You are on page 1of 2

KALIGTASAN SA KAPAHAMAKAN

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang
kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon
ng buhay na walang hanggan. - Juan 3:16

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa
halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa
impiyerno - Mateo 10:28

Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay magkakaroon ng
buhay na walang hanggan.” - Mateo 25:46

Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos. - Awit 9:17

³⁹ Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang
masasama sa mga matuwid, ⁵⁰ at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Doo'y mananangis
sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.” - Mateo 13:49-50

“Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di
namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. - Mateo 25:41

Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sila'y itinapon sa impiyerno kung saan sila'y
iginapos sa kadiliman upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom. - 2 Peter 2:4

¹³ Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at ng daigdig ng mga patay
ang mga nakalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. ¹⁴ Pagkatapos ay
itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang
pangalawang kamatayan. - Pahayag 20:13-14
Ano ang Impiyerno

Nasaan ang Impiyerno

Ibang termino ng Impiyerno

You might also like