You are on page 1of 15

EXODO 1

(v.1-19) Ang Pang-aapi sa mga Israelita


Anak ni Jacob: (70 miyembro)
 Ruben
 Simeon
 Levi
 Juda
 Isacar
 Zebulun
 Benjamin
 Dan
 Neftali
 Gad
 Asher
 Jose (nasa Egipto)
Pitom at Rameses- lungsod na ipinagawa ng Faraon sa mga Israelita; imbakan ng pagkain at kagamitan
Tisa- mga ipinapaggawa sa kanila
Sifra at Pua- nagpapaanak sa mga Hebrea na sinabihang ipapatay ang mga lalaking sanggol
Ilog Nilo- doon itatapon ang mga lalaking Hebreang isinilang

EXODO 2
(v.1-10) Ang Pagliligtas kay Moises
Amram at Jochebed- magulang ni Moises na mula sa lipi ni Levi
3 buwan- itinago ng ina ang sanggol
Basket na yari sa tangkay ng tambo at pinahiran ng alkitran- pinaglagyan kay Moises
Anak na babae ng Faraon- nakakita sa basket (kasama ang kaniyang katulong)
(v.11-23) Tumakas si Moises
Moises- pinatay ang egipcio at tinabunan ng buhangin
Midian- lugar na napuntahan ni Moises matapos tumakas dahil sa pagpapatay ng Faraon
Reuel- ama ng pitong babae na sumasalok sa balon
Jetro- ama ni Zipora
Zipora- asawa ni Moises
Gershom- anak nina Zipora at Moises

EXODO 3
(v.1-22) Tinawag ng Diyos si Moises
Sinai- bundok ng Diyos; nakakita sya ng punongkahoy na nagliliyab ngunit di nasusunog
Yahweh- diyos nina Abraham, Isaac at Jacob
Lupain- Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo
Ako Nga- Pakilala ng Diyos kay Moises
Tatlong araw- araw ng paglalakbay ng mga israelita patungong Ilang
Damit at alahas- ihihingi ng babaeng israelita sa mga egipcio

EXODO 4
(v.1-14) Sinugo ng Diyos si Moises

1
Tungkod- sa paghagis niya sa lupa, naging ahas ito
Buntot ng ahas- hinawakan ni Moises upang maging tungkod uli
Ipinasok ang kamay sa damit- nagkaroon ng sakit sa balat na kasimputi ng niyebe
Tubig sa Ilog Nilo- pagbuhos sa lupa magiging dugo
Aaron- levitang kapatid ni Moises; tagaagsalita niya
(v.18-27) Bumalik si Moises sa Egipto
Asno- sinakyan nila patungong egipto
Sinabi ni Zipora kay Moises- “Naging asawa kita sa pamamagitan ng dugo ng pagtutuli.”

EXODO 5
(v.1-21) Sina Moises at Aaron sa Harapang ng Faraon
Mga tagapangasiwang Egipcio at ang mga kapatas na Israelita- ipinatawag ng Faraonm upang mas
pahirapan ang mga Hebreo

(v.22-23) Nanalangin si Moises

EXODO 6
(v.2-13) Muling Isinugo si Moises
Canaan- lupaing tinirhan nila noon bilang dayuhan

(v.14-26) Ang Pinagmulang Angkan nina Moises at Aaron


14Ito ang mga puno ng pinagmulang angkan nina Moises at Aaron: ang kay Ruben na siyang panganay ni Israel
ay sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi. 15Ang kay Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul na
anak ng isang Cananea. 16Kay Levi naman ay sina Gershon, Kohat at Merari. Si Levi ay nabuhay nang 137
taon. 17Ang naging anak naman ni Gershon ay sina Libni at Seimei.18Ang kay Kohat naman ay sina Amram,
Izar, Hebron at Uziel. Nabuhay si Kohat nang 133 taon. 19Naging anak ni Merari sina Mahali at Musi. Ito ang mga
angkan sa lipi ni Levi.
20Napangasawa ni Amram si Jocebed na kapatid ng kanyang ama at naging anak nila sina Aaron at Moises. Si
Amram ay nabuhay nang 137 taon. 21Naging anak ni Izar sina Korah, Nefeg at Zicri. 22Ang mga anak naman ni
Uziel ay sina Misael, Elzafan at Sitri.
23Napangasawa ni Aaron si Elisabet na kapatid ni Naason at anak ni Aminadab. Naging anak nila sina Nadab,
Abihu, Eleazar at Itamar. 24Ang mga anak ni Korah ay sina Asir, Elcana at Abiasaf. Ito ang mga angkan sa lipi ni
Korah.25Napangasawa ni Eleazar na anak ni Aaron ang isang anak ni Futiel at naging anak nila si Finehas. Ito
ang mga puno ng angkan ng mga Levita ayon sa kani-kanilang lipi.
26Sina Aaron at Moises ang inutusan ni Yahweh na manguna sa Israel upang mailabas sila sa Egipto ayon sa
kani-kanilang lipi. 27Kaya't sinabi nila sa Faraon na palayain ang mga Israelita.
(v.28-20) Inutusan sina Moises at Aaron
EXODO 7
80 taon- edad ni Moises nang isinugo sila ni Yahweh
83 taon- edad in Aaron nang isinugo sila ni Yahweh
(v.8-13) Ang Tungkod ni Aaron
Matatalinong tao at salamangkero- ipinatawa ng Faraon upang gayahin ang ginawa ni Moises sa tungkod
(v.14-25) Ang Unang Salot: Naging Dugo ang Tubig

2
Ilog Nilo- Pagkahampas ni Moises ng kaniyang tungkod ditto, namatay ang mga isda, bumaho at naging dugo
ang tubig
Pitong araw- mula ng hampasin ni Yahweh ang tubig

EXODO 8
(v.1-15) Ang Ikalawang Salot: Ang Napakaraming Palaka
Ilog Nilo- napuno ng palaka nang itapat ni Aaron ang tungkod niya rito
(v.16-19) Ang Ikatlong Salot: Ang mga Niknik
Alikabok- naging niknik nang ihampas ni Aaron sa lupa ang tungkod
(v.20-30) Ang Ikaapat na Salot: Ang mga Langaw
Goshen- tirahan ng mga Israelita
Egipto- napuno ng makakapal na langaw

EXODO 9
(v.1-6) Ang Ikalimang Salot: Ang Pagkamatay ng mga Hayop
Hayop na namatay- kabayo, asno, kamelyo, baka, tupa, kambing
(v.8-12) Ang Ikaanim na Salot: Ang mga Pigsa
Abo sa pugon- sa paghagis ni Moises ditto napuno ng alikabok ang egipto at nagkaroong sila ng pigsang
nagnanaknak
(v.13-35) Ang Ikapitong Salot: Ang Malakas na Ulan ng Yelo
Malaking tipak ng yelo- nagkaroon nito matapos itaas ni Moises ang kaniyang tungkod
Lino at sebada- mga pananim na nasira
Trigo at espelta- hindi nasira

EXODO 10
(v.1-20) Ang Ikawalong Salot: Ang mga Balang
Tupa, kambing at baka- mga isasama ng mga israelita sa pag-alis
Asawa’t anak- ayaw ipasama ng Faraon
Balang- nagkaroon matapos iunat ni Moises ang kanyang kamay na nagdulot ng pag-ihip ng hangin
Dagat na Pula- lugar sa kanluran kung saan pumunta ang mga balang
(v.21-29) Ang Ikasiyam na Salot: Ang Kadiliman sa Egipto
Dilim- nagkaroon matapos iunat ni Moises ang kamay
3 araw- naging madilim ang egipto maliban sa tirahan ng mga Israelita

EXODO 11
(v.1-10) Ipinahayag ni Moises ang Pagkamatay ng mga Panganay
Panganay na anak- mamamatay mula sa anak na Faraon hanggang sa anak ng aliping babaeng tagagiling ng
trigo at mga hayop

EXODO 12
(v.1-14) Ang Pista ng Paskuwa
Ika-10 araw- bawat pamilya ay pipili ng isang tupa para sa kanila
Pipiliing tupa- isang taong gulang at walang kapintasan; aalagaan ito hanggang sa ika-14 ng buwan
Dugo- ipapahid sa magkabilang poste at itaas ng pintuan ng bahay na kakainan ng kinatay na hayop;
palatandaan ng mga bagay na kanilang tinitirhan
Mga bilin:

3
 Huwag ninyong kakainin nang hilaw o nilaga ang hayop; kundi lilitsunin ninyo ito nang buo, kasama ang
ulo, ang mga pata at ang laman-loob. 
 Huwag kayong magtitira para sa kinabukasan. Kung may matira, kailangang sunugin kinaumagahan.
 Kapag kakainin na ninyo ito, dapat nakabihis na kayo, nakasandalyas at may hawak na tungkod.
 Magmadali kayo sa pagkain nito. Ito ang Paskwa ni Yahweh.
(v.15-20) Ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa
7 araw- hindi sila kakain ng tinapay na walang pampaalsa
Sa unang araw- aalisin sa bahay lahat ng pampaalsa
1st at 7th araw- sila ay sasamba
In 2 araw- walang gagawin maliban sa paghahanda ng pagkain
Pagdiriwang- gagawin taun-taon
Tinapay- kakainin nila mula sa gabi ng ika-14na araw hanggang sa gabi ng ika-21 ng unang buwan ng taon
Ititiwalag- parusa sa susuway
(v.21-28) Ang Unang Paskuwa
Halamang Hisopo- ang sanga nito ay basain ng dugo ng tupa at ipahid sa magkabilang poste at itaas ng pintuan
Anghel ng Kamatayan- papatay sa mga egipcio
(v.29-36) Ang Huling Salot: Namatay ang Lahat ng Panganay
Minamasang harina- binalot ng damit at pinasan
(v.35-42) Ang Pag-alis ng mga Israelita sa Egipto
Sucot- nilakbayang ni mga Israelita mula sa Rameses
6,000- bilang ng lalaki (bukos sa babae at bata)
430 taon- nanirahan sila sa Egipto
(v.43-51) Ang mga Tuntunin Tungkol sa Paskwa
 Bawal kumain nito ang mga dayuhan; ngunit ang alilang binili ninyo ay maaaring pakainin nito kung siya
ay tuli na. 
 Hindi rin maaaring kumain nito ang mga dayuhang nakikipanuluyan lamang sa inyo, o kaya'y ang mga
upahang manggagawa. 
 Ang korderong pampaskwa ay dapat kainin sa loob ng bahay na pinaglutuan nito.
 Huwag ilalabas kahit kapiraso nito at huwag ding babaliin kahit isang buto. 
 Ang Pista ng Paskwa ay ipagdiriwang ng buong Israel. 
 Lahat ng dayuhang nakikipamayan sa inyo na gustong makipagdiwang sa Paskwa ay kailangang tuliin
muna pati ang kanyang mga anak na lalaki bago pasalihin sa pagdiriwang. Sa gayo'y ituturing silang
katutubong Israelita.
 Huwag hahayaang kumain nito ang sinumang hindi tuli.
 Lahat ay saklaw ng mga tuntuning ito, maging siya'y katutubong Israelita o dayuhan.

EXODO 13
(v.1-2) Ang Pagtatalaga sa Panganay
Lahat ng panganay- pag-aari ni Yahweh
(v.3-10) Ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa
(v.11-16) Ang mga Panganay na Lalaki
Cananeo- lupaing ipinangako niya sa mga Israelita
Lalaking panganay ng mga asno- tutubusin ng tupa o kaya’s babaliin ang leeg
(v.17-22) Ang Haliging Apoy at Ulap
Filista- daanang hindi dinaanan ng mga Israelita
Pinaligid sa ilang patungong Dagat na Pula- dinaanan nila

4
Buto ni Jose- dala-dala ni Moises
Etam- lugar na tinigilan nila mula Sucot bago punasok sa Ilang
Haliging ulap- gabay sa paglalakbay tuwing araw
Haliging apoy- gabay sa paglalakbay tuwing gabi

EXODO 14
(v.1-14) Hinabol ng mga Egipcio ang mga Israelita
Tapat ng Pi Hahirot, ng Baal-zefon, sa pagitan ng Migdol at ng dagat - Lugar kung saan sila nagkampo
600- karwaheng pandigma na dala ng Faraon
(v.15-30) Ang Pagtawid sa Dagat ng Pula
Nahati ang tubig- nang itapat ni Moises ang tungkod sa ibabaw ng dagat
VICTORYYYYYY YEYEYEY 

EXODO 15
(v.1-18) Ang Awit ni Moises
Lupain ng mga Filisteo- nasindak lahat ng tao
Pinuno ng Edom- sila’y nangagimbal
Matatapang sa Moab- sinakmal ng takot
(v.19-21) Ang Awit ni Miriam
Miriam- babaing propeta na kapatid ni Aaron
Tamburin- kinuha ni Miriam at tumugtog
(v.22-27) Ang Batis ng Mapait na Tubig
Ilang ng Shur- pinuntahan pagkatapos ng Dagat na Pula
3 araw- naglalakbay silang walang makitang tubig
Batis ng Mara- batis na may mapait na tubig
Putol na kahoy- inihagis ni Moises sa batis at nawala ang pait nito
Elim- sunod na napuntahan nila
12 balon at 70 puno ng palma- lugar sa Elim kung saan sila nagkampo

EXODO 16
(v.1-36) Ang Manna at mga Pugo
Ika-15 araw ng ika-2 buwan- lumabas sila sa Egipto at nakarating sa ilang ng Sin
Ilang ng Sin- pagitan ng Elim at Sinai
Ika-6 na araw- doble sa karaniwang dami ng pagkain mula sa langit ang pupulutin nila
Takip-silim- dumagsa ang napakaraming pugo
Manna- tinapay na parang pinipig; malilit at maninipis; buto ng lukantro, maputi at lasang galyetas na misa sa
pulot
Kalahating salop- kukuning manna kada tao
Palayok ng Manna- nilagay sa loob ng Kaban ng Tipan
40 taon- manna lang ang kinakain nila hanggang dumating sa Canaan
Isang salop- katumbas ng higit sa apat na litro

EXODO 17
(v.1-7) Ang Bukal Mula sa Malaking Bato
Redifim- pinagkampohan nila mula sa diyerto ni Sin
Masah at Meriba- lugar kung saan nagtalu-talo ang mga israelita at sinubok si Yahweh
Pinagtatalunan nila- lung papatnubayan ba sila ni Yahweh o hindi

5
EXODO18
(v.1-12) Dinalaw ni Jetro si Moises
Jetro- pari sa Midian
Eliezer- pangalawang anak nina Moises at Zipora
Gershom- panganay na anak
Bundok ng Diyos- lugar kung saan sila nagsama-sama
(v.13-27) Ang PAghirang sa mga Hukom
Jetro- nagpayo kay Moises na magkaroon ng maraming hukom
Hukom ng bayan- libu-libo; daan-daan; lima-limampu; sampu-sampu

EXODO 19
(v.1-24) Ang mga Israelita sa Bundok ng Sinai
Ika-3 buwan- nakarating sila sa Ilang ng Sinai magmula nang umalis sa Egipto
Bundok ng Sinai- sunod na pinagkampuhan matapos sa Refidim
Agila- ginawang simbolismo ni Yahweh
Tunog ng trumpeta- senyas kung kalian sila aakyat ng Bundok

EXODO 20
(v.1-17) Ang Sampung Utos (Deut. 5:1-21)
1Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos: 2“Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at
nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.
3“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
4“Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang
sambahin.5Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay
mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa
ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa
akin at tumutupad sa aking mga kautusan.
7“Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan
ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.
8“Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. 9Anim na araw kang magtatrabaho, at
tapusin mo ang dapat gawin. 10Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng
Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga
aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. 11Anim na
araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa
ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.
12“Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni
Yahweh na inyong Diyos.
13“Huwag kang papatay.
14“Huwag kang mangangalunya.
15“Huwag kang magnanakaw.
16“Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.
17“Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang
lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.”
(v.18-21) Natakot ang mga Israelita
Dagundong ng kulog at tunog ng trumpeta- kinatakutan ng mga Israelita
(v.22-26) Ang nga Utos Tungkol sa mga Altar
Lupa- ang altar ay dapat yari ditto

6
Altar- doon nila susunugin ang mga handog na tupa at baka, doon sila sasamba
Paet- ang paggamit nito ay isang paglapastanganan

EXODO 21
(v.1-11) Ang Batas sa mga Alipin
6 taon- paglilingkod ng isang alipin
Anak- maiiwan kung aalis ang alipin
Butas sa tainga- palatandaang alipin na siya habang buhay
(v.12-27) Mga Batas Tungkol sa mga Karahasan
Papatayin- nakapatay; magbuhat ng kamay sa magulang; dumukot ng kapwa; magmura sa magulang
23Ngunit kung may iba pang pinsalang tinamo ang babae, paparusahan ang nakasakit: buhay din ang
kabayaran sa buhay, 24mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, 25sunog sa sunog, sugat
sa sugat, galos sa galos.
(v.28-35) Ang Pananagutan ng May-ari
Babatuhin- parusa sab aka kung makapatay ng tao
30 pilak- ibabayad ng amo ng alipin sa may-ari ng baka

EXODO 22
(v.1-15) Batas tungkol sa Ninakaw
5- ang ipapalit sa baka kung ito’y ninakaw
4- ang ipapalit sa tupa kung ito’y ninakaw
Doble- ibabayad sa salaping ninakaw
(v.16-31) Tuntunin tungkol sa Pananampalataya at Kabutihang-asal
Patayin- mangkukulam; sumiping sa hayop; maghandog sa diyus-duyosan
Huwang aapihin- dayuhan; balo; ulia
Digmaan- paraan ng paglilipol
ng inaning butil, alak na mula sa katas ng ubas at lang- alay nila
7 araw- kasama ng ina ang panganay
8th araw- ihahandog na siya kay Yahweh
Aso- kakain ng karne ng pinatay na hayop

EXODO 23
(v.1-9) Ang mga Tuntunin Tungkol sa Katarungan
Suhol- pinagbawalan silang tumanngap nila dahil bumubulag ito sa tao sa katwiran
(v.10-13) Ang Ikapitong Taon at ang Ikapitong Araw
6 taon- tatamnan ang bukirin
6 taon- aanihin ang bunga
7th taon- hindi magtatanim o aani
6 araw- magtatrabaho
7th araw- pahinga ng lahat
(v.14-19) Ang Tatlong Pangunahing Pista
Pista ng tinapay na walang pampaalsa- unang araw ng buwan
Pista ng pag-aani- unang bunga ng kanilang bukirin
Pista ng mga tolda- pagtatapos ng taon, sa pitasan ng ubas at mga bungang-kahoy
(v.20-33) Mga Pangako at mga Tagubilin
Anghel- mangunguna sa kanila
Hivita, Cananeo, Heteo- papalayasin ni Yahweh

7
Dagat ng Pula at Dagat Mediteraneo at ilang hanggang sa Ilog Eufrates- hangganan ng kanilang lupain

EXODO 24
(v.1-11) Pinagtibay ang Kasunduan
Aaron, Nadab, Abihu, 70 pinuno ng Israel- pinapasama ni Yahweh kay Moises pagpunta sa Sinai
Altar- itinayo niya sa paanan ng bundok
12 bato- itinayo niya kumakatawan sa 12 lipi ni Israel
Dugo ng hayop- kalahati: nilagay sa altar; kalahati- handog kay Yahweh
Aklat ng Tipan- binasa ni Moises ng malakas
Dugo- katibayan ng pakikipagtipan nila kay Yahweh
Bughaw na Safiro- tuntungan ni Moises
(v.12-18) Si Moises sa Bundok ng Sinai
Tapyas ng Baton- kinalalagyan ng mga tagubilin at kautusan
Josue- lingcod ni Moises
Aaron at Hur- iiwan nila sa baba ng bundok
6 araw- nabalot ng ulap ang bundok
7th araw- tinawag si Moises ni Yahweh mula sa gitna ng ulap
Nagniningning na apoy- kaluwalhatian ni Yahweh na nakita ng mga Israelita
40 araw at gabi- nanatili si Moises se bundok

EXODO 25
(v.1-9) Mga Handog para sa Santuwaryo
Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; 4lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang
lino at hinabing balahibo ng kambing; 5balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na
akasya; 6langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso. 
Santuwaryo- ipinapagawa ni Yahweh upang tirhan ni Yahweh kasama ng mga Israelita
(v.10-22) Ang Kaban ng Tipan
Akasya- pagyayarian ng gagawing kaban (1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas)
Apat na argolyang ginto- ikakabit sa apat nap aa ng kaban
Kaban- paglalagyan ng dalawang tapyas ng batong ibibigay ni Yahweh
Luklukan ng Awa- yari sa purong ginto (ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang); ilalagya sa
ibabaw ng kaban
2 kerubing ginto- ilalagay sa dalawang dulo nito
(v.23-30) Ang Mesa ng Tinapay na Handog sa Diyos
Mesang yari sa akasya- 0.9 metro ang haba, 0.5 metro ang lapad, at 0.7 metro ang taas.
Purong ginto- ipapambalot ditto
Sinepa- ilalagay sa gilid nito
4 argolyang ginto- ilalagay sa apat na sulok nito
Pampasan na yari sa akasya- babalutin din ng ginto
Kagamitang ginto- plato, tasa, banga, mangkok
(v.31-40) Ang Lalagyan ng Ilaw
Ilawan- yari sa ginto (pati patungan at tagdan)
Palamuti- bulaklak, buko, talulot
6 sanga- ilalagay ditto
3 maganda bulaklak- ilalagay kada sanga
7 ilaw- gagawin nila

EXODO 26
8
Ang Tabernakulo ng Diyos
(Exo. 36:8-38)
1“Para sa tabernakulo, gumawa ka ng sampung pirasong tela na yari sa telang lino na ihinabi sa lanang kulay
asul, kulay ube at kulay pula. Ito'y dapat burdahan ng larawan ng kerubin. 2Ang haba ng bawat piraso ay 13
metro at dalawang metro naman ang lapad. 3Pagkakabit-kabitin ninyo ito ng tiglilima. 4Ang tig-isang gilid nito'y
lagyan ninyo ng silo na yari sa taling asul. 5Tiglilimampung silo ang ilagay ninyo sa bawat piraso. 6Gumawa ka
ng limampung kawit na ginto at ang mga ito ang gagamitin ninyo para pagkabitin ang dalawang piraso.
7“Gumawa ka rin ng labing-isang pirasong kurtina na gawa sa balahibo ng kambing na siyang gagawing takip sa
ibabaw ng tabernakulo. 8Bawat isa nito'y 13 metro ang haba at 2 metro naman ang lapad. 9Pagkabit-kabitin
ninyo ang limang piraso at gayundin ang gawin sa anim na natitira. Ang ikaanim ay ilulupi at siyang ilalagay sa
harap ng tolda. 10Bawat piraso ay palagyan mo ng tiglilimampung silo ang gilid. 11Gumawa ka ng limampung
kawit na tanso at isuot mo sa mga silo para pagkabitin ang dalawang piraso upang maging isa lamang. 12Ang
kalahating bahagi ng tabing ay ilaladlad sa likuran upang maging takip. 13Ang tig-kalahating metrong sobra sa
mga tabi ay siyang takip sa gilid. 14Ito ay lalagyan pa ng dalawang patong ng pulang balat: ang ilalim ay balat ng
tupang lalaki at ang ibabaw ay balat na mainam.
15“Ang tabernakulo'y igawa mo ng mga patayong haligi na gawa sa akasya; 16bawat haligi ay 4 na metro ang
haba at 0.7 metro naman ang lapad. 17Bawat haligi ay lagyan mo ng tigalawang mitsa para sa
pagdurugtong. 18Sa gawing timog, dalawampung haligi ang ilagay mo 19at ikabit sa apatnapung patungang
pilak, dalawang patungan sa bawat haligi. 20Dalawampung haligi rin ang gawin mo para sa gawing hilaga 21at
apatnapung patungan, dalawa rin sa bawat haligi. 22Sa likod naman, sa gawing kanluran ay anim na haligi ang
ilagay mo 23at dalawa para sa mga sulok. 24Ang mga haliging panulok ay pagkabitin mo mula sa ibaba
hanggang sa may argolya sa itaas. 25Kaya, walong lahat ang haligi sa likuran at labing-anim naman ang
patungan.
26“Gagawa ka rin ng pahalang na haligi na yari sa akasya, lima sa isang tabi, 27lima sa kabila, at lima sa likod,
sa gawing kanluran. 28Ang mga pahalang na haliging panggitna ay abot sa magkabilang dulo ng dingding. 29Ang
mga patayong haligi ay balutin mo ng ginto at kabitan ng mga argolyang ginto na pagsusuutan ng mga pahalang
na haligi na binalot din ng ginto. 30Gawin mo ang tabernakulo ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.
31“Gumawa ka ng kurtinang yari sa puting lino at lanang asul, kulay ube at kulay pula. Burdahan mo ito ng
larawan ng kerubin. 32Isabit mo ito sa mga kawit na ginto na nakakabit sa apat na haliging akasya na binalot din
ng ginto at nakatindig sa apat na patungang pilak. 33Isabit mo ang tabing na ito sa tapat ng kawit sa bubong ng
tabernakulo at ilagay sa likod ng tabing ang Kaban ng Tipan. Ang tabing na ito ang siyang maghihiwalay sa
Dakong Banal at sa Dakong Kabanal-banalan. 34Ang Luklukan ng Awa ay ilagay mo sa ibabaw ng Kaban ng
Tipan na nasa Dakong Kabanal-banalan. 35Ang mesa ay ilagay mo sa labas ng kurtina, sa gawing hilaga ng
Dakong Banal at sa gawing timog naman ang patungan ng ilaw.
36“Ang pintuan ng tabernakulo'y lagyan mo ng kurtinang iba't ibang kulay na hinabi sa lanang asul, kulay ube at
kulay pula, at telang lino. Ito'y buburdahan nang maganda.37Gumawa ka ng limang posteng akasya para sa
tabing. Balutin mo ito ng ginto, kabitan ng argolyang ginto at itayo sa limang tuntungang tanso.

EXODO 27
Ang Altar
(Exo. 38:1-7)
1“Gumawa ka ng isang altar na yari sa punong akasya; 2.2 metro ang haba, ganoon din ang lapad, at ang taas
ay 1.3 metro. 2Ang apat na sulok niyon ay lagyan mo ng tulis na parang sungay. Gawin mo itong kaisang piraso
ng altar at balutin mo ng tanso. 3Gumawa ka rin ng mga kagamitang tanso para sa altar: lalagyan ng abo ng
sinunog na taba, ng pala, palanggana, malaking tinidor at lalagyan ng apoy.4Gumawa ka rin ng parilyang tanso,
at ang bawat sulok nito ay kabitan mo ng isang argolyang tanso na siyang bitbitan, 5at ikabit mo ang parilya sa
ilalim ng tuntungan ng altar. 6Gumawa rin kayo ng pampasan na yari sa punong akasya at babalutin din ng
tanso. 7Isuot mo ang mga ito sa mga argolya ng altar kung ito'y kailangang buhatin. 8Kaya nga't ang altar na
gagawin mo ay may guwang sa gitna, ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.

9
Ang Bulwagan ng Tabernakulo
(Exo. 38:9-20)
9“Ang tabernakulo'y igawa mo ng bulwagang tatabingan ng mamahaling lino sa paligid. Sa gawing timog ay 45
metro ang haba ng tabing 10na isasabit sa dalawampung posteng tanso na nakatindig sa dalawampung
patungang tanso. Pilak naman ang mga kawit ng poste, gayon din ang mga baras na sabitan. 11Ang ilalagay sa
gawing hilaga ay tulad din ng nasa gawing timog; 45 metro ang haba ng mga tabing na nakasabit sa
dalawampung posteng tanso na nakatindig sa dalawampung patungang tanso. Pilak naman ang mga kawit ng
poste, gayon din ang baras. 12Sa gawing kanluran naman, 22 metro ang haba ng tabing na isasabit sa sampung
posteng nakatindig sa sampung patungan.13Ang luwang ng harapan sa gawing silangan ay 22 metro rin. 14Ang
isang tabi ng pintuan nito'y lalagyan ng kurtinang may habang 6.6 na metro, na nakasabit sa tatlong posteng
nakapatong sa tatlong tuntungan. 15Ganoon din sa kabilang gilid, 6.6 na metro ang haba ng kurtinang nakasabit
sa tatlong posteng may kanya-kanyang tuntungan. 16Ang kurtina naman sa mismong pinto ay 9 na metro ang
haba, yari sa kulay asul, kulay ube at pulang lana, pinong lino na maganda ang burda. Isasabit ito sa apat na
posteng nakatuntong sa apat na patungan. 17Lahat ng poste sa bulwagan ay pagkakabitin ng baras na pilak;
pilak din ang mga kawit ngunit tanso ang mga tuntungan. 18Ang haba ng bulwagan ay 45 metro at 22 metro
naman ang luwang. Ang mga tabing na pawang yari sa mamahaling lino ay 2.2 metro ang taas; ang mga
patungan ay pawang tanso. 19Lahat ng kagamitan sa tabernakulo, pati mga tulos ay panay tanso.
Ang Pangangalaga sa Ilawan
(Lev. 24:1-4)
20“Pagdalhin mo ang mga Israelita ng pinakamainam na langis ng olibo para sa mga ilaw upang ito'y manatiling
nagniningas. 21Aalagaan ito ni Aaron at ng kanyang mga anak sa Toldang Tipanan. Ito'y ilalagay sa labas ng
tabing, sa tapat ng Kaban ng Tipan. Hindi nila ito pababayaang mamatay mula hapon hanggang umaga at
habang panahong gagawin ito ng mga Israelita at ng kanilang buong lahi.

EXODO 28
(v.1-5) Ang Kasuotan ng mga Pari
Anak ni Aaron- Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar
Kasuotan ni Aaron- pektoral, efod, abito, mahabang panloob na kasuotan, turbante at pamigkis
Gagamitin sa kasuotan- ginto, lanang asul, murado at pula, at pinong sinulid na lino
Ang Efod
6“Ang efod ay gagawin nilang yari sa ginto, lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula, at hinabing telang lino at
buburdahan nang maganda. 7Palagyan mo ito ng dalawang tali sa balikat na siyang magdudugtong sa harap at
likod. 8Kabitan ito ng pamigkis na yari din sa ginto, lanang asul, kulay ube at pula, at hinabing telang lino.
9“Kumuha ka ng dalawang batong kornalina at ipaukit mo roon ang pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni
Israel, 10tig-anim sa bawat bato ayon sa pagkakasunod ng kanilang kapanganakan. 11Ipagawa mo ito sa
mahusay na platero at ipakabit mo ito sa lalagyang ginto. 12Ikakabit ito sa tali sa balikat ng efod bilang
tagapagpaalala sa labindalawang anak na lalaki ni Israel. Sa ganitong paraan, dadalhin ni Aaron sa kanyang mga
balikat ang mga pangalan ng labindalawang lipi ni Israel upang sila'y maalala ni Yahweh.
13“Magpapagawa ka rin ng dalawa pang patungang ginto, 14at dalawang nilubid na ginto na ikakabit mo sa
dalawang patungan.
Ang Pektoral
(Exo. 39:8-21)
15“Gumawa ka rin ng pektoral na gagamitin ng pinakapunong pari sa pag-alam ng kalooban ni Yahweh.
Buburdahan ito nang maganda, tulad ng sa efod. Ang gagamitin dito'y ginto, lanang kulay asul, kulay ube at pula,
at telang lino. 16Gawin mo itong parisukat at magkataklob: 0.2 metro ang haba, at ganoon din ang
lapad. 17Lagyan ito ng apat na hilera ng mga mamahaling bato. Sa unang hilera ay rubi, topaz at
karbungko. 18Sa ikalawang hilera naman ay esmeralda, safiro at brilyante. 19Sa ikatlong hilera ay jacinto, agata
at ametista. 20At sa ikaapat na hilera ay berilo, kornalina at jasper. Ang mga ito'y ikakabit sa patungang

10
ginto. 21Labindalawa lahat ang batong gagamitin upang kumatawan sa labindalawang anak ni Israel. Tulad ng
isang pantatak, sa bawat bato'y nakaukit nang maganda ang pangalan ng bawat anak na lalaki ni
Israel. 22Gumawa ka ng dalawang maliliit na lubid na ginto at ikabit mo sa pektoral. 23Kabitan mo ito ng
dalawang argolyang ginto sa mga sulok sa itaas, 24at dito itatali ang dalawang lubid na ginto. 25Ang kabilang
dulo ng mga ito ay ikakabit naman sa dalawang patungang ginto na nasa tali sa balikat ng efod, sa gawing
harapan. 26Kabitan mo rin ng tig-isang argolyang ginto sa magkabilang sulok sa ibaba, sa bandang loob, malapit
sa efod. 27Gumawa ka ng dalawa pang argolyang ginto, ikabit mo ito sa tali sa balikat ng efod, sa harapan, sa
tabi ng dugtungan, sa gawing itaas ng pamigkis. 28Ang argolya ng pektoral at ang argolya ng efod ay
pagkakabitin ng lubid na asul para huwag magkahiwalay.
29“Kaya, pagpasok ni Aaron sa Dakong Banal na suot ang pektoral, dala niya, sa tapat ng kanyang puso, ang
pangalan ng mga lipi ng Israel upang sila'y maalala ni Yahweh. 30Ilalagay naman sa pektoral ang Urim at Tumim
upang ito'y nasa tapat din ng puso ni Aaron pagharap niya kay Yahweh. Tuwing siya'y haharap kay Yahweh, dala
niya sa tapat ng kanyang puso ang kagamitan sa pag-alam ng kalooban ko para sa Israel.
(v.31-43) Ang Iba pang Kasuotan ng Pari
Damit-ilalagay sa ilalim ng Efod; yari sa asul sa tela; susuotin ni Aaron iyon
Palamuting ginto- may nakaukit na “Inilaan kay Yahweh”
Lino- telang gagamitin
Langis- ibubuhos sa kanila (anointing)

EXODO 29
(v.1-37) Hinirang sa Pagkapari sina Aaron
Batang toro at 2 lalaking tupa- ihahandog
7 araw- isusuot ang damit ng kung sinumang hahalili kay aaron
(v.38-46) Ang Paghahandog Araw-araw
2 tupang isang taon- ihahandog araw-araw

EXODO 30
(v.1-10) Ang altar na Sunugan ng Insenso
Altar- gawa sa akasya na sunugan ng insenso; parisukat; 0.5 metro ang haba, gayundin ang luwang at 0.9 na
metro ang taas
(v.11-16) Ang Buwis Para sa Templo
Sensus- magbabayad ng kinakailangang timbang (6g) ng pilak
20 taon pataas- isasama sa sensus
Toldang Tipanan- paglalaanan ng buwis
(v.17-21) Ang Palangganang Hugasan
Tanso- plangganang paghuhugasan nina aaron bago pumasok
(v.22-33) Ang Langis na Pampahid at ang Insenso
Pinakamainam na pabango- : 6 na kilong mira, 3 kilong kanela at 3 kilong mabangong tubó 24at 6 na kilong
kasia ayon sa sukatang gamit sa templo
Olibo- gagamiting langis
Ititiwalag- gagaya sa pag- aanoint
(v.34-38) Ang Insenso
pabango ng estacte, onise, galbano at purong insenso- paghahaluin sa paggawa ng insenso

EXODO 31
(v.1-11) Ang mga Gagawa ng Tabernakulo
Bezalel- anak ni Uri, apo ni Hur, mula sa lipi ni Juda; gagawa ng tabernakulo

11
Aholiab- anak ni Ahimasac, mula sa lipi ni Dan; tutulong kay Bezalel
(v.12-18) Ang Araw ng Pamamahinga
Sagrado- Araw ng Pamamahinga at dapat na ipangilin
Dalawang tapyas ng bato- binigay ni Yahweh kay Moises pagkatapos ng lahat ng tagubilin

EXODO 32
(v.1-31) Ang Guyang Ginto
Hikaw na ginto- tinipun ni aaron upang gawing guya
Josue- “May ingay ng labanan sa kampo.” Sabi niya kay Moises
Ipinainom sa mga israelita- matapos niyang durugin ang guya at ibinuhos sa tubig
3000 tao- napatay ng mga Levita dahil sila lang ang pumanig kay Yahweh
Sakit- parusa ni Yahweh

EXODO 33
(v.1-6) Nagpatuloy ng Paglalakbay ang Israel
Alahas- pinatanggal ni Yahweh
(v.7-11) Ang Toldang Tipanan
Toldang Tipanan- tinawag ni Moises sa Tabernakulo
Josue- naiwan sa tolda
(v.12-23) Nangako si Yahweh sa Sila’y Papatnubayan
EXODO 34
(v.1-9) Ang Pangalawang Tapyas na Bato
Pangalawang bato- dahil binasag ni Moises ang isa
(v.10-28) Inulit ang Tipan
40 araw at gabi- kasama ni Yahweh si Moises; hindi kumakain o umiinom habang isinusulat lahat ng tuntunin
(v.29-35) Bumaba sa Bundok si Moises
Nagniningning ang mukha ni Moises- kaya tinatakpan na niya ito

EXODO 35
(v.1-3) Ang mga Tuntunin sa Araw ng Pamamahinga
Sa araw na ito- bawal sila magsindi ng apoy
(v.4-9) Ang mga Handog Para sa Santuwaryo
. Ito ang maaari ninyong ihandog: ginto, pilak at tanso; 6lanang kulay asul, kulay ube, at kulay pula. Gayundin ng
pinong sinulid na lino, at balahibo ng kambing, 7balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at
kahoy na akasya,8langis para sa ilawan, pabangong panghalo sa langis na pampahid at sa
insenso. 9Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa
pektoral ng pinakapunong pari.”
(v.10-19) Ang mga Kagamitan sa Toldang Tipanan
Tabernakulo, tolda, tabing- mga gagawin ng mahuhusay na manggagawa
(v.20-29) Dinala ang mga Handog
(v.30-35) Ang mga Gagawa sa Toldang Tipanan
Gagawa ng tolda- Bezalel at Aholiab

EXODO 36
12
(v.2-6) Marami ang Handog ng mga Israelita
Handog- ilalagay sa santuwaryo
(v.8-38) Ang Paggawa ng Toldang Tipanan
10 kurtina- ang ginamit ditto (13m haba at 2m lapad); telang lino
Basahin mo uli! Masyadong mahaba 

EXODO 37
(v.1-9) Ang Kaban ng Tipan
Yari sa akasya- ginawa ni Bezalel (1.1m haba, .7m luwang, .7m taas)
Luklukan ng awa- purong ginto
(v.10-16) Ang Mesa ng Tinapay na Handog sa Diyos
Yari sa akasya- mesang ginawa ni Bezalel (.9m haba, .5m lapad, .7m taas)
(v.17-24) Ang Ilawan
Ginto- pinagyarian ng ilawan
(v.25-28) Ang Paggawa sa Altar na Sunugan ng Insenso (Exo. 30:1-5)
(v.29) Ang Langis na Pampahid at ang Insenso (Exo. 30:22-38)
EXODO 38
(v.1-7) Ang Altar (Exo.27:1-8)
(v.8) Ang Palangganang Tanso (Exo. 30:18)
(v.9-20) Ang Bulwagan ng Toldang Tipanan (Exo. 27:9-19)
(v.21-31) Ang mga metal na Ginamit sa Tabernakulo
Itamar- anak ni Aaron; nanguna sa listahan
1000 kilo- lahat ng gintong ginamit sa santuwaryo
3,430- pilak na galling sa mga taong napabilang sa sensus
603, 550- bilang ng napabilang sa sensus
3,400 kilo- pilak na nagamit sa tuntungan ng santuwaryo (100 tuntungan- na tig 34 kilo)
2,425- tansong inihandog kay Yahweh

EXODO 39
(v.1-31) Ang Kasuotan ng mga Pari (Exo. 28:1-43)
(v.32-43) Natapos na ang Toldang Tipanan (Exo. 35: 10-19)
EXODO 40
(v.1-33) Ang Pagtatayo at ang Pagtatalaga sa Toldang Tipanan
Tabernakulo- itinayo noong unang buwan ng ikalawang taon
Moises- natapos na lahat ng pinagagawa sa kanya
(v.34-38) Ang Ulap at ang Tabernakulo
Hindi tumaas ang ulap- hindi sila magpapatuloy sa paglalakbay
Araw- ang ulap ng kapangyarihan ni Yahweh ay nasa tapat ng tabernakulo
Gabi- ang haliging apoy
Ito ang naging tanglas nila sa paglalakbay

EXODO
 Isinulat ni Moises

13
 400-600 B.C.E.
 ikalawang aklat ng Torah
 Sa Hebreo, ito'y tinatawag na Shemot
 1391–1271 BCE (nabuhay si Moises)

Manunulat: Si Moises ang manunulat ng aklat ng Exodo (Exodo17:14; 24:4-7; 34:27).

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ay isinulat sa pagitan ng 1440 and 1400 B.C.

Layunin ng Sulat: Ang kahulugan ng salitang "exodo" ay paglabas. Sa perpektong panahon ng Diyos,


ang paglabas ng mga Israelita sa Egipto ang marka ng pagtatapos ng pangaalipin sa lahi ni Abraham
(Genesis 15:13), at pasimula ng katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham na hindi lamang sila titira
sa Lupang Pangako, kundi darami din sila at magiging isang dakilang bansa (Genesis 12:1-3, 7). Ang
layunin ng aklat na ito ay upang ipakita ang mabilis na pagdami ng lahi ni Jacob sa Egipto at ang
pagtatatag ng isang bansa sa Lupang Pangako sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. 

Mga Susing Talata: Exodo 1:8, - Lumipas ang panahon at ang Egipto'y nagkaroon ng ibang hari na
walang anumang alam tungkol kay Jose."

Exodo 2:24-25, - Narinig ng Diyos ang kanilang daing at naalaala niya ang kanyang Tipan kina
Abraham, Isaac at Jacob. Nakita niya ang kalagayan ng mga Israelita at siya'y nahabag sa kanila."

Exodo 12:27, - Sabihin ninyong ito'y pag-aalaala sa Paskuwa ni Yahweh nang lampasan niya ang bahay
ng mga Israelita at patayin niya ang mga Egipcio." masabi ito ni Moises, nanikluhod ang buong bayan at
sumamba sa Diyos."

Exodo 20:2-3, "Mula sa Refidim, nagpatuloy sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok. Si
Moises naman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos. sa kanya ni Yahweh, "Ito ang
sabihin mo sa buong angkan ni Jacob, sa buong Israel."

14
15

You might also like