You are on page 1of 5

Kaugnay na Literatura

Ang mga pangunahing asal ay mga katangian na itinuturing hindi lamang kapaki-

pakinabang, kundi kumakatawan sa pinakamataas na prayoridad ng isang indibidwal o isang

organisasyon, malalim na pinaniniwalaan, at mga aspektong binibigyang halaga sa kanilang pang

araw-araw na paglalakbay. Ang mga ito ang puso ng isang organisasyon at ang mga empleyado

nito. Ang mga pangunahing etika o asal ay kilala rin bilang mga prinsipyong gumagabay dahil

bumubuo ang mga ito ng isang matibay na pundasyon kung sino ka, kung ano ang iyong

pinaniniwalaan at kung ano ang nais mong gawin sa lalong madaling panahon (Heathfield,

2017).

Mahalaga ang mga etika o asal dahil ang mga ito ay tumutulong para lumago at

umunlad ang isang indibidwal. Tinutulungan ng mga ito ang isang tao na lumikha ng mga gusto

nilang maranasan sa hinaharap. Ang bawat indibidwal at bawat organisasyon ay kasangkot sa

paggawa ng daan-daang mga desisyon araw-araw. Ang mga desisyon na ginagawa ay laging

iniuugnay sa isang partikular na layunin. Ang layunin na iyon ay ang kasiyahan ng mga

indibidwal o kolektibong pangsamahang mga pangangailangan.

Para lubos na maintindiham ang mga etikang napapaloob sa isang indibidwal, dapat

intindihin ang bawat etika para mas lalong makita kung ano ang partikular na etika ang mahalaga

at kung bakit pinapahalagan ng isang tao ito. Ang unang dapat tingnan ay ang pamamaraan ng

pagpapalaki ng mga magulang ng isang indibidwal. Mas binigyan ba nilang halaga ang

achievement, kayamanan, edukasyon, relihiyon, status, independence, o hitsura? Dapat siyasatin

kung paano pinalaki ang isang indibidwal at kung ano ang binigyang diin ng mga magulang.

Pangalawa, dapat tingnan ang kasalukuyuang pamumuhay at ang mga etika na pinapakita ng

kilos ng isang indibidwal. Pangatlo, siyasatin kung paano ginagastos ang pera. Dahil ang pera ay
isang limitadong kayamanan, makikita ang etika ng isang tao sa mga bagay na kanyang

pinaglalaanan ng pera (Taylor, 2012).

Ayon kay Clemmer (2017), ang pinahalagahan ng isang tao ay kanyang asal. Ang

bawat isa sa atin ay may hierarchy of values. Ito ang pakiramdam ng isang indibidwal kung ano

ang pinakamahalaga at kung ano ang hindi gaano kahalaga. Ang mga value hierarchy ay isang

napakahabang scale. Kabilang dito ang mga bagay tulad ng kalusugan, pamilya, seguridad,

kayamanan, kooperasyon, competitiveness, makabuluhang trabaho, kapayapaan ng isip, paggawa

ng pagkakaiba sa mundo, pagkakaibigan, pagbabago, kalagayan, kaligayahan, kalayaan,

pakikipagsapalaran, kabanalan, kapangyarihan, tagumpay, karunungan, pagkamalikhain,

integridad, pakikilahok, serbisyo, katapatan, pagmamataas, pag-unlad, pagtutulungan ng

magkakasama, paglago at pag-unlad, pagtulong sa iba, pisikal o pandinig na kasiyahan, kalidad,

kaayusan, kontrol, paggalang, larawan sa sarili, at iba pa. Ang mga etika ay nagtatakda ng ating

mga prayoridad sa buhay. Paano ba ginugugol ng isang indibidwal ang kanyang oras? Sino ang

kasama araw-araw? Mas gusto ba ng isang indibidwal na matulog o mag-ehersisyo? Ginugugol

ba ang oras kasama ang pamilya o dinadala ang mga proyekto kasabay ng pagbabakasyon? Ang

mga ito ay mga mahalang tanong na nagpapakita kung paano ginugugol ang oras sa mga

aspektong pinapahalagahan. Ang mga etika ay minsan nagkokonflik sa isa’t isa kaya dapat itong

ibalanse at pamahalaan.

Sa pang-akademikong perspektibo, ang mga etika o asal ay nagpapakita rin kung gaano

kahusay ang isang tao sa paglaan ng oras sa importanteng gawain. Nakikita ang disiplina ng

isang mag-aaral na tapusin ang bagay-bagay sa nakatakdang oras. Ayon sa isang pag-aaral nina

Kusurkar, Cate, Vos, Westers, Croiset (2013), ang motibasyon ay positibong

nakakaimpluwensiya sa akademikong performans. Masasabi rin na kung pinapahalagahan ng


isang indidiwal ang achievement, mas mataas ang kanyang motibasyon na mangibabaw sa klase

o manguna sa lahat.

Ang mga etikang pinapahalagahan ng isang indibidwal ang siyang makikita sa kanilang

araw-araw na pakikipagsapalaran sa iba’t ibang aspekto ng buhay lalong lalo na sa edukasyon.

Ang mga etika ng isang tao ang gumagabay sa bawat aksyon o desisyon dahil ang bawat aksyon

ay may kaakibat na layuning dapat makamit.

Kaugnay na Pag-aaral
Ang sekyson na ito ay magpapakita sa mga pag-aaral na naging batayan ng kasalukuyang

pag-aaral. Inilantad ang mga pag-aaral sa kronolohikal na pamamaraan.

Schwartz Basic Values (Shalom Schwartz, 1973)

Ang basic values ni Shalom Schwartz ay nagamit sa daan-daang pag-aaral. Ipapakita dito

ang sampung etika na napapaloo sa kanyang teorya at ang sentral na kahulugan ng mga ito para

lubos na maintindihan ang mga etikang ginamit sa pag-aaral. Ang una ay self-direction. Ang

motibasyonal na layuning nito ay malayang pag-iisip at aksyon, pagpili, paggawa, at pagsiyasat

sa anumang bagay. Pangalawa ay stimulation. Ang motibasyonal na layunin nito ay kagalakan,

pagsubok ng bagong bagay o karanasan. Pangatlo ay hedonism. Ang motibasyonal na layunin

nito ay kasiyahan sa sarili. Pang-apat ay achievement. Ito ay personal na tagumpay sa

pamamagitan ng pagpapakita ng kagalingan batay sa sosyal na istandard. Panlima ay power. Ito

ang estado, pribilehiyo, kontrol at pangingibabaw sa mga tao. Pang-anim ay security. Ito ay

kaligtasan ng tao, pagkakaisa, at katatagan ng lipunan, ng mga relasyon, at ng sarili. Pampito ay

conformity. Ito ay pagpigil sa mga pagkikilos, mga impulse ma maaaring makapinsala sa iba at

makalabag sa pamantayan ng lipunan. Pangwalo ay tradisyon. Ito ay paggalang at pagtanggap ng


mga kaugalian at ideya batay sa kultura at relihiyon ng isang tao. Pansiyam ay benevolence. Ito

ay pagpapanatili at pagpapahusay ng kapakanan ng mga taong madalas pinakikipag-ugnayan ng

isang tao. Pansampu ay universalism. Ito ay pag-unawa, pagpapahalaga, at proteksyon para sa

kapakanan ng lahat ng tao at para sa kalikasan.

Social values and salespeople's effort: Entrepreneurial versus routine selling (Weeks and Kahle,

1990)

Sinaalang-alang ng pag-aaral na ito kung paano nakaaapekto ang social values sa oras at

panahon na ginugol sa mga gawaing may kaugnayan sa pangkat. Pinakapakita na may tiyak na

asal na pinapahalagahan ng isang indibidwal na nakaimpluwsiya sa panahong ginugol sa mga

gawain. Halimbawa, ang mga mangangalakal o negosyante na pinapahalagahan ang stimulation

o excitement ay may mahabang panahon o oras ang ginugol sa paghahanap ng mamimili o

pagbuo ng relasyon sa kanyang mamimili.

Values, valences, and choice: The influences of values on the perceived attractiveness and choice

of alternatives (Feather, N.T, 1995)

Ang pamamalagay ay tungkol sa ugnayan ng kagandahang asal, pananaw, at desisyon na

sinubukan sa isang pag-aaral na kung saan 239 na mag-aaral sa pamantasan ang tumugon sa

Schwartz Value Survey sa sampung iba’t ibang pamamalagay. Ang bawat isa ay kumakatawan

sa dalawang alternatibong kurso na inaasahan na pangungunahan sa iba’t ibang uri ng

kagandahan asal sa Schwartz circular structure. Ang bawat kalahok ay susuri at magmamarka sa

bawat valence at sa bawat alternatibo na kanilang napili. Ang resulta ay nagpapakita na ang

sariling persepsyon o pananaw ay may kaugnayan sa kagandahang-asal at sa alternatibong

tungkulin sa parehong asal at persepsyon.


Value Priorities and Behavior: Applying A theory of Integrated Value Systems (Shalom

Schwartz, 1996)

Isang layuning ng mga pananaliksik ang ipakita ang kaugnayan ng indibidwal na

pagkakaiba sa etika sa pag-uugali at pagkilos. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakia na ang bawat

etika ay kombinasyon ng indibidwal na etika na nagbubuo ng mga indeks sa etikang

pinapahalagahan. Ang mga etika ay dapat ituri bilang kombinasyon ng iba’t ibang paktor o salik

at ag mga ito ay nagbubuo ng iba’t ibang pag-uugali.

Achievement goals and achievement emotions: Testing a model of their joint relations with

academic performance (Perun, Elliot, Maier, 2009)

Isa sa mga etikang isinalang-alang sa pag-aaral na ito ay achievement. Ang pag-aaral na

ito ay nagmungkahi ng teoretikal na modelong nagpapakita na may kaugnayan ang achievement

emotions (enjoyment, boredom, anger, hope, pride, anxiety, hopelessness, and shame) at

achievement goals (mastery, performance approach, and performance avoidance)  at

akademikong peformans. Ang mga resulta ng pag-aaral ay konsistent sa mungkahi. Ang kapwa

achievement goals at emotions ay mag kaugnayan sa akademikong performans.

You might also like