You are on page 1of 4

MOE License No.

248/S
Philippine DepEd Government Number SP-008, Series 2019

Center of Excellence through English

Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng First Aid Training


sa Al Taj International School 2021 - 2022

I. Panglarawang Pangyayari

A. Petsa : Hulyo 18, 2021 – Marso 3, 2022


B. Oras : 2:40 P.M. – 3:40 P.M.
C. Tagpuan : First Aid Training Facility
D. Mga Kasali : Mga estudyante mula sa 3-12 na baiting

II. Proponent ng Proyekto

 Gwyneth Glorioso
 Shena Malobago
 Lawrence Cuizon
 Brian Corpuz

III. Rasyonal

Itong proyekto ay inaasahang magbigay ng impormasyon tungkol sa piniling


paksa. Ang impormasyon na matututunan ng mga mambabasa ng proyektong
ito ay puwede gamitin para sa mga sitwasyon kung saan kailangan itong gamitin
upang matulungan ang mga napahamak sa isang aksidente o pangyayaring
delikado sa buhay ng mga tao tulad ng kanyang sarili o ng mga tao na nasa
paligid niya.

Ang mga taong na walang kakayahan na makapag-browse ng Internet dahil


sa kakulangan nila ng kakayahan na gawin nito ay puwede basahin ang
proyektong ito bilang isang oportunidad nilang matuto ng paksang ito na hindi
kinakailangan bumili ng Internet o libro upang mabasa lang ito.

Itong proyekto ay mahalaga sa mga iba’t ibang edad. Ang mga estudyante ay
puwede itong pag-aralan sa iba’t ibang pamamagitan tulad ng self-studying o sa
tulong ng kanilang eskuwelahan na hinihiling na turuan ang kanilang mga
estudyante ng paksang ito. Ang mga hindi nasa eskuwelahan o tapos na mag-
aral ay puwede pag-aralan ito sa kanilang sarili o magsama-sama upang pag-
aralan ang paksang ito nang magkasama. At ang mga batang hindi pa
masyadong magaling na unawain at basahan ang tekstong binigay ay puwede
tulungan ng kanilang mga guro kung sila’y nag-aaral na o ng kanilang magulang
habang sila’y nasa bahay.

IV. Mga Layunin

Ang mga layunin nitong panukalang proyekto sa pagkakaroon ng First Aid Training
ay ang mga sumusunod :

 Para matuto at maintindihan ng mga estudyante ang kahalagahan ng first aid;


 Upang matutunan ng mga estudyante ang tamang paraan ng first aid;
 Para matuto ang mga estudyante sa pangunahing magagawang tulong,
kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o sakit;
 Upang masanay at maisagawa ng estudyante ang pagbibigay ng First Aid,
kahit man hindi ginagamitan ng mga natatanging aparatong panggagamot.

V. Talaorasan

Ang mga sumusunod na araw ay ang mga araw na itinakda para sa


paghahanda mula sa unang araw hanggang sa huling araw ng First Aid
training.

PETSA GAWAIN NAMUMUNO

Pag-apruba ng Gwyneth Glorioso &


Hulyo 18-22, 2021 Punong-guro Shena Malobago

Humanap ng isang may


kakayahang magturo na Lawrence Cuizon & Brian
Hulyo 25-26, 2021
mayroong background sa Corpuz
pagsasanay sa First Aid.
Hihingi ng mga donasyon
para sa kinakailangang Shena Malobago
Hulyo 27-29, 2021
kagamitan.
Maghanap ng isang
pasilidad kung saan
Brian Corpuz
Agosto 1-2, 2021 magaganap ang
pagsasanay.
Inaasahang araw ng
koleksyon ng mga Lawrence Cuizon
Agosto 3-4, 2021
naibigay na kagamitan.

Gwyneth Glorioso
Agosto 5, 2021 Pagaayos ng pasilidad.
Pagaayos ng mga
kagamitan sa loob ng Shena Malobago
Agosto 8-10, 2021
pasilidad.
Pag-kumpleto ng
paghahanda para sa
Lawrence Cuizon
Agosto 11-12, 2021 Pasilidad ng Pagsasanay
sa First Aid.
Pag-anunsyo ng
Brian Corpuz & Gwyneth
Agosto 15, 2021 pagsasanay sa mga
Glorioso
mag-aaral at guro.
Ang pormal na
Agosto 17, 2021 pagbubukas ng Shena Malobago
First Aid Training Facility.

Ang unang araw ng


pagsasanay sa First Aid
Agosto 19, 2021 Lahat ng Myembro
(pagkatapos ng mga
klase).

Ang huling araw ng


Marso 3, 2022 Lahat ng Myembro
pagsasanay sa first aid.

VI. Deskripsyon ng Proyekto

Ang proyektong ito ay aabutin ng pitong buwan upang mas mapalalim ang
kaalaman ng mga estudyante tungkol sa First Aid, kasama na dito ang mga
aktibidad na gagawin ng mga estudyante.

VII. Badyet

Presyo ng bawat gamit Badyet


Training Equipment SAR 600 SAR 600
First Aid Supplies SAR 500 SAR 500
SAR 1,100
Inihanda nina:

GWYNETH GLORIOSO SHENA MALOBAGO

Tagapamuno ng Proyekto Katuwang sa Pamamahala ng Proyekto

LAWRENCE CUIZON BRIAN CORPUZ

Katuwang sa Pamamahala ng Proyekto Katuwang sa Pamamahala ng Proyekto

Inirekomenda ni:

G. JOSE ANTHONY ESPEJO

Guro sa Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larangan

You might also like