You are on page 1of 6

“Paalam, anak,” malungkot na sambit ng Tatay ni Simon habang niyayakap siya sa

huling pagkakataon bago siya tuluyang sumakay sa eroplano patungo sa Dubai upang

doon magtrabaho. Walang nasabi ang munting si Simon. Hindi na rin niya napigilan ang

kaniyang pag-iyak habang iniisip na matagal niyang hindi makakasama ang kaniyang

Tatay.

Malungkot na tumalikod ang kaniyang Tatay at tuluyan nang umalis. Muling

nakatanggap ng mahigpit na yakap si Simon. Ngayon naman ay mula sa kaniyang

Nanay na kanina pa ring umiiyak. “Anak, Simon, wag na tayong malungkot. Kaunting

panahon lang at uuwi na rin ang Tatay mo. Isa pa, tandaan mo laging ginagawa niya

ang lahat ng ito para sa iyo.”

Maagang sumilip sa bintana si Simon kinabukasan. Ito ang hilig nilang puwesto ng

kaniyang Tatay. Palagi silang nag-aabang ng mga dumaraang eroplano. “Tatay, Tatay,

may eroplano!” Dali-dali naming tatakbo ang kaniyang Tatay upang buhatin siya nang

sag anon ay mas maayos niyang makita ang eroplano.

Nagniningning ang mga mabibilog na mata ni Simon habang sinasabi sa kaniyang

Tatay, “’Pag laki ko, nais kong maging isang piloto, Tatay!” “Anak, alam kong kayang-

kaya mong matupad ang mga pangarap mo. Andito lang lagi si Tatay para suportahan

ka. Naniniwala ako na gaya ng mga eroplano, magiging mataas at malayo ang

mararating mo sa hinaharap. Kapit lang kay Tatay, anak.”


Mas lalong nalungkot si Simon nang makarinig ng mga nagtatawanang bata mula sa

labas ng kanilang bahay. Naririrto na naman ang mga kapitbahay niyang hilig maglaro

ng habulan, taguan, at kung ano-ano pa sa tapat ng kanilang bahay.

“Bata, bata, halika laro tayo!” sambit ng isang batang suot ang kaniyang pambahay.

Tila kanina pa silang naglalaro. Malungkot na umiling si Simon. Napakibit balikat na

lamang ang mga batang naglalaro sa labas at patuloy na naglaro.

Hindi na nakagisnan ni Simon ang maglaro sa labas kasama ang ibang bata. Masaya

na siyang nakikipagkuwentuhan sa kaniyang Tatay tungkol sa mga eroplano habang

sabay na nangangarap. “Anak, kapag nagkaroon na ang Tatay ng magandang trabaho,

maibibigay ko na sa iyo ang lahat ng iyong gusto.”

Pumatak na naming muli ang luha sa mumunting pisngi ng pitong taong gulang na si

Simon habang walang sawang nag-aabang sa kanilang bintana. Kung dati rati ay mga

eroplano ang kaniyang inaabangan, nagbago na ngayon. Kasabay ng paghihintay niya

sa mga eroplano, gayundin ang paghihintay niya sa pagdating ng kaniyang Tatay.

“Nay, ilang tulog pa po ang kailangan bago umuwi si Tatay?” palaging tanong ni Simon

sa kanyang Nanay. “Kaunti na lang, Anak.” Sa pagdating niya, magagawa mo na ang


lahat ng gusto mo, mapupuntahan ang lahat ng gusto mong puntahan, malalaro ang

lahat ng gustong laro.”

Hindi pa rin mawala ang lungkot sa mga mata ni Simon. Inip na inip na siya sa

paghihintay sa kaniyang Tatay pero lagi niyang inaalala ang sabi nito sa kaniya. “Anak,

ipangako mo kay Tatay na hindi ka malulungkot kapag nasa ibang bansa na ako para

magtrabaho. Ano nga ulit ang pangrap mong maging?”

“Gusto ko pong maging isang piloto, Tatay. Sa palagay ninyo, mangyayari po kaya

yun?” sambit ni Simon. “Anak, kapag nakapagtrabaho na si Tatay, mas madali mo nang

maaabot ang mga pangarap mo, ang mga pangarap natin kaya dapat hindi ka

malungkot,” sagot ng kaniyang Tatay. Nakatulog na si Simon sa pag-alaala sa kaniyang

tatay.

Panibagong araw na naman para kay Simon. At gaya nang kinagawian, muli na naman

siyang sumilip sa bintana ng kanilang munitng bahay. Hindi gaya nang mga nakaraang

araw, mas magaan na ang kaniyang pakiramdam. Araw ng Linggo noon at walang

pasok ang mga bata kaya maaga rin niyang nakita ang mga naglalarong kapitbahay sa

kanilang tapat.
“Bata, bata! Halika laro tayo ng habulan!” sigaw ng isang bata na tila katulad lang ng

edad ni Simon. “Hindi pwede ‘eh. Pagdating ni Tatay, baka puwede na.” “Nasaan ba

ang Tatay mo?” “ Nasa ibang bansa. Doon siya nagtatrabaho.” “Naku, matagal pa ‘yon.”

“Halika na. laro tayo.”

“Pagdating na lang ni Tatay. Kaunting tulog na lang daw sabi ni Nanay.” Muli na

naming nakaramdam ng lungkot si Simon. Gustong gusto na niya ulit na makita ang

kaniyang tatay. Pero kaunting tulog na lang daw sabi ng Nanay niya. Maghihintay na

lang siya gaya ng araw-araw nilang paghihintay sa dadaang eroplano.

Halos buong maghapon na naming nakasilip si Simon sa kanilang bintana. Masaya

siyang pinapanood ang mga dumadaan pero mas lalo siyang nagagalak kapag

nakakakita siya ng eroplanong lumilipad. Minsan din niyang naiisip ang kaniyang Tatay.

Tila ba umaasa siyang isa sa mga dadaang eroplano ay nakasakayang kaniyang Tatay.

Buong ligaya at lakas siyang kakaway hanggang sa tuluyan nang mawala sa kaniyang

paningin ang eroplano.

“Anak, kakain na tayo,” bigkas ng kaniyang Nanay. Dinadalhan na lang ng kaniyang

Nanay ng pagkain si Simon sa kaniyang paboritong puwesto. “Ubusin mo ang pagkain

mo, Simon. Masarap ang gulay at isda. Tiyak magiging malakas ang katawan mo at

tiyak na pagdating ng araw, magiging piloto ko gaya ng pangarap niyo ng Tatay mo.”
“Nanay, palagay ninyo kaya ko pong maging isang piloto?” tanong ni Simon sa

kaniyang Nanay na sinasabayan siya sa pagkain ng masarap na tanghalian. “Oo,

naman, anak. Nagpapakahirap magtrabaho ang tatay mo sa ibang bansa upang

matulungan kang matupad ang iyong mga pangarap. Malungkot sa Dubai pero

ginagawa niya ang lhat ng iyon para sa’yo,” paliwanag ng kaniyang Nanay.

Lumipas ang dalawang taon. Sa matagal na panahon na wala ang kaniyang tatay, di pa

rin nakakalimot si Simon na sumilip sa binatana upang abangan ang mga dadaang

eroplano gayundin ang pagdating ng kaniyang tatay. Kasabay nito ay ang pag-alaala sa

masasayang kuwentuhan kasama ang kaniyang tatay at matataas na pangarap na

kanilang hinahangad.

Sa muling pagsilip ni Simon sa kanilang bintana ngayong umaga, nakita niyang muli

ang mga batang palaging nagiimbita sa kanya upang makipaglaro. Di rin nagtagal ay

napansin siya ng mga bata. At tulad ng dati, muli siyang tinawag ng mga ito. Umaasa

pa rin silan makakalaro nila si Simon lalo pa at palaging nagkukulang sila ng isang

kakampi.
“Bata, bata. Halika. Kulang pa kami ng isang kakampi,” aniya ng mga bata. “Iniintay ko

pa si Tatay, sagot ni Simon.” Pagkasambit ng kaniyang sagot narinig niya ang pamilyar

na tinig sa kaniyang tabi. “Anak, halika. Samahan kitang maglaro sa baba. Heto na ang

pangako kong saklay sa’yo. Makakapaglaro ka na. Andito na si Tatay. Malapit ka ng

maging piloto.”

You might also like