You are on page 1of 2

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA SUPPLY

Mayroong iba't ibang salik na nakakaapekto sa supply ng isang produkto o


serbisyo.
Presyo ng Iba pang Salik ng Produksiyon
Kung mataas ang presyo ng iba pang salik tulad ng lupa, puhunan, at lakas
paggawa ay mababa and dami ng supply ng produkto sa pamilihan.
Kung mababa ang presyo ng iba pang salik ng produksiyon ay mataas ang dami ng
supply ng produkto sa pamilihan.
Presyo ng Iba pang Produkto
Kung tumaas ang presyo ng isang kaugnay na produkto, tulad ng pagtaas ng presyo
ng karneng manok kumpara sa presyo ng karneng baboy; maaaring tumaas ang
supply ng karneng manok sa pamilihan dahil mas maraming negosyante ang ma-
eengganyong ipagbili ang kanilang produkto.
Espekulasyon sa Bilihin
Kung may espekulasyon ang mga negosyante na bababa ang presyo ng kanilang
produkto, malaki ang posibilidad na itago muna nila ang kanilang produkto
hanggang sa tumaas na ang presyo nito. Sa gayon, mababawasan ang supply ng
produkto sa pamilihan.
Teknolohiya
Ang pagtaas ng supply sa pamilihan ay maaaring bunga ng paggamit ng
makabagong teknolohiya kung saan mas mabilis na nagagawa ang produkto kaysa
mano-manong paggawa.
Di-ekonomikong Salik
Ang pananalasa ng isang kalamidad ay maaaring makaapekto sa dami ng supply ng
produkto o serbisyo. Kung nagkaroon ng pagbagyo at pagbaha ay maaaring masira
ang mga pananim na palay, prutas, at gulay. Dahil dito, mababawasan ang supply
ng produkto sa pamilihan pagdating ng anihan.
Dami ng Nagtitinda
Kung marami ang nagtitinda ng isang partikular na produkto o serbisyo ay tiyak na
marami rin ang supply nito sa pamilihan. Sa kabilang banda, mababa ang supply sa
pamilihan kung kakaunti rin ang bilang ng mganagtitinda nito.
Subsidiya ng Pamahalaan
Kapag nagbigay ng subsidiya o pinansiyal na tulong ang pamahalaan sa mga
negosyante, bababa ang gastos sa produksiyon ng mga produkto o serbisyo. Bunga
nito, mas maraming produkto ang magagawa ng mga negosyante at maipagbibili sa
pamilihan.

You might also like