You are on page 1of 23

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kinalalagyan ng mga Lungsod at
Bayan ng Sariling Rehiyon
Batay sa mga Nakapaligid Dito
Gamit ang Pangunahing
Direksyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Kinalalagyan ng mga Lungsod at Bayan ng Sariling
Rehiyon Batay sa mga Nakapaligid dito Gamit ang Pangunahing Direksyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Dibisyon ng Maynila.

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C.Solis
CID-LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMSPDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor


Janice Gagante, MT II

Writer: Jessicablanca A. Fernandez

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Office Address: ____________________________________________


Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
KINALALAGYAN NG MGA
LUNGSOD AT BAYAN NG
SARILING REHIYON BATAY SA
MGA NAKAPALIGID DITO
GAMIT ANG PANGUNAHING
DIREKSYON
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan
3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling :
Ang Kinalalagyan ng mga Lungsod at Bayan ng Sariling Rehiyon
Batay sa mga Nakapaligid dito Gamit ang Pangunahing
Direksyon
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

2
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kinalalagyan ng mga
Lungsod ng National Capital Region (NCR)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

3
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

4
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.

5
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong sa iyo na
matukoy ang kinalalagyan ng iyong sariling lungsod at bayan
gamit ang mga nakapaligid dito. Higit pa nating pag-iibayuhin
ang iyong kaalaman ukol sa lokasyon at direksyon ng mga
lungsod at munisipalidad sa sariling rehiyon.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:
Aralin 2:
Kinalalagyan ng mga Lalawigan ng Sariling Rehiyon Batay sa
mga Nakapaligid dito Gamit ang Pangunahing Direksyon
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon
batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing
direksyon.
Pagkatapos ng aralin, inaasahan na magawa mo ang mga
sumusunod:
1. Nailalarawan ang kinalalagyan ng mga lungsod o
munisipalidad ng sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito
gamit ang pangunahing direksyon (primary direction) ;
2. Napaghahambing ang mga lungsod at munisipalidad ng
sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang
pangunahing direksyon.

1
Subukin

Panuto: Gamit ang mapa ng NCR, tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. [Mapanuring Pag-iisip]

www.google.com

2
17 Mandaluyong Quezon
Manila Bay Muntinlupa

__________ 1. Kabuuang bilang ng mga lungsod at munisipalidad


sa Rehiyong NCR.

__________ 2. Matatagpuan ang katubigang ito malapit sa


Maynila.

__________ 3. Pinakamalawak at pinakamalaki ang kalupaan ng


lungsod na ito batay sa mapa ng NCR.

__________ 4. Nasa hilaga ito ng Lungsod ng Makati.

__________ 5. Ito ang lungsod na nasa hilaga ng lalawigan ng


Laguna.

Aralin Kinalalagyan ng mga Lungsod at Bayan


ng Sariling Rehiyon Batay sa mga
2 Nakapaligid dito Gamit ang
Pangunahing Direksyon
Sa araling ito, malalaman mo ang tungkol sa kinalalagyan ng mga
lungsod sa NCR gamit ang pangunahing direksyon.
Magbalik-aral muna tayo!
Natatandaan mo pa ba ang nakaraan nating aralin?

3
Balikan
Tayo’y Magbalik-aral!
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Pumili ng sagot sa mga salitang
nasa ibaba upang makumpleto ang diwa ng pangungusap. (Mapanuring Pag-
iisip)

1. Ang __________ay isang patag na paglalarawan o representasyon ng


isang lugar.

2. Ang mapang ________________ay nagpapakita ng mga hangganan,


kabisera o kapitolyo, at lungsod at lalawigan ng isang lugar.

3. Ang mga _____________ sa mapa ay nagtataglay ng mga kahulugan,


katangian o impormasyon ukol sa lugar na kinakatawan nito.

4. Ang mapang _____________ ay nagpapakita ng iba’t ibang anyong lupa


at tubig.

5. Ang ____________ direksyon ay nakatutulong upang matukoy ang


lokasyon ng isang lugar.

pisikal politikal mapa simbolo pangunahing

4
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan
ng mga mag-aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto.
Binigyang-pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na
kasanayan: pakikipagtalatasan (Communication); pagtutulungan
(Collaboration); malikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip
(Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character building).
Makikita rin ang aralin na ito online.
Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito, inaasahang;
1. Magsagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang / guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing
itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan
ng pagbibigay nang malinaw na instruksyon sa pagkatuto.

Tuklasin
Alam mo ba?

⮚ Na ang dating pangalan ng Ninoy Aquino


International Airport ay Manila International Airport
⮚ Na ang NCR ay kilala din bilang Metro Manila
⮚ Na ang Caloocan ay kilala bilang “The only
Divided City in the Philippines” dahil sa
pagkakaroon ng dalawang bahagi nito- ang North
Caloocan at South Caloocan

5
Suriin
Kinalalagyan ng NCR

Ito ay compass rose na nagpapakita ng mga


H
pangunahing direksyon. Makikita ito sa mapa
upang matukoy ang lokasyon, direksyon o
K S kinalalagyan ng mga lungsod at munisipalidad
sa NCR .Ang mga pangunahing direksyon ay
ang hilaga, silangan. timog at kanluran.
T

Sa bisa ng Atas ng Pampanguluhan o Presidential Decree


Bilang 824 itinatag ang Pambansang Punong Rehiyon o NCR
noong Nobyembre 7,1975. Ang rehiyon ay may lawak na 619.57
kilometro kuwadrado na nagsisilbing tahanan sa halos 13, 93,452
mamayan base sa datos ng UN World Urbanization Project at
Philippine Statistics Authority ng taong 2015.
Ayon sa iprinoklamang Atas ng Pampanguluhan Bilang 940 ang
kabuuan ng kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan
habang ang Lungsod ng Maynila ang magsisilbing kabisera ng
bansa. Ang NCR din ay ang sentro ng kalakalan at komersyo
kung kaya’t maraming mga taga probinsya ang nahihikayat na
magpunta at maghanapbuhay dito.
Tunay nga na ang NCR ay may malaking tungkuling
ginagampanan para sa bansa. Upang lubos pa nating makilala
ang mga lungsod at bayan nito ay ating pag- aralan ang mapa
ng National Capital Region (NCR) sa ibaba.

6
www.google.com

Kung gagamitin ang pangunahing direksyon, maaaring tukuyin


ang alinman sa mga lungsod at munisipalidad na matatagpuan
sa NCR. Halimbawa, ang lungsod ng Caloocan (Katimugang
bahagi)ay matatagpuan sa gawing hilaga ng lungsod ng
Maynila. Samantala, ang lungsod ng Mandaluyong ay
matatagpuan sa gawing timog ng lungsod ng San Juan.

Maaari ding tukuyin ang relatibong lokasyon ng bawat


lungsod batay sa mga karatig-lugar nito. Halimbawa, ang bayan
ng Pateros ay napapalibutan ng mga lungsod ng Makati, Taguig
at Pasig. Matatagpuan naman ang lungsod ng Las Piñas sa
pagitan ng lungsod ng Parañaque at lalawigan ng Cavite.
Samantala, ang mga lugar na malapit sa lalawigan ng
Bulacan ay ang lungsod ng Navotas, Malabon, Valenzuela at
Caloocan (hilagang bahagi).

7
Suriin ang mapang nasa ibaba. Tingnan ang lokasyon ng
National Capital Region o Metro Manila, ito ay nasa pulo ng
Luzon. NasaHilagang Kanluran ng NCR ang lalawigan ng
Bulacan.Nasa Timog Silangan nito ang Look ng Laguna at sa
Kanluran naman ang Look ng Maynila. Nasa Timog nito ang
lalawigan ng Laguna at sa Timog Kanluran naman ang lalawigan
ng Cavite.

www.wikipedia.org

8
Pagyamanin

MGA PAGSASANAY: (Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)


Panuto: A. Gamit ang compass rose, tukuyin ang mga pangunahing
direksyon
_______________

_____________________________ _________________________________

_____________________________________________

Panuto: B. Pag-aralan muli ang mapa ng NCR na ginamit sa aralin. Punan


ang bawat patlang ng angkop na lugar o direksyon upang maging wasto ang
bawat pangungusap.

1. Ang Maynila ay nasa gawing _________________ ng Pasay.

2. Ang lungsod ng _________________ ay nasa pinakatimog ng NCR.

3. Ang Las Piñas ay nasa gawing _______________ ng Muntinlupa.

4. Ang Mandaluyong ay nasa gawing ______________ ng San Juan.

5. Ang lungsod ng Marikina ay nasa gawing _______________ ng lungsod


ng Quezon.

9
Panuto: C. Sagutin kung anong lungsod ang tinutukoy sa bawat tanong.
Gamitin muli ang mapa ng NCR bilang sanggunian.
1. Anong lungsod ang pinalillibutan ng mga lungsod ng Pasig, Taguig at
Makati?
2. Ano -anong mga lungsod ang nasa paligid ng San Juan?
3. Anong anyong tubig ang nasa kanlurang bahagi ng NCR?
4. Anong anyong tubig ang nasa Timog Silangan ng NCR?
5. Anong lungsod ang nasa hilagang bahagi ng San Juan?

Mahusay! Pagbutihin pa at magagawa mo rin ang mga susunod pang


gawain.

Isaisip

⮚ Ang mga pangunahing direksyon ay hilaga, silangan, timog at kanluran.


⮚ Masusuri ang kinalalagyan ng mga lungsod ng NCR gamit ang apat na
pangunahing direksyon.
⮚ Matutukoy at masusuri ang kinalalagyan ng mga lungsod ng NCR batay
sa mga lugar, kalupaan o anyong tubig na nakapaligid dito.

10
Isagawa
Maynila, O Maynila!
Panuto: Gamit ang mapa ng Lungsod ng Maynila sagutin ang
mga tanong na nasa ibaba . Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.
(Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)

www.wikipedia.org

1.Anong lugar ang nasa gawing hilaga ng Paco?


2.Anong lugar ang nasa timog ng San Andres?
3. Anong lugar ang nasa hilaga ng Binondo?
4. Anong lugar ang nasa kanluran ng Intramuros?
5. Anong lugar ang nasa silangan ng San Miguel?

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. (Mapanuring Pag-iisip)


1. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing direksyon?
A. hilaga B. timog C. kanan C. kanluran
2. Ilan lahat ang mga lungsod at munisipalidad sa NCR?
A. 14 B. 15 C. 16 D. 17
3. Aling lungsod ang nasa pinakatimog na bahagi ng NCR?

11
A. Parañaque B. Muntinlupa C. Las Piñas D. Taguig

4. Ano ang kahulugan ng NCR?


A. National Central Region B. Natural Capital Region
C. Natural Central Region D. National Capital Region
5. Bakit mahalaga ang pangunahing direksyon?
A. dahil matutukoy ang mga lugar na hinahanap sa mapa
B. dahil nagpapakita ito ng direksyon
C. dahil makikita ito sa compass rose
D. Wala sa nabanggit

Karagdagang Gawain

Panuto: Batay sa ating napag-aralan, alamin mo kung anong lugar , estruktura o


kaninong bahay ang nakapaligid sa inyong tahanan ayon sa apat na
pangunahing direksyon. Maaaring magpatulong sa magulang o sa iba pang
kasapi ng pamilya na kasama mo sa bahay.
IIguhit mo ang iyong sagot sa kahong nasa ibaba.
(Pagkamalikhain, Pagtutulungan)

12
Mga Sanggunian
Aklat:
Barcelon, V.E., Belarde, R.R., dela Cruz, S.P., Daroni, C.E., Fajardo,
J.U. (2019). Lahing Pilipino 3 Kaagapay sa Ika-21 Siglo National
Capital Region Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan. REX Bookstore Inc., Manila, Philippines.

Magdaraog, L.O., Morete, L.M., Realista, C.M., Sampang, R.C.,


Sangguniang Aklat para sa Araling Panlipunan 3 (n.d), Manila,
Philippines

Sanggunian mula sa Internet:


http://www.google.com
https://www.youtube.com/watch?v=aFA1ROIK-y0
https://www.youtube.com/watch?v=yVXckxCQ4cY

Pinagkunan ng mga larawan:


www.google.com- pp.2 & 7
www.wikipedia.org – pp. 8 & 11

13
14

You might also like