You are on page 1of 2

Ayon kay Maxima J. Arelajado (2015) - Guro sa Matematika De La Salle University.

Sa unang linggo ng kanyang


klase. Binibigyan niya ng oryentasyon ang mga mag-aaral tungkol sa mga palisi ng departamento, silabus ng aralin, bilang
ng pagsusulit, Sistema ng pagcompyut at pagbibigay ng grado. Sa pagkakataong ito, tinatanong niya ang mga mag-aaral
kung ano ang opinyon nila tungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa loob at labas ng eskwelahan sap ag-aaral ng
Matematika. Iba’t ibang kuro-kuro ang ibinigay ng mga mag-aaral. Ayon sa ilang mag-aaral, hindi nararapat na gamitin
ang wikang Filipino sa pag-aaral ng Matematika sapagkat mahirap isalin ang mga terminong teknikal sa wikang ito.
Mayroon ding nagsabi na di sila mahusay sa matematika gayundin sa Filipino kaya’t sa palagay nila ay dobleng hirap ang
kanilang haharapin kapag Filipino ang ginamit na midyum sa pagtuturo nito. Bukod ditto, wikang Ingles ang gamit sa
daigdig ng kalakalan at sa pakikipagtalastasan sa ibang bansa kung kaya’t dapat lamang na lalong pagbutihin ang
paggamit ng wikang Ingles. Mayroon naming nagsabi na ang mauunlad na bansa tulad ng Japan, Korea, at Taiwan ay
gumagamit ng sariling wika sa kanilang araw-araw na pamumuhay kaya’t sa kanilang palagay, ayos lang na gamitin ang
wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng anumang aralin. Pagkatapos ng palitan ng ilang kuro-kuro, saka ko sinabi
sa kanila na ang gagamitin kong midyum sa pagtuturo ng matematika ay wikang Filipino. Bilang paliwanag, sinabi ko sa
kanila na maraming riserts na ang nagpapatunay na marami ang nahihirapan o bumabagsak sa Matematika sapagkat
mahina ang pundasyon ng mga mag-aaral sap ag-unawa ng Ingles na siyang ginagamit na wika sa pagtuturo nito. Ito ay
ilang beses nang pinatunayan ng mga guro na nagsabing kapag isinasaFilipino nila ang pagpapaliwanag ng aralin sa
Matematika, madali itong naiintindihan ng mga mag-aaral at maganda ang resulta ng mga pagsusulit nila. At natural,
sinasabi ko rin sa kanila na mas magiging makabayan sila at makatutulong pa sa pagpapalaganap ng nasyonalismo kung
gagamitin ang sariling wika sa araw-araw na talakayan sa loob at labas ng silid-aralan.

Bukod dito, isang panuntunan ng aming unibersidad ang pagpapalaganap ng wikang Filipino. Bagama’t may ilang
mag-aaral na medyo tutol sa paggamit ng wikang ito sap ag-aaral ng Matematika, mayroon ding nasiyahan at umasa na
higit na matututo sila kung ito ang wikang gagamitin sa pagtuturo ng Matematika.

Sa unang linggo rin naming tinalakay ang mga salin sa Filipino at baybay sa Filipino ng mga salitang teknikal sa
Matematika. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

addition ---------------------------------------------------------------------- adisyon o pagsuma

coordinate ------------------------------------------------------------------ coordineyt

cube -------------------------------------------------------------------------- cube

equal -------------------------------------------------------------------------- kyub

fraction ---------------------------------------------------------------------- fraksyon

integers ---------------------------------------------------------------------- buumbilang

multiply ---------------------------------------------------------------------- imultiplika o imultiplay

odd --------------------------------------------------------------------------- pamilang na gansal

quantity --------------------------------------------------------------------- kantidad (o quantity)

solution ---------------------------------------------------------------------- solusyon

Sa simula, wikang Filipino ang gamit ko sa mga eksplanasyon at hiram ang lahat ng terminong teknikal tulad ng
quadratic, discriminant, logarithm, at marami pang iba. Gayundin, dahil sa natutuhan na ng mga mag-aaral sa kolehiyo
ang ilang aralin sa Alge 101 ( College Algebra ) noong sila ay nasa mataas na paaralan pa, may mga pagkakataon na ang
ekspalanasyon ay sa wikang Ingles muna bago ko ibigay ang katumbas nito sa wikang Filipino o vice-versa. Ito ay upang
magkaroon ng patuluyang pagtalakay sa mga araling natutuhan na nila.

You might also like