You are on page 1of 1

1 Sa ating minamahal na ulong guro ng calibungan high school, Ginoong Henry A.

Cabacungan, sa ating masipag na


2gurong tagapatnubay at ang focal person ng senior high school, Ginang Maria Theresa B. Lucas, sa mga butihin nating
3mga tagapayo sa Senior High School, Ginoong Emerson Galano ng 11-St. John at Ginang Aisa Crisologo ng 12-St.
4Matthew, gayundin naman sa isa sa mga guro sa senior high na si Ginoong Albert Crisologo, at higit sa lahat sa mga
5magulang at tagapangalaga ng mga mag-aaral ng senior high school ng Calibungan High School na naririto ngayon, isang
6mapagpalang umaga po sa ating lahat!

7 Ngayon pa lamang po ay ipinaaabot na naming ang aming taos-pusong pasasalamat at kami’y inyong
8napaunlakan sa magaganap ngayong Virtual Parent-Teacher Conference for Commencement Exercises (SY 2021).
9Napakamakabuluhan po ng sandalling ito sapagkat nalalapit na ang araw ng pagtatapos ng ating mga anak. Alam po
10naming na kayo man po ay nagagalak din sapagkat iba ang sayang hatid sa magulang na magtatapos ng senior high
11school ang kaniyang anak. Ngayon rin po ang pagkakataon ng bawat isa upang mabigyang linaw ang ating mga agam-
12agam tungkol sa usaping iyon.

13 Sa pagsisimula ng programa, nararapat lamang na hingin natin ang gabay ng ating Panginoon sa pamamagitan ng
14isang panalangin na pangungunahan ng isa sa mga bumubuo ng kaguruan ng senior high school, na si Ginoong Albert
15Crisologo.

16 Bago ang lahat, atin muna pong pakinggan ang mensaheng ibibigay sa atin ng ating butihing Ulong Guro ng
17Calibungan High School, Ginoong Henry A. Cabacungan.

18 Maraming Salamat po Sir Henry.

19 Oras na po upang malaman ang mga agenda ngayong umaga sa pagpupulong na ito na susundan naman ng
20isang open forum na kung saan ay maaari po kayong maglatag ng inyong mga katanungan na bibigyang-linaw naman po
21ng ating mga tagapayo sa senior high school at ng ating gurong tagapatnubay na si Ginang Maria Theresa Lucas. Kung
22mayroon po kayong nais itanong sa sandalling iyon, marapat po na i-on ang ating microphone o kaya naman po ay
23gamitin ang ating chatbox. Sa mga nanunuod naman po sa ating FB Livestream, maaari po ninyong ilagay ang inyong mga
24katanungan sa ating comment section.

25 Sa sandaling ito, upang ipresenta sa atin ang mga agenda ngayong umaga, tinatawagan po ang tagapayo ng 12-
26St. Matthew, na si Ginang Aisa Crisologo.

27

28ENDING…

29 Ang pagpupulong na ito ay hindi po magiging matagumpay kung wala ang inyong pakikiisa at suporta sa ating
30mahal na paaralan. Tanggapin po ninyo ang aming lubos na pasasalamat sa oras na inyo pong inilaan para sa umagang
31ito. Batid po naming na lahat ng inyong mga agam-agam o mga katanungan hinggil sa papalapit na pagtatapos ng inyong
32mga anak sa junior high school ay nabigyang-kasagutan. Muli Maraming Salamat po sa inyong pagdalo.

You might also like