You are on page 1of 1

Anito River Degning Mountain

Sa pagpunta sa Barangay Agsimao Tineg Abra matatagpuan ang isang ilog na tinatawag
na Anito River. Ito ay may magandang tanawin kung saan may mga malalaking bato na
maaaring gamitin bilang silungan para sa araw at ulan. Sa panahon ng tag-araw ang magandang
panahon sa pagpunta dahil ang ilog ay nagbibigay ng malamig na pakiramdam na tumutulong
sa paglaban ng init ng araw. Kung ang hilig mo naman ay ang pag-akyat ng bundok ang Degning
Mountain ang bagay sayo. Ito ay matatagpuan sa katabing barangay ng Agsimao, ang
Naglibacan. Ang bundok ng Dening ay mataas kaya’t nakikita mo ang magandang tanawin. Sa
sandaling makarating ka sa tuktok ng bundok lahat ng pagod mo ay mawawala dahil sa tanawin
lalo na sa umaga makikita moa ng pagsikat ng araw at pakiramdam mo naglalakad ka sa ulap.

Ang pagpunta sa dalawang destinasyon, naisip ko na meron pa palang mga


magagandang tanawin maliban sa mga natuklasan na ng karamihan. Sa mga kasulok-sulokan ng
Pilipinas may mga magagandang tanawin na hindi pa natutuklasan ng mga tao, an gating
daigdig ay may mga tinatago pang mga kayamanan na hindi pa nakikita ng karamihan.

You might also like