


______________________________________________________________
a. Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?_____________________
b. Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong
□ nasa wikang Filipino o □ nasa wikang Ingles?

4 Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo?_____________________


a. Anong wika ang ginamit sa pelikulang ito?______________________
b. Mas madalas ka bang manood ng pelikulang
□ nasa wikang Filipino □ nasa wikang Ingles?

5. Ano ang pinakahuling video sa Youtube na pinanood mo?


______________________________________________________________
a. Ang video ba ay nasa wikang
□ Filipino □ Ingles □ Taglish?

6. Ano ang huling blog na nabasa mo?______________________________


a. Ang blog ba ay nakasulat sa □ Filipino □ Ingles □ Taglish?

7. Kailan ka huling nagbasa ng diyaryo o magasin ?___________________


a. Ang binasa mo ba ay nakasulat sa □ Filipino □ Ingles □ Taglish?

8. Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?


□ wikang katutubo sa inyong lugar _____________________________
□ Filipino
□ Ingles
□ Taglish

9. Sa alin-aling lugar mo na higit na nagagamit ang wikang Filipino?


_____________________________________________________________

10. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?


□ Mahalagang – mahalaga
□ Mahalaga
□ Hindi gaanong mahalaga
□ Hindi mahalaga
Bakit? ___________________________________________________

10
11. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?
□ Mahusay na mahusay
□ Mahusay
□ hindi gaanong mahusay
□ Sadyang hindi mahusay

12. Sa alin-aling lugar mo naman higit na nagagamit ang wikang Ingles?


________________________________________________________

13. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsusulat ng wikang Ingles?


□ Mahalagang- mahalaga
□ Mahalaga
□ Hindi gaanong mahalaga
□ Hindi mahalaga
Bakit?___________________________________________________

14. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles?


□ Mahusay na mahusay
□ Mahusay
□ Hindi gaanong mahusay
□ Sadyang hindi mahusay

15. Batay sa mga isinagot mo sa mga tanong, ano sa palagay moa ng


sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino sa iyong sarili at sa inyong
tahanan sa kasalukuyang
panahon?________________________________________________

16. Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili
at sa inyong tahanan?______________________________________
Sipi mula kay Alma Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Phoenix,Inc ,2016 p. 119-12

11
D. ISAGAWA

Gawain 5
Natutuwa ako na natapos mo nang maayos ang mga gawain sa tatlong yugto
ng pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka nang kaalaman upang sagutin
ang mga tanong naibibigay ko sa iyo sa gawain 4.

Panuto: Kagaya ng modelo sa ibaba, sagutin ang tanong na nakapaloob dito sa


hiwalay na sagutang papel o notbuk.

Mga dapat kong pahalagahan sa mga kakayahang pangkomunikatibo

1.

2.

3.

4.

5.

Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayan na nararapat


taglayin ng bawat tao sa lipunan. Ang tao bilang isang panlipunang nilalang ay
nangangailangang makihakubilo sa kapwa tao sa halos lahat ng panahon. Ang kakayahang
komunikatibo ay nararapat lamang hasain dahil malaki ang maitutulong nito bilang preparasyon
sa mapipiling karera ng isang mag-aaral sa hinaharap. Kung hindi marunong ang isang mag-
aaral makipag-ugnayan nang sa kapwa tao, maaring magiging sanhi ito ng hindi
pagkakaintindihan na siya ring kadalasang puno't dulo ng away.

12
TAYAHIN
HULING PAGTATAYA

Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang
titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ang salitang “kakayahang pangkomunikatibo” o communicative competence ay


nagmula sa isang lingguwistikang si___________.
a. Dell Hathaway Hymes
b. Dr. Fe Otanes
c. Noam Chomsky
d. Emily Langer

2. Ano ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika?


a. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taog nag-uusap.
b. Maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap.
c. Magamit ang wika nang wasto saloob angkop na sitwasyon.
d. Lahat ng nabanggit

3. Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagkapwa, ano


ang kailangang gawin ng mga guro?
a. bigyan sila ng maraming gawain
b. bigyan sila ng maraming pagsusulit
c. bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba’t ibang gawain
d. bigyan sila ng maraming takdang-aralin

4. Tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa nang maayos


at makabuluhang pangungusap_____.
a. Sosyolingguwistiko
b. Diskorsal
c. Pragmatic
d. Lingguwistiko

5. Bakit kaya ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang
wasto sa mga angkop na sitwasyon?
a. Upang maipaabot ang mensahe at magkaroon ng pagkakaunawaan
b. Maipaabot ang mensahe na di na kailangan ang tugon ng tagatanggap
c. Sapagkat ito ay kailangang sa asignaturang pangwika
d. Nang maturuan ang mga kabataan sa paggamit ng wika sa wastong paraan

6. Ito ang kakayahang nararapat lamang hasain dahil malaki ang maitutulong nito
bilang paghahanda sa mapipiling karera ng isang mag-aaral sa hinaharap.
a. Kakayahang Panlingwistiko
b. Kakayahang Pangkomunikatibo

13
c. Kakayahang Pandiskorsal
d. Kakayahang Pansosyolingguwistiko

7. Kung mayroon kang ipapaskil sa Internet, hanggang kailan ito mananatili sa


site na iyon?
a. 6 na buwan
b. 30 taon
c. 5 taon
d. Hangga’t hindi binubura

8. Isang sikat na websyt na babahagi ng mga video at nagbibigay-daan para sa


mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video
clips.
a. Multiply
b. Twitter
c. Facebook
d. Youtube

9. Isang social networking website na ginagamit sa pagpapadala ng mensahe,


pag-upload ng mga larawan, videos, makipag-chat o makipag-usap at iba’t
iba pang gamit nito na dinebelop ni Mark Zuckerberg.
a. Facebook
b. Youtube
c. Twitter
d. Multiply

10. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing mithiin ng wika?


a. Makabuo ng isang pamayanang malalalim ang mga salitang ginagamit sa
pagsasalita.
b. Makabuo ng isang pamayanang nagtutulungan.
c. Makabuo ng isang pamayanang mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
d. Makabuo ng isang pamayanang mapayapa.

14
15
Subukin at Tayahin
1. C
2. A
3. C
TALASANGGUNIAN
4. D
5. A
6. B
7. D
8. D
9. A
10. C
Gawain 1,2,3& 4
Ang guro ang siyang magpapasya ng iskor.
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, QuezonCity:
Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


927 Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016

Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik

B. Websites

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.

http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2

Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.

http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph

http://atin-americanliterature.edu.ph

https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm

http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

https://www.google.com/search?q=kakayahang+pangkomunikatibo+&tbm=isch&ved
=2ahUKEwi8ucfwuffpAhV8x4sBHdU_AnMQ2-
cCegQIABAA&oq=kakayahang+pangkomunikatibo+&gs_lcp=CgNpbWcQA1DHCFiJ
D2CUFWgAcAB4AIABmwGIAdEEkgEDMC40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&
sclient=img&ei=YO3gXryJD_yOr7wP1f-
ImAc&bih=676&biw=1517#imgrc=anYJYyfBlVrQjM

https://brainly.ph/question/1733238#readmore

16

You might also like