You are on page 1of 26

Tulad ng anumang gawain, ang pananaliksik

ay isang malaki at mabigat na responsibilidad.


May mga katangian, pagpapahalaga at
konsiderasyong dapat malaman at mabigyang
halaga ng mananaliksik.
Malaki ang papel mo bilang mananaliksik sa
paggawa ng pananaliksik. Nakasalalay sa iyo
ang kredibilidad ng iyong gagawin/ginagawa.
Dahil sa malaki ang papel mo bilang
mananaliksik, may mga inaasahang katangian
na dapat mong angkinin.
Sa pag-aaral mo sa unibersidad, ang pagiging
matiyaga, masipag, at maparaan ay nakakatulong
sa lalong ikahuhusay ng iyong pag-aaral. Ang mga
katangiang ito ay lalo mo pang kakailanganin sa
gawaing pananaliksik. Gayundin, kailangan ang
ingat, katapatan, pagiging sistematiko, mapanuri,
kritikal at responsible. Medyo mabigat ang
tungkulin ng mananaliksik, pero kaya mo ito.
Linawin pa natin.
Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa
iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa
aklatan, opisina, institusyon, tao, media,
komunidad at maging sa internet;
Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-
aaral ukol sa paksang pinag-aaralan mo; sa
pagkuha ng mga datos nang walang
itinatago/iniiwasan/ipinagkakaila nang walang
pagkilala at permiso sa kinunan; at sa
pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
Halimbawa, dapat mong banggitin na may
nagawa nang pag-aaral ukol sa iyong paksang
“Isang Pag-aaral sa Persepsyon sa Kababaihan sa
mga Nobela” ni Amado V. Hernanadez kung
kaya ang aspektong hindi pa natatalakay ang
siya mo na lang talakayin. Banggitin mo din
kung sino ang gumawa ng gayong pag-aaral
kasama ang ibang impormasyon ukol dito.
Responsable sa paggamit ng mga
nakuhang datos, sa mga tao/institusyong
pinakunan mo ng mga ito, at sa
pagsisigurong maayos at mahusay ang
mabubuong pananaliksik mula pormat
hanggang sa nilalaman at sa prosesong
pagdadaanan.
Sa kahit na anong gawain, may etikang
sinusunod upang masanay at maisaayos
ang mga gawain. Sa larong golf, bahagi
ng etika ang hindi pagtawanan, kutyain o
paringgan ang kasamang manlalaro kahit
hindi mahusay ang pagtira nito sa bola.
Sa mga miting, simposyun at iba pang
usapang panggrupo, bahagi ng etika na
patapusin muna ng sasabihin ang isang
tao bago magsalita ang iba pang gustong
magsalita.
Sa pagmamaneho, bahagi ng etika ang
pagkumpas ng kamay bilang pasasalamat
o pagkilala sa isang behikulong huminto
para magbigay-daan sa iyo.
Sa hapag-kainan, hinihingi ng mabuting
asal na hintaying matapos ang lahat bago
magligpit ng kinainan o kaya’y humingi
ng dispensa kung kailangang umalis ng
maaga kaysa sa iba.
Ang pangongopya ay pandaraya at di-
katanggap-tanggap sa pananaliksik.
Maaari din itong humantong sa mga
problemang lega. Iwasan ito para huwag
mapasok sa gulo at gusot
Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit
sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya
ng gawa ng ibang nang walang pagkilala.
Iba-iba ang anyo/uri/tindi ng pangongopya
na puwedeng ituring na plagiarism. Iba-iba
rin ang dahilan kung bakit nagaggawa ito.
Puwedeng dahil lang ito sa
kapabayaan, tipogrpikal na kamalian,
sinadyang pangongopya, o tahasang
pag-aangkin. Mahalangang malaman mo
hanggat maaga ang dapat mong iwasan.
Siguro, sasabihin mong hindi ito kapani-
paniwala. Pero totoong nangyayari ang
ganito. Sa UP mismo ay marami nang kaso
ang napapabalita.
Halimbawa, isang estudyanteng freshman
ang nagsabmit sa propesor ng kanyang papel
na gawa ng iba at pinalitan lang niya ang
pangalan nito ng kanyang pangalan. Grabeng
trabaho ito. Tunay itong pandaraya. Ito ang
dahilan ng pagpapatalsik sa kanya sa
Unibersidad.
At kahit may permiso pa ang sumulat ay
matatawag pa rin itong plagiarism lalo na
kung mapapatunayang hindi talaga kanya
ito.
May estudyante ding pinalitan lang ang
ilang salita ng ibang katumbas na salita sa
artikulong kinopya sa magasin, tapos ay
isinabmit sa propesor bilang kanyang
artikulo. Pag-aangkin ito ng gawa ng iba.
Mabigat din ang kaparusahan dito.
Minsan naman (at talagang nangyari rin
ito), isang estudyante ang nanghiram ng
iskrip sa isang istasyong pantelebisyon. Ang
paalam niya ay gagamitin ito sa klase. Ang
kaso, gumawa siya ng sariling kopya at
pinalitan niya ng pangalan niya ang awtor ng
iskrip (ang awtor ay ang mismong istasyon).
Isinabmit niya ito sa guro.
Nahalata ito ng guro at pinatalsik ang
estudyante sa Unibersidad
Kung minsan, posibleng nakakaligtaan mo
ang pagkilala sa awtor. Maaaring hindi mo
ito sinasadya. Pero sa panananaliksik,
kailangan ang pag-iingat. May mga paraan
ang la ng tala. Puwede itong gawing buod o
presi, halaw, atbp.
Pero kahit binago ang ayos ng pangungusap,
halimbawa, o kaya’y binuod, hindi pa rin ito
sa iyo kaya dapat lang na kilalanin mo ang
pinagkunan mo.
Ang pamagat ng anumang akda ay isang
patent o copyright na maaaring angkinin ng
nakaisip nito.Kung sakaling gustung-gusto mo
ang isang pamagat, pero alam mong mayroon
nang gayong pamagat, pigilin mo na ang sarili
mo.Marami ka pa naming mapipili.
Halimbawa kung gustong-gusto mo, at sa
palagay mo ay bagay na bagay ang pamagat na
“Dekolonisasyon ng Pag-iisip” sa sinulat mong
artikulo, maghanap ka na ng iba pa dahil gasgas
na itong masyado.Sa totoo lang, tatlong
artikulo/pag-aaral na ang gumamit/naunang
gumamit sa gayong pamagat.
Ewan lang kung alam ng mga sumulat nito na
may gamamit/naunang gumamit sa kanilang
pamagat. Responsibilidad ng mananaliksik na
alamin kung may gayon nang pamagat na
nagamit. Mga pangkalahatang anyo lang ito ng
plagiarism.

You might also like