You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

FAR EASTERN UNIVERSITY


General Education Department
TAMARAW

ANG PAGLISAN SA TAHANAN NG HULING PAHINGA: ANG MALAYANG


KOLEKSYON NG MGA DAGLI

Para sa Pagsasagawa ng Pormatibong Pagsusuri


Blg. 5 sa Talakayan sa Makabuluhang Araling Pangkultura,
Panlipunan at Reyalistikong Usapin sa Wika (TAMARAW)

Ginoong Ronnel Talusan


Lisensyadong Propesyonal na Tagapagturo sa GED0118

Manuel, John Enrick G.


Sison, Joshua B.

Batsilyer ng Agham Sa Arkitektura


Institusyon ng Arkitektura at Sining Biswal
Seksyon 86

Hulyo 2023
GALAK

Naglalaro ang isang bata kasama ang alaga niyang aso sa harap ng kanilang
tahanan habang pinagmamasdan siya ng kanyang ama't ina.

"Pa, ang pogi ng anak natin no?"

"Oo nga ma e, manang mana sakin."

"Tingin mo pa anong hitsura niya pag nagbinata siya?"

"Aba siyempre parang ako lang noon ano ka ba"

"I couldn't agree more sa sinabi mo pa" Nakangiting sinabi ni Mary.

Magdidilim na at natapos ng maglaro ang bata at ang aso, maya maya pa'y
tumahol ang aso sa harap ng pinto at agad naman itong pinagbuksan ni Joseph

"Ang liwanag naman po dito sa bahay" ika ng bata

"Oh, ma bat parang naluluha ka nanaman?"

"Oo nga po ma, bakit po parang naiiyak kayo?"

"Wala pa, masaya lang ako"

"Anak okay lang ako ha, okay lang si mama at papa, sana maging masaya ka na
din jan, masaya kami kasi alam naming kasama ka na Niya, pahinga ka na anak".

PARES NG SAPATOS

Maghapon na ang nagdaan, ang mga tao ay sige pa rin sa pagmamartsa, at


pagtataguyod ng mga benta sa bawat pwesto na kanilang-kinaroroonan sa palengke.
Ngunit, may isang batang nagngangalang si Mark ang nais makakuha ng isang pares
ng sapatos sa kanyang ama na si Tatay Ben.

"Papa, ibili mo naman ako niyang pares ng sapatos para naman may magamit
ako sa mga darating na okasyon na aking pupuntahan sa kasalukuyan!" Pangungulit ni
Mark sa kanyang tatay Ben habang nakaturo sa isang sapatos na nakadisplay sa isang
tindahan ng sapatos sa labas ng isang mall.

“Wag muna ngayon anak, wala akong kita sa sa maghapong pangangalakal eh.
Hayaan mo pag nakaipon ako ibibili ko sayo kahit anong gusto mong pares ng
sapatos..." Yumuko nalang si Mark dahil sa sinabi ng kaniyang tatay Ben saka
tuminging muli sa sapatos at yumukong muli.

“Tara na anak, ibebenta pa natin kay Mang Adriel itong nakuha nating mga
kalakal sa kaniyang junk shop.”

Ngumiti na lamang si Tatay Ben para pagtakpan ang nanlulugkot na mga mata
dahil nakikita niya ang kalungkutan ng anak na si Mark. Ginulo niya ng bahagya ang
buhok ng bata saka inayang umalis para sabay nilang ibenta ang kalakal na nakolekta
nila sa buong araw na pagbabahay bahay.

"Oh, anak dito ka lang muna ha. Ako nalang ang papasok dun at mukhang
mahaba ang pila, baka mainip ka lang. Maglaro ka muna diyan. Wag kang aalis dito
ha?" Bilin ni Tatay Ben sa kanyang anak na si Mark.

Tumango naman ang bata at saka umupo sa isang gilid na tapat ng tindahan ng
mga prutas sa palengke na kanilang kinaroroonan.

Sa kabilang dako, tahimik ang isang palengke sa kaniya kanilang palitan ng mga
produkto hanggang isang delivery truck ng isda ang nagpagewang gewang at
bumangga sa isang kainan katabi ng tindahan ng mga prutas.

Sukbit sukbit sa likod ang isang sako ng kalakal, mag isang naglalakad si tatay
Ben sa gilid hanggang sa madaanan niya ang tindahan ng mga sapin sa paa. Nakita
niya ang isang sapatos. Isang natatanging sapatos na maaring magustuhan ng
kanyang anak na si Mark.

"Ale, bibilhin ko po ito" mangiyak-ngiyak na sinabi ni Tatay Ben.

Sabay dukot sa bulsa ng kanyang kita sa tatlong araw na pangangalakal at


ibinigay sa tindera. Kinuha niya ang supot kung saan nakalagay ang sapatos na binili.

Pag-uwi niya sa kanilang barong barong ay inilagay niya ang pares ng sapatos
sa altar sabay kuha sa sang litrato. Hinaplos niya ito.

"Anak, ito na ang sapatos mo. Sana naabutan mo pang isuot to." Umiiyak
habang nagsasalita si Tatay Ben.

PAGLISAN

"If the sky is the limit, then go there" caption sa facebook post ni Rose matapos
niyang kuhanan ng larawan ang kalangitan.

"Nak san ka nanaman nagpunta? Nakita ko ang post mo naka lagay nasa
Laguna ka"

"Opo pa nandito po ako sa Laguna, nakanila lola ako"

"Bat di ka man lang nagpaalam sakin anak? Di ko man lang alam na bumiyahe
ka papunta jan, Pangasinan to Laguna ang layo na ng napupuntahan mo hindi ka pa
nagpapaalam"

"Safe naman ako pa wag kayong mag alala sakin, gusto ko lang ng tahimik na
buhay"

"Hayy pasensya ka na anak ha kung parate kaming nag aaway ng mama mo,
wag kang mag alala maaayos din ang lahat, matatahimik din ang bahay"
"Sana nga po pa, sawa na ako makarinig ng kung ano-ano e, gusto ko na lang
huminto lahat"

"Magiging okay din ang lahat anak, oh sige na muna at magbabasketball muna
kami nila ninong mo, ingat ka lagi jan, sa susunod magpaalam ka ha, wala ka dito wala
akong maingay na katawanan mamaya"

"Okay pa sorry po hindi na ako nagpaalam, ingat din kayo lagi jan wag na kayo
magpagod ng husto ha baka sumikip nanaman ang dibdib niyo, don't worry pa uuwi din
ako agad"

Makalipas ang ilang oras ay may tumawag muli sa cellphone ni Rose

"Hello, Rose ang papa mo sinugod sa hospital"

"Ha? Bakit po tito anong nangyari sakanya?"

"Bigla na lang nanghina kanina habang nagpapahinga pag tapos ng laro e"

"Sabi ko naman sakanya kasi wag na magpapagod ng husto e alam naman


niyang may sakit siya sa puso at bawal na siya mag pagod ng sobra"

"Alam mo naman tong papa mo mahilig talaga mag laro ng basketball, san ka ba
ngayon? punta ka dito sa hospital para masamahan mo si papa mo"

"Uuwi na po ako jan tito nasa Laguna po ako ngayon ayusin ko lang po gamit ko"

"Ayan pala yung sinasabi sakin ni papa mo na nasa Laguna ka pala pero di ka
nagpaalam sakanya, sa susunod magpaalam ka ha kasi nag aalala ang papa mo"

"Opo tito, sa susunod magpapaalam na po ako sakanya"

Dali-daling nag ayos ng gamit si Rose upang makauwi at makabisita na agad


sakaniyang Papa ngunit habang siya'y nag-aayos ay tila nakakaramdam siya ng
mabigat na pakiramdam sakanyang katawan at maya maya pa ay tumawag muli ang
kanyang tito.
"Rose anak, asan ka na? Uwi ka na ha okay na si papa mo wag mo na siyang
alalahanin"

"Tito sakto pong paalis na ako, diretso na lang po ako jan sa hospital pagkauwi
ko po. Okay lang po ako kaya ko po"

"Wag na Rose, diretso ka na sa bahay niyo okay na si Papa mo nakalabas na


siya kaso lang hindi ka pa niya makausap kasi nagpapahinga siya kaya inuupdate na
lang kita, uwi ka na okay na papa mo, gusto ka na raw niyang makasama"

Patuloy ang pag patak ng luha ni Rose habang siya'y nasa biyahe sapagkat hindi
ito mapanatag sa balita tungkol sakanyang papa, ang kanyang pag iyak ay tila
sinasabayan ng kalangitan dahil sa pag buhos ng malakas na ulan.

Makalipas ang mahabang oras...

"If the sky is the limit, then go there, pahiwatig mo ba ito anak? Bakit ikaw pa?
Bat hindi na lang ako? Masakit sakin anak na nadisgrasya ang sinasakyan mong bus
pauwi, umuwi ka dahil lang sa gusto mo na akong maalagaan at sa pag-aalala mo, wala
na akong kakwentuhan, wala na akong katawanan, wala ng maingay sa bahay.
Sobrang sakit anak na iniwan mo na ako ng tuluyan at hindi ka man lang nakapag-
paalam".

You might also like