Professional Documents
Culture Documents
Ap 9 Q3 W1 Module
Ap 9 Q3 W1 Module
ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHAN
Unang Linggo
Ang Una at Ikalawang Modelo sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Layunin
1. Nailalalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya APMAK-IIIa-1
2. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya APMAK-IIIa-2
3. Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot na daloy
ng ekonomiya APMAK-IIIa-7
Balikan Natin!
Panuto. Hanapin sa loob ng kahon ang termino na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. Price Ceiling
_____1. Ang pagbabawal sa pagtataas ng presyo ng produkto sa
pamilihan. B. Price Freeze
_____2. Ang presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang
kalakal. C. Price Control
_____3. Ang presyo ng kalakal na itinakda ng pamahalaan upang
maiwasan ang pang-aabuso sa panig ng nagtitinda o ng D. Suggested Retail
mamimili. Price (SRP)
Unawain Natin!
Unang Modelo
Simpleng Ekonomiya
Ikalawang Modelo
Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng
produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto subalit bago
makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng
produksiyon. At dahil tanging ang sambahayan ang may suplay ng mga salik ng produksiyon,
makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng
mga salik ng produksiyon.
Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes ang bahay
kalakal, halimbawa sa paggamit ng lupa, magbabayad ang bahay kalakal ng renta o upa at sa
paggamit ng paggawa, magbibigay ito ng pasahod. Dahil sa sambahayan din nagmumula ang
entreprenyur, may kita itong nakukuha mula sa pagpapatakbo ng negosyo. At ang kita ng
entreprenyur ay nabibilang na kita ng sambahayan.
Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan. Kumikita ang sambahayan sa interes,
kita ng entreprenyur, renta o upa at pasahod sa paggawa. Sa pananaw naman ng bahay kalakal
ang interes, kita ng entreprenyur, renta o upa at mga pasahod sa paggawa ay mga gastusin sa
produksyon.
Matapos ang produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa pamilihan ng kalakal
at paglilingkod. Dito bibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa pangangailangan o
kagustuhan nito. Gagamitin ng sambahayan ang natanggap na kita upang makabili ng produkto.
Sa pananaw ng sambahayan, ito ay gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos
ang sambahayan, doon kumikita ang bahay-kalakal. Mamamalas dito ang interdependence ng
sambahayan at bahay- kalakal.
2
Dayagram 2
kita paggasta
Pamilihan ng Kalakal at
Paglilingkod
Pagbebenta ng Pagbili ng
kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod
Pamilihan ng Salik ng
Produksyon
Sahod, upa,tubo kita
Ilapat Natin!
Panuto: Upang mabuo ang concept map sa ibaba, Suriin ang dayagram ng
Ikalawang modelo sa paikot na daloy ng ekonomiya. Punan ang kahon ng wastong
gampanin/tungkulin ng dalawang pangunahing aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
SAMBAHAYAN BAHAY
Mga aktor sa
paikot na daloy KALAKAL
ng ekonomiya
Suriin Natin!
Panuto: Suriin ang mga larawan at tukuyin kung anong salik ng produksyon ang
nasa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tayain Natin!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
3
salik ng produksyon?.
A. Bangko C. Pamilihan
B. Bahay-Kalakal D. Sambahayan
___3. Alin sa mga sumusunod ang kita na tinatanggap ng sambahayan
mula sa mga salik ng produksyon?
I. Upa II. Tubo III. Sahod IV. Subsidiya
A. I, II at III C. I, III at IV
B. II, III at IV D. I, II at IV
___4. Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng bansa upang mapataas
ang produksyon ng produkto at serbisyo?
I. Kailangan ang paglago ng kapital.
II. Kailangan malinang ang produktibidad ng lupa.
III. Kailangang dumami ang oportunidad sa trabaho.
IV. Kailangan tumaas ang bilang ng mga taong umaasa sa gobyerno.
A. I, II at III C. I, III at IV
B. II, III at IV D. I, II at IV
___5. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga gastusin ng bahay
kalakal sa usapin ng produksyon?
I. Kita ng entreprenyur,
II. Renta o upa sa lupa
III. Pasahod sa paggawa.
IV. Subsidiya ng pamahalaan
A. I, II at III C. I, III at IV
B. II, III at IV D. I, II at IV
Likhain Natin!
4
5