You are on page 1of 1

Ang mga Mongol ay kabilang sa grupong matagal nang may interaksiyon sa mga Indian ngunit hindi

nagtatag ng permanenteng teritoryo sa India. Ang pananalakay at permanenteng pananakop ni Timur sa


Punjab ang siyang maituturing na naglunsad ng kapangyarihan ng Mongol sa India sa unang
pagkakataon. Isa sa mga inapo nito ay si Babur na nagsagawa ng siste matikong pananalakay sa hilagang
bahagi ng India. Ang mga emperador ng mga nasabing mananalakay ay kilala bilang mga "Dakilang
Mongol" o Mogul na inapo ng pangalawang anak ni Genghis Khan na namuno sa Hilagang Asya.
Gayunpaman, sa panahon na sila ay nanalakay sa India, ang kanilang puwersa ay binubuo ng mga Turko
at Mongol na mga Muslim.

Ang pananalakay ng mga Mongol sa India ay maaaring hatiin sa tatlong yugto: (1) mula 1526-1530,
sinakop nila ang mga Afghan at Rajput; (2) mula 1530-1540, tinangkang sakupin ni Humayun ang Malwa,
Gujarat, at Bengal ngunit hindi nagtagumpay dahil sa napatalsik ito palabas ng India ni Sher Shah
(Emperador ng Hilagang India mula 1540-1545), at (3) mula 1545-1556, itinatag ni Humayun ang
Imperyong Mogul na kalaunan ay lalong pinalawak ni Akbar.

Si Akbar ang maituturing na pinakatanyag na hari sa India ng kaniyang panahon. Siya ay apo ni Babur na
nagpalawak ng kanilang teritoryo mula sa kapitolyo nito sa Agra. Lumaganap ang kaniyang pamamahala
hanggang sa makuha nito ang Bihar at Bengal noong 1576. Matapos lamang ang sampung taon, nakuha
rin niya ang mga lupain ng Kabul at Kashmir. Napa bilang din sa kaniyang imperyo ang Baluchistan noong
1595.

Ang pamamayani ng mga Mogul sa India ay nag-iwan ng ilang impluwensiya kabilang na rito ang
pagpapahalaga sa mga magarbong palasyo, moske, libingan, at iba pang gusaling kanilang ipinatayo. Isa
marahil sa pinakakilala rito ay ang Taj Mahal sa Agra na ipinatayo ni Shah Jahan noong 1632 para sa
kaniyang paboritong asawa na si Mumtaz Mahal. Sinasabing ito ay ginawa ng humigit-kumulang 22,000
manggagawa sa loob ng 20 taon. Dinala rin nila ang miniature painting na isang uri ng sining ng mga
Muslim.

You might also like