You are on page 1of 1

Dasmariñas Hymn 

Dasmariñas, Ika'y aking mahal 


Uliran kang duyan ng aking buhay 
Pag-iisip, diwa't karunungan 
Sa paghubog mo'y masimulan 
Ang pangako sa kinabukasan 
Taglay ko'y iyong kasaysayan 
Mahal kong lungsod ng Dasmariñas 
Ikararangal ka kahit saan man 
Kapaligiran mo'y sakdal ganda 
Likas na yaman amin ang pamana 
Dasmariñas tinubos ang luha 
Kalayaan ang hinadhika 
Kagitingan ng mga bayani 
Sa paglaban sa pang-aapi 
Mahal kong lungsod ng Dasmariñas 
Ikararangal ka kahit saan man 
Mahal kong lungsod ng Dasmariñas 
Ikararangal ka kahit saan man

You might also like