You are on page 1of 4

Ano ang mga Sakramento?

-Ang Sakramento ay itinatag ni Kristo upang magbigay ng biyaya. Ito ay daluyan ng patuloy na naghahatid sa
atin ng pag-ibig ng Diyos (CFC 1519-1526, 1574-1576)
-Ang Sakramento ay ibinigay sa atin ni Jesus upang patuloy nating madama ang kanyang pag-ibig at patuloy na
pagliligtas (CFC 1530, CCC 1124)
-Si Kristo ang bilang pangunahing sakramento. Siya ang tagapagpaganap at hantungan ng lahat ng
Sakramento.
*Sa pagiging handa sa pagtanggap sa mga sakramento ng may pananampalataya, naisasabuhay ang pag-ibig ni
Kristo tungo sa pagkakawang gawa. (CFC 1530)
*Sa pamamagitan ng taus-pusong pagtanggap ng mga sakramento na may paniniwala, nakakaisa natin si
Kristo, kaisa ng Ama at ng Espiritu Santo.
-Biyaya at Pag-ibig ng Diyos

Ang Sakramento ng Kumpil

*Juan 14:26 …Ang Espiritu Santo ay susuguin ng Ama…


*Juan 14:15-17 …Kung iniibig ninyo Ako, tutuparin ninyo ang aking utos, dadalangin ako sa Ama…

-Sa Sakramento ng Kumpil, ang lahat ng Binyagan ay napapalapit ang ugnayan sa Simbahan at nabibigyan ng
lakas na ipalaganap ang Ebanghelyo sa salita at gawa sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. (CFC 1658)
-Sa pamamagitan ng Kumpil tayo ay higit na ganap na nakikibahagi sa makahari, makapari, at makapropetang
papel ni Kristo, upang mapalakas ang katawan ni Kristo, ang simbahan.
-Pinalalakas at pinatototohanan ng Kumpil ang misyon na magbibigay ng pampublikong saksi kay Kristo at sa
Simbahan. (CFC 1661)
-Sa ating pakikiisa sa pagdiriwang ng sakramento ng Kumpil, maipapahayag natin ang presensiya ng Espiritu
Santo bilang bayan ng Diyos (CFC 1639)

Ang Sakramento ng Kumpil: Personal na Pentekostes

*Juan 20:19, 21-22 …tanggapin ninyo ang Espiritu Santo

Sa kabila ng takot na nararamdaman ng mga alagad ay binigyan sila ni Jesus ng lakas at katatagan sa pamamagitan ng
pagpapadala ng Espiritu Santo. Ngunit di lamang sa mga alagad ipinagkaloob ang Espiritu Santo kundi sa ating lahat.
Isinugo ng Ama at ni Jesus ang Espiritu at sinabing….

Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo… (Juan20:22)


Sa araw ng Pentekostes.. ang paskuwa ni Kristo ay nagaganap sa Pagbubuhos ng Espiritu Santo na ipinakikilala,
ipinagkakaloob at inihahatid bilang persona ng Diyos.” Mula sa Kanyang kapuspusan si Kristo ang Panginoon ay
masaganang ibinubuhos ang Espiritu. (CCC731)

Sa sakramento ng Kumpil, pinatitibay ng Espiritu Santo ang mga biyayang natanggap natin sa binyag. At sa pagdiriwang
ng Sakramento ng kumpil ipinapakita na ang bunga ng sakramento ay ang masaganang pagbubuklod ng Espiritu, ng mga
biyaya, tulad ng ipinagkaloob sa mga apostoles sa araw ng pentekostes. (CCC1302)

“ANG Espiritu Santo din ang siyang nagdudulot ng grasya ng pananampalataya na siyang nagpapalakas at nagpapaunlad
sa pamayanan” (CCC1102, 1285)
Ang Espiritu Santo

*Juan 14: 16-17


….dadalangin ako sa Ama, at kayo ay bibigyan Niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo
magpakailan man. Ito ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat di Siya
nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit makikilala ninyo siya, sapagkat siya’ sumasainyo at mananahan sa
inyo.

-Ipinadala ng Diyos sa ating mga puso ang Espiritu ng kanyang Anak na tumatawag ng “ABBA” Ama. (Gal.4:6) Ang
ganitong kaalaman ng pananampalataya ay di mangyayari kundi sa Espiritu Santo. Upang makiisa kay Kristo, kailangan
munang akayin ng Espiritu Santo. Siya ang nagpapauna at naggaganyak ng ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng
Binyag, ang unang sakramento ng pananampalataya, na siyang buhay, na nagmumula sa Ama at inihahandog sa atin ng
Anak at isinasalin sa atin nang lubusan sa pamamagitan ng Iglesya. (CCC683)
- Ang Espiritu ay salitang Hebreo ay “ruah” na ang ibig sabihin ay hininga, hangin (CCC691) Ang Espiritu Santo ang
tanging pangalan niyong sinasamba natin at pinararangal kasama ng Ama at ng Anak.
- Ang Espiritu Santo ay tinatawag na Paraklito na ang kahulugan ay “ iyong tinatawag na kasama ng iba”, Advocatus…
taga-aliw (CCC692)
- Siya rin ay tinatawag na Espiritu ng katotohanan at nakikilala natin siya sa pamamagitan ng mga simbolo na ibinigay sa
atin ng Eklesya. Tulad ng tubig, pagpapahid ng langis, ng apoy, ulap at liwanag, tatak, kamay, daliri at ang kalapati.
(CCC694-701)

Si Kristo at ang Simbahan

*Markos 1:9-11
…hindi nagluwat, dumating si Jesus mula sa Nazaret, Galilea. At siya’y binautismuhan ni Juan sa ilog Jordan.
Pagkaahong-pagkaahon ni Jesus sa tubig ay nakita niynag nabuksan ang kalangitan, at bumaba sa kanya ang Espiritu
na gaya ng isang kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit; “ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang
kinalulugdan”.

-Pinalalakas at binibigyang buhay ng Espiritu Santo ang Simbahan sa buhay nito sa grasya sa pamamagitan ng mga
Sakramento at karismatikong kaloob, binuklod ng mga kasapi nito kay Kristo, at nag-uudyok sa Simbahan tungo sa
misyon na ipagpatuloy ang mapagpalayang paglilingkod kay Kristo. (CFC 1342, 1343)
-Nakakatagpo natin ang Espiritu ng Panginoon sa Kanyang katawan, ang Simbahan. (CFC1639,CCC 739)
-Ang Espiritu ng Panginoon ay patuloy na kumikilos sa kanyang Katawan, ang Simbahan upang palakasin at bigyang
buhay sa mga biyaya na kaloob nito sa tulong ng mga Sakramento lalo na ang Kumpil.
-Ito rin ang nagbubuklod sa mga kasapi nito kay Jesus at nag-aalay sa Simbahan tungo sa misyong ipagpatuloy ang
paglilingkod ni Jesus at mapag-alab sa kanilang ibigin ang Diyos at ang bawat isa, magpatotoo kay Kristo, makilala ang
katotohanan at mabuhay sa pagmamahal na naglili

Kaloob ng Espiritu Santo, Daan sa Kabanalan

- Sa pagtanggap ng sakramento ng kumpil, kailangang nasa estado ng grasya, maging malinis bilang paghahanda sa
tatanggaping Kaloob ng Espiritu Santo. Kailangang manalangin ng taimtim upang tanggapin ng mahinahon at handa ang
kalooban ang lakas at mga biyaya ng Espiritu Santo. (CCC1310)
KARUNUNGAN – kaloob na giangamit tinitingnan ang iba’t-ibang pananaw upang makita ang buong katotohanan sa
iba’t-ibang perspektibo na naaayon sa kalooban ng Diyos para sa atin.
PANG-UNAWA – kaloob na higit na kapakinapakinabang sa pakikipag-usap o pakikisalamuha sa iba. Ginagamit natin dito
ang matalas na pakiramdam. Ito ang kaloob na makakatulong upang higit natin magamit ang kakayahan sa pakikinig at
makita ang isang sitwasyon ayon sa pag-iisip ng Diyos.

KAALAMAN – binibigyan tayo ng kakayahang mag-isip, malaman at matutunan ang anumang bagay na makakatulong
para palaguin at pagandahin ang ating pamumuhay at kultura. Tinutulungan tayona hanapin ang kaalaman na kailangan
natin upang higit na makilala si Jesus at mamuhay bilang isang kristiyano.

WASTONG PAGPAPAYO – malaya tayong makapamili kung anong klaseng buhay ang nais natin. Tinutulungan tayong
maging matuwid sa ating gawain at makita ang kahihinatnan ng maaaring gawin. Nangangailangan ito ng masusing
pagtingin sa isyu. Kaya kinukuha natin ang pananaw at payo ng iba lalo na ang gma dalubhasa o may karanasan sa mga
bagay na ito.

KATAPANGAN – kaloob na tutulak sa ating sa paggawa ng mga mahihirap na pagpapasyahan at maindigan sa ating
pinaniniwalaan lalo na para sa ating pananampalataya.

PAGPAPAKABANAL – kaloob na naghihikayat sa atin upang maging madasalin. Tumutulong sa atin upang maging mulat
tayo sa pangangailangan ng iba.

BANAL NA PAGKATAKOT SA PANGINOON – kaloob na tumutulong sa atin upang iwasan ang anumang kasamaan dahil
ito ay sisira sa ating pakikiisa sa Diyos. Nagbibigay ito ng pangamba lalo na kungmalilihis ang ating mga gawain sa
mabuting landas. Ito ay ang paggalang sa Diyos at sa kanyang mga kautusan.

Bunga ng Espiritu Santo:


Pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, pagpipigil sa sarili

-Sa sakramento ng kumpil ang grasya ng binyag ay nagiging ganap. Ito ang sakramentong nagbibigay ng Espiritu Santo
upang maging matatag ang pag-ampon ng Diyos sa atin, palakasing maigi ang ating pakikiisa sa simbahan, lumahok ng
lalong masidhi sa kanyang misyon at tuluyan tayong magbigay patotoo sa ating pananampalataya. (CCC1316)
-Sa sakramento ng Kumpil iginagawad ang pagpapahid ng banal na Langis sa noo at pagpapatong ng kamay at saka
binabanggit ang mga kataga:Tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo. (CCC 1300, 1299, 1301, 1320,1315)

Misyon Ko…Magpapatoo..Ipagtanggol

*Juan 15:26-27
…ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan ang paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama
at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa’y kasama
ko na kayo.

-Sa ating pagpapahayag at pagtatanggol sa ating pananampalataya tayo ay nagiging alagad at saksi ni Kristo. (CFC 1631,
Lukas 24: 47-49)
- Paano?
S - inasabi natin ang katotohanan , at nagiging tapat sa mga aral at turo ni Jesus
A - akayin natin ang lahat ng tao na magtiwala sa Diyos sa lahat ng oras
K - aloob ng Espiritu Santo upang gamitin sa pagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos.
S - a panalanging walang humpay tayong tumatawag at nakikipagkaisa sa Espirito Santo.
I - to ang ating magiging lakas upang maging matatag na lingkod at saksi ni Kristo sa ating panahon.

-Sa sakramento ng Kumpil, ang mga kristiyano ay nakatanggap ng lakas na nagmumula sa Espiritu Santo upang
makibahagi sa misyon ni Krsito. Ito ay mula sa permanenteng karakter na nakatatak sa mga nakumpilan na, ang tatak ng
Panginoon kasama ng mga kaloob ng Espiritu Santo upang ang isang nakumpilan na ay matulad kay Kristo at
pinagkakalooban siya ng biyaya na ipalaganap ang presensiya ng Panginoon sa mga tao. At kinakailangan din ang mga
natatanging katangian ng isang tagapagpatotoo. (CFC16332 1633)

You might also like