You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Baguio
BAGUIO CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 10

Bilang ng Modyul: 2

Pangalan: Curt Keanu P. Villanueva Seksiyon: 10- Alcala

KI KK P G
(Kinakaharap na (Kasalukuyang (Programa) (Gagawin Ko)
Isyu) Kalagayan)

1. 1. Nawawalan ng 1. Tulong 1. Pagpapatibay at


Kontraktuwalisa integrasyon ang Panghanapbuhay sa pakikipagugnayan ng
syon o “Endo” ‘permanent employee’ Ating Disadvantaged/ gobyerno sa mga may ari
sa isang kumpanya ng kumpanya upang
Displaced workers
magkaroon ng mas
(TUPAD) maayos na
kontraktuwalisyon

2. Job-Mismatch 2. Padami ng padami 2. JobStart Philippines 2. Pagbibigay ng


ang mga taong walang Program trabahong mas naaayon
trabaho sa nakasanayan o di
kaya’y naaayon sa kung
ano ang nais at nararapat
sa kasanayan

3. Mura at 3. Mas madaming 3. COVID Adjustment 3. Pagsunod sa tamang


Flexible Labor nawawalan ng trabaho oras ng pagtatrabaho at
Measures Program
o di kaya’y pagbibigay ng sahod sa
nagkakaroon ng mga (CAMP) tamang araw na
sakit ang mga nakaayon sa naukulang
trabahador dahil sa usapan
pangmatagalang
pagtatrabaho

4. Mababang 4. Dumarami ang 4. Tulong 4. Paglalan ng tinatawag


Pasahod nagiging free lancer o Panghanapbuhay sa na minimum wage
di kaya’y naghahanap Ating Disadvantaged/
ng trabahong
Displaced workers
mataasan ang pasahod
(TUPAD)

5. Pandemiyang 5. Madaming nawalan 5. Coronavirus Aid, 5. Pagsunod sa mga


COVID-19 ng trabaho Relief, at Economic proseso na ibingay ng
Security Act ("CARES pamahalaan at pagsunod
narin sa mga ‘protocols’
Act")

Gawain 5. K-K-P-G Tsart


Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Baguio
BAGUIO CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 10

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?
Ang mga isyung kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan ay ang mababang pasahod, pandemiyang
COVID-19, mura at ‘flexible labor’, kontraktuwalisasyon o ‘Endo’, at ‘Job-Mismatch’.

2.Paano nakaaapekto ang mga isyung ito sa kalagayan ng mga manggagawa sa kasalukuyan?

Nakaapekto ang mga isyung ito sa kalagayan ng mga mangagawa sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagkawala
ng mga trabaho, pagbaba ng sahod at paghaba ng ‘working hours’, mas napapadami ang mga manggagawang
may sakit, at patuloy rin ang pagtaas ng antas ng kawalan ng sapat at angkop na trabaho.

3.Sa mga naitalang programa ng pamahalaan sa kasalukuyan, alin sa mga ito ang nananatiling hamong
panghinaharap sa mga manggagawang Pilipino?

Ang nananatiling hamong panghinaharap sa mga manggagawang Pilipino sa mga naitalang programa ng
pamahalaan ay ang ‘Pandemiyang COVID-19’

1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng
kontraktuwalisasyon o ‘Endo’, ‘Job-Mismatch’, Mura at ‘Flexible Labor’, Mababang Pasahod, at ang
Pandemiyang COVID-19.

2. Sa kasalukuyan, upang makasabay ang mga manggagawang Pilipino ay dapat magbago ang hanapbuhay upang
maging katanggap-tanggap, ito ay ang tinatawag na homebase entrepreneurship, small business, project contract,
business outsourcing, business networking sa mga ahente ng seguro, real estate, buy and sell ng mga sapatos na de
signature, damit, food supplements, organic products, load sa cell phone, at iba’t iba pang produktong surplus at
iniluwas mula sa mga kapitalistang bansa.
3. Ang iskemang subcontracting ay pagsasanay ng pagtatalaga at gawain sa ilalim ng isang kontrata sa ibang
partido na kilala bilang isang subkontraktor. Ito ay maaring sa anyo ng Job-contracting, may sapat na puhunan
sa pagsasagawa ng trabaho at gawain ng manggagawang ipinasok ng subkontraktor at Labor-only Contracting,
walang sapat na puhunan upang magawa ang trabaho at ang ipinasok na manggagawa ay may direktang
kinalaman sa mga gawain ng kompanya.

4. Sa aking palagay maiIwasan ang unemployment kung mas paiigirian ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan sa
mga mamamayang may ari ng kompanya, bigyang pansin kung alin ang nakasanayan nila na trabaho o di kaya’y
trabahong nakaayon sa kanilang kasanayan at kaalaman, at magkaroon ng kontrata kung saan nasusunod ang
usapan na nabibigyang sahod ang mga employee sa tamang oras at araw kung gayon ay nagtatrabaho din sila sa
napag-usapang oras at panahon, hindi lumalabis.

Bilang ng Modyul: 3

1. Ang migrasyon ay tungkol sa proseso ng paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar maging ito
man ay pansamantala o permanente.

2. Maraming mga Pilipino ang nangingibang-bansa dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Isa marahil sa
pinakamabigat na dahilan ay ang paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan.

3. Ang isa pang dahilan ng migrasyon ay magandang oportunidad gaya ng trabaho at mas mataas na kita.

4. Isa sa mga mabubuting epekto ng migrasyon ay pag-unlad ng ekonomiya.


Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Baguio
BAGUIO CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 10

5. Isa sa mga di-mabubuting epekto ng migrasyon ay pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Bilang ng Modyul: 4

Pangalan: Curt Keanu P. Villanueva Seksiyon:


____________ Pamprosesong mga Tanong: Ilagay ang iyong mga kasagutan sa papel.

1. Punan ang dayagram sa ibaba ng mga alternatibong solusyon sa lahat ng mga suliraning nakaakibat sa artikulo.
Sundin lamang ang format.

Suliranin: Ang mga manggagawang kababaihan ay lubos na pinagsamantalahan sa pamamagitan ng


eksloytasyon at sekwal na pang-aabuso, at nahihirapan ang kanilang bansa na bigyan sila ng
proteksyon.

•Solusyon: Magtala ng lingguhang pagcheck-up sa mga manggagawa lalo na sa kababaihan upang


mabigyan ng agarang aksyon kung naulit man ang suliraning ito.

Suliranin: Ang mga Asyano sa bansang Arab ay nagkakaroon ng mahirap na kondisyon sa kadahilanang
walang sapat na karapatan ang mga manggagawa at pagkakaiba-iba ng kinalakihang kultura.
•Solusyon: Pagtibayin ang pakikipag-ugnayan ng bansa sa ibang lugar upang mabigyang pansin ang
pagbibigay proteksiyon sa mamamayan ng isa’t isa at pagrespeto sa kultura.

2. Bakit kinailangan ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ang mga manggagawa mula Timog at Timog-
Silangang Asya?

Kinailangan ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ang mga manggagawa mula Timog at Timog-Silangan
Asya dahil dito ay mayroon silang malaking bilang ng populasyon kung saan ay nagaagawan ng trabaho ang
mga manggagawa kung kaya’t pinili narin ng iba na lumipat sa bansang mayroong opurtunidad.

3. Bakit sa taong 1985 ay kinailangan ang mga babaeng manggagawa sa Timog-Kanlurang Asya?

Tumaas ang demand para mga domestic worker, nars, mga sales staff, at iba pang nasa sektor ng serbisyo, dahil
dito nagsimula ang peminisasyon ng mga manggagawa, at ang mga karaniwang kinukuha ay mula sa Sri Lanka
at Indonesia.

4. Mayroon bang diskriminasiyong nararanasan ang mga manggagawang Asyano kung ihahambing sa mga
propesyonal mula sa Europa at Hilagang Amerika? Ipaliwanag ang sagot.

Mayroon, sapagkat naisaad sa artikulong nabasa ang mga ‘racism’ or masamang naging trato sa kanila ng mga
tiga ibang bansa.

5. Ano ang masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’ ng isang bansa?

Ang masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’ ng isang bansa ay bumababa ang economy rate,
pagtaas ng tax na napupunta sa pilipinas, at napupunta ang kaunlaran na dapat sa bansa natin ay nangyayari.

6. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga manggagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na
magtrabaho sa Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Dahil mas mataas ang ‘money exchange rate’ ng ibang bansa kaysa sa Pilipinas at mas maraming work
oppurtunities sa ibang bansa kaysa rito.
7. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng mga manggagawa sa ibang bansa?
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Baguio
BAGUIO CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 10

Sa pamamagitan ng paggawa ng organisasyon tulad ng Overseas Workers Welfare Administration OWWA o di


kaya’y mga batas na sinisiguro ang kaligtasan at nagbibigay proteksiyon sa mga manggagawa.

Bilang ng Modyul: 4

Gawain 6: Isulat mo na iyan!

Curt Keanu P. Villanueva


Purok 12 Irisan, Baguio City
January 27, 2021
Sa Mambabasa,
Ako’y lubos na nanghihina at naaawa sa mga dinanas niyong kalupitan sa epekto ng migrasyon dulot ng
globalisasyon sa inyo. Walang salitang maitutumbas ang pasensya sa inyong mga pamilya at wala ring
maitutumbas ang pera sa dugo at pawis na inyong binuwis para lamang maka ahon sa buhay. Gagawin ko ang
lahat sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pakikipagugnayan sa pamahalaan sa pakikitulong ng pagiimbestiga
ng kasong ito. Paghihirapan ko din na tumingin sa madaming posibilidad ng iyong pagkamatay upang mabigyang
hustisya at hindi mabaon sa lupa ang iyong buhay na ibinigay para sa iyong pamilya.
Isang estudyanteng nagmamahal,
Curt Villanueva

You might also like