You are on page 1of 1

ACTIVITY SHEETS

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Quarter 2: Week 3

Pangalan: ________________________

Pagkilala sa Magaling at Matagumpay na Pilipino

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa loob ng kahon ang mga natatanging Pilipino na
inilalarawan sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a. Isko Moreno e. Tandang Sora i. Jesse Robredo


b. Lea Salonga f. Jericho Rosales j. Manny Pacquiao
c. Dr. Jose Rizal g. Regine Velasquez h. Hidilyn Diaz
d. Efren Peñaflorida h. Carlos Yulo

_____1. Nagsimula ng “Kariton Klasrum” kung saan tinuturuan nila ang mga batang
mahihirap sa daan. Dahil dito ay tinanghal siyang 2009 CNN Hero of the Year.
_____2. Sa kabila ng kaniyang katandaan ay pinakain at kinupkop niya ang mga
Katipunero noong panahon ng pananakop ng Kastila.
_____3. Dating tagakolekta ng basura ngunit dahil sa pagsisikap ay naging Punong
Lungsod ng Maynila.
_____4. Dahil sa determinasyon, siya ang kauna-unahang Pilipinang mang-aawit na
nakilala sa buong mundo at nag-uwi ng maraming parangal sa bansa.
_____5. Bunga ng kaniyang ilang taong pagsasanay, naiuwi niya ang kauna-unahang
gintong medalya ng Pilipinas sa Gymanstics World Championships.
_____6. Isa sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan. Inimulat niya ang kamalayan ng
mga Pilipino mula sa pang-aabuso ng mga Kastila gamit ang papel at panulat.
_____7. Dating naglilinis ng isda at ngayo’y isa na siyang sikat na artista at may-ari ng
isang matagumpay na negosyo sa bansa.
_____8. Boses at pangarap ang puhunan, siya ay tinaguriang Asia’s Songbird at isa sa
mga pinakakilala at hinahanggaang personalidad sa kasalukuyan.
_____9. Dahil sa kaniyang natatanging galing at pagsisikap, siya ay nakilala bilang World
Boxing Champion.
_____10. Isang huwarang pulitiko na naging inspirasyon ng maraming kabataan. Siya ay
dating Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG).

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Iguhit ang tsek ( / ) kung ang pahayag ay karapat-dapat
pahalagahan at ekis ( X ) naman kung hindi.

_____1. Si Nora Aunor ay dating nagtitinda lamang ng tubig sa may riles ng tren. Sa
kaniyang pagtitiyaga ay naging matagumpay at sikat na aktres.
_____2. Si Ninoy Aquino na nagbuwis ng buhay at matapang na nanindigan sa kaniyang
prinsipyo na ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pamahalaang
diktatoryal.
_____3. Si Jiro Manio na dating sikat na artista ngunit napariwara ang kaniyang buhay
at nakulong.
_____4. Si Rolando Navarette ay isang sikat na boksingero subalit nalulong siya sa
masamang bisyo at tuluyang nalugmok ang kaniyang buhay.
_____5. Si Gabriela Silang na namuno ng rebolusyon matapos mapatay ang asawang si
Diego Silang.

File Layout by DepEd Click

You might also like