You are on page 1of 30

6

Araling
Panlipuna
n
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagpupunyagi ng mga Pilipino
para sa Kalayaan
Araling Panlipunan – Ikaanim Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Pagpupunyagi ng mga Pilipino para sa Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Jennet G. Mercado. MT1
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano,
PSDS Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division
Superintendent Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – National Capital Region


Office Address:

Telefax:
E-mail Address:
6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagpupunyagi ng mga Pilipino
para sa Kalayaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan VI ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagpupunyagi ng mga Pilipino para
sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan VI ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Pagpupunyagi ng mga Pilipino para sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Binubuo ang modyul na ito ng mga aralin tungkol sa Pagpupunyagi ng mga


Pilipino para sa Kalayaan. Basahin at unawain mabuti ang modyul. Ang modyul
na ito ay ginawa upang gabayan ka na maunawaan nang husto ang mga paksa at
matuto ng mga bagong kasanayan.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa


paglinang ng nasyonalismong Pilipino

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin na nahahati sa tatlong paksa, ito ay
ang mga ss:
 Aralin : Mga Ginawa ng mga Makabayang Pilipino sa Pagkamit ng Kalayaan
- Pagtatag ng Kilusang Propaganda
- Pagtatag at Paglaganap ng Katipunan

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga layunin ng pagkatatag ng Kilusang Propaganda at
Katipunan.
2. Natatalakay ang mga nagawa at ang naging resulta ng pagkatatag ng
Propaganda at Katipunan sa paglinang ng damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
3. Nasusuri ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagbuo

ng Pilipinas bilang isang bansa.

1
Subukin

Panuto: Suriin ang kawastuhan ng mga pahayag. Isulat ang Tama kung wasto
ang ipinapahayag ng pangungusap. Kung Mali, palitan ang salitang may
salungguhit at isulat ang tamang salita/parirala sa patlang bago ang bilang.

1. Ang mga repormista ay ang mga mayayamang Pilipinong nakapag-


aral sa ibang bansa na naghangad ng pagbabago sa pamamalakad
ng mga Espanyol.

2. Nagtagumpay ang mga propagandista o repormista na makamit ang


layunin nilang maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas at hindi
kolonya nito.

3. Si Graciano Lopez-Jaena ang patnugot ng La Solidaridad.

4. Ang Kilusang Propaganda ay gumamit ng lapis, papel at


karunungan upang maipaabot ang kanilang mga karaingan sa mga
Espanyol sa mapayapang paraan.

5. Si Emilio Jacinto ang nagtatag ng Katipunan kung kaya’t tinawag


siyang Supremo.

6. Ang La Liga Filipina ay isang mapayapang samahan na itinatag ni


Dr. Jose Rizal sa Tondo, Maynila noong 1892.

7. Ang Diariong Tagalog ang opisyal na pahayagan ng Katipunan.

8. Si Graciano Lopez Jaena ay nakilala rin sa kanyang akdang “Fray


Botod”.

9. Si Daniel Tirona ang nagsiwalat kay Padre Mariano Gil ng tungkol


sa lihim na samahang Katipunan.

10. Ang La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng Kilusang


Propaganda na binuo upang maiparating sa pamahalaang Espanyol
ang minimithing pagbabago o reporma.
Aralin
Pagpupunyagi ng mga
2 Pilipino para sa Kalayaan
Sa pamamagitan ng araling ito, maiisa-isa ang mga ginawa ng mga
makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan. Matutukoy ang mga ambag ng
Kilusang Propaganda sa pagpaparating at pagsisiwalat ng tunay na kalagayan ng
mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. Maipaliliwanag ang layunin ng
pagkakatatag ng La Liga Filipina. Masusuri ang pagkatatag at paglagap ng
Katipunan. Gayundin, maibibigay ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa
himagsikan/kilusan tungo sa pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

Balikan

Sa Modyul 1, nalaman mo na may iba’t ibang salik na nakatulong sa pag-


usbong ng kamalayang nasyonalismo sa Pilipinas tulad ng pagbubukas ng mga
daungan sa bansa para sa pandaigdigang kalakalan, pagpasok ng liberal na
kaisipan, ang pag-usbong ng uring mestizo o panggitnang uri (middle class) ang
pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863 at iba pa.

Sa pamamagitan ng Graphic Organizer, ipaliwanag ang naging epekto ng mga salik


na ito sa pagsibol ng damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Pagbubukas ng Daungan Pag-usbong ng Uring Mestizo Pagpatay sa GOMBURZA

Sa iyong palagay, alin sa tatlong salik ang higit na nakaapekto sa pagsibol ng


damdaming makabansa ng mga Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan
ng mga mag-aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo.
Binigyang pansin din sa mga gawain ang paglinang sa 5Cs na
kasanayan: Pakikipagtalastasan (Communication); Pagtutulungan
(Collaboration); Pagkamalikhain (Creativity); Mapanuring Pag-
iisip (Critical Thinking); at Pagbuo ng Pagkatao (Character
Building). Makikita rin ang aralin na ito online.
Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga
mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda
sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan
ng pagbibigay nang malinaw na instruksyon sa pagkatuto.
Tuklasin

Gawain 1:
May mga taong nakagawa ng kabayanihan para sa ating bansa. Sila ay
dumanas ng matinding hirap at sakripisyo dahil sa kanilang masidhing hangarin
para sa ating kalayaan. Ang ilan sa kanila ay nagbuwis pa ng sariling buhay upang
makamtan ang inaasam nating kasarinlan sa kamay ng mga mapang-api at mapang-
abusong mananakop.

Panuto: Nakikilala mo ba sila? Isulat ang kanilang pangalan at ibigay ang kanilang nagawa sa ating bansa.

1. _
2. _

3. _ 1. 2. 3. 4.

4. _
5. _

6. _

7. _
8.

5. 6. 7. 8.
https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUK
EwjegbS2kLXpAhUMfpQKHUXOAzAQ2cCegQIABAA&oq=mga+bayani&gs_lcp=CgNpb
WcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQ
JzoECAAQQzoHCCMQ6gIQJzoFCAAQgwFQoPqZAVivmJoBYPCwmgFoA3AAeAOAAY0Ji

. AHxK5IBDTAuNy40LjUtMS4yLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img

Batay sa mga bayaning iyong kinilala, sino sa kanila ang pinakahinahangaan


mo? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Suriin

Sa paghahangad ng mga makabayang Pilipinong mabago ang kanilang


kalagayan at mabuhay ng may kalayaan sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol,
umigting ang pagnanais ng mga ito na bumuo ng mga samahan o kilusan na
naglalayong maging daan upang makamit ang kalayaan ng bansa.

Kilusang Propaganda para sa Reporma

Ang pagbitay sa tatlong paring martir ang nagpasidhi sa damdaming


makabansa ng mga Pilipino. Matindi ang kanilang pagnanais na magkaroon ng
reporma o pagbabago sa kalagayan ng kanilang pamumuhay sa lipunan sa ilalim ng
pamamalakad ng mga Espanyol.

Isang pangkat ng makabayang Pilipino ang bumuo ng isang kilusan. Nagtatag


sila ng mapayapang kampanya na humihingi ng reporma o pagbabago sa sistema ng
pamamahala ng mga Espanyol. Ito ay kinilala
bilang Kilusang Propaganda na itinatag ng mga Pilipinong
mag-aaral sa Espanya. Ilan sa mga kasapi ng kilusan
ay buhat sa mayayaman, edukado, matatalino at
matatapang na propagandista o repormista tulad nina
Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena,
Dominador Gomez, Jose Maria Panganiban, Antonio Luna,
Mariano Ponce at iba pa.
https://www.google.com/search?q=la+solidaridad&tbm=isch&ved=2ahUKEwjzh4n91rTpAhVG35QKHYFfAg4
Q2cCegQIABAA&oq=la+solida&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA
yAggAMgIIADoECCMQJzoHCCMQ6gIQJzoECAAQQ1Ce9xdYhpMYYOSbGGgBcAB4A4AB7QKIAeYVkgEINi4xMi
4wLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=TOu9XvOxJ8a0wSBv4lw&bih=608&biw=136
6&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=a-qU5DZ57TwlSM

Layunin ng Kilusang Propaganda ang magkaroon ng reporma o pagbabago sa pamamalakad


ng Espanya sa Pilipinas at maisulong ang sumusunod na isyu:

1. pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas


2. pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan at hindi kolonya ng Espanya
3. pagkakaroon ng Pilipinas ng kinatawan sa Cortes sa Batasan ng Espanya
4. pagpapaalis sa mga prayle at sekularisasyon ng mga parokya
5. pagbabalik ng kalayaan ng mga mamamayan sa pagsasalita, pamamahayag at
kalayaang maiparating ang mga hinanakit sa mga nakatataas.
La Solidaridad

opisyal na pahayagan na binuo at itinatag ng mga repormista noong


ng Disyembre, 1888.
ciano Lopez-Jaena ang patnugot ng opisyal na pahayagan na La Solidaridad na pinalitan ni Marcelo
Pilar noong Disyembre 15, 1889. Hindi naging madali ang pagpapalakad ng pahayagan dahil sa dami ng isyung kinaharap ng mga reporm

in ng pahayagan ang sumusunod:


ng sa mga kinauukulan ang mga katiwalaang nagaganap sa Pilipinas
ban ang katarungan at kaunlaran
gi ng panlipunan at pampublikong mga pagbabago
aganap ang diwa ng demokrasya

Sumulat ng kani-kanilang mga lathalain ang mga repormista gamit ang


kanilang mga sagisag-panulat – Dr. Jose Rizal (Laong-Laan, at Dimasalang); Marcelo
H. del Pilar (Plaridel); Mariano Ponce (Naning, Kalipulako, at Tikbalang); Jose Maria
Panganiban (Jomapa); at Antonio Luna (Tag-ilog). Unang inilathala ang pahayagan
sa Barcelona, Spain noong ika-15 ng Pebrero 1889. Pagkalimbag ng pahayagan,
naging problema ng mga repormista ang paglalabas ng kopya nito sa kadahilanang
nakasulat ito sa wikang Kastila kung kaya’t nangangailangan ang higit na pag-iingat
sapagkat madali silang mapararatangan. Dagdag pa rito, maraming mga
mayayamang kasapi ang nag-aalala na maaaring masamsam ng mga Espanyol ang
kanilang yaman. Dahil sa kakulangan ng sapat na pondo para sa paglilimbag,
lumabas ang huling kopya nito noong ika-15 ng Disyembre 1895.

Ang Kilusang Propaganda ay hindi naging ganap na tagumpay dahil hindi


naisakatuparan ang mga layunin nito. Subalit ito naman ang nagbigay daan upang
maitatag ang Kilusang Katipunan na layuning makamit ang kalayaan sa
pamamagitan ng pakikibaka.

La Liga Filipina

Ang La Liga Filipina ay samahang itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Tondo, Maynila
noong Hulyo 3, 1892. Nag-ugat ang ideya ng samahang ito sa La Solidaridad.
Pangkalahatang layunin nito ang pagbuo ng isang bagong pangkat na hihikayat sa
mga tao na magkaroon ng tuwirang partisipasyon sa mga kilusang pangreporma.
Ang mga layunin ng samahan ay ang mga sumusunod:

1. pagkakabuklod ng buong kapuluan


upang magkaroon ng pagkakaisa
2. proteksyon ng bawat Pilipino sa
pagtatamo ng kanilang mga kagustuhan at
pangangailangan
3. kaligtasan mula sa karahasan
at kawalang-katarungan
4. pagpapasigla ng edukasyon, agrikultura
at kalakalan
5. pag-aaral at paglalapat ng mga hinihiling
na pagbabago https://www.google.com/search?q=la+liga+filipina&tbm=isch&ved=2ahUKEwiuk4S72LTpAhWTAK
YKHbVXD5gQ2cCegQIABAA&oq=la+liga+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggA
MgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIIxAnOgcIIxDqAhAnUOSGJliUpCZgxawmaAFwAHgDg
AGNAogBlRWSAQY3LjEwLjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=2-
y9Xu65AZOBmAW1r73ACQ&bih=608&biw=1366&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=vrSvUZKj

Naging banta sa mga Espanyol ang pagkakatatag ng La Liga Filipina.


Itinuring nila itong isang kilusang pangrebolusyon. Bunga nito, dinakip si Dr. Jose
Rizal at ipinakulong sa Fort Santiago at kalaunan ay ipinatapon sa Dapitan,
Zamboanga del Norte noong 1892. Nabuwag ang samahan at ang mga kasapi ay
nahati sa dalawang pangkat. Ang isa ay nagpasimula ng samahang kikilos nang
husto para sa kalayaan, sa pamumuno ni Andres Bonifacio.

Masasabing sa kabuuan, bigo ang mga kilusang itinatag ng mga Pilipino na


nagnanais ng pagbabago sa paraan ng pamamalakad sa Pilipinas ng mga Espanyol.
Bulag at bingi ang mga Espanyol sa mga mga hinaing na inihain sa kanya. Lubhang
makapangyarihan din ang mga paring Espanyol at may sagot sa lahat ng batikos at
pag-atake sa mga repormista. Subalit ipinakita ng mga makabayang Pilipino ang
kanilang pagiging matiyaga. Hindi sila tumigil para sa pagkakamit ng kanilang
layunin. Nabigo man ang mga kilusang itinatag, maraming Pilipino pa rin ang
naghahangad na magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan sa bansa at nagpamalas
ng kanilang pagmamahal sa Inang Bayan.

Katipunan ng mga Anak ng Bayan

https://www.google.com/search?q=katipunan&tbm=isch&ved=2ahUKEwik5azn2rT
https://www.google.com/search?q=katipunan&sxsrf=ALeKk02gZD8HLk6kOMGp8JSbqK8bL_H
pAhURD6YKHcODBTQQ2cCegQIABAA&oq=katipunan&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAA
8kA:1589518801686&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=AKe3Ulf6m4cSM%253A%252CeBSMoy
QQzICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAUIy2D1if4A9gjO
y4pSN8LM%252C_&vet=1&usg=AI4_kR0vkZ0lfWj81dpcw4Um82rpDjj3Q&sa=X&ved=2ahUKEw
UPaABwAHgBgAGXEogBoyeSAREwLjEuMC4xLjYtMS4wLjEuMZgBAKABAaoBC2d3c
jE7Kb8irXpAhUCE6YKHfeKBTgQ_h0wBHoECAYQDA&biw=1304&bih=574#imgrc=AKe-
y13aXotaW1n&sclient=img&ei=UO9XqT9MpGemAXDh5agAw&bih=608&biw=1366&
3Ulf6m4cSM&imgdii=pZNLJCPURrSK1M
rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=krg4RPJioW348M
Kung ang mithiin o hangarin ng mga repormista ay pagbabago para sa bansa,
kalayaan o kasarinlan naman ang nais itaguyod ng kilusang tinawag na Kataas-
taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan. Ang
lihim na kilusan na naghangad ng kalayaan sa pamamagitan ng isang rebolusyon o
paghihimagsik ay itinatag ni Andres Bonifacio noong ika-7 ng
Hulyo 1892. Kasama sina Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato
Arellano at iba pa, nagpulong sila sa isang bahay sa # 72 Kalye Azcarraga (ngayon
ay kilala bilang Claro M. Recto Avenue) sa Maynila. Layunin ng pagpupulong ang
pagbuo ng agarang hakbang upang makamit ang inaasam na kalayaan ng bansa sa
pamamagitan ng paghihimagsik.

Upang makakalap ng kasapi, ang pamamaraang ginamit ng mga Katipunero


ay ang paraang patatsulok. Sa paraang ito, ang bawat kasapi ay kukuha ng
dalawang bagong kasapi na hindi magkakilala ngunit naging mabagal ang sistemang
ito kung kaya’t binago ang paraan ng pagsapi. Bumuo ng mga pamantayan sa
pagtanggap ng kasapi. Ang isang nagnanais na maging Katipunero ay kinakailang
maisapuso nang lubos ang mga turo o aral ng Kartilya ng Katipunan na isinulat ni
Emilio Jacinto, tagapayo ng Supremo. Ito ang dahilan kung bakit tinawag si Jacinto
na Utak ng Katipunan.

Katipunero ang tawag sa mga kasapi ng lihim na kilusan. Nang dumami ang
bilang mga Katipunero, napagpasyahan ni Bonifacio na magkaroon ng antas ang
mga kasapi. Tinawag na “katipon” ang mga bagong miyembro. Kapag nakahikayat
ang mga katipon ng mga bagong kasapi, maaari na silang tawaging “kawal”. Ang
pinakamataas na antas ay tinatawag na “bayani” na hawak ng mga opisyal ng
kilusan.
Tulad ng mga Propagandista
o Repormista, ang mga Katipunero
ay
may opisyal ring pahayagan na
tinawag na Kalayaan. Mahalaga ang
papel nito sa kilusan.
Naglalaman ito ng mahahalagang
artikulo at iba pang lathalain ng mga
Katipunero. Gumamit ng mga
sagisag-panulat ang mga may akda.
Si Andres Bonifacio bilang Agapito
Bagumbayan sa kanyang akdang Pag-
ibig sa Tinubuang Lupa habang
Dimas-Ilaw naman ang kay Emilio
Jacinto sa mga akdang A La Patria,
A Mi Madre at Liwanag at Dilim.

https://www.google.com/search?q=kalayaan+newspaper+of+katipunan&tbm=isch&ved=2ahUKEwip9uOOi7XpA
hVaJaYKHS0kBPMQ2cCegQIABAA&oq=kalayaa&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyA
ggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCABQ-
uJEWMzpRGCK_kRoAHAAeACAAc4DiAGpDpIBBTMtNC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=-
CG-XqmaGtrKmAWtyJCYDw&bih=574&biw=1304#imgrc=uW29zAlW6RPl5M
KARTILYA NG KATIPUNAN
1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay
kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang
nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang
isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang katuwiran.
4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay;
mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda…; ngunit di
mahihigitan sa pagkatao.
5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may
hamak sa kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring
magbalik; ngunit ang panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.
8. Ipagtanggol mo ang naaapi, at kabakahin ang umaapi.
9. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin, at matutong
ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa’t mga anak;
kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay
kasamaan din.
11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi
isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo ng
buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang
pinagbuhata’t nag -iwi sa iyong kasanggulan.
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa
asawa, anak at kapatid ng iba.
13. Ang kamahalan ng taoý wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng
mukha, wala sa pagkaparing KAHALILI NG DIOS, wala sa mataas na
kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal ng tao, kahit laking
gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t di
nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang
tinubuan.
14. Paglaganap ng mga aral na ito at magningning na sumisikat ang araw ng
kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan, at sabuyan ng matamis niyang
liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligayang walang
katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis
nang matumbasan.
Pagkatuklas ng Katipunan

Kabilang sina Teodoro Patiño at Apolonio dela Cruz sa mga Katipunerong


nagtatrabaho sa palimbagan ng Diaro de Manila. Subalit lingid sa kaalaman ng may-
ari ng palimbagan na sila ay mga kasapi ng lihim na kilusan. Lihim na ginagamit ang
palimbagan sa paglilimbag ng mga dokumento ng Katipunan.

Subalit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Patiño at dela Cruz.


Bilang ganti, isiniwalat ni Teodoro Patiño sa kanyang kapatid na nagtatrabaho sa
bahay-ampunan ang tungkol sa Katipunan. Sinabi naman ito ng kanyang kapatid
na si Honoria sa madre portera ng ampunan na si Sor Teresa de Jesus. Pinayuhan
ng madre si Patiño na ikumpisal ang kanyang nalalaman ukol sa kilusan kay Padre
Mariano Gil, ang kura-paroko ng Tondo.

Ikinumpisal ni Patiño kay Padre Gil ang tungkol sa Katipunan. Ika-19 ng


Agosto 1896, nilusob ng mga kawal-Espanyol ang palimbagang Diario De Manila.
Natagpuan dito ang mga gamit sa paglilimbag ng mga resibo ng Katipunan, mga
larawan ni Rizal at mga balaraw ng mga Katipunerong trabahador. Sinamsam ang
mga polyeto at mahahalagang dokumento ng Katipunan. Ibinalita ito ni Pader Gil
kay Gobernador Heneral Ramon Blanco at kaagad na iniutos ng Gobernador
Heneral ang pagdakip sa mga pinaghihinalaang kasapi ng kilusan. Dahil sa
pagkakatuklas sa Katipunan, ipinatawag ni Bonifacio ang mga pinuno ng kilusan at
napagkasunduang simulan na ang rebolusyon.

Para sa mga online learners, maaaring mapanood ang aralin gamit ang link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=XAlvVAgqoDU https://www.youtube.com/watch?
v=uZJEKzvZmFo&t=41s https://www.youtube.com/watch?v=_N_OXjRV8YE&t=160s
https://www.youtube.com/watch?v=r8M3nHro2lo https://www.youtube.com/watch?
v=SRqcL0KsCr4
Pagyamanin

Gawain 2: Damdaming Makabayan - Sumibol


(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Paano nakatulong sa pagsibol ng damdaming makabayan at pagkakaisa
ng mga Pilipino ang sumusunod na pangyayari. Isulat ang sagot sa inihandang
Graphic Organizer.

Pagtatag ng Kilusang Propaganda

Pagtatag at
Paglaganap _
ng Katipunan

Gawain 3: Mga Pahayag Suriin

Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Isulat ang tsek (/) kung ang
sumusunod ay nagpapakita ng ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit
ng kalayaan at ekis (X) kung hindi.

__ _ 1. Nagkaisa ang mga Pilipino para sa isang layuning mapalaya ang bansang
Pilipinas sa mapang-api at mapang-abusong pamamalakad ng mga
Espanyol.

__ _ 2. Pumanig ang mga mayayaman at nakapag-aral na Pilipino sa


pamahalaang Espanyol upang sila ay mapabilang at maging
makapangyarihan sa bansa.

3. Nagtatag ng iba’t ibang kilusan o samahan ang mga Pilipino upang


makamit ang inaasam na pagbabago sa pananakop ng mga Espnayol.

4. Ginamit ng mga Pilipinong nakapag-aral ang kanilang kakayahan sa


pagsulat upang maiparating ang kanilang mga hinaing sa malupit na
pamamalakad at pang-aabuso ng mga Espanyol.
__ _ 5. Nanahimik ang mga Pilipinong nasa Espanya tulad nina Dr. Jose Rizal,
Graciano Lopez-Jaena at Marcelo H. del Pilar upang hindi sila madamay
sa pang-aapi ng mga Espanyol.

6. Gumamit ng mga sagisag sa panulat ang mga Pilipino sa mga lathalaing


kanilang isinulat laban sa mga Espanyol.

__ _ 7. Nabunyag ang lihim ng Katipunan kung kaya’t minarapat nina Bonifacio


na simulan na ang himagsikan.

8. Ang sistemang patatsulok ay hindi naging mabisang pamamaraan sa


pagkalap ng mga kasapi sa Katipunan.

9. Nagkanya-kanya ng adhikain at layunin ang mga Pilipino para sa


kanilang pansariling kapakanan.

10. Ang Sigaw sa Pugadlawin ang naging hudyat ng pagsisimula ng


Himagsikan laban sa mga Espanyol.
Gawain 4: Mga Bayani ng Lahi Ating Kilalanin

Panuto: Kilalanin ang mga nasa larawan. Itambal sa Hanay B ang tinutukoy
sa Hanay A. Isulat ang titik lamang.

1. A. Tinaguriang “The Pride of the


Malayan Race”

2. B. Patnugot ng La Solidaridad
at Orador ng Propaganda

3. C. Utak ng Katipunan

4. D. Supremo ng Katipunan

5. E. Pinakamahusay na Heneral ng
Himagsikan
Isaisip

 May iba’t ibang salik o pangyayaring naging daan upang umigting ang
damdaming makabayan ng mga Pilipino. Namulat ang mga Pilipino sa tunay
na kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamalakad ng mga Espanyol. Itinatag
nila ang Kilusang Propaganda at ang Katipunan.
 Ang Kilusang Propaganda ay samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino
na naglalayong isulong ang reporma o pagbabago sa pamamagitan ng
mapayapang paraan. Gumamit sila ng lapis, papel at karunungan upang
maipahatid ang kanilang karaingan sa mapang-abusong Espanyol.
 Ang La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Dito
sila naglathala ng mga artikulo upang maiparating sa pamahalaang Espanyol
ang kanilang hinahangad na pagbabago o reporma.
 Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina, ang samahang nagsulong ng
mga hakbangin ng direktang pakikilahok o partisipasyon ng mga Pilipinong
naghahangad ng pagbabago sa bansa.
 Ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o KKK ay isang lihim na samahan na naitatag noong Hulyo 7, 1892 sa
#72 Kalye Azcarraga sa Maynila. (C. M. Recto ngayon)
 Si Andres Bonifacio ang tinaguang Supremo ng Katipunan.
 Si Emilio Jacinto ang Utak ng Katipunan. Siya ang sumulat ng Kartilya
na naglalaman ng mga aral, alituntunin at kautusang dapat sundin ng mga
kasapi ng samahan.
 Maraming dahilan kung bakit hindi ganap na nagtagumpay ang mga
kilusang itinatag ng mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay ang kakulangan ng
pagkakaisa ng mga kasapi, kakulangan sa pondong pinansiyal, ang
kalagayang pampolitika ng Espanya at ang mga personal na problema ng
mga propagandista o repormista tulad ng pagkakasakit at pagkamatay ng
ilan sa kanila.
Isagawa

Gawain 5: Ishare Ko

Panuto: Pumili ng tatlong aral sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto at


ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa kung paano ito
magagamit sa pang araw-araw na buhay sa kasalukuyan.

__
__
__
__

__
__
__
__

__
__
__
__
Gawain 6: Bansa Ko, Mahal Ko

Panuto: Paano maipakikita ng isang kabataang tulad mo ang pagpapahalaga at


pagmamahal sa bansang Pilipinas? Isulat sa loob ng mga puso ang iyong sagot.

Gawain 7: Tula Alay sa Inyo

Panuto: Sumulat ng isang tula tungkol sa mga bayaning Pilipinong iyong


hinahangaan. Maaring magpatulong sa magulang o nakatatanda sa paglikha ng
tula.

__
__
__
__
__
__
__
__
__
__
__
__
__
__
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Isa sa pinakapangunahing dahilan kung kaya’t ang Kilusang


Propaganda ay hindi nagtagumpay.
A. Kakulangan ng mga lider.
B. Katamaran ng mga Pilipino.
C. Kakapusan sa katalinuhan at kahusayan sa pagsulat.
D. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagsulong ng
reporma.
2. Bakit nabunyag ang lihim ng kilusang Katipunan?
A. dahil sa kuwento ng mga nagtatag
B. dahil sa away ng dalawang kasapi
C. dahil sa artikulong nakasulat sa pahayagan
D. dahil sa liham na nakumpiska ng mga Kastila
3. Ito ay isang kilusan na binubuo ng pangkat ng mga makabayang Pilipino
na humingi ng reporma sa mapayapang paaran.
A. Propaganda C. Katipunan
C. Repormista D. La Liga Filipina
4. Opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
A. Kartilya C. La Liga Filipina
B. Kalayaan D. La Solidaridad
5. Kinikilalang Supremo ng Katipunan.
A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal
B. Marcelo H. del Pilar D. Graciano Lopez-Jaena
6. Samahang itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Tondo, Maynila na naglalayong
magkaroon ng tuwirang partisipasyon sa mga kilusang pangreporma.
A. La Solidaridad C. La Liga Filipina
C. Katipunan o KKK D. Asociacion Hispano-Filipino
7. Nagsiwalat ng lihim ng Katipunan kay Padre Mariano Gil.
A. Teodoro Patiño C. Daniel Tirona
B. Apolonio dela Cruz D. Ladislao Diwa
8. Opisyal na pahayagan ng Katipunan.
A. Kartilya C. Kalayaan
B. La Liga Filipina D. La Solidaridad
9. Patnugot ng La Solidaridad
A. Graciano Lopez-Jaena C. Jose Rizal
B. Melchora Aquino D. Andres Bonifacio
10. Utak ng Katipunan.
A. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo
B. Emilio Jacinto D. Melchora Aquino
Karagdagang Gawain

Gawain 8: Katapat Nito, Matutukoy Ko


Panuto: Piliin sa Hanay B ang sagisag sa panulat na ginamit ng mga Propagandista
at Katipunero sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

HANAY A HANAY B
1. Jose Rizal A. Taga-ilog
2. Graciano Lopez Jaena B. Agap-ito Bagumbayan
3. Antonio Luna C. Dimasalang
4. Mariano Ponce D. Ramiro Franco
__ _5. Jose Maria Panganiban E. Jomapa
6. Andres Bonifacio F. Tikbalang
__ _7. Emilio Jacinto G. Plaridel
8. Dominador Gomez H. Dimas-ilaw
9. Pio Valenzuela I. Diego Laura
10. Marcelo H. del Pilar J. Madlang Awa
K. Vibora

Sagutin ang mag sumusunod na tanong?


1. Bakit gumamit ng sagisag sa panulat ang mga repormista gayundin ang mga
Katipunero? Sa iyong palagay epektibo ba ito?

2. Kung ikaw ay gagamit ng sagisag sa panulat ano ito? Bakit ito ang napili mo?
Gawain 9: Pagpapahayag ng Aking Damdamin
Panuto: Ipahayag ang iyong damdamin at opinyon sa pamamagitan ng
pagkumpleto sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Katangi-tangi si Rizal at ang mga Propagandista sapagkat

2. Kahanga-hanga si Bonifacio at ang mga Katipunero dahil

_.

3. Ang aking damdamin sa ginawa ni Teodoro Patinio ay _


sapagkat _
.

4. Para sa akin ang pinakamabuting paraan sa paghingi ng pagbabago ay

sapagkat
.

5. Maipakikita ko ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa mga ginawa ng


mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng

_.

3. Ang mga katangian ng makabayang Pilipino na maaari kong magamit sa


kasalukuyang kalagayan ng bansa ay

sapagkat
Karagdagang Tayahin
Gawain
1. D
1. C 2. B
2. I 3. A
3. A 4. D
4. F 5. A
5. E 6. C
6. B 7. A
7. H 8. C
8. D 9. A
9. J 10.B
10.G

Gawain 1 Gawain 4 Subukin


1. Tama
Andres Bonifacio 1. / 2. Hindi nagtagumpay
Jose Rizal 2. X
Gregorio del Pilar 3. / 3. Tama
Apolinario Mabini 4. / 4. Tama
Juan Luna 5. X
Marcelo H. Del Pilar 6. / 5. Andres Bonifacio
Emilio Jacinto 7. / 6. Tama
Melchora Aquino 8. /
9. X 7. Kalayaan
Gawain 3 10. / 8. Tama
D
A 9. Teodoro Patiño
E
C 10. Tama
B
Sanggunian
Antonio, Eleonor D., et al, Kayamanan 6, Rex Bookstore, pp. 30 - 39

Baisa-Julian, Ailene, et al, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, Phoenix Publishing


House, pp. 38 – 59

Agoncillo, Teodoro A., Kasaysayan ng Bayang Pilipino, Garotech Publishing,


pp. 125-145

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonif
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4
Email Address: *

You might also like