You are on page 1of 3

Aralin 9 LIGTAS AT RESPONSABLENG PAMAMARAAN SA PAGSALI SA

DISCUSSION FORUM AT CHAT

I. Nilalaman
Tatalakayin sa araling ito ang iba’t –ibang panuntunan sa pagsali sa discussion
forum at chat. Dito ipaliliwanag ang mga dapat isa- alang-alang para sa ligtas at
responsableng pamamaraan na maaaring sundin ng mga mag-aaral.

II. Layunin
1. Natutunang makasali sa discussion forum at chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan.
2. Naisasagawa ng maayos ang pangkatang Gawain at makabubuo ng mga
patakarang dapat sundin sa pagsali sa discussion at chat.

III. Paksang Aralin


Paksa : Pagsali sa Discussion forum at chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan.

Sanggunian : K to 12 EPP5IE - Oc 9
Kagamitan: Computer / internet access, manila paper, pintel pen

IV. Pamamaraan
A. Pagganyak
1. Pagpapakita ng mga website na nagbibigay serbisyo tulad ng discussion
forum at chat.
Tanong: 1. Pamilyar ba kayo sa mga nasa larawan?

2. Paano ninyo maisasagawa ng ligtas at responsableng pagsali sa


usapan gamit ang mga website na ito.

B. Paglalahad

(Unang Araw)

Gawain A : Mag Skit Tayo


1. Bumuo ng apat na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
2. Ipaliwanag ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Gawain A sa LM.
3. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa nila
ang skit tungkol sa sumusunod.

Pangkat 1 at 2: Responsableng paggamit ng computer laboratory

Pangkat 3 at 4: Responsableng pagsali sa discussion forum at chat.

4. Ipakikita ng bawat pangkat ang skit na nabuo.

Gawain B: Patakarang Gagawin Natin…… Dapat nating sundin.

1. Ipabasa at ipaliwanag ang mga Alituntunin sa Ligtas at


responsableng pagsali sa discussion forum at chat. Ito ay dapat
nakasulat sa visual aids.
2. Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo
3. Bigyan ng mga materyales na gagamitin ang bawat grupo tulad ng
manila paper, pentel pen.
4. Mula sa nabasang alituntunin, ang bawat grupo ay gagawa ng
patakaran sa paggamit ng computer laboratory. Maaaring 3
hanggang 5 lamang bawat patakaran.
5. Iuulat ng bawat lider ang kanilang nabuong patakaran sa paggamit
ng computer lab.
6. Ipasulat ito sa manila paper at lagyan ng mga disenyo.
(Ikalawang Araw)

Gawain C : Mga Gabay sa Ligtas at Responsableng Pagsali sa discussion


forum at chat.

1. Mula sa talakayan at sa mga naunang Gawain, ang mga mag-aaral


ay magtatala ng mahahalagang paalala para sa ligtas at
responsableng pagsali sa discussion forum at chat gamit ang graphic
organizer sa LM.
2. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang magawa ang
graphic organizer.
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mag-aaral.
Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral.

V. Pagtataya
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain sa pagtatasa ( Kaya mo na ba?) sa
LM.

VI. Pagpapayaman ng Gawain


Magpasaliksik sa aklatan o iba pang pinagkukunang impormasyon tungkol sa
discussion forum at chat.

You might also like