You are on page 1of 2

Article Review

“Ang Loob at Pakikipagkapwa sa Kagandahang-Loob: Pagsusuri sa pagpapakahulugan at mga


pagpapahalaga ng Kabataan”

Ang kagandahang-loob ay isang katangiang pinakamahalagang taglayin upang makabuo ng


mahusay na relasyon sa mga nakapaligid sa atin. Ito ay tinitaglay hindi lang ng mga tao kundi pati na rin
ng mga hayop na nakikita sa pakikipag-ugnayan nila sa kanilang kapwa. Ang kagandahang loob ay
nabibigyan ng maraming kahulugan. At ayon sa survey sa mga kabataan ukol rito ay binigyan nila ng
kahulugan ang salitang kagandahang-loob tulad ng pagkakaroon ng malasakit at respeto, pagtulong
nang walang kapalit, malinis na prinsipyo, at pagkakaroon ng inisiyatibong tumulong.

Sinasabi na ang kagandahang-loob ay isang konsepto ng pagpapakatao na nauukol sa


pagkakaroon ng pagkilos nang may kabutihang intensiyon o ang pagpapakita ng isang tao ng kabutihan
hindi lang sa kanyang mga kapwa, pati na rin sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Ang kagandandahang
loob ay nagiging tulay sa isang tao upang magkaroon siya ng pakikipagugnayan sa kanyang lipunan o
iba pang mga grupo. At ito rin ay ang nagsisilbing gabay upang mawari ng isang indibidwal ang
pagkakaiba ng kung anong tama o mali.

Ang pagpapahalaga ay nasasabi na isang gabay kung ano ang mga nararapat gawin o mga palatuntunan
ng kilos na nararapat sa isang kultura. Kailangan ng pagsang-ayon ng bawat isa sa isang grupo upang
magkaroon ng pamantayan ukol sa mga nararapat na kilos o intensiyon. Ang pagpapahalaga ay
itinuturing na isang mataas na asal o pamantayan na dapat sundin ng mga kasapi ng isang kultura. At
ang pagtaliwas dito ay magdudulot sa isang indibidwal upang siya ay kamuhian ng kanyang kapwa at
mapatawan ng angkop na parusa dahil sa kanyang taliwas na Gawain.

Ang pagkakaroon ng kagandahang-loob ay pagsunod sa pagpapalahaga na ginawang pamantayan ng


isang kultura. Ang mga indibidwal na nagtataglay nito ay magkakaroon ng mabuting relasyon at
pakikipag ugnayan sa kanyang mga kapwa. Magiging mas maganda ang tingin sa kaniya ng kanyang
kapwang napakitaan niya ng mabubuting gawain. Kakikitaan rin ang mga may kagandahang loob ng
pagkakaroon ng ng disiplina sa pagsunod sa mga pamantayan at pagpapahalaga ng isang kultura at
maari silang magantimpalaan kahit sa mga simpleng paraan tulad ng simpleng pagkakaroon ng
magandang relasyon sa kanilang mga kapwa.

Sa aking pananaw, ang kagandahang-loob bilang isang pagsasabuhay ng pagpapahalaga ng


isang kultura ay maihahanalintulad sa etikal na prinsipyo. Pareho silang nangangahulugang pagsunod
sa pamantayan o pagpapahalaga ng isang kultura o isang grupo, ang pagkakaroon ng ideya at pagpili ng
mga gawaing nararapat ay isa rin sa mga kahulugan ng mga konseptong ito. Ang paggawa ng mga
bagay na nabibilang sa mga moral na prinsipyo at pag-iwas sa mga gawain na nakakasama sa kapwa ay
taglay ng kagandahang-loob at etika. Dahil ang Etika ay nangangahulugan ng mga pamantayan o
pagpapahalaga ng isang grupo o kultura, ang kagandahang-loob naman ay ang result amula sa
pagsunod sa mga pagpapahalagang ito. Kaya masasabi na ang pagsunod sa mga etikal na prinsipyo at
lagging may kaakibat na pagkakaroon ng kagandahang-loob.

Ayon sa aking opinion, ang mga kabataang Filipino ay dapat na magtaglay ng kagandahang-loob
datapwat lahat naman ng mga indibidwal kahit anong edad o lahi ay dapat taglayin ito. Ang
pagkakaroon nito ng mga kabataan Filipino ay magdudulot ng kasaganahan at mabuting relasyon sa
kanilang kapwa. Maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan at iba pang mga hindi kaaya-ayang mga
gawain sa lipunan kung ito ay taglay. Ang mga kabataan ay siyang dapat ng magkaroon ng mabubuting
katangian tulad ng kagandahang-loob sapagkat balang araw sila rin ang magiging pundasyon ng ating
bansa. Ika ng ani Gat Jose Rizal, “Ang mga kabataan, ang pag-asa ng bayan.”

Ang kagandahang-loob ay nabibigyan ng maraming pagpapakahulugan ng iba’t-ibang tao,


ngunit lahat ito ay nagtatagpo sa paggawa ng kabutihan sa kapwa at pagsunod sa mabuting moral na
prinsipyo. Ito ay ang paggawa ng mabubuting bagay na alinsunod sa mga pamantayan o pagpapahalaag
ng isang kultura o grupo na naglalayon ng pagkakaroon ng mabuting asal at nagdudulot ng magandang
bagay sa kapwa. Sa pagpapakita ng kagandahang-loob, nagagawa rin ng isang indibidwal ang pagsunod
sa mga etikal na prinsipyo ng kanyang grupong kinabibilangan. Ang mga indibidwal na ito ay dapat
kinabibilangan ng mga modernong kabataan dahil sila ang magiging pundasyon ng bansa sa mga
darating na panahon at nararapat lang na taglayin nila ang mga katangiang tulad ng kagandahang-loob
upang magkaroon ng pagunlad ang kanilang grupo, kultura, o bansang kinabibilangan.

You might also like