You are on page 1of 2

KASULATAN NG SANGLA-TIRA

ALAMIN NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NITO:

Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan nina:

JUAN DELA CRUZ, nasa hustong gulang, may-asawa at nakatira sa No. 17


Acacia Street, Pembo, Makati City na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;

at

PEDRO DELOS SANTOS, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa No.
20 Acacia Street, Pembo, Makati City na sa kasulatang ito ay tinaguriang
PINAGSANGLAAN;

NAGPAPATUNAY

Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng halagang


DALAWANGDAAN LIBONG PISO ( P200,000.00) na tinanggap at sumakamay ng
NAGSANGLA ngayong ika-4 ng Enero 2014 na pinapatunayan ng kanyang lagda
dito. Ang nasabing pagkakautang ay babayaran pagkatapos ng isang (1) taon o sa
ika-4 ng Enero 2015.

Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA ang


isang apartment unit na sarili niyang pag-aari na matatagpuan sa No. 11 Acacia
Street, Pembo, Makati City.

Bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinapahintulutan ng NAGSANGLA ang


PINAGSANLAAN na tumira sa nasabing apartment unit sa loob ng isang taon na
walang upang babayaran.

Ang nasabing apartment ay tunay na pagmamay-ari ng NAGSANGLA at walang


ibang utang o sanlang pinanagutan.

Sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang sa itinakdang


panahon, ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at saysay. Subalit kung hindi
naman niya ito magawang bayaran, ang Kasulatang ito ay iiral at ipapatupad sa
kaparaanang itinatakda ng batas.

Maaaring i-renew ang kasulatang ito ng naaayon sa mapagkasunduan ng


NAGSANGLA AT PINAGSANGLAAN.
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa
kasulatang ito ngayong ika-4 ng Enero 2014 sa Lungsod ng Makati.

JUAN DELA CRUZ PEDRO DELOS SANTOS


Nagsangla Pinagsanglaan

MGA SAKSI:

MARIA MAKILING JUAN TAMAD

ACKNOWLEDGMENT

Republic of the Philippines)


City of Makati ) S.S.

BEFORE ME, a Notary Public, for and in the City of Makati, this 7th day of January
2014 personally appeared:

Name Identification Card Issued On/At

JUAN DELA CRUZ SSS I.D. No. 123 1-1-11/Makati


PEDRO DELOS SANTOS SSS I.D. No. 222 2-1-11/Makati
MARIA DELA CRUZ SSS I.D. No. 333 3-1-11/Makati
MARIA MAKILING SSS I.D. No. 444 4-1-11/Makati
JUAN TAMAD SSS I.D. No. 555 5-1-11/Makati

all known to me to be the same persons who executed the foregoing instrument
and hereby acknowledged to me that the same is their free and voluntary act and
deed.

WITNESS MY HAND AND NOTARIAL SEAL.

Doc. No. ____


Page No. ____
Book No. ____
Series of 2014.

You might also like