You are on page 1of 9

Ika-apat na Grupo

PITONG ARAW NG
PASKO NI
BALLERINA
Disyembre 19, 2016; Lunes. (Jory)
Simula nang sabihin ng doktor na may pitong araw na lamang na nalalabing buhay si Remi, hiniling
nito sa kaniyang magulang ang pitong litratong makukuhanan, sa bawat lilipas na araw na kasama
siya.

"Papa, hihilingin ko na po sana ay maranasan ko ang pasko," hiling ni Remi pagkalabas ng ospital.
"Kahit sa isang simpleng pagdiriwang lamang po ay masaya na ako."

May halong sakit na tumugon ang tatay ni Remi, "O-Oo, anak, pangako."
Disyembre 19, 2016; Martes. (Jory)

Tinupad nga ng magulang ni Remi ang kaniyang kahilingan, inihanda nito ang mga nakahiligan ni Remi. Tila
pasko na noong mga oras na iyon, ngunit hindi pa. Kontra naman ng ama ni Remi, "Gusto kong maging
masaya ang anak ko! Kaya sa pitong araw, magdiriwang tayo ng pasko."
Marami ang pumuntang bisita, dala-dala nila ang kanilang regalo. "Maligayang pasko!" masayang bati ng
mga bisita pagkatapos iabot ang kanilang mga regalo.
Nagkaroon ng bigayan ng mga regalo, kaya napakasaya ni Remi.
"Sobra akong natutuwa dahil napakarami kong regalong natanggap!" wika ni Remi habang hindi maalis ang
tingin sa mga laruan na nasa harap niya. "Tingnan mo po, itong napakagandang music box ng ballerina, ito po
ang pinakapaborito ko sa lahat!" dagdag ni Remi na tila hindi maitago ang saya na nararamdaman.
Noon pa man ay pangarap na ni Remi na maging ballerina, ngunit sa edad na 13, hindi niya matutupad ito
dahil sa sakit nitong iniinda. "Sobrang saya ko po."
Disyembre 21, 2016; Miyerkules. (Rona)

Dinala muli sa ospital si Remi at nanatili lamang ito roon, ngunit marami pa rin ang dumarating na bisita, at
binibigyan si Remi ng iba't-ibang laruan o kaya magagandang handog para sa pasko.

Habang pinagmamasdan ang anak nila na nilalaro ng kaniyang sa mga pinsan. Makikita sa mukha ng bata
na hirap na hirap ito. Kaya naman habang nasa labas, kinausap ng tatay ni Remi ang kaniyang asawa at
sinabing, "Unti-unti nang nanghihina ang aking anak, at kita ko sa kaniya mga mata ang paghihirap."

"Araw-araw, nakikita sa mata ni Remi ang paghihirap, dahil bihira ng makita sa kaniyang mga labi ang
pagngiti," sabi ng ina ni Remi.

"Gayundin ang regalong natanggap niya na pinakapaborito sa lahat ay hindi niya na magawang laruin
sapagkat siya'y hinang-hina na," sabi pa ng ama ni Remi.
Disyembre 22, 2016; Huwebes. (Lyn)
"Papa," tawag ni Remi sa kaniyang ama. "Sino po ba ang darating?“
"Makikita mo anak," sabi ng tatay ni Remi at pumasok na ang panibagong panauhin. Hindi man makangiti
ang bata ay makikita pa rin sa kanyang mga mata ang kasiyahan noong nakita nito ang mga iniidolo
niyang ballerina. "Miss Maria," sabi nito. "Miss Leonora," dagdag pa nito. "Miss Theresa."
Tumingin si Remi sa ama niya at sinabing, "Papa, maraming salamat po sa paggawa ng paraan upang
maging espesyal ang bawat araw na nagdaan, naiparamdam n'yo po sa akin kung gaano ka-bongga ang . . .
pasko.“
Kinumbida kasi ito ng kaniyang ama, at sakto pa niyon na mga kaibigan niya ang mga ballerinang iniidolo
ni Remi. Kaya naman kinausap nina Maria, Leonora at Theresa ang bata.
Emosyonal na binati ng tatlo si Remi, "Maligayang pasko."
Disyembre 23, 2016; Biyernes.
Hindi na makuhang patugtugin ni Remi ang music box at ramdam talaga ang paghingal sa kanyang pagsasalita.
Papa, hindi ko na po kayang patugtugin ang music box ko, tulungan mo po ako," nanghihinang sabi ni Remi.
Kaya naman ang na lamang ang nagpatugtog, tanging tunog lamang ng musiko na nanggagaling sa music box
ang naririnig nila. Maya-maya pa ay nagsalita ang tatay ni Remi, "Hayaan mo anak dadalhin kita sa karnibal
bukas ng umaga upang maging masaya ka."
"Salamat po nang marami, Papa," sabi ni Remi.
Kinabukasan, noong nasa karnibal na sila, kahit saan man na ituro ni Remi na rides ay sinasakyan nila.
"W-Wow! Papa, sobrang ganda naman dito," sabi ni Remi. "Gusto ko pong sakyan ang maliit na helicopter na
iyon." Sobrang saya ni Remi hindi mo makikita sa itsura niya na siya ay may sakit.
Maya-maya pa ay nagsabi na si Remi sa kaniyang ama na, "Papa, madilim na, tara na pong umuwi, pagod po
ako."
"Sige anak, tara na upang magkasabay-sabay tayong kumain ng hapunan," sabi ng ama ni Remi.
Noong nasa bahay na ito, hiniling ni Remi sa tatay niya na, "Pa, ako po ay hihiga na upang makapagpahinga,
sobra po akong napagod.
Pumayag naman ang kaniyang ama at sinabing, "Sige anak magpahinga ka na."
Disyembre 24, 2016; Sabado.
Muling pinatugtog ng ama ni Remi ang music box ng ballerina at tumabi sa kaniyang anak.
"Papa," tawag ni Remi sa kaniyang ama.
"Bakit, anak?" tanong ng tatay niya.
"Maari ko po bang hilingin na bago ako mawala . . . isama po ninyo ang aking music box sa aking
kabaong," sabi ni Remi.
Ang tatay naman ni Remi ay natatawa at sinabing, "Ano ka ba anak! Huwag kang magsalita ng
ganiyan! Hindi ka pa mawawala."
"Pa-Papa, hindi ko na po kaya," sabi ni Remi kaya naman nagsimula ng umiyak ang ama nito."Hindi
na po ako tatagal, kaya sana po ang huli kong hiling ay inyong dinggin."
"Si-Sige anak, kung anong gusto, iyon ang gagawin ni Papa para sa 'yo," sabi ng tatay.
"Mahal na mahal ko po kayo nina Mama," sabi ni Remi sabay ngumiti ng matamis. Maya-maya pa,
saktong pagtigil ng musika, ay siyang pagkawala ng hininga ng bata. Namatay si Remi sa bisig ng
kaniyang ama.
Disyembre 25, 2016; Linggo.
Pagsapit ng panibagong araw, nagpasiyang dalhin ng mag-asawa sa huling hantungan ng anak. Mas
gusto nila na ito ay maging masaya na. Kahit na nadarama pa rin nila ang lungkot at hinagpis noong
nakita nila ang bata na unti-unting lumilisan.
(Pagbabalik tanaw)
"Maligayang Pasko!"
"Tingnan mo po, itong napakagandang music box ng ballerina, ito po ang pinakapaborito ko sa lahat!"
sabi ni Remi.
Noong nanumbalik sa reyalidad ang ama ni Remi ay sinabi nito na, "Mamahinga ka na anak, alam kong
masaya ka na sa piling ng panginoon."
Lungkot ang nararamdaman ng tatay ni Remi sa sandaling tumitingin ito puntod ng anak niyang
namayapa. "Payapa na siyang nakahimlay sa kabaong kasama ang music box niya," sabi ng Tatay ni
Remi. "Magkasamang tutungo sa lugar na kung saan walang gutom, walang hirap," dagdag pa nito.
"Alam ko . . . sa aking sarili na kahit siya ay lumisan, hindi magmamaliw ang alaalang iniwan niya
rito . . . sa ating puso." Tumingala ang tatay ni Remi sa kalangitan at nagsambit muli, "Paalam anak,
mahal kita."

You might also like