You are on page 1of 1

Aleczander Xavier A.

Pamatian 10-Santos
Filipino Aralin 1.3 PETA

Noong ako’y mas bata pa, mga 7-9 years old, pumunta kami sa airport ng gabi
para sunduin namin ang aking ama. Dahil bata pa ako at gabi na noon, pinatulog muna
ako sa biyahe. Ginising ako nung malapit na kami sa airport pero nagkaroon ako ng
tantrums dahil namali ako ng gising. Naghintay kami sa parking lot ng airport ng
matagal at inabot ng halos dalawang oras. Lumala ang tantrums ko dahil dito.
Pagkatapos ng paghintay na ito ay pumunta na kami sa waiting area ng airport para
makita ang ama ko at sunduin na siya. Madaming tao, maiinit, walang upuan na
bakante, at maingay doon sa waiting area at matagal pa pala bago dumating ang ama
ko. Mas pinalala lang nito ang tantrums ko. Sa sobrang inip ko, sinabi ko sa nanay ko
na aalis ako at pupunta sa kotse. Ilang beses ko ito sinabi sa nanay ko at ang lagi
niyang sinagot sa akin ay huwag umalis dahil parating na ang ama ko. Nung pinaka
malala na yung tantrums at inip ko, umalis nalang ako at pumunta sa parking lot para
hanapin yung kotse. Hanap ako ng hanap para sa kotse, pero hindi ko ito makita. Ang
hindi ko alam noon ay lumipat pala sa mas magandang parking ang kotse, kaya hindi
ko talaga ito makikita. Sa sobrang takot ko na nawawala na ako, nagsimula ako umiyak
habang hinahanap ang kotse. Inabot ako ng mga limang minuto ng ganito. Buti nalang
ay may nakakita sa akin na guwardya, at sinamahan ako pabalik sa lobby ng airport
para mapuntahan ako ng mga magulang ko.

You might also like