You are on page 1of 1

Nakatindig akong babatiin ang pagsinta.

Hindi nakahimlay at nahihimbing


na kailangang gisingin ng halik,
hindi nakaupo’t naghihintay
na para bang ang kanyang pagdating
ang kabuuan ng buhay,
hindi nakatingkayad o lumilipad
na nakikipaglaro sa hangin at pangarap.
Nakatayo ako’t sumasayad
ang paa sa lupa,
pagkat lagi’t lagi,
nakayapak ako kung umibig.

Sa pagsalubong sa iyo ako’y may galak

Ako ay may galak at buhay na buhay

Hindi kailangan ng kahit anong pang gising pa

Hindi nag aasam o naghahangad

Na tila ba ang iyong presensya

Ang s’yang bubuo sa akin istorya

Hindi magiging imahenatibo

At lulutang sa alapaap

Nasa reyalidad

Ang aking isipan

Dahil sa tuwina

Umiibig akong nakadireksyon sa reyalidad

You might also like