You are on page 1of 5

Junto Al Pasig (Sa Tabi ng Pasig)

ni Dr. Jose Rizal

MGA KARAKTER:

-Candido -Leonido
-Pascual -Mga Demonyo
-Bata 1, 2, & 3 -Anghel
-Satan

Ang mga pangyayaring ito’y itinanghalsa dalapasigan ng ilog Pasig,


sa bayang kapangalan din nito; sa palamuti ay makikita ang ilog sa
kabilang ibayo, mula sa kinalalagyan ng mga nanonood, makikita ang
simbahan ng bayan, ang mga bahay, mga kakawayan at maraming
bandila at palamuting karaniwang ilagay ng mga bayan sa Kapuluan kung
may pagdiriwang. Mag-uumaga, at dahil dito’y ang kabuuang tanawing
makikita ay malamlam at kaakit-akit sa mata, sa pamamagitan ng mga
telang nakukulayan.

UNANG TAGPO

Si Candido, si Pascual at ang ibang mga bata. (Ang isa sa mga


nasabingbata ay may dalang bulaklak at ang iba naman ay mga bandila at
laruang bagay sa kabataan.)

Candido: Kay ganda ng umaga! Nadidinig niyo ba ang lagitik ng kawayan sa


dalampasigan? Naririnig niyo rin ba ang mga awit ng mga ibon na mahini’t
iba-iba? Hindi baga sinasabing ang kanilang kasiyahan ay dahil sa Inang
Birhen?
Pascual: Ang ligaya ng bayan ay nadarama ng lahat. Maging ang mga bata at
lahat ng matatanda’y lumalabas at humahanga.
Bata 1: Tama ka sa sinabi mo Pascual. Ang mga tao’y madaliang nagsasabit
ng pabiting marikit at bandilang mapang-akit.
Bata 2: Narito ang mga bulaklak ng pang-alay sa Birhen n gating bayan.
Bata 1: Tingnan nga natin! Ako’y may ibon sa bahay. Napakainam ng
kanyang huni’t kay tamis pakinggan. Ito ang aking ibibigay sa Birhen kung
magdaraan.
Bata 3: Mga ibon? Ako’y may paputok at pailaw.
Bata 1: Walang saysay pagka’t iyan ay laruang nagbibigay takot lamang.
Bata 3: aba! Takot lamang ikaw.
Bata 1: hindi totoo yan!
Pascual: ako naman ay may piton a yari s kawayan.
Lahat: (nagtawanan) haha.. haha.. haha..
Pascual: kayo ba’y nagtataka? Ako ay tinuruan ng aking tatay na tumugtog.
Bata 2: higit pa dyan ang aking bulaklak!
Pascual: kaysa sa aking alay na pito?
Bata 1: kaululan! Mainam pa rin ang aking ibon.
Bata 3: pseh! Ang paputok ko’y higit diyan.
Candido: mga kaibigan, huwag kayong mag-away. Ang ano mang ialay ay
may kagandahan. May naisip ako. Isang Bangka ang nararapat nating ayusin.
Lagyan natin ng bandila at bituing makukulay. At dalhin niyo na rin ang
inyong mga alay.
Lahat: mabuti nga!
Bata 1: hanapin ng nating ang Bangka...
Candido: Nasaan si Leonido?
Pascual: oo nga no.
Bata 2: pero san naman siya pumunta?
Bata 3: ewan ko ba kung san siya naroon.
Pascual: hanapin muna natin siya.
Bata 1: sige. Hanapin na natin siya.

IKALAWANG TAGPO
Lalabas si Satan – ang dimonyo – na nakasuot ng itim at pula. Ang kulay ng
kanyang mukha ay maputla.

Satan: totoo nga ba? Totoo nga kaya na ang bayan na iyang ako ang bathala,
ay kararating lang sa daungang nasa kanyang sariling kaligtasa’t tuwa? Ikaw
Babaing nagkalakas na parang buhawi, upang alisan ako ng tahanang dati,
ikaw na himala sa pagka-mabuti. Kelan kaya kita tatalunin? Ngunit kahit ako
ay talunan, patuloy pa rin ag aking kasamaan. Iniibig niya ang kabutihan
samantalang ako’y kasamaan naman. Gawin mo ang iyong maibigan at ikaw
ay lagi kong hahadlangan.
PANGATLONG TAGPO
Lalabas si Leonido.

Leonido: nasaan na kaya sila? Bakit wala man lamang akong taong
natatanaw? Ako kaya ay naliligaw na?
(paalis na sana.. ngunit dumating si Satan na nakabihis diwata.. )

PANG-APAT NA TAGPO
Si Leonido at si Satan

Satan: tigil! San ka ba pupunta?


Leonido: sino po ba kayo?
Satan: hindi mo ba ako nakikilala?
Leonido: hindi ko maalala kung kelan ko kayo nakita. Maari po bang tumabi
na kayo at ako’y tutuloy na?
Satan: hindi maaari. Pagmasdan mo ako.
Leonido: pakiusap. Ano ang inyong pangalan?
Satan: ako’y isng makapangyarihang nagbigay-batas maging saan pa man.
Ako yaong lubos ang kapangyarihang naghari nang isang panahong
nagdaan, na pinipintulo’t kinatatakutan, nag-iisang diyos nitong Silangan.
Leonido: sinungaling kayo! Hindi ikaw ang Diyo. Iisa lang ang Diyos na kilala
namin, ang mundo’t tao’y sa kanya naggaling: sa kanya ang tungo ng aming
dalangin.
Satan: hindi ka ba natatakot na ako ay galitin? Hindi mo ba alam na talagang
akin ang sinasagap mong hangin, araw at bulaklak at ang ilog din? Sa aking
tinig na makapangyarihan, ang tubig ay nangagsibukal. Ang mga bukiri’y
umunlad na tanan.ang mga kambing na nagsisitakbuah at mga bakang
nagsisitabaan. Ang lupaing ito ay mayaman at nagtatamasa ng kalwalhatian.
Ngunit ngayon ay dahan-dahang namamatay sa kamay ng walang habag na
Espanya. Ako ay talagang makapangyarihan. Ibibigay ko ang lahat sa iyo
kung akoy sasambahing tunay. Kung ikaw ay mag-aalinlangan, bubuksan ko
ang bangin sa iyong paanan.
Leonido: kung lahat-lahat na’y nasa inyong kamay, bakit kaya kayo’y
nagiging talunan ng mga kristiyanong kinapopootan?
Satan: hindi mo ba alam na nakaluhod din ngayon itong bayan sa aking
panigin? Sari-saring sama, salot at digmaan, ang dito’y dadalhin ng
mananalakay na mga banyaga, tagaibang bayang sa ibang panahon dito
daratal. Didiligin ang bayan mo ng dugo at mga luha, ang lahat ng mga
parang, ang sari ninyong lupa.
Leonido: kasinungalingan! Ikaw’y walang magagawa. Sa ngalan ng
Panginoon, ikaw ay aking hinahamon, sino ka nga bang mapangutya?
Satan: ako ang si satanas, yaong anghel na kahapon ay nunupo pa sa trono
nang matagal ng panahon at sa noo’y mayroon akong liwanag na tumatapon.
Ako lamang ang may lakas, ang kundi mo ninanasang pati ikaw ay mautas,
lumuhod ka’t iyong hagkan itong aking mga bakas.
Leonido: iya’y hinding-hindi mangyayari kailanman!
Satan: kita mo bang lakas ko’t kapangyarihan? Kung makkikinig ka sa akin at
tatalikuran ang bago mong sektang niyakap, ikw’y bibigyan ko ng lahat ng
iyong kaluwalhatian.
Leonido: sayang ang nais mong ako’y takutin sa pananalita. Kailanma’y hindi
mangyayaring ang kristiyanong bata’y matatakot sa iyong pangaral na lason.
Satan: kung gayon, kailangang ikaw ay mamatay ngayon din.
Mga diwa! Halikayong lahat! Simulan na natin ang digna’t ligalig!

IKALIMANG TAGPO
Pagbugso-bugsong lalabas ang mga demonyo.

Koro ng mga demonyo: mabuhay nag bayang nasasa-impyerno, bayang


kumikita sa sama ng tuwa! Mamatay ! mamatay ang taong nagtaksil, na
siyang sa ati’y galit na humamon!
Satan: sa araw na ito, ang ating pag-asang makapaghiganti ay matutupad na.
Mga Demonyo: mahal na haring demonyo, ano po ba ang inyong ipaguutos?
Leonido: (kay Satan) ikaw ay nagtaksil. Ako’y sa diyos lang sumisintang
tunay. Nais kong mamatay ng dahil sa Kanya.
Mga Demoyo: mabuhay an gaming hari! Mamatay! Mamatay ang hindi
gumagalang!

IKA-ANIM NA TAGPO
Ang mga dating tauhan at isang Anghel.

Anghel: magsiurong kayong lahat mga anghel na sinumpa ng napoot na


bathala!
Gumising ka, batang tapat. Ako’y galing sa langit upang ikaw ay iligtas. Ang
Birhen sa Antipolo’y nasa ilog at paririto. Siya ay iyong papurihan at awitan.
Hinahanap ka na ng iyong mga kasama. Paalam na batang liyag!
Leonido: paalam!

PANGWAKAS NA TAGPO
Si Leonido at ang mga bata. Ang mahal na Birhen ay magdaraan sa ilog, bago
matapos ang pagbigkas nito.

Candido: naku Leonido! Hinahanap ka naming at naririto na ang Mahal sa


Birhen. Naririnig mo na ba ang awitin?
Leonido: oo, kaibigan, naririnig ko. Nakikita ko na ring siya’y paririto.
Lahat: Siya’y salubungin!

You might also like