Sa Iyong Banal na Pangalan. Basbasan mo po ang aming pagtitipon At kami’y kaluguran mo Sa hapong ito.
Pagyamanin Mo po, Panginoon
At maging nakaayon sa iyong kalooban Ang aming pagkikita-kita, Mula sa simula hanggang katapusan.
Ang layunin mong dakila sa aming buhay
At maisagawa namin ngayon Ang aming mga gawain Na may kabutihan at pag-ibig Sa aming kapwa .
Kami po’y naninikluhod sa iyong harapan
Na kami’y iyong patnubayan Bigyan mo kami Ng sapat na lakas at katalinuhan Upang maibahagi naman namin Ang aming makakaya Sa aming mga kasama Sa pagtitipon na ito.
Ilagay mo po sa aming diwa at puso
Ang pagmamahal Na hindi naghihintay Ng anumang kapalit Bagkus ay bukas-palad Na magkakaloob ng anumang tulong.