You are on page 1of 2

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

A: PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Anong uri ng pagsisinungaling ang madalas na nagagawa upang pangalagaan o tulungan ang taong
mahalaga sa kanya?
a. Prosocial Lying b. Self-enhasment Lying c. Selfish Lying d. Antisoccial Lying
2. Upang makaagaw ng atensiyon at pansin, limikha ng maraming kwento si Rj na nakasira sa pagkatao ni
Intong. Ito ay anong uri ng pagsisinungaling?
a. Prosocial Lying b. Self-enhasment Lying c. Selfish Lying d. Antisoccial Lying
3. Ito ay isang uri ng pagsisinungaling na ginagawa upang maisalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan.
a. Prosocial Lying b. Self-enhasment Lying c. Selfish Lying d. Antisoccial Lying
4. Si Tupi ay isang pilyong mag-aaral. Binato niya ang isang kaklase ng bolang papel. Ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon, ang tinamaan nito ay ang kaniyang guro nakatalikod habang nagsusulat sa pisara.
Sa pagtatanong ng guro kung sino ang bumato ay bigla na lamang nitong itinuro si Jmark upang siya ang
pagalitan ng guro. Anong uri ng pagsisinungaling ang ginawa ni Tupi sa sitwasiyon?
a. Prosocial Lying b. Self-enhasment Lying c. Selfish Lying d. Antisoccial Lying
5. Bakit mahalaga ang magsabi ng katotohanan?
a. Upang makatulog ng mahimbing
b. Upang malaman ng lahat ang katotohanan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
c. Upang hindi makasakit ng kapwa
d. Upang hindi masisi ng iba
6. Ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe, alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa apat na pamamaraan
ng pagtatago ng katotohanan?
a. Pananahimik b. Pag-iwas c. Pagtitimping Pandiwa d. Pagtatago
7. Alin sa mga sumusunod ang naglarawan ng isang taong matapat?
a. Si Cardo na pumapatay ng mga taong gumagawa ng hindi maganda
b. Si Hipolito na ipinauubos ang rebelde upang bumango ang pangalan sa pangangampanya
c. Si Lakas na pumasok sa Kapatagan upang pagkatiwalaan at mabuksan ang lagusan para sa kanyang
mga kasamahan
d. Si Diane na isinumbong ang kaniyang matalik na kaibigan dahil sa pangongopya sa pagsusulit
8. Niyaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng
malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hindi maging mangmang
pagdating sa pagtatalik. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam mong
makasasama sa kanilang murang isip ang pornogrpiya
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa
kanila
d. Natursl lamang sa mga kabataan ang mag-eksperemento, kaya’t sasama kasa kanila
9. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan MALIBAN sa
a. Pambubulas b. Pandaraya c. Fraternity d. Gang
10. Ang mga sumusunod ay sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahananc. Pagkakaruon ng pagkakaibang pisikal
b. Paghahanap ng mapagkatuwaan d. Pagkakaruon ng mababang marka sa klase
11. Maiiwasan ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng
a. Pagsunod sa mga payo ng magulang c. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
b. Pag-aaral ng mabuti d. Paggalang sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay
12. Bakit kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili?
a. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay.
b. Nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan.
c. Nakatutulong ito sa paghanap ng paraan paano mapansin at mahalin ng iba.
d. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral.
13. Alin sa sumusunod ang HINDI kailangan sa pagmamahal sa kapwa?
a. Pagtanggap sa kanya ano man ang estado niya sa buhay
b. Pagbibigay sa kanya ng anumang nais niya sa buhay
c. Paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
d. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan
14. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang karahasan sa paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang maiwasan ang pagliban at paghinto sa pag-aaral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
15. Nakita mong kinuha ni Rafael ang pagkain ni Clark at saka nito binatukan at pinagtawanan. Hindi
nakapalag si Clark sapagkat mas malaki at malakas si Rafael. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasama sa grupo ni Rafael upang pagtawana si Clark
b. Lalapitan si Clark at sasabihing maghiganti sa ginawa sa kanya
c. Tatawagin si Clark upang samahang ipagbigay-alam ang nangyari sa inyong guro
d. Hahayan lang sila
16. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan ng mga pilipino?
a. Makapagliban b. Makapag-aral c. Makapagtrabaho d. Makapagshopping
17. Ano ang iyong mararamdaman kapag ang iyong magulang ay kailangang magtrabaho at mapalayo sa
inyong pamilya?
18. Ano ang pananaw mo ukol sa konsepto ng migrasyon?
a. Ito ay pamamasyal sa isang lugar para maglibang
b. Ito ay ang paglalakbay at pagtira sa ibang lugar o bansa sa kadahilanang gustong makapagtrabaho at
makapanirahan sa ibang bansa
c. Ito ay ang paglipat-lipat o paglalakbay sa mga iba’t ibang bansa upang bumisita
19. Alin ang positibong epekto ng ang naidudulot ng migrasyon sa pamilya?
a. Ang makapamasyal at makapaglibang sa mga magagandang lugar
b. Nakatutulong sa mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas maginhawang
pamumuhay ng pamilya
c. Ang pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komonikasyon
d. Ang pagkakaruon ng mga imported na kagamitan
20. Sino ang pangunahing naapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
a. Ang asawang naiiwan sa pamilya c. Ang pamilya
b. Ang mga anak d. Ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa

B: PANUTO: Isualat ang T kung ang pangungusap ay tama, at M naman kung hindi.

1. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.


2. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga
pangyayari.
3. Kailangan mong lumikha ng kasinungalingan upang maisalba ang iyong sarili mula sa kasalanan.
4. Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling.
5. Ang panonood ng pornograpiya ay normal lamang at nakasisiya ng damdamin.
6. Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki.
7. Ang tunay na pagmamahal ay ang pagsunod at pagbigay ng lahat ng nais ng iyong minamahal.
8. Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang magmahal.
9. Ang pambubulas ay hindi karahasan sa paaralan.
10. Ang pagsali sa gang sa loob ng paaralan ay isa sa mga sagabal sa pag-aaral ng mga kabataan.
11. Ang pinakamalakas na sandata laban sa karahasan sa paaralan ay nag-uugat sa sarili.
12. Ang teknolohiya ang dahilan kung bakit tayo ay nabubuhay sa kasalukuyan.
13. Ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone at telebisyon ang naglalapit at nagpapatibay ng
pamilya sa kasalukuyan.
14. Ang pangunahing dahilan ng migrasyon ay ang luho ng pamilya at pamamasyal sa ibang lugar.
15. Ang pagkakaruon ng cellphone ay mas mahalaga kesa sa pagkakaruon ng mataas na marka sa
paaralan.

C: PAGPAPALIWANAG:

1. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.


2. Paano mo maisabubuhay ang responsableng paggamit ng teknolohiya?

GOD BLESS!

SIR ELY

You might also like