You are on page 1of 5

Araling Panlipunan 9

Name: _____________________________________       Date: _______________ 


Section: ____________________________________      Score: ______________ 

GAWAING PAGKATUTO SA IKATLONG LINGGO


PAMBANSANG KITA

SAVINGS – ay perang natira matapos matugunan ang mga pangangailangan at


kagustuhan.

Economic Performance
• Tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-ekonomiya ng
bansa.
• Pangunahing layunin ng ekonomiya ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga
tao sa bansa.
• Nasusukat ang economic performance sa pamamagitan ng GNP at GDP.
• Regulasyon para sa tamang pagbili at pagkonsumo ng kalakal.

Gross National Product (GNP)

• Tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng buong


ekonomiya (loob at labas) sa loob ng isang taon.
• Tinatawag din itong Gross National Income (GNI)

1|5
Gross Domestic Product (GDP)

• Tumutukoy sa halaga ng kabuuang produkto at serbisyo kasama ang partisipasyon


ng mga dayuhang negosyante sa produksyon sa bansa.
• Tinatawag din ito bilang Gross Domestic Income (GDI)

Ano ang pagkakaiba ng GNP sa GDP?

Ibig sabihin, ang GNP ay Gawa Ng mga Pilipino samantalang ang GDP ay Gawa
Dito sa Pilipinas.

Paraan ng Pagsukat ng GNP

• Income Approach – batay sa kita ng mga Pilipino na mula sa pagbebenta ng


produkto at serbisyo.
• Expenditure Approach – batay sa halagang ginastos sa paglikha ng produkto o
serbisyo.

Expenditure Approach
FORMULA:
GDP = [C + I + G + (X – M)]
GNP = GDP + NFIA
Where:
C = Personal Consumption Expenditure
G = Government Consumption
I = Capital Formation
X = Export Revenues
M = Import Spending
NFIA = Net factor income from abroad

Ano ang NFIA?


• Ito ay ang kita ng pambasang ekonomiya mula sa salik ng produksyon na nasa ibang
bansa (e.g. mga OFW) – pambayad sa dayuhang ekonomiya para sa inangkat na
mga salik ng produksyon (e.g. imported raw materials).

2|5
Particulars (Di po ba ito kayang Tagalog sir?) Amount
Personal Consumption Expenditure (C) 3,346,716
Government Consumption (G) 492,110
Capital Formation (I) 815,981
• Fixed Capital 784,066
• Changes in stocks 31,915
Exports (X) 2,480,966
• Merchandize Exports 2,186,749
• Non-factor Services 294,217
Imports (M) 2,659,009
• Merchandise Imports 2,507,035
• Non-Factor Services 151,974
Gross Domestic Product (GDP) 4,476,764
Net Factor Income from Abroad (NFIA) 376,509
Gross National Product (GNP) for 2004 4,853,273

Income Approach

GNP = consumption capital allowance + indirect business tax + compensation of employees


+ rents + interests + proprietor’s income + corporate income taxes + dividends +
undisturbed corporate profits *formula din po ba ito sir? Sa Expenditure Approach
may nakalagay na “Formula”

Kahulugan:

Consumption capital Halaga ng nagamit na kapital


allowance
Indirect business tax Buwis na ipinapataw sa pamahalaan
Rent Kita mula sa lupa
Interest Kita mula sa kapital
Proprietor’s income Kita ng entreprenyur sa kanyang negosyo
Corporate income tax Buwis na galing sa kita ng mga bahay kalakal
Dividends Kita ng mga may-ari ng bahay kalakal
Natira sa kinita ng bahay-kalakal matapos
Undisturbed corporate profits
mabawasan ng dividends

Pagsukat sa pag-unlad ng bansa

3|5
• Inilalarawan ng GNP at GDP ang produksyon ng bansa. Magandang makita na
papataas ang GNP at GDP. Ibig sabihin nito, tumataas ang produksyon ng bansa.
Dumarami ang kumikita sa ekonomiya. Umaangat ang kabuhayan ng mga kasapi ng
ekonomiya.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Tukuyin kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap. Nasa kahon
sa ibaba ang mga pagpipilian.

Mga Pagpipilian:
Economic Performance
Savings/Ipon
Gross National Product (GNP)
Gross Domestic Product (GDP)
Net Factor Income from Abroad (NFIA)

_________________ 1. Tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-


ekonomiya ng bansa. (pantay po tulad nito)
_________________ 2. Tumutukoy sa perang natira matapos matugunan ang mga
pangangailangan at kagustuhan.
_________________ 3. Tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mga Pilipino sa loob ng isang taon.
_________________ 4. Tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa sa bansa sa loob ng isang taon
_________________ 5. Kita ng pambasang ekonomiya mula sa salik ng produksyon na
nasa ibang bansa (e.g. mga OFW).

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Batay sa formula, kompyutin ang Gross Domestic Product (GDP) at Gross Naitonal
Product (GNP) sa talahanayan.

Formula: C + G + I + (X-M) = GDP GDP + NFIFA = GNP

Particulars (ganun din po dito Tagalog sana) Amount

Personal Consumption Expenditure (C) 3,772,249

Government Consumption (G) 527,045

Capital Formation (I) 783,404


• Fixed Capital 10,585
• Changes in stocks

4|5
Exports (X) 2,247,575
• Merchandize Exports 342,164
• Non-factor Services

Imports (M) 2,649,311


• Merchandise Imports 166,932
• Non-Factor Services

Gross Domestic Product (GDP)

Net Factor Income from Abroad (NFIA) 477,145

Gross National Product (GNP) for 2005

REFERENCES:
https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-lm-yunit-3
Ekonomiks: Modyul para sa Mag-aaral ng Grade 9

Prepared by: Reviewed by:

MIGUELITO S. TORRES LEOZALDY C. HUBO


Guro sa Araling Panlipunan

Checked by: Noted by:

4/17/2021
DENNIS MARK A. DELA CRUZ MARISSA T. DECENA
Head Teacher School Head

5|5

You might also like