Sa lahat ng mga nilapastangan Nag mahal ulit Kahit napaka sakit SHIT
Mahal kita kahit na sinungaling ang iyong ina
At magnanakaw ang ama Kahit ilang ulit ka nang ginahasa ng kastila, amerikano o hapon Mahal pa rin kita hanggang ngayon Kahit ilan ang binaon mo sa limot Hindi ko malimutan ang mga yon Sapagkat sila ang dahilan kung bat ganto Nadarama ko sayo Kahit ilang ulit kaming binabato Kasama ng mga barkada ko Pigilin ka mang mahalin walang makakapigil sa pag-ibig Itaboy mo man ako ng malakas na tubig At lubid, itali man sa king kamay ng iyong inay Magsusulat ako hangga’t buhay Hangang malagutan ng hininga sa kulungan di mo man lang natulungan Ako’y masama, bulung-bulungan Putulan man nila ako ng dila Nasa mga tula ko ang kulay pula ng bandila
SHIT, Mahal kita
Hindi kita ipagpapalit Hindi. Kahit gaano kasakit Hindi kita ipagpapalit Shit, Mahal Kita Shit, Mahal Kita
At tila di na magbabago ang takbo ng buhay ko sa piling mo
Masamang inang napili mo At ang tingin pa ng iba sayo di ka masaya kaya, magpapalit na lang daw ng anyo nabigla ka, wag ka lumagda humanda ka, ako’y makikibaka mahal kita di ko babayaang mapunta ka sa iba wag kang maniwala sa ina mong pabaya at ang kapal ng muka ng iyong ama katotohanan daw hatid sa minamanipula niyang dala di ka pa ba nadala sa pandaraya sa’yong kinita, nagparaya di mo namalayang yumayaman pinapamukang ika’y mahirap lang at di mo pa kayang magbayad ng utang pa-utang, ina, sa kanya mo sabihin humingi ka ng pagkain at pakisabi na wag siyang maglihim