You are on page 1of 23

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kinalalagyan ng mga Lungsod at Bayan
ng Sariling Rehiyon Batay sa mga
Nakapaligid dito Gamit ang Pangunahing
Direksyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Kinalalagyan ng mga Lungsod at Bayan ng Sariling
Rehiyon Batay sa mga Nakapaligid dito Gamit ang Pangunahing Direksyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jessicablanca A. Fernandez
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor
Tagasuri: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor
Janice N. Gagante,Dalubguro
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS
, Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region


Office Address: ____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
KINALALAGYAN NG MGA
LUNGSOD AT BAYAN NG
SARILING REHIYON BATAY SA
MGA NAKAPALIGID DITO
GAMIT ANG PANGUNAHING
DIREKSYON
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling : Ang
Kinalalagyan ng mga Lungsod at Bayan ng Sariling Rehiyon Batay
sa mga Nakapaligid dito Gamit ang Pangunahing Direksyon
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kinalalagyan ng mga
Lungsod ng National Capital Region (NCR)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

iii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng

v
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong sa iyo na
matukoy ang kinalalagyan ng iyong sariling lungsod at bayan
gamit ang mga nakapaligid dito. Higit pa nating pag-iibayuhin
ang iyong kaalaman ukol sa lokasyon at direksyon ng mga
lungsod at munisipalidad sa sariling rehiyon.
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon
batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunaahing
direksyon.

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na magawa mo ang mga


sumusunod:
1. Nailalarawan ang kinalalagyan ng mga lungsod o
munisipalidad ng sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid
dito gamit ang pangunahing direksyon (primary direction) ;
2. Napaghahambing ang mga lungsod at munisipalidad ng
sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang
pangunahing direksyon.

1
Subukin

Panuto: Gamit ang mapa ng NCR, tukuyin ang inilalarawan ng


mga pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

2
17 Mandaluyong Quezon
Manila Bay Muntinlupa

__________ 1. Kabuuang bilang ng mga lungsod at munisipalidad


sa Rehiyong NCR.
__________ 2. Matatagpuan ang katubigang ito malapit sa
Maynila.
__________ 3. Pinakamalawak at pinakamalaki ang kalupaan ng
lungsod na ito batay sa mapa ng NCR.
__________ 4. Nasa hilaga ito ng Lungsod ng Makati.
__________ 5. Ito ang lungsod na nasa hilaga ng lalawigan ng
Laguna.

Aralin Kinalalagyan ng mga Lungsod at


Bayan ng Sariling Rehiyon Batay sa
2 mga Nakapaligid dito Gamit ang
Pangunahing Direksyon
Sa araling ito, malalaman mo ang tungkol sa kinalalagyan ng
mga lungsod sa NCR gamit ang pangunahing direksyon.
Magbalik-aral muna tayo!
Natatandaan mo pa ba ang nakaraan nating aralin?

Balikan
Tayo’y Magbalik-aral!
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Pumili ng sagot sa
mga salitang nasa ibaba upang makumpleto ang diwa ng
pangungusap.
1. Ang __________ay isang mahalagang kasangkapan o
representasyon ng isang lugar.

3
2. Ang mapang ________________ay nagpapakita ng mga
hangganan, kabisera o kapitolyo, at lungsod at lalawigan ng
isang lugar.
3. Ang mga _____________ sa mapa ay nagtataglay ng mga
kahulugan, katangian o impormasyon ukol sa lugar na
kinakatawan nito.
4. Ang mapang _____________ ay nagpapakita ng iba’t ibang
anyong lupa at tubig.
5. Ang ____________ direksyon ay nakatutulong upang matukoy
ang lokasyon ng isang lugar.

pisikal politikal mapa simbolo pangunahing

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at
maunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang kasanayan sa
pagkatuto. Binigyang-pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs
na kasanayan: pakikipagtalatasan (Communication); pagtutulungan
(Collaboration); malikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical
Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character building). Makikita rin ang
aralin na ito online.
Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito, inaasahang;
1. Magsagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mga
mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-
aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang / guardian
upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga
gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instruksyon sa
pagkatuto.

4
Tuklasin
Alam mo ba?

 Na ang dating pangalan ng Ninoy Aquino


International Airport ay Manila International
Airport
 Na ang NCR ay kilala din bilang Metro Manila
 Na ang Caloocan ay kilala bilang “The only
Divided City in the Philippines” dahil sa
pagkakaroon ng dalawang bahagi nito- ang
North Caloocan at South Caloocan

Suriin
Kinalalagyan ng NCR

Ito ay compass rose na nagpapakita ng mga


H
pangunahing direksyon. Makikita ito sa mapa

K S upang matukoy ang lokasyon, direksyon o


kinalalagyan ng mga lungsod at munisipalidad
T sa NCR .Ang mga pangunahing direksyon ay
ang hilaga, silangan. timog at kanluran.

Sa bisa ng Atas ng Pampanguluhan o Presidential Decree


Bilang 824 itinatag ang Pambansang Punong Rehiyon o NCR
noong Nobyembre 7,1975. Ang rehiyon ay may lawak na 619.57
kilometro kuwadrado na nagsisilbing tahanan sa halos 13, 93,452
mamayan base sa datos ng UN World Urbanization Project at
Philippine Statistics Authority ng taong 2015. Ayon sa

5
iprinoklamang Atas ng Pampanguluhan Bilang 940 ang kabuuan
ng kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang
ang Lungsod ng Maynila ang magsisilbing kabisera ng bansa. Ang
NCR din ay ang sentro ng kalakalan at komersyo kung kaya’t
maraming mga taga probinsya ang nahihikayat na magpunta at
maghanapbuhay dito.
Tunay nga na ang NCR ay may malaking tungkuling
ginagampanan para sa bansa. Upang lubos pa nating makilala
ang mga lungsod at lalawigan nito ay ating pag- aralan ang
mapa ng National Capital Region (NCR) sa ibaba.

6
Kung gagamitin ang pangunahing direksyon, maaaring
tukuyin ang alinman sa mga lungsod at munisipalidad na
matatagpuan sa NCR. Halimbawa, ang lungsod ng Caloocan
(Katimugang bahagi)ay matatagpuan sa gawing hilaga ng
lungsod ng Maynila. Samantala, ang lungsod ng Mandaluyong ay
matatagpuan sa gawing timog ng lungsod ng San Juan.
Maaari ding tukuyin ang relatibong lokasyon ng bawat
lungsod batay sa mga karatig-lugar nito. Halimbawa, ang bayan
ng Pateros ay napapalibutan ng mga lungsod ng Makati, Taguig
at Pasig. Matatagpuan naman ang lungsod ng Las Piñas sa
pagitan ng lungsod ng Parañaque at lalawigan ng Cavite.
Samantala, ang mga lugar na malapit sa lalawigan ng
Bulacan ay ang lungsod ng Navotas, Malabon, Valenzuela at
Caloocan (hilagang bahagi).

Suriin ang mapang nasa ibaba. Tingnan ang lokasyon ng


National Capital Region o Metro Manila, ito ay nasa pulo ng
Luzon. NasaHilagang Kanluran ng NCR ang lalawigan ng
Bulacan.Nasa Timog Silangan nito ang Look ng Laguna at sa
Kanluran naman ang Look ng Maynila. Nasa Timog nito ang
lalawigan ng Laguna at sa Timog Kanluran naman ang lalawigan
ng Cavite.

7
8
Pagyamanin

MGA PAGSASANAY:
Panuto: A. Gamit ang compass rose, tukuyin ang mga
pangunahing direksyon
_______________

_____________________________ _________________________________

_____________________________________________

Panuto: B. Pag-aralan ang mapa ng NCR sa pahina 7. Punan


ang bawat patlang ng angkop na lugar o direksyon upang
maging wasto ang bawat pangungusap.
1. Ang Maynila ay nasa gawing _________________ ng Pasay.
2. Ang lungsod ng _________________ ay nasa pinakatimog ng
NCR.
3. Ang Las Piñas ay nasa gawing _______________ ng Muntinlupa.
4. Ang Mandaluyong ay nasa gawing ______________ ng San Juan.
5. Ang lungsod ng Marikina ay nasa gawing _______________ ng
lungsod ng Quezon.

9
Panuto: C. Sagutin kung anong lungsod ang tinutukoy sa bawat
tanong.
Gamitin muli ang mapa ng NCR bilang sanggunian.
1. Anong lungsod ang pinalillibutan ng mga lungsod ng Pasig,
Taguig at Makati?
2. Ano -anong mga lungsod ang nasa paligid ng San Juan?
3. Anong anyong tubig ang nasa kanlurang bahagi ng NCR?
4. Anong anyon tubig ang nasa Timog Silangan ng NCR?
5. Anong lungsod ang nasa hilagang bahagi ng San Juan?

Mahusay! Pagbutihin pa at magagawa mo rin ang mga


susunod pang gawain.

Isaisip

 Ang mga pangunahing direksyon ay hilaga, silangan, timog


at kanluran.
 Masusuri ang kinalalagyan ng mga lungsod ng NCR gamit
ang apat na pangunahing direksyon.
 Matutukoy at masusuri ang kinalalagyan ng mga lungsod
ng NCR batay sa mga lugar, kalupaan o anyong tubig na
nakapaligid dito.

10
Isagawa
Maynila, O Maynila!
Panuto: Gamit ang mapa ng Lungsod ng Maynila
sagutin ang mga tanong na nasa ibaba . Isulat sa
sagutang papel ang mga sagot.

1.Anong lugar ang nasa gawing hilaga ng Paco?


2.Anong lugar ang nasa timog ng San Andres?
3. Anong lugar ang nasa hilaga ng Binondo?
4. Anong lugar ang nasa kanluran ng Intramuros?
5. Anong lugar ang nasa silangan ng San Miguel?

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing direksyon?
A. hilaga B. timog C. kanan C. kanluran

2. Ilan lahat ang mga lungsod at munisipalidad sa NCR?


A. 14 B. 15 C. 16 D. 17
3. Aling lungsod ang nasa pinakatimog na bahagi ng NCR?
A. Parañaque B. Muntinlupa C. Las Piñas D. Taguig
4. Ano ang kahulugan ng NCR?
A. National Central Region B. Natural Capital Region
C. Natural Central Region D. National Capital Region

11
5. Bakit mahalaga ang pangunahing direksyon?
A. dahil matutukoy ang mga lugar na hinahanap sa mapa
B. dahil nagpapakita ito ng direksyon
C. dahil makikita ito sa compass rose
D. Wala sa nabanggit

Karagdagang Gawain

Panuto: Batay sa ating napag-aralan, alamin mo kung anong


lugar , estruktura o kaninong bahay ang nakapaligid sa inyong
tahanan ayon sa apat na pangunahing direksyon. Maaaring
magpatulong sa magulang o nakatatanda kasama mo sa
bahay.
Isulat/Iguhit mo ang iyong sagot dito.

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian

Lahing Pilipino: Kaagapay sa Ika-21 Siglo National Capital Region


Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan
Christian E. Daroni,V illa Eden C. Barcelon, Rosalinda R. Belarde, Julieta U.
Fajardo

http://www.google.com
https://www.youtube.com/watch?v=aFA1ROIK-y0

https://www.youtube.com/watch?v=yVXckxCQ4cY

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like