You are on page 1of 4

1.

Minalungao National Park

DCIM100GOPROGOPR2331.Ang Minalungao National Park ay isang protektadong lugar sa Pilipinas na


matatagpuan sa munisipalidad ng General Tinio, Nueva Ecija sa Gitnang Luzon. Sinasaklaw ng parke ang
2,018 ektarya nakasentro sa kahabaan ang nakamamanghang River Peñaranda ,sa magkabilang panig sa
pamamagitan ng hanggang sa 16 metrong mataas na pader na limestone sa paanan ng bundok ng
Sierra Madre. Ito ay itinatag noong 1967 sa pamamagitan ng kabutihan ng Republic Act Bilang 5100

2. . Tanawan – (Laur Nueva Ecija)

Isa rin ito sa mga pinupuntahan ng karamihan lalo na ang mga may kasintahan. Ito ay malapit sa
Mapalad, Nueva Ecija. And daan patungong Tanawan ay tunay na maganda dahil may mga nakapaligid
ritong mga puno, halaman, bundok at mga bahayan. Malinis ang daan patungo dito at marami-rami ang
mga sasakyan.

May lugar rito kung saan tumutungo ang mga tao. May mga kubo rito na maaaring kainan at habang
ikaw ay nandoon, makikita mo ang mga magagandang tanawin sa ibaba. Sariwa ang hangin at malamig
rin sa lugar na ito.

May kataasan ang mga lugar rito kaya kailangan ang dobleng pag-iingat at upang maging ligtas. Bawat
tanawin rito ay may iba’t-ibang kagandahan at mayroong kalinisan. Ang mga tao ay nasisiyahan kapag
nakakapunta sa tuktok nito dahil mas nakikita ang mga tanawin sa ibaba. Mayroon rin namang mga
nagbabantay rito upang masiguro ang kaligtasan.
. Tanawan – (Laur Nueva Ecija)

3 Pantabangan Dam

Ang Pantabangan Dam ay matatagpuan sa Nueva Ecija. Ang layunin nito ay makapagbigay ng mga tubig
para sa irigasyon, nagbibigay rin ng kuryente, at ang ibang bahagi naman ay nakakakontrol ng pagbaha.
Ang dam rin na ito ay isa sa pinakamalaki sa Southeast Asia at isa sa pinakamalinis sa buong Pilipinas.

Ang paggawa sa dam na ito ay nagsimula noong 1971 at natapos noong 1977 kaya inabot ito ng pitong
taon. Ito rin ay isa sa mga pinupuntahan ng mga turista dahil sa kagandahan ng lugar na ito na hanggang
ngayon ay pinupuntahan pa rin. Ito rin ay umaabot sa Pampanga River.

Bukod sa hawak nitong titulo ng pagiging isa sa mga pinakamalaking dam sa bansa at gayundin sa Timog-
silangang Asya at ang isa sa mga pinakamalinis sa Pilipinas , Ang Pantabangan ay sikat rin sa ralangan Ng
sport fishing

4 Dalton Pass

dalton-pass-5a
Ang Dalton Pass ay tinatawag rin na Balete Pass. Ito ay mahabang daan na pa-zigzag na pinagdudugtong
ang Nueva Ecija at Nueva Vizcaya. Noong unang panahon, may ginanap ditong digmaan at ito ay ang
Pangalawang Pangdaigdigang Digmaan o World War 2. Ngunit madadaanan naman na ito ngayon at
naiayos na ito ng ibang mga mangagawa.

94_big

Maganda ang tanawin dito dahil medyo may kataasan ang daan nito. Sa paligid nito ay may mga
malalaking bundok, puno, mayroon ring mga bahayan. Ang iba ay nasisiyahang dumaan dito gamit ang
kanilang mga dalang sasakyan dahil sa paliko-liko nitong daanan.

5 Cuyapo Hills

Ang Cuyapo Hill o bundok ng Cuyapo ay matatagpuan sa Cuyapo. Ito ay mayroong laking 603 ft. at 184
m. Ayon sa isang pagsusulit, ito ay ang pang labing-siyam sa pinakamatataas na bundok sa Nueva Ecija at
pang 1872 naman sa buong Pilipinas.

Ito ay pinalilibutan ng mga berdeng halaman na talagang malinis pati ang mga malalaking puno sa
paligid nito. Ang ibang napapadaan dito ay naaagaw ang atensyon dahil sa kagandahan nito.

Katulad lang din ito ng mga ibang bundok na matatagpuan sa Nueva Ecija ngunit iba lang sa laki ang
ibang mga bundok. Tunay nga na nakakamangha ang mga bundok sa Nueva Ecija dahil sa malago nitong
mga kulay berdeng halaman.

You might also like