Professional Documents
Culture Documents
Week008 Module
Week008 Module
05
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO Week 8
Lesson Title Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Hanggang sa kasalukuyan
Lesson Target Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad
ng Wikang Pambansa
Panimula
Ang wika ay buhay, samakatuwid ang wikang Filipino ay buhay, nagbabago, umaakma sa pagkakataon at
umaagpang sa paglipas ng panahon. Ang wikang Filipino ay masasabing nagdaan sa masalimuot na mga
yugto at patuloy na magdaraan pa sa paglinang at pag-aaral upang umangkop sa nagbabagong panahon,
bagong henerasyon at sa yumayamang teknolohiya.
Sa modyul na ito, titiyakin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng
Wikang Pambansa hanggang sa kasalukuyang panahon.
Oktubre 24, 1967 – Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat
ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. Marso, 1968 – Ipinalabas
ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng
mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Hulyo 30, 1976 – Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang
banyagang-hiram na titik. Sa 1987 Constitution – Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli
ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz
Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa
Wika.
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang
paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay
pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang
panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
1987 – Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at
Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang
pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin
ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.
Agosto 25, 1988 – Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng
pag-aaral ng Filipino.
a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y.
Noong Oktubre 4, 1971 o labindalawang taon matapos palitan ng pangalan Pilipino angWikang Pambansa o
Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ipinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay
Komisyon sa Wikang Pambansa), angortograpiyang Pilipino na tinaguriang "pinayamang alpabeto" na binubuo
ng 31 letra:
a bc ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y z
a b c d e f g h i j k l m n ñ ng o p q r s t uv w x y z.
Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na development at/o
istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng mga
letrang c f j ñ q v x z.Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nitokasam
ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwangsalita. Oktubre 9, 2006 nang
pansamantalang ipinatigil ito at ang ikatlong ortograpiya.
Noong Agosto 2007, inilabas ng KWF ang draft ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa
pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sawika, superbisor sa Filipino at sa mga
larangang ito sa buong bansa noong 2007.
Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino
Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ang pagiging
intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masinsinang pag-aaral at pagpa-patupad ang
kinakailangan para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng
kaalaman at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa
ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain
sapagka’t maraming termino sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa
ring katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili
nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa
pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang
intelektwalisado sa ngayon.
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan
ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing
layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at
pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang
naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa
Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng
Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940,
napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine
Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na
Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine
School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa,
Maynila.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong
Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay
binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14,
1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas
ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng
mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang tanggapang
pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).
Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas
at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San
Miguel, Maynila.
- magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang
pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika
ng Pilipinas;
- magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga
patakaran, mga plano at mga programa nito;
- magsagawa o makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang
ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang
mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng
paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mga parirala, mga idyom, mga
koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o
nakasama na sa lingua franca;
- magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga
ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales
sa pagbasa at pagtuturo;
- ganyakin at itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award ang
pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati
na mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina;
- tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng
pamahalaan o pribadong entidad, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa
pagtupad ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito;
- mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga
seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga
suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
- bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor
at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa
Tanggapan ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng
mga patakaran, mga plano at mga programa;
- humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito
at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga
tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;
- gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa
unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.