You are on page 1of 9

OKIR

Ang ibig sabihin ng okir ay pang-uukit ng kahoy.


Ang okir-a-datu naman ay mga disenyong maraming
pakurba-kurba na ginagawa ng mga Maranao at Tausug
ng Mindanao. Ang mga pinakakilalang okir ay ang mga
hugis ng sarimanok (ibon mula sa alamat), naga (ahas
mula sa alamat), at pako rabong (fern). Ang mga
disenyong ito ay ginagamit bilang dekorasyon sa mga
bahay ng mga Sultan.
VINTA
Ang vinta na kilala rin sa mga tawag na lepa-
lepa at sakayan ay isang tradisyunal na bangkang
matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Karaniwan itong
ginagawa ng mga Bajau at ng mga Moro tulad ng
mga Tausug. Makukulay ang mga banderitas nito na
sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura at
kasaysayan ng mga naninirahan sa Kapuluan ng Sulu.
Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang
mga bangka para sa transportasyon ng mga tao at iba't
ibang kagamitan. Kilala ang Zamboanga dahil sa mga ito.
ARABIC ALPHABET
Ang sulat Arabo ang sistemang panulat ng maraming
wika ng Asya at Aprika tulad
ng Arabo, Persa (Persian) (maliban sa Tayikistan, kung
saan ang alpabetong Siriliko ang kasalukuyang
ginagamit), at Urdu. Kasunod ng alpabetong Latino, ito
ang sistemang panulat na may pinakamalawak na
paggamit. Sinusulat ito mula kanan pakaliwa.
MA. CRISTINA FALLS
Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa
pulo ng Mindanao. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat
ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok
nito. Ang talon ay ang palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na
binansagang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”,dahil sa
meron itong mahigit dalawampung (20) talon. Ito ay matatagpuan
9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na
hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina,
Ditucalan, at Buru-un. Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at
kariktan. Ito ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na
pagkalahatang gamit naman ng mga industriya sa lungsod.
SINGKIL
Ang singkil, sayaw sa kasingkil, o sayao sa kasingkil ay isang
sikat na sayaw ng mga Maranao. Ang salitang singkil ay
nangangahulugang paluputan ang paa ng kahit anong bagay
gaya ng baging o kahit anong madadaan.
Ang Singkil ay isang tanyag na sayaw na tinatanghal tuwing may
pagdiriwang at mga kapistahan. Itinatanghal ng kadalasang
pambabaeng sayaw lamang, ang Singkil ay nagsisilbi bilang
isang patalastas sa kanyang magiging manliligaw o sa kanyang
mapapangasawa. Marikit na humahakbang paloob at palabas ang
babaeng mananayaw sa nagbabanggaang mga kawayan na
nakaayos na nakahanay, o nakakrus habang ginagamit ang
kanyang apir (pamaypay), mosala (panyo), o kahit ang kanyang
kamay lang.
MALONG

Ang "Malong" ay bahagi na ng kulturang


Pilipino, partikular ng mga Muslim. Ang salitang "Malong",
katulad ng "Patajong" ng mga Bisaya at Tagalog at
"Tajong" ng mga Samal, ay nangangahulugang "Mainam
na Kasuotan". Katulad din ng "Sarong" ng Malaysia at
"Ponong" ng Thailand. Ang malong ay isang mahabang
tela na may kaakit-akit na mga kulay. Ito ay may
disenyong "abstract"na tila alon, mga bulak-lak at dahon
at iba pang disenyong base sa Okir at Sari-Manok. Hinabi
ito mula sa seda o bulak. May haba itong 166cm at 170cm
naman ang lapad.
KASUOTAN NG MINDANAO
Madalas ang mga kasuotang katutubo ng Mindanao ay makulay
na mga damit, madalas ay tradisyunal na paghabi ang ginamit sa
paggawa ng mga ito.
A n g m g a k a l a l a k i h a n a y n a g s u s u o t n g pang-itaas na
damit na kung tawagin ay Saul Laki at ang kanilang pang-
ibabang kasuotan ay tinatawag na Salwal B’laan.
Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na
kung tawagin ay Saul S’lah at ang kanilang pang-ibabang
kasuotan ay tinatawag na Dafeng.
MASJID
Ang mosque ay isang lugar ng pamimintuho para
sa mga tagasunod ng Islam. Tinutukoy ito ng
mga Muslim sa Arabeng pangalan nitong masjid.
SARIMANOK
Ang sarimanok (sa Maranao "artipisyal na ibon") ay isang
maalamat na ibon ng mga Maranao ng
katimugang Pilipinas. Ito rin ay isang makulay na okir na
karaniwan ay gawa sa tanso, sa anyo ng isang
nakatayong ibon, na malamang ay isang susulbot na may
nakasabit na isda sa tuka nito. Kinakatawan din ng
sarimanok ang mayamang sining ng mga Maranao at ito'y
sumisimbolo rin ng kasaganahan.

You might also like