You are on page 1of 2

Ang Pagkawala ng mga Sirena

(Mitolohiya-Isang Pagsusuri)
Isinulat Ni: Shanna Nicole Antipas

Tauhan:
Ang tauhan ay isang diyos at ito ay si Neptuno ang diyos ng karagatan at kaya
niyang kontrolin ang lahat kung nanaisin niya. Siya ay may isang anak at ito ay
si Ariela at isa itong sirena. May tauhan rin na isang karaniwang mamamayan
sa komunidad at sila ang mga mangigisda. Isa na dito si Greko ang lider ng
grupong namamalakaya sa dagat pasipiko at sa siyam na kasamahan nito
naroon si Milan na siyang naniniwala sa diyos ng karagatan na si Neptuno.

Tagpuan:
Sinaunang panahon naganap ang mitolohiya at may kaugnay ito sa kulturang
kinabibilangan. Naganap ang mga pangyayari sa karagatan at sa mismong
lugar na tinatawag na Orakulo kung saan hitik sa napakaraming uri at bilang ng
isda ang makikita.

Banghay:
Ang mga pangyayari ay nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
kagaya ng magdesisyon ang diyos ng karagatan na si Neptuno na isakripisyo
ang karagatan para sa nag-iisa nitong anak na si Ariela. Ipinapakita din dito ang
ugnayan ng tao at ng mga dyos at diyosa kung saan nakipag negosasyon ang
diyos ng karagatan na si Neptuno sa mangingisdang si Greko. Ito rin ay may
mga kapanapanabik na aksiyon kung saan lumaban at naging mabangis ang
mga hayop sa dagat dahil sa walang sawang panghuhuli at paggamit ng
dinamita ng mga mangingisda.Tumatalakay ang mitolohiya sa pagkakalikha ng
mundo , pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at
daigdig kung saan unti unti ng nalalason ang dagat dahil sa maling paraan ng
pangingisda.

Tema:
Ang tema ng mitolohiya ay nagpapakita ng pag-uugali ng tao. Ang pagiging
sakim at marahas sa yamang dagat na siya ring pinagkukunan natin ng
pangangailangan. Kung saan makikita lang ng tao ang kahalagahan ng isang
bagay sa oras na itoy sira na. Sa mitolohiyang ito ay may makukuha kang aral
sa buhay kung saan matututunan mong pahalagahan ang mga bagay na
mayroon ka at ang maging kontento kung ano ang nakamit mo na wag maging
gahaman.

You might also like